Isang taon nang nakalilipas...
SHIZUKU'S P.O.V.
Matapos nang panonood ko ng pelikula sa sinehan ay labis akong nasiyahan. Dahil ganung klase lovestory ang nais ko na maganap sa aking lovelife. Yung katulad ni Papa. Gusto ko sa lalaki yung katulad niya na maalaga, malambing, and gentle. Hate ko yung mga masyadong demanding at yung maipilit ang gusto. Kaya naman, ang tingin ko ay destined talaga na magkatuluyan ang mga parents ko. Kasi they are perfect for each other. Ayun nga lang, sa sobrang pagiging destined couple nila, pati sa kamatayan magkasabay at magkasama talaga sila.
Bigla ko namang naalala ang aking katabi na nagpahiram sa akin ng suit. Nais ko lamang muling magpasalamat sa kanya. Ngunit pagtingin ko sa aking tabing upuan ay wala ng nakaupo rito. Umalis na pala yung lalaki nang di ko napapansin. Siguro, masyadong focus ang aking attention sa panonood kanina. Tumayo na lamang ako at nagready na para lumabas ng sinehan.
Napagdesisyunan ko na bilhan ng cake ang aking roommate na si Natsume. Tiyak kasing hihingi iyon ng pasalubong dahil alam niyang galing ako ngayon sa pamamasyal. Binilhan ko siya ng strawberry-flavored cake dahil iyon ang kanyang paborito.
Nakarating ako sa aming dorm ng pa-gabi na. Na traffic ako sa daan pauwi. Buti na lamang good mood ako dahil na enjoy ko talaga ang movie na aking napanood, kaya't di ako masyadong naburyo sa traffic. Naalala ko rin pala na may pasok na uli ako bukas sa aking trabaho.
Pagpasok na pagpasok ko sa dorm, sinalubong agad ako ni Natsume at nanghihingi agad ito ng pasalubong. Minsan naiisip ko na roommate ko ba talaga to o baka anak ko to? Dahil tuwing ako'y lalabas man lang, pasalubong agad ang hinahanap sa akin at kung wala man akong maibigay, agad itong magtatampo sa akin. Para tuloy akong may alagaing maliit na bata sa kanyang inaasal. Pero nasanay na rin ako jan at mahal ko yan.
Pagkatanggap niya ng pasalubong kong cake ay sinabi niyang,
"Ikaw na talaga Shizuku! Alam na alam mo kung ano ang paborito ko. The best roommate ka talaga!"
"Binobola mo na naman ako. Para next time na lumabas uli ako, may pasalubong ka na naman. Kilalang kilala na kita." sagot ko.
"Hahaha. Ito naman. Thankful talaga ako no! Pero may katotohanan yung sinabi mo pero slight lang. Hahaha!" sabi niya.
"Edi umamin ka rin. Hahaha. Sige akyat na muna ako ha. Naramdaman ko bigla yung pagod. Magpapahinga na ako. Bukas na tayo magchikahan. Kainin mo na yang cake. Enjoy!" sabi ko.
"Talagang kakainin ko to! Wala akong ititira for you. Hahaha. Good night na nga. Matulog ka na, may trabaho pa bukas." sagot niya.
Natawa na lang ako sa kanyang isinagot at agad na pumunta ako sa aking kwarto. Nais ko na talagang matulog sa aking kama upang maaga akong magising bukas at makapasok ng maaga sa trabaho.
Tulad ng nakagawian, naglinis ako ng aking katawan bago humiga katabi ng aking teddy bear. Muli na naman akong nagkwento saglit rito. Pagkatapos ay nagdasal ako at natulog na. Agad akong nakatulog dahil damang dama ko na ang aking pagod at talagang pumikit pikit na talaga ang aking mga mata kanina pa.
SOMEONE'S P.O.V.
Ang ganda niya talaga kanina habang pinagmamasdam ko siyang namamasyal sa mall. Di kita makalapit sa kanya dahil baka ma weirduhan lang siya sa akin. Hahanap na lang akong ng tamang pagkakataon para malapitan siya. Dahil gusto ko pa siyang mas makilala ng lubos.