Chereads / The Girl With My Wife's Face / Chapter 2 - Kerubin (2)

Chapter 2 - Kerubin (2)

"Mamang, I'm home! Aling Upeng asan po kayo?"

Patakbong sigaw nya ng makapasok ng gate sa maluwag nilang bakuran. Napapalibutan ito ng mga matataas na punong kahoy ng ipil-ipil at ang iba'y kadalasang mga namumunga ng prutas. Dito sya isinilang at tumanda kaya kahit pinipilit sya ng mga magulang na mag asawa na at pumili ng blue eyed foreigner daw, na laging biro ng ina sa kanya, di nya pa rin ginagawa.

Masaya ang buhay dalaga nya at kuntento pa sya ngayon sa pagbubuhay dalaga, pero naramdamam niya ang pananabik sa isang anak ng tawagin sya kanina ng paslit na mama. Sabik din ang mga magulang sa apo dahil ang mga anak ng kuya nya, ang nag iisa nyang kapatid ay nasa probinsya ng asawa nito, dahil doon ang mga ito nakatira.

"Ano ka ba naman, Dunne at asa gate ka pa lang ata ay parang serena na ang boses mo, nagsisigaw ka baka magreklamo na naman ang mga kapitbahay sa lakas ng sigaw mo."

Sitang sagot sa kanya nito habang pasalubong sa kanya galing kumidor.

"Kamusta ang mga estudyante mong makukulit?" ipinupunas pa nito ang mga kamay sa nakasuot na apron

"Anak, antayin na lang natin ang Dade maghapunan ha at parating na rin naman yun, gutom ka na ba?"

Mahabang litanya ng kanyang ina habang inaabot nya ang kamay nito para mag mano.

"Hindi pa naman po ako nagugutom, magbibihis lang po ako at gagawa muna ng lesson plan para bukas. Tawagin nyo na lang po ako pag dumating na ang Dade."

Sabi niya sa ina sabay mano.

"Sige na anak magpalit ka na muna ng damit at pagpahingahin ang mga mata mo bago ang lesson plan, saglit lang nating antayin ang ama mo."

"Opo"

Sagot naman nya habang naakyat na ng hagdan papunta sa sariling kwarto.

Hindi na nakapagpalit ng damit na humiga ng kama at nakatulog na pala ng di namamalayan ng dalaga.

Nagising na lang sya sa yugyog ng ama.

"Dunne, anak. Pinabababa na tayo ng Mamang at kakain na raw."

Ungol lang ang isinagot nya sa ama, at pagganun na ang sagot nya ibig sabihin nun matutulog sya ng di kakain pagdi sya bubuhatin ng ama pababa sa hapag.

Ugali na nilang lahat ang ganung paglalambing sa ama kaya madalas arte na lng para mabuhat pa rin sila kahit matatanda na silang magkapatid at ng ina.

"Sus at nagpakarga pa sa ama, kita nang galing sa trabaho at pagod din binuhat naman."

Naka ngiting panunukso ng ina sa kanilang mag-ama habang hinahagod ang likod ng daddy nya.

"Hala mag si kain na tayo at ng maituloy ang pagtulog."

At sya naman ay nagtungo sa lababo pagka lapag ng ama sa kanya sa komedor, nagmumog at naghugas ng kamay, pumuwesto sya ng upo sa tapat ng ina na nagkwento ng nangyari sa kanya buong araw habang sila ay nasa kani-kanilang trabaho.

Nakikinig lang sya habang nakain sa kwento ng ina hangang sa maalalang ikuwento na rin sa mga magulang ang tungkol sa mag-amang na engwentro.

"Alam nyo Dade, Mang kanina nakakita ako ng mga anghel habang pauwi ako dito."

Natatawang kwento nya sa mga magulang na nakikinig sa kanya.

"Anak gising ka na ba at mukhang nananaginip ka pa ata a"

Sagot ng kanyang ama habang sumusubo ng sugpo at humarap sa esposa.

"Mang masarap ang pagkakagata mo sa hipon."

Puri ng kanyang ama sa ina sabay halik sa mga labi nito.

"Hindi Dade, talaga biruin mo tinawag ba naman akong mama noong kerubin at nagpabuhat pa. Buti na lng di ako sinabihan ng tatay nya na kidnapper, at blue eyed pareho Mamang! Image that"

Excited na kwento nya habang na nguya

"Ang apo mo Mamang gumagala sa kalye me dalang amang puti, mga foreinger ini, Mamang"

Sabay tawa kahit may laman pa ang bibig na kwento nito.

"Hay naku, di naman sa iyo e, wala rin. If it's really yours, blue eyes din anak ha."

Sakay na biro ng kanyang ina at nagkatawan na lang silang mga nasa hapag habang tinatapus ang pagkain. Matapus silang maghapunan hinugasan nya ang mga pinagkanan nila habang ang mga magulang naman nya ay ipinagpatuloy ang pagkukuwentuhan sa sala habang nanunood ng late news. Pagkatapus ng mga hugasin at derecho balik na lang sya sa kwarto at gumawa ng nakatulugang lesson plan para bukas. Inabot din ng madaling araw ang ginawa nyang lesson plan ng maisipang nyang iidlip ang natitirang oras bago tumilaok ang manok ng kapitbahay.

Ala-sais ng umaga ang school flag ceremony. Di bale dalawang linggo na lang at summer vacation na, isip-isip nya habang ipinipikit ang mga mata. Hindi sya tumangap ng schedule para magturo ngayong summer, naisip na lang nyang maghanap ng itututor para di sya masyadong matali ng buong bakasyon sa school.

"Dade una na po ako sa iyo at dadaanan ko pa ang parents ng estudyante ko sa bahay nila sa kabilang village, kailangan kong makausap ang parent nya bago pumasok yun ng office. Sari-saring excuses ang baon ng estudyante na yun para di makausap ang parent nya. Ingat po sa pagpasok sa office at wag na pong mag TGIF."

Paalam ng dalagang nakangiting binibiro ang ama, pagkatapos ng agahan sabay halik sa pisngi ng amang paalam nya.

"Sige anak, ikaw rin mag-iingat at enjoy sa klase. Wag masyadong pairalin ang init ng ulo sa mga bata."

Nagtatawang paalala naman nito sa kanya, dahil sa ang mga tinuturuan nyang mga bata ay mga nasa four to six years old lamang ang edad.

"Ingat anak" bilin naman ng ina habang nagtitimpla ng kape para sa ama.

"Opo, kayo rin po at enjoy sa pagdidilig ng halaman. Gusto ko po ng sinigang sa hapunan, Mang."

Sabay halik, na bilin nya sa ina.