(Jaycee's PoV)
Inilabas ni Jia ang kaniyang cellphone at nagsimula niyang i-recite ang number.
Habang tina-type ko ang numerong sinasabi niya, nag-a-appear sa suggestion ang naka-save na number ni Grasya. Bigla ko tuloy naalala ang pagkikita namin kanina at hindi ko maiwasang mapa-ngiti nang palihim.
Sa patuloy kong pag-type ng kaniyang number, I noticed, Grasya and Graciella's number have similarities. Even with the last 4th digit.
Sa patuloy na pagsambit ni Jia sa number ni Graciella hanggang sa 2nd to the last digit, napansin kong pareho pa rin sila ng numero ni Grasya. Dito unti-unting napawi ang tuwa ko.
Nang masambit ni Jia ang huling numero ni Graciella, natigilan ako. Pakiramdam ko'y nag-init ang buong katawan ko.
"N-number ni Graciella 'to!?"
"Oo!"
"Can we check it once again?"
I recited the number.
"Tama," pagkumpirma ni Jia.
Hindi ako nakaimik.
"May problema ba?" Tanong ni Echo.
"Uhmm," Muli akong napalunok.
"You look uncomfortable," Jia said frankly.
"Sa itsura mo, parang nagdadalawang isip ka nang tulungan ako pinsan," dagdag pa ni Echo.
"No, no, i-it's not that!" I defended.
Tinignan ko si Jia.
"Do you have a picture of her?" I asked.
Myself don't wanna believe that the girl I will be chasing is the same girl I used to be protecting back when I was a kid.
"Sige, I'll check her facebook account."
May mga clinick siya sa phone niya. Maya-maya'y ipinakita niya sa 'kin ang picture ni Graciella, naka-ngiti at may kasamang bata.
Nag-flashback sa 'kin ang itsura ni Grasya na kakakita ko lang kanina.
"S-si Graciella 'to?"
"Oo."
Pakiramdam ko'y biglang may dumagan sa puso ko.
Muli akong napalunok.
"Uhmmm..."
Pansin ko ang mga tingin nilang sinusubukang intindihin ang reaksyon ko.
"I will work this out. I...I just need to excuse myself---"
"I understand your eagerness to help your cousin. That's why you wanna excuse yourself," sambit ni Jia confidently.
I took it as an opportunity to exit.
Dumiretso ako sa aking kotse. As soon as I get close to it, napakapit ako sa edge ng roof ng sasakyan while trying to sink in what I just found out.
Napa-lunok ako at itinakip ko ang aking kamay sa bibig ko na tila hinihintay na mahimasmasan ako.
No, no! This shouldn't be. It is just a mistake. Yeah! It's a mistaken identity. Maybe, maybe they're just look alike. That Graciella girl is not Grasya. Hindi siya dapat maging si Grasya. My childhood friend is not like that.
Hinugot ko ang cellphone ko.
Okay! I said trying to calm myself.
I need to know if it's really her.
I dialled her number.
Napa-lunok pa ako habang hinihintay na sagutin niya ang aking tawag.
It's ringing!
Pero hindi niya sinasagot ang tawag.
Napa-tingin ako sa aking cellphone at muli ko itong tinawagan.
It's once again ringing but still no answer.
Sinubukan ko ulit tawagan pero wala pa ring sumasagot.
Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko napapatunayan na si Grasya at Graciella ay iisa.
Napa-sandal ako sa aking sasakyan habang nag-iisip ng paraan kung paano ko siya makakausap. Kailangan kong malaman kung nasa'n siya.
I once again tried to think of a way.
Alam ko na! Sana gumana.
I checked her saved number at sinubukang i-navigate kung nasaan siya. Sana naka-smartphone siya. Sana bukas ang GPS ng phone niya.
Nabuhayan ang loob ko nang ma-trace ko ang kinaroroonan niya.
Agad akong sumakay sa kotse para puntahan siya.
She's somewhere beside the road. Medyo malapit lang siya dito.
I set the navigator of my phone para masundan ang kinaroroonan niya. Medyo hindi ko pa kasi kabisado ang daan dahil matagal rin akong hindi naka-apak sa Pinas. Nung bata naman ako, sa probinsiya kami nakatira kaya hindi talaga ako pamilyar sa siyudad. Good thing, advance na ang technology.
