Chereads / The Girl With My Wife's Face / Chapter 3 - Kerubin (3)

Chapter 3 - Kerubin (3)

Nag antandang lumabas ng bahay si Dunne at nag lakad na papunta sa kabilang village ng mga labing limang minuto rin kung lalakarin na gusto naman nya dahil sa yun na lang ang pinaka exercise nya sa pagpasok ng eskwelahan.

"Misis you should enroll Gab sa isang sport clinic this summer vacation para madivert sa ibang bagay ang excess energy nyang di maubos-ubos sa loob ng school. Mahirap ho ang laging sinasaway ang bata di na rin nakikinig, habang maaga po obserbahan nyo na ang bata dahil sa school madalas magpaiyak ng mga classmates nya. Kahit po matalino si Gabriel nakakapang hinayang na meron s'yang ganung ugali, and I don't want him subjected to being psycho analyzed by a child psychiatrist at this early of time."

Mahabang paliwanag ng dalaga sa kausap na magulang ng estudyante.

"Hayaan nyo m'am this summer I'll enroll Gabriel to any sports he wants. Thank you for visiting us this morning, in which you should be at school teaching already. You're right Gabriel never told me that you want me to visit him at school. Pagsasabihan ko na rin ng medyo magtanda."

Pagpapakumbababang paliwanag naman nito sa dalaga.

"Sige po misis and thank you for the time, I hope to see changes on Gabriel next school year."

Di na sya nakaabot ng flag ceremony gaya ng inaasahan, kaya dumerecho na lamang sya sa kwarto ng klase. Inabutan nya ang mga batang nagkakagulo sa bandang likod ng kuwarto at mga naglalaro, tumahimik naman ang mga ito at bumalik sa mga assigned seats ng madinig ang pagsara nya ng pintuan ng kwarto at sabay sabay ang mga itong binati sya.

"Good Morning! teacher Dunne"

Buong umaga niyang niligawan ang mga bata para makinig sa mga tinuturo nya, at mga masunurin namang sumasagot pagtinatanong nya.

One hour before ng uwian, tinuturuan nya ang mga ito ng children songs at nakikipagkulitan, kaya tuwang tuwang naglulundagan ang makukulit na bansot dahil alam na nilang tuturuan na sila ni teacher Dunne ng children song at papayagan na silang maglaro bago mag uwian.

Pagkatapos ng klase naglunch na sya sa school canteen kasama ng kanyang mga co-teacher. After ng lunch sa faculty naman sila naka tambay at doon sila nagpapalipas ng oras. Habang sya ay nagbabasa ng baon nyang novel ni Anne Rice ang isa sa mga paborito nyang author at ang mga co teacher naman nya ay kung hindi nagchichikahan ay gumagawa ng lesson for the afternoon classes, para papasok na lng sila sa susunod na klase at sya sa mga grade four nya sa hapong klaseng tinuturuan pagtime na.

Halos naka program na ang buong araw nya at madalas hindi iyon nagbabago araw-araw pareho ang mga nangyayari sa kanya, kaya ang pagbabasa ang tanging paglilibang nya para maiba naman kahit paano ang araw nya.

Ala singco ng hapon matapus ang klase, at iyon ang huling araw ng isang buong linggong pasukan.

Pauwi ay maglalakad ulit at dadaan sa bookshop sa kanto papasok sa village nila at titignan kung meron bang bagong mga pocket book na mabibili sya.

Trabaho nya sa araw araw pag-uwi yun para sa summer vacation, dahil nagiipon na sya ng babasahin. Hilig na talaga nya ang pagbabasa kung wala rin lang namang ginagawa at kadalasan naman talaga ay wala syang ginagawa sa bahay, dahil sa ang nanay nya ang me hawak ng bahay, teretoryo daw nya yun.

Di napapansing lumilipas ang oras dahil sa ang buong attensyon ay nasa mga librong nasa harapan nyang bibilhin, anim na pocket book lahat na makakapal ang nasa mga kamay nya ng tumigil sya sa kahera at magbayad.

"Ang dami nating pinakyaw na babasahin ngayon ha, Dunne."

Natatawang biro ng kaherang kakilala nya, halos lahat doon ng mga nagbabantay ay kilala at kabiruan na nya sa halos araw-araw nyang pamamasyal para mag browse lang or bumili kahit isa sa mga paborito nyang author.

"This is in preparation for this coming summer vacation. Alam mo na mahaba ang oras at walang magawa kailangan ko ng babasahin dahil mukhang magtutulog lang ata ako e."

Natatawang biro na lang din naman nya

"Wala ata kayong mga Lindsey at Deveraux ngayon. Ipagtabi nyo ako pagmeron lang din kayo na wala pa sa mga collection kong bagong dating."

"Sige Dunne, tawagan kita agad pagmeron kaming bago. Ikaw na lang nga ang nasa reservation log namin, pagnalaman ng iba yan magagalit ang mga yun."

"Hanggat di nila alam walang mag proprotesta, unless sabihin nyo."

Natatawang nagbayad na lang sya sa kahera at derecho nang ring umuwi ng bahay ang dalaga.

"Aling Upeng, I'm home!"

Sigaw nya habang nahiga sa duyan at chi ne check ang mga pocketbook na kanyang binili, maya maya ay nakatulog na sa lamig ng ihip ng hangin habang dumuduyan sya.

Napapangiting iniligpit ng ina ang mga gamit ng dalagang natutulog at bumalik sa kusina para sa hapunan nilang hinahanda nito.

Antukin talaga sya or tulog ng tulog pag may libreng oras din lang naman kahit pa sabihing, it's a sign of depression pero natural na sa kanya ang ganun at sa mga taong kilala sya dahil daw di sya nagtutulog noong baby pa sya, kwento lagi ng mamang nya tuwing me magtatanong. At kung asa bahay lang din naman sya mas gusto pa nyang magbasa or magkakain lng sa loob ng bahay kesa maki pagkwentuhan sa mga kapitbahay nila na kahit ipinanganak sya sa lugar nila at doon na rin lumaki wala syang masyadong kakilala.

Kapag sya natatanong kung ano ang mga hobbies nya laging ang joke nya ay katuga is my hobby, kain tulog at gala means out of town trekking na madalas nyang gawin dahil member sya ng mountiniering club sa almamater nya.

Masasabing sa edad na dalawangput lima ay isang manang na ang turing nya sa sarili dahil sa mga hilig nyang gawin sa araw-araw.

Kuntento na sya na kausap ang kanyang ama't ina sa araw araw ng buhay nya. Halos routinary ang takbo ng buhay nya on a daily bases, except kung merong schedule ng akyat ang mga kaibigan at kamember nya or tulad ng pangyayari kahapon na matay man nyang isipin di nya akalaing makikita nya ang mukhang iyon sa kanyang isip na parang katapat lang nya ang lalakeng may mga matang kasing bughaw ng kalangitan, pagkaganda ganda. Hindi man namamalayang napahimbing na ang tulog nya.