Isang taon nang nakalilipas...
SHIZUKU'S P.O.V.
Kasalukuyan akong naglalakad pauwi galing sa aking trabaho. Pagod na pagod ako ngayon dahil sa dami ng mga customers na pumunta ngayon sa coffee shop na pinagtratrabahuan ko. Isa akong waitress doon, at matagal na rin akong nagtratrabaho sa coffee shop na iyon na pagmamay-ari ng kaibigan kong si David. Masasabi kong kilala at patok sa lahat ng tao, mapabata man o matanda, ang negosyo ng kaibigan kong ito. Inalok pa ako nito na maging ka-partner sa negosyo, kahit pa wala akong maiambag para sa puhunan. Ito naman ay agad kong inayawan. Dahil ayaw ko namang isipin nito na tamang gawin niya iyon. Hindi porque't kami ay magkaibigan, maaari niya na iyong gawin, dahil tiyak na iba ang iisipin ng ibang tao kung ipagpapatuloy niya ang kanyang plano. Dahil alam ng aking mga kaibigan, kakilala, at maging mga ka-trabaho sa coffee shop na may pagtingin si David sa akin. Ngunit sinabi ko na pagkakaibigan lamang ang kaya kong ibigay sa kanya dahil wala pa sa isip ko ang pakikipagrelasyon. Dahil marami pa akong nais na gawin para sa aking sarili. Agad namang naintindihan ni David ang rason kong iyon kaya naman nanatili ang aming pagkakaibigan at walang pinagbago ang aming pagsasamahan.
Bago nga pala ako makalabas kanina ng coffee shop para umuwi ay nag-alok pa si David na ako ay kanyang ihahatid sa aking tinutuluyang dorm upang ako ay makapagpahinga na agad at di na maglakad, ngunit, dahil alam kong pagod rin siya at marami pang aasikasuhin, kaya pinili ko na lamang itong tanggihan at sinabi kong ipagpatuloy niya na lamang ang kanyang ginagawa upang siya'y makatapos agad.
Habang ako ay naglalakad, pakiramdam ko ay may sumusunod at parang nagbabantay sa aking bawat galaw at hakbang. Ngunit tuwing ako'y titingin sa aking paligid ay wala naman akong nakikitang kahina-hinala. Kaya naman ay hinayaan ko na lamang iyon at isinaisip na baka guni-guni ko lamang ang lahat at sadyang pagod na pagod lamang ako.
Ngunit habang ako ay naglalakad, talagang tumitindi ang nararamdaman ko na may sumusunod nga sa akin. Pakiramdam ko pa ay titig na titig ito sa akin. Kaya mistulang may C.C.T.V. na nakatutok sa aking likuran na labis na ikinatakot at ikinakilabot ko.
Minabuti ko na lamang na bilisan ang aking paglalakad upang ako ay makarating agad sa aking tinutuluyan. Pagdating na pagdating ko sa loob ng aming dorm ay ako ay labis na nahihilo dala ng aking sobrang pagod at sobra akong hinihingal dala ng takbo at lakad kong ginawa upang makarating agad sa dorm. Kaya naman, ako muna ay yumuko at bumawi muna ako ng aking paghinga.
Nang ako'y mahimasmasan na ay iniangat ko ang aking ulo at napatayo ako ng tuwid nang makita kong nakatingin sa akin ng parang naguguluhan at nagtataka ang aking ka-roommate na si Natsume.
Nang ako'y makita niyang nakatingin sa kanya ay agad niya akong pinagtaasan ng kilay at tinanong.