Ilang minuto ang nakalipas, sa di kalayuan, nakita ko siyang naka-tayo sa gilid ng kalsada. Hindi naman highway na maraming sasakyan and as I can see, marami ang naka-parada ring sasakyan kaya ipinagilid ko na lang rin ito.
I took a deep breath.
Binuksan ko ang pinto habang naka-pako ang tingin ko sa kaniya ngunit natigilan ako nang may tumapat na puting kotse sa kaniya.
Isang lalaki ang lumabas mula rito at nakasuot ng formal suit.
Nakita ko ang pagngiti ni Grasya sa lalaki ganoon din ang lalaki sa kaniya.
Nakita ko na may sinabi ang lalaki sa kaniya at tumango naman si Grasya.
He directed her on the passenger's seat. Siya pa ang nagbukas at nagsara ng pinto para kay Grasya.
Wala akong nagawa kundi panoorin sila sa pag-alis.
But I can't stop it here. Nagdesisyon akong sundan sila.
I start to feel sad. I don't know but that's what I feel right now. It gives me eagerness to follow them more and find out the score between them. Kailangan ko ring ipagpatuloy ang dapat kong gawin para sa pagiging abogado ko kay Echo.
Ilang minuto rin ang nakalipas. Nagpark ang sinasakyan nina Grasya sa isang mamahaling restaurant.
Muling pinagbuksan ng lalaki si Grasya at pumasok sila sa loob. Pa-simple ko silang sinundan.
May kinausap sila sa may desk sa pinto. Nakita kong may chineck ang kausap nila sa logbook at tuluyan silang pinapasok. The restaurant's building is made up of glass so if I will stalk them, I could see them easily.
Lumapit ako sa may pinto.
"Good day sir!" Bati ng babae roon.
Tila humarang sa 'kin ang guard kaya napatingin ako sa kaniya.
"Do you have an appointment here sir or reservation?"
Napa-tingin ako sa babaeng nagsalita, ang taga-check sa mga guests na pumapasok.
Pa-simple akong napa-silip sa loob bago nilingon si Miss na nagsalita. Nahagip ng aking mata si Grasya at ang lalaking kasama niya. They seem to have an appointment with someone.
"Sir," sambit ni Miss na receptionist kaya napalingon ako sa kaniya.
"Uhmm..sorry, what is it again?" Tanong ko.
"We only allow guests here with reservations or appointments. So may I please know sir your business here?"
"Uhmmm..do you have guest here named Graciella. May kasama siyang lalaking matangkad. The guy is wearing eyeglasses," I asked to know if the girl is really Graciella.
"May I please know how are you related to her sir?"
"I'll be meeting her today for business."
"Sila po ba?" Tanong ni Miss habang itinuturo ang direksyon nila.
"Ah yeah! It's them."
Ngayon, nakikita ko na ang isa pang kasama niya sa table bukod sa sumundo sa kaniya kanina. He's an old man in suit. Maybe he's in his early 50. They seem to be enjoying each other's company. I can also observe how Graciella smiles whenever she stares at the guy who fetched her.
"But sir, only three of them has been reserved for the table."
"Really!?" Kunwari'y hindi ako aware.
Muli akong napa-sulyap sa direksyon nina Graciella.
"Can you double check?" Sambit ko nang muli akong mapalingon sa receptionist.
"May I please know your name sir?"
"I'm..."
Napaisip ako.
"Ace!"
Pa-simple akong napa-kamot sa biglang pangalang biglang lumabas sa bibig ko. 'Yan na lang pumasok sa isip ko na malapit sa Jaycee eh!
"Wala po talaga sir. Only Miss Graciella Faith Samonte, Mr. Red Montero, and Mr. Stanley Montero are registered."
"Stanley Montero?"
"Yes sir!"
Muli akong lumingon sa matandang naroon at kita ko kung paano siya nag-e-enjoy sa table.
Biglang bumigat ang loob ko at naalala ko si Echo. Humanda 'yang matandang 'yan. Sisiguruhin kong ito na ang huling pagkakataong masaya siyang kumakain dahil sa susunod, kasama na niya ang ibang presong pumipili para sa pagkain!
Naglakad ako palayo habang pinag-iisipang mabuti ang mga na-duskubre ko.