Chereads / ESCAPE FROM MY FIERCE HUSBAND / Chapter 7 - KABANATA 6

Chapter 7 - KABANATA 6

Isang taon nang nakalilipas...

SHIZUKU'S P.O.V.

Maaga akong nagising ngayong umaga, maaga rin akong makakapasok sa aking pinagtratrabahuan. Sa umaga, nagtratrabaho ako sa isang kilalang kumpanya. Isa lamang ako doong normal na empleyado na may desk at araw araw na may kinakausap sa telepono. Gusto ko ang trabaho kong iyon dahil hindi ito masyadong nakakapagod at talaga namang makakakausap pa ako ng maraming tao. Maayos rin nila akong pinapasahuran buwan buwan. Ngunit, sa isang taon ko ng pagtratrabaho dito, ni kahit isang beses di ko pa nakikita o nalalaman man lang ang pangalan ng nagmamay-ari nito. Basta ang alam ko lamang ay ang pangalan ng kumpanya na S.P.A. Enterprises at ang araw araw kong nakakasamang mga katrabaho ko rito.

Noong bagong pasok ko pa lamang rito ay talaga namang namangha ako dahil kitang kita na napaka-organisado ng lahat. Nakakamangha rin ang disenyo ng building na talaga namang nakakaagaw ng pansin. Akala ko nga ay hindi ako matatanggap dahil mukhang matataas ang standards o qualifications ng mga dapat na maging empleyado rito. Ngunit laking tuwa ko nang ako'y sinabihang hired na. Sa dami kong nakasabay na naga-apply sa panahong iyon, di ko akalaing makakapasok ako dahil sa tingin ko ay mas karapatdapat na tanggapin ang mga kasabay ko kaysa sa akin. Konti lamang kaming nakapasok at laking pasasalamat ko sa Diyos na tinulungan Niya ako upang makuha ang trabahong ito.

Agad naman akong naka adapt sa workplace ko at nagkaroon na rin ng mga kaibigan. Araw araw, sila ang nakakasama ko tuwing ako'y nagla-lunch sa cafeteria. Karamihan sa kanila ay makukulit at parang bata kung umasta kagaya ng roommate ko na si Natsume. Kaya naman, sobrang saya ay kwela kapag kami ay nagsasama-sama tuwing break time namin. Sa oras naman ng trabaho, di mo sila makikitaan ng pa easy easy lamang, dahil talagang sila ay mga professional sa kanilang mga ginagawa. Parang mai-intimidate ka pa nga dahil pqra silang matataray.

Lumipas na ang ilang oras at oras na ng lunch. Sabay sabay kaming pumunta ng mga kaibigan ko sa cafeteria upang kumain na. Habang naglalakad, di maiiwasang magkwentuhan.

"Alam niyo ba may nasagap na naman akong tsismis kaninang umaga." ani Chizuru.

"Ano yun? Ito naman! Binibitin pa kami eh!" sagot ni Umaru.

"Naku! Ikaw talaga Chizuru. Kung ano ano mga nababalitaan mo ha. Hahaha!" sabi ko.

"Tawa tawa ka pa jan! Tungkol na naman kaya sayo ang nabalitaan ko." sagot ni Chizuru.

"Tungkol sa akin? Bakit may nagawa ba ako?" sagot ko.

"Wala kang nagawang masama, may nabighani ka lang naman na lalaki, na naman! Ang ganda mo talaga girl!" sabi ni Chizuru.

"Sino na namang nabighani sa beauty ni Shizuku? Tiyak naman na basted agad iyon dito sa maganda nating friend." sabi naman ni Umaru.

"Yung kararating lang na may-ari ng kumpanya ng may partnership dito sa kumpanyang pinagtratrabahuan natin. Ang narinig ko, Kenji ang pangalan eh. Ang bongga mo friend! Mapa-mahirap, average, o mayamang lalaki, napapaibig mo ha!" sagot ni Chizuru.

"Ano ba yang nabalitaan mo Chizuru? Malabo namang mangyari yan. Bakit naman magkakagusto sa akin iyon eh tiyak na mas maraming magaganda at mas karapatdapat sa kanya ang makikilala niya sa mundo pa lamang niya, sa mundo nilang mayayaman. Kaya, napakalabo talaga niyang sinasabi mo." depensa ko naman.

"Sus! Di ka lang naniniwala eh. Pero totoo talaga yun. Legit ang mga nakukuha kong mga balita ha. Abangan mo na lang kung may the moves na siyang gagawin pag nagkataon." sagot ni Chizuru.

"Oo nga friend. Tsaka di naman malabong di magkagusto sayo no. Ang ganda mo kaya! Matalino, mabait, at syempre, sexy pa! Hahaha. Kaya, wag ka ng magtaka kung maraming nagkakagusto sa iyo." sabi ni Umaru.

"Naku! Tigilan na nga natin itong usapan na to. Nandito na tayo sa cafeteria. Pumila na nga tayo at umorder na. Nagugutom na ako eh." pag-iiba ko ng usapan.

"Change topic ha. Hahaha!" pamg-aasar ni Chizuru.

Di ko na lamang iyon pinansin at umorder na ng makakain. Kung sasagutin ko pa uli sila, tiyak na baka matapos na ang lunch time ay di pa kami nakakakain. Dahil tiyak na di matatapos ang kwentuhang iyon sa kadaldalan nila Chizuru at Umaru.

Si Chizuru ay isang matangkad na babae at nakasuot ng salamin na parang isinusuot ng mga nerd. May maikli itong buhok at may balingkinitan itong pangangatawan. Likas na madaldal ito at may pagkatsismosang tinataglay. Si Umaru naman ay may katamtamang laki at may mahabang kulay blond na buhok. Cute ito tingnan at madaldal ito at mapang-asar. Sila ang araw araw kong nakakasama dito sa kumpanya.

Matapos naming umorder, agad naman kaming nakahanap ng mauupuan. Dahil konti na lamang ang natitirang oras namin para kumain, di na kami muling nakapagkwentuhan at dire-diretso lamang kami sa aming pagkain. Ang haba ng pila kanina sa pagkuha ng makakain at di na namin namalayang may 15 minutos na lamang kami upang kumain.

Pagkatapos kumain, agad kaming bumalik sa aming kanya kanyang pwesto at itinuloy na ang naiwan naming trabaho.