Chapter 19 - Scratch 19

Blank

Bookstore Deities

Scratch 19

-*-*-*-*-*-

"Guys, 12:00 pm na! Pakibilisan ang pagbibihis. Alam niyo namang 12:30 ang start ng Interclass-competition," paalala ni Ryan sa mga kaklase. Nakasuot siya ng native vest at ng folded khaki. Naglagay rin siya ng bandana sa kanyang ulo at may nakasabit na pekeng itak sa kanyang tagiliran.

"Wait lang, Ry. Hala asan na ba yung hairpin dito?"

"Sinong may safety pin dyan? Hindi kasya yung saya ko sa akin."

"Yung bandana ko, andito lang yun ah. Sinong kumuha? Hoy ilabas niyo na!" sigaw ni Lexine. Ang akala niya'y pinagtitripan na naman siya. At ang prime suspect ay ang kambal.

"Ayan, oh," turo ni Charlotte sa paanan ni Lexine. Pinulot naman ito ni Lexine at saka pinagpagan. "My gash! Natapakan ko pala. Ang dumi na tuloy."

"Mata ang gamitin sa paghahanap, wag bibig. Okay? Ayan. Dela Vega the second ka na." panenermon ni Ryan sa kaibigan.

"Dela Vega the second?"

"Oo. Burara!"

"Gaga, di ako burara, no. Ang harsh ha. Ikaw nga dyan eh, bratatatata—Hoy!" kakantayawan pa sana ni Lexine si Ryan ngunit napatigil ito dahil hinablot ni Ryan ang bandana niya at sapilitang pinatalikod siya.

Mabilisang itinali ni Ryan ang bandana ni Lexine. "Ang daming satsat. Oh ayan. Tapos na."

Ika-bente na ngayo ng hulyo- ito na nga ang araw ng Interng sabayang pagbigkas. Natataranta ang lahat sa paghahanda dahil hindi pwede ang malate. Fifty points ang nakasalalay dito.

Bumunot ang bawat president ng klase para sa pagkakasunod-sunod ng pagtatanghal. Unang magtatanghal ang III-Cassioppeia, na susundan naman ng III-Bakawan at ng dalawa pang lower section, at panghuli ay ang III-Andromeda.

Nagsimula ang lahat sa isang simple, at masayang pamumuhay. Makikita sa entablado ang mga batang naghahabulan at naglalaro. Ang mga binatang kalalakihan ay nag-aani at nagtatanim ng mga palay sa bukirin, habang ang mga dalaga at mga ina nama'y abala sa nagkekwentuhan habang gumagawa ng mga gawaing bahay.

Malayang nakakapaglakad ang lahat at nakakapamasyal. Makikita sa kanilang mga labi ang ngiti ng kasiyahan.

Ngunit hindi nagtagal ang kasiyahang iyon, dahil isang lalaki ang humahangos na tumatakbo papasok sa entablado, na para bang may humahabol sa kanya. Hingal na hingal si Ryan na nahihintakutang sumisigaw ng: "Nariyan na sila! Tumakbo na kayo! Papatayin nila tayo!"

Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw dahilan para magsigawan at magsipagtakbuhan ang mga tao. Dumating ang mga mestisong kalalakihan na nakasuot ng damit pangsundalo na kinabibilangan nina Andy, Ark, Julian, at Francis. Pinagbabaril at pinaghahampas nila ng kanilang baril ang mga kalalakihan, habang ang mga kawawang babae ay nag-iiyakan habang sila ay tinatangay papunta sa isang gilid ng entablado, kung saan may mga rehas.

Ang isang napakagandang babae naman na natipuhan nila ay kinaladkad papunta sa madilim na bahagi ng entablado, kung saan, mayroong telang puti na nakatakip, at anino lamang ang makikita.

"Huwag po! Maawa kayo sa akin! Huwag!" Nagmamakaawa ang babae. Ngunit nakatikim lamang siya ng isang malutong na sampal mula sa isang sundalo.

