Chereads / The Girl With Secret Cry (Tagalog) / Chapter 8 - Chapter 7 - Childhood Dream

Chapter 8 - Chapter 7 - Childhood Dream

(Jaycee's PoV)

"Oo, ako 'to. Si Jayjay," Tuwang tuwa kong balita sa kaniya.

Hindi ko maiwasang ipakita ang sayang nararamdaman ko dahil nakita ko ulit ang kaisa-isang taong napa-mahal sa 'kin nung bata ako. Siya lang ang taong naka-appreciate sa mga kaya kong gawin noon. Kaya gustong-gusto ko siyang tinutulungan at ipinagtatanggol dati. Sa kaniya, ramdam kong may silbi ako, taliwas sa madalas sinasabi ng Nanay ko na wala akong silbi.

Mula nang magpunta kami sa ibang bansa ng Nanay ko, ipinangako ko sa sarili kong  pagbalik ko sa Pinas, si Grasya ang isa sa mga uunahin kong hanapin. Ngunit hindi ko na pala kailangang gawin 'yun dahil mismong tadhana na ang gumawa ng paraan.

Napamasid ako sa kaniya upang matignan kung sino ang mas matangkad sa 'min. Mabuti na lang at mas matangkad pa rin ako. Siyempre mas gusto kong mag matangkad ako sa kaniya. Tantiya ko, nasa 5'6" siya. Bakit ko nga ba kasi iniisip 'to. Hindi dapat 'to iniisip ng isang kaibigan.

Slim figure siya, sakto lang ang puti niya. Makinis at maamo ang kaniyang mukha na hindi nakakasawang titigan o sulyapan.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang nakatingin sa kaniya.

Kung meron man akong palatandaan na si Grasya nga ang nasa harap ko, 'yun ay ang oval-shaped face niya at ang mga mata niyang may mahahabang pilik-mata.

Naalala ko tuloy kung pa'no ko punasan noon ang mga luha niya kaya alam na alam ko ang mga tingin niya.

"O-okay ka lang?"

Napa-balik ako sa 'king diwa nang bigla niya akong tanungin.

"H-huh? Uhmmm...o-oo naman!"

Ikinurba ko ang bibig ko para sa isang ngiti. Hindi ko na napigilan, hinakbang ko ang aking paa at niyakap siya. Hindi ko mapigilang mapa-pikit habang dinadama ang mga panahong bata pa kami at kami ang laging magkasama.

"Na-miss kita, Grasya!" Hindi ko napigilang sambit.

"Jayjay! S-salamat at...at nakita ulit kita."

Patuloy pa rin ako sa pagyakap sa kaniya. Pakiramdam ko'y bumalik ako sa pagka-bata.

"K-kumusta ka?" Tanong niya sa 'kin.

Kumawala ako sa aming pagkakayakap upang sagutin ang tanong niya.

"I'm good."

Tinignan ko siya sa kaniyang mga mata at masaya kong ibinalita ang isang bagay na alam kong ikatutuwa niya dahil pangarap niya ito dati para sa 'kin.

"Isa na akong abogado ngayon," Pagmamalaki ko na parang bata.

Nung mga bata pa kami, madalas kong nasasabi sa kaniyang gusto kong maging lawyer para ma-kasuhan ko lahat nang nang-aaway sa kaniya. Nung magpaalam ako sa kaniya para sa pag-alis namin ni Mama, pinilit pa niya akong mangako na kahit ano'ng mangyari,  magiging isa akomg lawyer.

"A-abogado?"

Tila nabigla siya sa sinabi ko kaya medyo natahimik ako. Hindi 'yan ang inaasahan kong reaksyon niya.

Ngunit napa-ngiti ako. Siguro nga'y nakalimutan na niya. Matagal na panahon na rin kasi. Siguro kailangan ko lang ipaalala.

"Oo. Naalala mo ba nung mga bata pa tayo? Madalas kong sinasabing gusto kong maging abogado? Pinag-promise mo pa nga ako nun na kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat para maging abogado ako."

"Ah..o-oo nga pala. M-mabuti naman at natupad mo ang p-pangarap mo," naka-ngiti niyang sagot.

Mayamaya pa'y pansin kong napa-tingin siya sa hawak niyang bulaklak.