"Parang pagod na pagod ka ha! Ano ba ang ginawa mo't hingal na hingal ka jan? Para ka namang tumakbo ng isang kilometro sa klase ng paghinga mo." sabi niya
"Kasi naman lakad at takbo na ang ginawa ko para lamang makauwi agad dito. Galing ako sa coffee shop ni David. Naglalakad na ako pauwi, tapos pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Kaya natakot ako at mabilisan na akong humakbang upang makarating agad dito." sabi ko
"Nako! Baka guni-guni mo lang yun! Baka pagod na pagod ka lang kaya kung ano-ano na ang naiisip mo. Isang taon ka ng naglalakad sa daan na iyon pauwi, tapos ngayon ka lang natakot ng ganyan! Pagod ka lang siguro talaga. Ikaw na nga'y pumunta na sa iyong kwarto at magpahinga, maaga pa tayong magtratrabaho sa kumpanya bukas." sabi niya
"Baka nga pagod na pagod lang ako. Makapagpahinga na nga. Mauna na ko sa kwarto ko at ako ay may aasikasuhin muna bago ako matulog. Good night! Matulog ka na rin." sabi ko
"Oo sige. Matulog ka na. Manonood muna ako ng T.V. saglit, habang ako ay umiinom ng gatas. Pampaantok lang, di pa kasi ako inaantok eh. Good night! Maya maya rin matutulog na ako." sabi niya
Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay pumunta na ako sa aking kwarto. Sa pagbukas ko ng pinto, agad na bumungad sa akin ang napakalaki kong teddy bear na bigay pa sakin nung ako'y bata pa ng aking mga magulang noong sila ay nabubuhay pa. Talagang alagang alaga ko iyon, dahil iyon na lang ang natitira nilang alaala sa akin. Dahil noong namatay sa plane crash ang aking mga magulang, wala na silang natirang mga kagamitan. Dahil maging ang mga gamit namin sa aming bahay ay bigla na lamang nawala at yung iba nama'y sinunog na ng bagong nagmamay-ari sa bahay. Kahit na litrato nilang dalawa ay wala man lang akong naitago. Kaya, ang teddy bear kong ito na tangi ko lamang nakuha ang natitira kong natanggap na regalo mula sa aking mga magulang.
Pagkatapos kong maglinis ng aking katawan, ako ay umupo muna at humarap sa aking teddy bear. Nakaugalian ko ng magkwento rito kahit pa hindi ito sumasagot sa mga pinagsasabi ko. Dahil sa tuwing ako ay nagkukwento rito, pakiramdam ko ay parang kinukuwentuhan ko ang aking mga magulang sa mga nangyari sa akin sa buong maghapon. Masasabi kong para ko na itong bestfriend at nagsisilbing ko rin itong diary dahil alam nito ang lahat ng nagaganap sa aking buhay.
Pagkatapos kong ikuwento ang mga naganap sa aking buong maghapon, ako naman ay nagsimula nang manalangin sa Panginoon. Matapos kong magdasal, ako ay naghahanda na sa aking pagtulog. Pinatay ko na ang ilaw na nanggagaling sa aking lampshade at nabalutan na ng kadiliman ang aking kwarto. Ako ay humiga na sa aking kama at ipinikit ko ang aking mga mata upang matulog na. Ilang sandali lamang ay ako'y nawalan na nang ulirat sa aking kapaligiran at nakatulog na ako.
NARRATOR'S P.O.V.
Matapos makatulog ng mahimbing ni Shizuku sa kanyang kwarto ay may nagbukas sa kanyang bintana at pumasok ng walang nililikhang kahit anumang ingay. Ito ay lumapit sa natutulog na dalaga at saglit itong pinagmasdan.
Nang ito ay magsawa na sa paninitig sa natutulog na dalaga, ito ay lumapit rito at may ibinulong sa tainga nito.
"My beautiful angel, you are so gorgeous. You're like a goddess when you are awake and even when you're sleeping. You are always be the one for me, my love. Just wait and we can live happily together when I'm done with the things that I need to do. Just wait a little bit and we will always be together forever. You are always mine. I love you." sabi nito
Matapos niyang ibulong ito sa natutulog na dalaga ay muli niya itong pinagmasdan saglit at binigyan ng malalim na halik ang dalaga. Hinalikan at dinilaan rin nito ang leeg nito. Dahil sa pagod ng dalaga, di ito nagising at himbing na himbing pa rin sa kanyang pagtulog.
Bago umalis ang di kilalang tao ay may sinabi muli ito.
"See you again, darling. I hope that I will finish sooner the things that needs to be done so that we can be together. I am looking forward to that. I am so excited. Good night. Dream of me."
Matapos niyang sabihin ito ay muli na naman niyang dinampian ng saglit na halik ang labi ng dalaga bago ito muling lumabas sa bintana at dire-diretso nang umalis.