Chapter 13 - Scratch 13

Blank

Bookstore Deities

Scratch 13

-*-*-*-*-*-

Nagsi-upuan naman ang lahat na parang walang nangyaring gulo na siyang salungat ng mga tabinging armchair at mga gamit na nakahandusay sa sahig. Hindi iyon pinansin ni Maam Oliger dahil sanay naman na siya sa ganitong sitwasyon ng classroom ng section na ito. Isa pa, nasasayang ang oras niya sa pagpapalinis. Dapat na magkusang gawa na lamang ang mga estudyante dahil alam na nila ang tama at mali.

Pagkatapos niyang ituro ang tungkol sa mga tula, ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at sinabi na niya ang isang mahalagang anunsyo. May isinulat siya sa blackboard.

Criteria:

Kasuotan at props- 10%

Pag-arte- 10%

Interpretasyon ng tula- 50%

Lakas at linaw ng boses- 30%

100%

"Nalalapit na ang buwan ng wika. Sa ika- bente otso ng Agosto, ay gaganapin ang Division level competition. Para malaman kung sino-sino ang mga magiging representante ng ating paaralan, magkakaroon tayo ng inter-class competition kasama ang lahat ng section na tinuturuan ko. Maglalaban kayo sa Sabayang Pagbigkas.

Ito ang magsisilbi ninyong proyekto. Ang klase na mananalo ay magkakaroon ng karagdagang 50 points sa final exam at ang mga mapipiling actor ay siyang magiging isa sa mga representante ng ating eskwelahan para sa Division level na Sabayang Pagbigkas.

Magtatanghal kayo sa July 20. Maliwanag ba?"

"Yes maam!"

Pagkatapos maibigay ang pyesa para sa sabayang pagbigkas, kaagad namang gumalaw ang klase para paghandaan ang nasabing kompetisyon. Hanggang ngayon ay apektado pa rin sa nangyaring away si Vanny. Patuloy siyang binabagabag ng konsensya dahil sa nagawa niyang kasalanan sa kaibigan.

Mabuti na lamang at nagkusa ang bise-presidente ng klase sa pagsend ng pyesa sa group chat. Wala silang oras na sasayangin. Kailangang paghandaan at pagplanuhan nang mabuti ang kanilang presentasyon. Nakakahiya naman na matalo lalo na at section one pa naman sila. Bukod rito, desidido rin silang makuha ang karagdagang fifty points sa exam.

Ngayon ang ikatlong araw ng page-ensayo nila dito sa Reviewing Stand ng eskwelahan. Planado na ang roles na gagampanan ng bawat isa, ang stage set-up, costumes, at props.

Habang ang section Cassiopeia ay todo ensayo, chill na chill naman ang section Andromeda na kakasimula pa lamang sa page-ensayo. Katanuyan, wala pa silang usad at kasalukuyan palang na nagpaplano.

Gusto rin naman nilang makakuha ng gantimpla, sino ba naman ang hindi? Ngunit hindi sila desperado. Ang mahalaga, makapasa sila. Ngayon nga lang nag-sink in sa kanilang mga utak ang tungkol sa kanilang project. Kung hindi pa sila papuputukan ng bomba, ay hindi pa sila gagalaw para sa kanilang proyekto.

Kanya-kanyang pwesto ang bawat seksyon kung saan sila nage-ensayo. Ang iba'y sa gymnasium, at iba naman sa mga tagong lugar. May iba, na nasa basketball court na nasa kaliwang dulo lang ng field, kaharap ng Reviewing Stand.

"Ako'y isang Pilipino

Pilipinas ang bayan ko

At ang wikang Pilipino

Wikang sadyang minana ko

Lahi ako ni—" Napatigil ang lahat sa pagbigkas ng tula dahil pinahinto sila ni Ryan na siyang in-charge sa overall choreography ng performance: Kasali na rito ang formation, facial expressions, voice quality, at galaw.

"Ah, teka lang. Ria, maliit ka, hindi ka kita dyan sa likod. Dito ka sa harap ni Vanny para hindi ka matakpan," utos sa kanya ni Ryan nang nakapameywang.

Nag-aalangang naglakad si Ria papunta sa harap ni Vanny. Mabagal ang bawat hakbang niya, na para bang ang iniiwasan niyang mangyari ay nangyayari na ngunit hindi siya makapagprotesta. Baka sabihin ay nag-iinarte siya at baka mahalata ng lahat na affected siya.

Napatingin sa ibang direksyon ni Vanny habang naglalakad palapit sa puwesto niya ang dating kaibigan. Iniiwasan niyang magtagpo ang kanilang paningin. Hindi na sila tulad ng dati. Magkalapit lang kanilang distansya, ngunit singlayo naman sila ng araw at buwan.

Kaagad iyong napansin ni Andy kaya pinuna niya ito nang pabulong sa kakambal. "Ark, tignan mo, awkward yung dalawa."