"Pasensiya ka na kung muntik ko nang masira 'yang mga bulaklak!"

"Buti na lang nasalo mo. H-hindi kasi talaga 'to pwedeng masira," Pag-aalala niya.

Mukhang masyadong importante sa kaniya ang mga bulaklak na 'yan. Siguro isang mahalagang tao sa buhay niya ang nagbigay nito.

Hindi ko maipaliwanag pero parang bumaba ang enerhiya ko sa aking naisip.

I smiled. But I felt guilt when I realised I was just forcing it.

"So mahilig ka sa flowe---"

Hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil biglang tumunog ang aking cellphone. Tumatawag si Jia.

"Excuse me lang!" Sambit ko at sinagot ko ang tawag.

Napatalikod ako ng konti at pabulong akong nakipag-usap.

"Hello?"

"Hello, asan ka na?" Inip na sambit ni Jia.

"Uhmmm, may kinausap lang akong importanteng," napisilip ako kay Grasya.

"Kaibigan," Pabulong kong sagot.

"Mas mahalaga pa ba 'yan kesa sa pinsan mo?"

Hindi ako umimik.

"Kanina pa kami naghihintay dito. Wala kang dapat ibang mahalagang iniisip ngayon kundi ang pinsan mo! Siya lang."

Hindi ko nagustuhan ang pagkakasabi niya.

"I know!" Mariin kong sagot.

Alam ko namang mahalaga ang tungkol kay Echo kahit walang magsabi sa 'king mahalaga ito.

Hindi siya agad nakapagsalita sa sinabi ko.

"I-I'm sorry," bigla niyang bawi at kumalma ang  boses niya.

Hindi ako umimik.

"Sobrang nag-aalala lang kasi ako na baka hindi ka na naman namin mahintay at ma-frustrate na naman siya kagaya ng naramdaman niya nung hindi tinupad ng Graciellang 'yun 'yung pangako niyang susunod siya para tulungan siya."

"I understand," malumanay ko ring sagot.

"Please tulungan mong makalaya si Echo," pakiusap niya.

Ramdam kong naiiyak si Jia sa tono ng pananalita niya.

Sincerely, I told her what she needs to hear.

"I'm not like that girl you're talking about. I will arrive no matter what happens. Whatever it takes, I will reveal the truth. That's an oath."

"Salamat Jaycee. Ikaw lang ang maaasahan namin ngayon."

"Just wait for me..."

Napasulyap ako sa 'king relo.

"I'll be there in 10 minutes."

Napatingin ako kay Grasya. Hindi ko maiwasang malungkot dahil kailangan ko muna siyang iwan kahit ayoko sanang palampasin ang pagkakataong ito kasama siya.

"Uhmmm, Grasya," pagsisimula ko.

Napansin kong napa-sulyap siya sa kaniyang relo bago niya ako nilingon.

"May mahalaga kasi akong kikitain ngayon eh."

Nginitian niya ako.

"Walang problema, naiintindihan ko."

Tumango-tango ako. Kung bakita ba naman kasi nagkita na nga kami, sa sitwasyon pang nagmamadali ako.

"Gaya mo, may kailangan din akong puntahan," sambit niya.

"Ah ganoon ba? Sakto rin pala."

Muli ko siyang pinagmasdan.

"It's so good to see you," Masaya kong sambit.

Nagkatinginan kami at tila hinihintay namin kung sino ang mauunang tatalikod.

Muli siyang ngumiti. Ang mga ngiting napaka-inosente na katulad nung mga bata pa kami at nakaka-gaan ng loob.

Mayamaya pa'y nauna na siyang tumalikod kaya't tumalikod na rin ako. Ngunit bigla akong may naalala kaya muli akong napaharap sa kaniya.

"Grasya, sandali!"

Napatigil siya at napalingon sa 'kin.

"P-pwede ko bang kunin ang cellphone number mo?"

"Sure!"

Ibinigay niya ito.

"Tatawagan o iti-text na lang kita," sambit ko.

"Sige," natutuwa niyang sagot ngunit pansin ko ang muling pagbawi niya nito.

"Uhmmm..H-hihintayin kita Jayjay."

Sabay naming tinalikuran ang isa't isa at tuluyan na rin akong naglakad paalis. Napa-snap pa ako ng aking daliri habang naglalakad.