Pinagmumura naman siya ng iba pang sundalo at pinagtawanan. "Inutil! Isa ka lamang hamak na indio! Kulang pa ito bilang kabayaran sa lahat ng utang ninyo sa pamahalaan!" Nagpupumiglas man, ay wala na siyang nagawa pa kung'di ang humagulgol na lamang habang salit-salitang pumapaibabaw sa kanya ang mga mestisong sundalo.

Pagkatapos siyang pagsawaan, pinabayaan siya ng mga sundalo na gutay-gutay ang damit, tulala, at lumuluha.

Oh, Inang bayan

Kariktan mo'y aking walang kapantay

Ito'y tinitingala't hinahangaan

Ngunit ang lahat ng ito'y walang saysay

Kung ang iyong mga anak ay sinupil na ng mga dayuhan

Mga dayuhang kalaban

Na sa kayamanan at kagandahan mo'y nasilaw

Kapalit ng kanilang ligaya

Binihag ka at isinadlak sa dusa

Sapat na bang kabayaran ang mga sinupil na pag-aari?

O kulang pang kapalit maging ang mga buhay na kinuha para sa mga kasalanang hindi naman ginawa?

Maibabalik pa ba ang nasirang saya ng mga ala-ala sa piling ng aking ina?

Magagawa pa kayang makatulog sa gabi nang mahimbing?

Pumasok si Charlotte sa Entablado. Palakad-lakad siya na parang wala sa sarili at nagsusumigaw ng: "Crispin? Basilio? Nasaan kayo mga anak ko?"

-*-*-*-*-*-

"Bago ko ibigay ang resulta ng labanang ito, gusto ko kayong batiin lahat ng congratulations! Job well done! Lubos akong natuwa sa inyong mga output. Alam kong pinagpaguran niyo ito. Nakikita ko kayong nag-eensayo rito sa eskwelahan hanggang gabi para lang matapos ang proyektong ito nang mabuti. Palakpakan niyo ang inyong mga sarili!"

Ngingiti-ngiting pumalapak naman ang lahat. Sa wakas ay natapos na rin ang kanilang paghihirap.

"Ang rankings by section ay ang sumusunod: III-Cassioppeia, III-Aries, III-Andromeda, III-Capricorn, III-Virgo."

"AHHHHHHH! Guys we did it! Huhu." nagsigawan at nagtatalon ang III-Cassioppeia. Sila ang nagwagi! Sulit ang lahat ng kanilang mga sakripisyo, pagod at hirap. Talaga nga namang mas masarap lasapin ang tagumpay kapag pinaghirapan.

"III-Aries, kinulang lang kayo sa props niyo sa presentation, pero umangat naman ang inyong talento sa pag-arte. Kaya pumangalawa kayo sa section Cassiopeia. Sa totoo lang ay kaunti lang ang diperensya ng iskor niyo. Ganun din sa III- Capricorn. Kinulang lang talaga ng preparation. Pero okay lang yun. Alam ko namang ginawa ninyo ang inyong makakaya."

Napangiti naman ang III-Aries at sa komento ng kanilang guro. Hindi nila aakalain na mapapansin sila gayong nasa lower section sila. Kadalasan kasi ay etsepwera na ang mga lower section sa kanilang eskwelahan.

Mas priority ang mga nasa crème of th crop na section. Nakakataba ng puso ang kanilang narinig. Kahit paano ay may nakakaappreciate naman pala sa kanila. Hindi man sila biniyayaan ng wagas na katalinuhan, at least may talent naman silang maipagmamalaki.

"Nakapili na ako ng mga estudyante na isasabak sa Buwan ng Wika, Sabayang Pagbigakas-Division level competition. Pinili ko kayo base sa inyong individual performance. Ang mga pangalang aking babanggitin ay nakitaan ko ng potensyal at karapat-dapat na maging representante ng ating eskwelahan."

