"MUMMA!!! MUMMA!!!"
Naikinagulantang ng naglalakad na dalagang, walang iba kung hindi si Dunnella at ng may biglang humawak sa kanyang kamay na isang maliit na kamay. Isang batang kasing ganda ng kerubin na may itiman at kulot na buhok, mapuputing kulay ng balat at mga malalaki at bilugang mga matang kulay bughaw, labing mapulang nakanguso habang itinataas ang mga matatabang daliri ng kamay bukas-sarang nakatingala sa kanya parang nagpapakarga.
Bakit kaya siya tinawag nitong mama naisip-isip ng dalaga, alangang may ibang taong tinatawag at nasan ang mga magulang nito. Lumuhod siya sa harapan ng paslit at hinaplos ang matambok na pisngi nito, habang titig na titig naman ang bata sa kanya.
"Aba sino kang pagkaganda gandang bata na biglang tatawag ng mama sa akin? Wag mo akong angkinin at baka lalong wala nang magkagusto sakin niyan dahil akala nila ay dalagang Ina na ako, bida na naman ang beauty ko sa tumpukan ng mga stismosa sa kanto."
Nagbibirong lambing nyang haplos sa ulo ng paslit.
"Mumma up!"
Naka labi pa ring ibinubukas-sara ang mga maliliit at matatabang daliri habang naka taas ang mga kamay nito sa kanya.
"Hmmm, imported ka na, me twang ka pa talaga ha . . . type!! . . . What is your name darling and where's your mama?"
Natutuwang pabakla nyang tanong sa paslit na may pinakamagandang matang nakita niya, parang nagbabago ng kulay sa silver to blue depende sa tama ng liwanag sa mga mata nito. Nakangiting sumagot ito at sabay yakap ng ubod lambing sa leeg nya.
"I'm Briana and you're my momma."
"Ako?" Gulat din naman nyang bulalas
"Nagpapatawa 'to di naman kalbo ... I am not your mama darling. Di pa ako nagkakaanak sa tanang buhay ko, sus naman ipilit ba talaga!"
Sabi nyang prostrated na rin habang nagpapalinga-linga sa paligid at hinahanap ang kasama ng bata.
"Waaaaaaaaa!!! You're my mumma.!" Bulahaw nito, habang nagpapadyak.
"Up Mumma, up!"
Dahil sa mga luha lalong naging darkblue na parang dagat, ang mga mata ng bata habang umiiyak isip-isip nya. Natatarantang kinarga na lang niya ang bata at pinupog ng halik ang mapipintog nitong pisngi.
"Darling, I'm not your mama, but I could be a friend and a mama for now. Tell me sweetheart where do you live and I'll take you to your real mama."
Habang karga't pinupunasan ang luhang pumapatak sa mga mata nito.
"Nakuuuu...., kung iuwi na lang kaya kita. Malamang di lang ako makakasuhan ng kidnapping, mapatay pa ako ng magulang mo. Iuuwi talaga kitang bata ka sa amin pagdi ako makapagpigil. Sana nga ako na ang naging mama mo. Tiyak matutuwa ang mamang sa iyo. Pagsinusuwerte ka nga naman makakapulot ka ng blue eyed baby."
Nanggigigil napinaghahalikan nya ulit ang batang mukhang kerubin na tumawa ng parang nakikiliti
"Lukaret ka matapus mag iiyak at natawa naman, sus! Pagdi pa talaga ako mabaliw sayo, san na ba kase ang magulang mong bata ka.?"
Natatawang litanya sabay yakap nya sa paslit. Nang may magsalitang magandang boses ng lalake sa likod nya, na parang naka hinga ng maluwag.
"Briana, thank God I found you!" sabi ng may British accent sa likod nya.
"Sawakas me dumating ding anghel na sasagip sa akin sa makulit na kerubing ito! Hmmm."
Nanggigigil na pinaghahalikan ulit ng dalaga ang bata
"Sorry lass if she thought you are her mother. She does that often on every lady she meets and thought every lady with curly black hair is her mother, like yours. Young lady, say thank you to the kind woman and were going to have a serous talk when we got home. Again thank you missie, she got out without anyone knowing at home."
Mahabang paliwanag ng Briton nakanyang nilingon na nakapagpatulala sa kanya, dahil isang aparisyon ni Christopher Reeves in blonde hair nga lang ang nakikita nya
"Superman!?"
Natawa ang tinawag na superman.
"No, I'm not superman but I'm Brian the father of that little hellion you've been talking too."
Lalong napanganga si Dunne, magaganda at mapuputing mga ngipin ni superman ang nakikita nya.
"Dyos ko po pinababa mo na ba ang lahat ng mga anghel dito sa lupa para kunin ako? Ay type!"
At lalong ikinatawa ng kaharap nya
"Now calm yourself lass, we are not the angels and superman but can I have this darling little angel?"
Sabay lahad ng kanyang mga kamay sa batang karga nya.
"No Poppa! She is Mumma. She kissed like mumma do, have red brown eyes too and looks like Mumma."
Protestang sagot ng bata habang nakangusong sumama sa ama nito ng abutin sa dalaga.
"Now if she's mum I should've known sweetheart, because mumma always kisses me first before you, Love."
Habang nakangiting tinitignan ang magandang babae na nakanganga pa rin ang bibig at namimilog ang mga matang nakatitig lang sa kanilang mag-ama.
"Now say your thank yous and bye bye to the nice lady, Briana. Come to think of it, she do looks like Mumma but she isn't sweetheart." Titig na titig ang lalake sa kanya.
"Thank you again young lady. Sorry if my daugther and I cause you any inconvenience or whatever."
"Waaaaaaaaaaaaaaa. Poppa, I want Mumma with us."
Yakap nito sa ama, parang nagmamakaawa.
"Mum. Missed you so"
Hiyaw ng paslit sa kanya nakatingin habang naghahalo ang iyak at sipon.
"Sssh, huss now my love, Mumma is not with us anymore. She's with Jesus so hush now my darling stop crying."
Alo naman nito sa anak, habang naglalakad palayo sa kanya ang mag-ama at sya ay nakatulala pa rin. Isang malakas na pagbulahaw ulit ng paslit ang nakapagpabalik sa kanya, naaawang napatitig na lang sa mag-ama si Dunne.
"Bye"
Bulong nya habang inihahahatid ng tanaw ang mag-ama, hangang mawala ang mga ito sa paningin niya at saka pa lang sya tumalikod patungo sa kanilang bahay.