Sabado ng umaga pagka alis pa lang ng ama ni Dunne para pumasok sa trabaho, kinuha n'ya ang walis ting-ting.
Ito ang unang araw ng summer vacation para sa kanya. Kaya naman naisipan nyang magwalis-walis ng mga tuyong dahon sa may malawak na bakuran nila, si Dunne habang ang ina naman ay nagluluto ng pagkain para sa kanilang early lunch, ng may biglang magsisigaw sa malapit sa tabi nya.
"MUMMA! MUMMA!"
Napatuwid sya ng tayo, kilalang-kilala na n'ya ang maliit at matinis na boses na yun, at kahit paano namiss rin pala n'yang madinig sa tagal ding hindi pagkakadinig.
"Ikaw na namang bata ka! Asan ang tatay mo at nakawala ka na naman ata sa mga magagandang mata n'ya?"
May ngiti sa labi at mga mata nya na naka-pamewang nyang nilingong sagot ang nagsalitang bata na may yakap-yakap na teddy bear sa kanang kamay habang nakatayo sa harapan n'ya.
Ikinagulat din n'ya na hindi ito nag iisa at may kasamang hawak-hawak ang kamay pang nakangiti ito kanya. Ang kasamang bata ay kamukha nito. May mga kulot ding buhok na kulay mais nga lang at kayumangi ang kulay ng balat pero blue rin ang mga mata at magkamukhang-magkamukha and mga ito.
"Naku at nag sama ka pa ng kasing ganda mo. Baka mapalo ka na ng tatay mong si superman."
Natatawang niyakap nya ang dalawang paslit at pinupog ng halik ang matatambok nitong pisngi.
"Naku pasok ... pasok kayo, at ng makakain muna bago ang lahat."
Pagkapasok na pagkapasok agad ng gate. Lumuhod ang dalaga sa harapan ng dalawang bata at napinakatitigan ang mga ito.
"If I am not mistaken you two are twins, am I right darling?"
Tanong nya sa mga ito.
"Momma you forgot Bryant, my big brother of five minutes?"
Pakilala nya sa kasama nito habang nakalabi ito sa kanya at habang ang isang bata naman ay nakatitig lang sa kanya.
"Kiss, Mum. I miss you soo."
Malambing nito sabi sabay halik at yakap nito sa kanya na ginantihan din naman niya ng yakap at pinupog ng halik ulit sa tuwa.
"Can I too?"
Nahihiyang tanong ng batang lalaki sa kanya na halatang nadudumina ng batang babae.
"Of course darling, come here and give me a kiss and a bear hug too."
Habang yakap pa rin ang kapatid nito, mahigpit nyang niyakap ang batang lalake at pinaliguan ng halik sa mukha.
"Briana was right, you are our Mumma."
Nakangiti kahit may luha sa mga matang sabi nito sa kanya at yumakap ulit ng mas mahigpit.
"Aling Upeng, me bisita ka!"
Excited nyang sigaw habang pinapaupo sa bangko ang kambal sa ilalim ng puno ng manga na may lamesang naka dikit sa katawan ng puno.
"Sino ba yan at keaga-aga, parini ka nga rito sa kusina at ng makapaghain na ng almusal."
Sigaw sagot din ng kanyang ina, sabay labas galing ng kusina. Napatulala ito pagkakita sa kambal na katabi ng anak sa may lamesa.
"Mamang, natatandaan mo po yung kwento ko sa inyo noon ni Dade na nakakita ako ng mga anghel. Eto po yung isa at nagsama ng kakambal naligaw na naman. Kwentuhan po muna kayo at sa labas tayo mag-aalmusal."
Papasok si Dunne sa kusina ng biglang pumalahaw na naman ang bulinggit ng iyak.
"MUMMA! Don't leave, please."
Nakanguso na naman at naluluha habang hawak ulit ang kamay ng kakambal.
"Don't cry sweetheart, mama will just get us food so we can have our breakfast, and we will play later. How's that?"
Alo naman ng nanay nyang natutuwang naka ngiti sa paslit at pinag hahalikan na parang sinisinghot ang amoy ng mga bata na parang totoong apo nito.
"Kagagandang mga bata nga pala nito anak, atin na lang!"
Birong sigaw nito sa kanya, habang naghahanda siya ng ilalabas na almusal sa kusina.
"Maniwala yan sayo, lagot ka"
Nakangiting birong sagot din naman nya palabas ng kusinang dala ang tray ng almusal na inilapag nya sa tapat ng pumapapalakpak sa tuwang mga paslit. Sa sobrang tuwa ng mag-ina sa kambal, tag-isa nilang sinubuan ang mga batang mga tuwang-tuwa sa attensyon nila at maraming nakain ang mga ito.
Pagkatapus nilang mag almusal, wala nang nagawa ang mag-ina kung hindi aliwin at makipaglaro sa kambal nilang bisita sa hardin ng buong maghapon, tumigil lng sila ng kakalaro ng basang-basa na ang mga damit ng kambal sa pawis para punasan at linisan ang mga bata.
Nakapagpalit na sya ng t-shirt at napalitan na rin nya ng ginagamit nyang sando sa pagtulog ang kambal at na pulbusan na rin nya ang mga ito. Pumuwesto sya at ang kambal sa duyan para magpahinga at habang nakahiga sila sa duyan ang kanyang paa ang gamit nya na pang tulak sa puno para sila umugoy. Dahil sa malamyos na hangin ang mga bata sa pagod ay antok ng napapikit at yakap-yakap sya ng kambal sa kanyang tabi.
"Anak, ikaw na muna ang bahala sa mga anak-anakan mo. Magluluto lang muna ako ng ating hapunan baka dumating na ang Dade at wala pa tayong pagkain, pagod na pagod tiyak yun."
Paalam ng kanyang ina para pumasok ng kusina at mag luto ng pang hapunan nila.
"Sige po at magpapahangin lang kami dito sa duyan, mukhang inantok na sa pagod kakalaro itong mga bubuwit."
Kinumutan at niyakap nya ang katabing kambal at habang idinu-duyan ang hinihigaan sabay napapikit na rin ang kanyang mga matang may ngiti sa kanyang mapupulang labi hanggang mapaidlip na rin sya ng di nya namamalayan at napahimbing na ang tulog nila.