Chereads / ESCAPE FROM MY FIERCE HUSBAND / Chapter 2 - KABANATA 1

Chapter 2 - KABANATA 1

Nang ako'y nagising, nadatnan ko na lamang ang aking sarili na nasa isang lugar na hindi pamilyar para sa akin. Masasabi kong ang lugar kung nasaan ako ngayon ay magarbo at tiyak na isang mayaman ang naninirahan rito. May mataas na kisame, maganda at mukhang mamahaling mga kagamitan, at mayroong napakalawak na espasyo ang tinutuluyan ko ngayong silid.

Sa pagtingin ko sa paligid, ako ay nakaramdam na mayroong ibang tao ang naroon bukod sa akin. Nagdulot ito ng labis na takot para sa akin. Una, dahil hindi ko alam kung nasaang lugar ba ako. Pangalawa, wala akong kaide-ideya kung paano ba ako napadpad rito. Ang huli ay dahil hindi ko sigurado kung ligtas ba ako rito, lalo na't nalaman ko pang may ibang naririto.

Dahil labis na ang aking nadaramang takot para sa aking kaligtasan, hindi na ako makapag-isip ng matino. Kaya naman hindi na ako makapag-isip ng mga paraan kung paano ba ako makakalabas o makakaalis sa aking sitwasyon ngayon. Dahil sa labis na takot na aking nadarama, di ko na napigilang makapagsalita nung ako'y may narinig na isang kaluskos malapit lamang sa aking kinalalagyan.

"Sinong nandyan?! Nasaan ka?! Lumabas ka at magpakita sa akin!"

Agad namang may lumabas na isang lalaki. Ito ay tiningnan ko simula sa kanyang mga kumikintab na itim na sapatos, naghahabaang mga binti na nakasuot ng isang mamahaling pantalon, ang matipuno niyang katawan na may suot na polo na mayroong mahahabang manggas na halatang halata mo ang kanyang taglay na kakisigan, at ang kanyang maamong mukha na may taglay na kagwapuhan. Siya ay may tinataglay na malakas na karisma na tiyak na kahuhumalingan ng napakaraming kababaihan, katangkaran na kayang labanan ang mga nagtatangkarang mga basketbolista, at awrang tiyak na kapansin pansin at di mo kayang balewalain.

Mayroon siyang maputing balat at itim na itim na buhok na mukhang napakalambot at masarap hawakan. Mga mata na kapag iyong tinitigan ay parang ika'y mauubusan ng hininga at parang ikaw ay malulusaw. Mga kilay na bumagay sa kanyang mga mata at maamong mukha. Ang kanyang ilong ay may taglay na katangusan. Ang kanyang labi ay manipis at pulang pula na mayroong rosas na kulay.

Ngunit siya ay nakatingin sa akin ng may ngisi sa kanyang mga labi. At ako ay natigilan at nagulat sa mga salitang lumabas sa kanyang bibig.

"At last! You're awake my beloved wife! How was your sleep? Oh! By the way, di mo ako kilala pero kilalang kilala kita at sobrang saya ko na asawa na kita ngayon." sabi niya

"Sino ka?! Nasaan ako?! Di kita kilala! Wala pa akong asawa! Please, paalisin mo ako rito. Gusto ko ng umuwi. Baka hinahanap na ko ng ka roommate ko." sabi ko

Matapos ko itong sabihin, siya ay tumingin sa akin ng may halong galit na ikinakilabot ko. Siya ay lumapit agad sa akin kaya ako'y kanyang napigilan sa aking balak na pagtakbo palayo. Gamit ang kanyang mga mamasel na mga braso, mahigpit niya akong hinawakan sa aking bewang at kanya akong nilapit sa kanyang katawan. Habang ako ay nagpupumiglas sa kanyang pagkakahawak sa akin ay inilapit niya ang kanyang mukha sa aking leeg at kanyang inamoy ito na mistulang inuubos ang amoy ko sa klase ng pagsinghot niya sa parte ng katawan kong iyon. Kanya rin itong hinalikan, dinilaan at kinagat na ikinaaray ko. Tiyak akong mag-iiwan iyon ng marka. Sunod ay inilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga. Kinagat niya ito ng bahagya at kanya pang dinilaan. Matapos niyang gawin iyon ay bumulong siya gamit ang kanyang nakakakilabot na tinig.

"I am your beloved husband, my dear wife. Don't worry, you are already home because starting today, this is your new home, our home. Hinding hindi ka makakaalis rito at hinding hindi ka makakatakas sa akin. I will keep you for myself. Because you are mine Shizuku, mine alone. At kapag binalak mong takasan ako at lalong lalo na ang makipag-usap o simpleng paglapit sa ibang lalaki bukod sa akin, tiyak na magsisisi ka. Dahil di mo alam ang kaya kong gawin. So, you better be a good wife to me, obey all my commands, satisfy me with all my needs and love me unconditionally. Because starting today, I'll never let you go. Never. Kahit takasan mo ako, sisiguraduhin kong mahahanap at mahahanap kita at ibabalik dito sa tabi ko. Kaya, be ready to live forever with me, my wife." sabi niya

Pagkasabi niya ng mga katagang iyon sa akin, nilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha at sinibasib niya ng mapupusok at agresibong mga halik ang aking labi. Hindi ako makaalis sa kanyang hawak kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko. Mas malakas siya sa akin kaya di ko siya kaya. Kaya habang ako'y kanyang hinahalikan nang agresibo at mapangahas na mga halik, ako'y umiiyak na lamang at nananalanging isang masamang panaginip lamang ang lahat at ako'y magising na upang matigil na ang bangungot na nangyayari sa akin ngayon.

Ako si Shizuku Perez na mayroong lamang isang payak na pamumuhay noon. Ngunit, nagimbal ng isang balitang tiyak na makakapagpabago ng aking buhay.