"Are you alright?" tanong ng lalake kay Dunne habang inaalalayang makatayo ng maayus ang dalaga.
"Yes" Nakayukong hawak ang ulong sagot nito. Nang magtaas ng ulo ang dalaga ay nanlaki ang kanyang mga mata at napatulala ng makita ang nagtanong.
"Hey!" Mahinang tapik nito sa pisngi ng dalaga at nang matauhan ito, inalalayan na ito palakad sa dereksyon ng kusina.
"I thought I am still asleep and dreaming of you." wala sa sariling bulong niya.
"No, honey. You are wide awake and they are all waiting for us in the kitchen. The dinner is going to get cold. So hurry up."
Nakaalalay pa rin ito, habang nagpapaliwanag sa dalaga, pinipigil ang sariling matawa na naman. Napapansin ni Brian na madalas ata syang tumatawa ngayong gabi lalo na pag malapit sa dalaga. May bigla rin siyang na alala, si Bryant kanina ay mukhang masaya ng magising.
Nahihiyang napayuko na lang ang dalaga, pilit itinatago ang mukha dahil alam nyang namumula na s'ya sa kahihiyan sa lalakeng nasa harapan niya.
Nang makapasok sila sa loob ng bahay dumerecho na agad si Dunne sa lababo para mag hugas ng mga kamay at umupo na agad sa hapag kainan.
Naiilang pa rin si Dunne sa bisita nila kaya sa buong hapunan ay yukong-yuko lang ang ulo niya habang kumakain, at kahit nangungulit si Briana ng mga tanong sa tabi nya di sya sumasagot at di rin sya sumasali sa usapan ng mga kasama sa hapag. Tahimik lang siyang kumakain.
"Ano kaba naman anak wag kang matulog sa hapag. Yukong-yuko ang ulo mo, baka tulog ka na. Tapusin mo na muna ang pagkain bago matulog ulit. If you want Mamang can fix you a glass of milk."
Sabi ng ama nyang natatawa sa asal ng anak. Alam nyang naiilang at nahihiya si Dunne dahil sa nakita nila mula sa kusina. Naalala tuloy nya noong bata pa si Dunne na tuwing hiyang-hiya na ito sa isang taong kasama sa kwarto ay nakayuko lagi ang ulo nito kulang nalang idikit nito ang baba sa dibdib.
"Mum, Granpa's asking if you want milk before you go to bed, can I sleep here with you, Mum?"
Pangugulit ulit ni Briana sa kanya.
"Can I sleep here too, Poppa?" Tanong din naman ni Bryant sa ama parang iiyak ang mata nitong nakatitig sa ama.
"You guys can't sleep here, this is there home and we have our own. We already invaded their home, love."
Mahinahong paliwanag nito sa mga paslit na pareho ng malapit umiyak.
"Maybe next time darlings, we could ask papa to let you sleepover here but not tonight."
Dinakatiis na sabi ng dalaga sa mga paslit at hinawakan na lang nya ang kamay ng mga ito pagpapalubag ng loob sa mga batang nasa magkabilang tabi nyang naka upo.
"But Mum"
"No buts tonight, love. Do you want papa not allowing you to play here tomorrow?"
Agap ni Brian sa naglalambing na anak
"If we don't sleep here tonight, we can play here again tomorrow Poppa?"
Namimilog ang mga matang nakangiting baling tanong ni Briana sa ama.
Nangingiting tumango ang ama ng mga paslit. Nangingiti rin ang mga magulang ni Dunne sa nakikitang pagtatalo ng mag-ama. Matapus ang hapunan nagpahangin sa balkonahe ang mga magulang. Nag umpisa namang magligpit ng hapag si Dunne.
"Guys, you go with Granpa and Granma outside. I'll help Momma do the dishes." Utos naman ni Brian sa kambal.
"No, I can manage. Samahan mo na lang ang mga bata sa labas." Baling naman ng dalaga kay Brian nahihiya pa ring sabi nito at tumalikod na sa kausap paharap sa lababo para mag hugas ng pingan.
"Let me help you with the dishes and at the same time thank you for saving me on more argument with the kids, also for taking good care of the twins the whole day."
Sabay hawak sa kanyang kamay kahit meron pa itong sabon at nakatitig sa kanyang mukha. Naiilang man tumingin na rin sya sa lalake at binawi ang mga kamay.
"It's okay and I'm sorry too. I forgot to ask the kids to call your home so they can inform you that they are with us. I'll call every time they'll come here, next time." Agap na sagot naman ng dalaga, sabay balik sa paghuhugas.
"No, I'll bring them here myself tomorrow and if I can't their nanny can come with them, if it's ok with you."
Nakatitig sa babaing abala sa pag huhugas ng plato habang sya naman ay pinupunasan ang lahat ng platong tapos na nitong hugasan.
Nadidinig ni Dunne ang mga hagikgikan ng mga bata habang nag kwukuwento ang kanyang ama na ikinangiti naman nya, nang mag salita ang lalake sa tabi nya.
"Do you have a boyfriend, Dunne?"
"Ha?" Gulat na lingon nya sa katabi
"Sabi ko, kung may boyfriend ka na?" Ulit naman nito
"Why?" Balik tanong nya
"Nothing, it's Sunday tomorrow and you might be busy with your boyfriend. If I bring the twins here, they might be a bother to you and your date." Paliwanag ng lalake, habang titig na titig kay Dunne.
"Oh ... Wala akong boyfriend. We only go to church on Sunday morning and do nothing the whole day. The kids are welcome here to visit and stay anytime this summer." disappointed nyang sagot, di nya malaman kung baket.
"Do you have to work on Monday?" interesadong tanong nito sa dalaga.
"I am a teacher in basic education and this summer I am on vacation, no school for me the whole summer. You can leave your kids here to play." Paliwanag ng dalaga sa lalake, habang nag babanlaw ng huling pinggan.
"oh, that is better. I am going to look for a tutor to the twins. Can I hire you for that?" Sabay abot ng huling pingan para punasan.
"Okay" maigsing sagot ng dalaga nang naka ngiting pinupunas ang kamay sa laylayan ng t shirt nya papalabas ng kusina papunta sa mga nagkukuwentuhan sa labas.
Ngumiti din ang lalake habang maingat na isinampay ang basahan sa lababo para sumunod sa dalaga.