Malaya silang nagbubulungan sa gilid ng stage dahil hindi sila kasali sa unang eksena. Sila ay gumaganap na mga kastila kaya kaunti lamang ang kanilang linya. Magmura dito, manghampas ng baril, at manakit ng mga tao doon, yan lang ang gagawin nila sa buong palabas kung kaya naman, mas marami silang free time para maglaro at mag-usap.

"Alam mo, kung talagang totoong magkaibigan sila, magbabati sila kaagad. Tignan mo, hindi pa rin sila nagbabati. Ibig sabihin nun, kaya nilang tiisin ang isa't-isa. Hindi natin kasalanan ang nangyari," katwiran ni Ark.

Para sa kanya, walang mali sa kanilang ginagawa. Dapat pa ngang magpasalamat ang dalawa dahil sa kanilang ginawa. Ang pagpapa-away niya sa dalawa ay itinuturing niyang isang "test of true friendship". Sa kasamaang palad, ay bumagsak silang dalawa at wala na sila pang magagawa doon. Sorry na lang sila. Ganun talaga.

Nagkibit-balikat si Andy. "Sabagay. Buti na lang pala, no? Kung hindi natin sila pinag-away, edi hindi rin nila malalaman na fake friends pala sila."

"Oo. At marami pa tayong pwedeng gawin gamit ang drawing books natin. Kaya chill ka lang dyan." Nagngisihan ang kambal na para bang nagkaroon nanaman sila ng mental telepathy. Dyan sila nagkakasundo- sa paggawa ng mga kalokohan at pantitrip.

Habang abala ang III- Cassiopeia sa page-ensayo, may dalawang bakla na napadaan sa Reviewing Stand kung saan sila nagpa-practice. Sa isang tagong lugar nagpa-practice ang kanilang section ngayon at dumaan lang sila rito sa field para bumili ng coke sa canteen.

Parang kiti-kiti ang isa sa kanila na hindi mapakali habang naglalakad. Hindi kasi niya mapigilan ang hindi kiligin dahil naka-iskor siya ng yakap sa kanyang crush sa ibang section.

"Hoy, yinakap ako ni fafa Kier!" parang kiti-kiting tumili si Gabby habang pinaghahampas at sabunutan ang kaibigan na halos mahubaran na ng damit sa kanyang ginagawa. "Eeeek! Ang haba talaga ng hair ko!" buong pagmamalaki pa niya, habang kungyari ay sinusuklay ang boycut niyang buhok.

"Ouchie! Sis, pwede dahan-dahan naman. Baka pag napunit ang uniform ko, i-rape ako ng mga boys. Like eww. Virgin pa aketch and hindi pwedeng madungisan ang aking dangal at papuri!"

"Gaga! Puri yun, hindi papuri! Vovo mo talaga. Atsaka walang papa ang mangre-rape sa'yong froglet ka! Nakakaloka!"

"Oh, eh baket? Ganda ka, teh? Ganda ka--" napatigil sa pagsasalita ang baklang si Bryan. Scratch that. Mas gusto niyang tawagin bilang si "Brianna" para fabulous at sosyal pakinggan. Matangkad, payat, at may itsura naman sana siya ngunit wala na siyang magagawa pa dahil talagang pusong mamon siya.

Limang adonis ang nagpatigil sa mundo niya. Natagpuan na niya ang kanyang mga prinsipe! Ang dalawa ay mistulang mga diyos ng kagwapuhan. Sila ay walang iba kung'di sina Andy at Ark. Katabi nila si Francis, na may mabilog na pangangatawan. Napakacute ng singkit niyang mga mata habang ngumingiti at lumalabas rin ang mga dimples nito!

Ang isa naman ay moreno at maliit at simple lamang ito manamit. Nakasuot lamang ng T-shirt si Ryan ngunit bumabakat ang muscles niya na nakuha niya sa pagtulong sa bukirin. Mukhang masipag din ito at responsable dahil nakatayo siya sa harap habang seryosong nag-uutos.

Parang kupido naman ang tingin niya kay Blue dahil sa kulot niyang buhok, mala-gatas na kulay ng balat, at maliit na height na nakayuko naman sa kanyang cellphone.

Naging hugis puso ang kanyang mga mata at parang sira-ulong ngumingiti. Wala nang kawala ang kanyang mga fafa. Hindi niya sila kilala ngunit no worries because he will find a way.

My Babies, here I come! 

-*-*-*-*-*-

Preshy-chan's note: Nyek? Anong sumapi sa akin? Bakit ako naglagay ng ganyang character? Hahaha. Lols. Sorry dahil natagalan ang update. I was at lost and I have to find my way back to the ultimate plot of the story para maitahi ko nang maayos. 

Happy reading sa'yo! I will try to update my stories whenever I find time. Mahirap din kasi i-insert sa pagre-review. Ja!