Kumakabog ang dibdib ng karamihan. They were really anticipating this part. Kahit na hindi sila manalo ay malaking bagay na ang mapili bilang cast ng sabayang pagbigkas. Karamihan sa III-Aries at III-Capricorn ay mahilig sa sining at pag-arte kaya naman kahit masakit ay di pa rin nila mapigilang hindi umasa.

"Charlotte Diane Escovidal, Sigmund Yanson, Charity Elisse Escovidal, Anderson Dela Vega, Arwin Kael Dela Vega, Cheena Rivas, Julian Lionelle Clarete, Blue Santos, Queenie Jean Estimoso, Shekinah Vere, Jude Ysmael…" Patuloy na nag-anunsyo si Maam Oliger. Karamihan ng kanyang kinuha ay nagmula sa III-Aries at III-Capricorn dahil ito na yata ang home of best actors and actresses. Mangilan-ngilan lamang ang kanyang kinuha mula sa top section.

Nagkamayan ang mga estudyante sa bawat section. Kanya-kanyang pagbati at pagkuha ng mga litrato at syempre, chikahan. Habang abala ang lahat, tahimik na pinagmamasdan ni Franco ang isang dilag na kausap ni Sigmund. Nililigpit na ni Charity ang mga gamit. Humakbong si Franco paabante. Ngunit kaagad ring napatigil.

Huwag na. Baka ma-offend lang si Elisse sa amoy niya. Nakakahiya. It's useless. Naunahan na rin siya ni Sigmund. Kaya bakit pa? Para saan pa? Mabuti pang huwag na lang.

He took a step back at aalis nalang sana nang biglang may kumapit sa kanyang braso."Bebe Franco! Congratulations! Galing galing naman ng bebe ko! Gwapo pa! Haha." Pinunasan ni Brianna ang butil-butil na pawis ni Franco. Hindi niya alintana ang baho nito. Ika-nga, love will blind you.

Lubdub. Lubdub. Lubdub.

"Hindi. Hindi. Hindi ako bakla. Pero bakit ako nagkakaganito? Mali ito. Siya ang crush ko di'ba? Pero bakit?" sabi ni Franco sa kanyang isip habang tahimik na sinusundan ng tingin si Charity. "I-ikaw din. Maganda."

Pinalo siya ng bakla at niyakap. At dahil dyan, nang-asar na naman ang buong klase, under the leadership of the ultimate tripper ng bayan, Anderson Dela Vega with his alipores and vice president, Ark Dela Vega.

"Ayieee!"

"Sana all may lablayp!"

"Iba talaga ang may exotic na gf! Haha. Ay, GF ba o BF?"

"Both para may equality! HAHAHA"

"Franco, bakla ka pala? Sana sinabi mo kaagad. Tanggap ka naman namin, eh. Di'ba tol?"

"Oo nga. Hanapan ka pa namin ng mga fafables na beki eh. Ayieee!"

Ginatungan naman ni Ark ang pang-aasar sa pagkanta. Sumabay na rin ang iba. "Mga tambay lang kami, sawa sa babae. Mga babaeng manloloko, piniperahan lang kami. Kaya ngayo'y bakla nalang ang aming iibigin. Kay sarap magmahal ng bakla. O kay sarap, damhin! Aweeee!"

"HAHAHAHA" nagkatawanan naman ang apat na itlog.

"Tama na guys. Hindi ako bakla." Ayaw marinig ni Franco iyon. Alam niyang hindi siya bakla. Ngunit ano ang laban niya sa apat na itlog?

He is just an underdog. At paano siya lalaban gayong may patunay na. Paano niya ipapaliwanag na hindi siya bakla pero di niya maintindihan kung bakit siya nagagandahan at kinakabahan sa baklang si Brianna? Walang maniniwala sa kanya.

-*-*-*-*-*-