Chapter 23 - Scratch 23

"Stalker ka—"

Kasabay ng biglang pagkamatay ng lahat ng ilaw sa alley, ay ang panginginig at paninigas niya sa kinatatayuan.

Para bang hinigop ang kanyang lakas at ngayo'y takot ang namayani. Napaupo siya habang tahimik na tumutulo ang luha, pinipilit na labanan ang takot na nadarama.

Pinipilit niyang labanan ang dilim.

Pinipilit niyang patahimikin ang mga boses at imahe ng nakaraan na nagmumulto sa dilim.

*-*-*-*-*

Ten years old lang siya nang mangyari ang insidenteng iyon. Noon nagsimulang magka-nyctophobia si Charity Elisse.

"Dyan ka, mag-isa!"

"Oo nga! Bagay yan sa'yo!"

"Kakainin ka ng white lady."

Itinulak siya papasok sa madilim na comfort room, sa third floor ng elementary building. Nilock nila ang pintuan at saka nakangising umalis.

Alas-singko na ng hapon. Nagtatakip-silim na at nagsisimula ng kumagat ang dilim. Ayon sa mga kwento-kwento, marami raw nagmumulto doon.

"Buksan niyo'to! Please!" panawagan niya habang kinakalampag ang pintuan. "Friends na tayo! Please buksan niyo na'tong pinto!"

Subalit balewala ang lahat ng kanyang panawagan.

Walang nakakarinig ng kanyang sigaw.

Napasalampak na lamang siya sa sahig. Walang magawa kung'di ang lumuha nang lumuha habang nilalamon siya ng takot.

It was pitch dark. But all she can see and hear brings fear inside her.

Magdamag siyang nakulong doon, nakatulog lang siya nang magsimulang sumikat ang araw. Hinanap siya ng kanyang mama. Napalo pa si Charlotte dahil siya ang nasisi sa pagkawala ng kanyang kakambal.

Kinaumagahan, nagtaka ang janitor kung bakit nakalock sa labas ang CR. Binuksan niya ang pinto para sana'y maglinis pero napasigaw siya sa gulat nang bumulagta sa pintuan ang katawan ng isang batang babae na tumumba.

Minulat nito ang mga mata at kinusot-kusot ito.

"Dyusmiyo! Ano ka ba namang bata, ka? Bakit dito ka natutulog?"

"Kuya janitor!" Bumunghalit ng iyak ang batang si Charity.

Niyakap ng janitor ang umiiyak na bata. "Shh. Ano bang nangyari sa'yo? Kumain ka na ba?"

"Hi-hindi- Hindi pa po."

"Shhh. Tahan na."

"Ni-nilock po ako nina Bea, Riza, at Jacob! Bad sila."

*-*-*-*-*

"Cha!"

Natatarantang hinanap ni Sigmund ang kanyang emergency flashlight, na nakalimutan niyang nakasabit pala sa kanyang ID. Ini-on niya ang flashlight pero kaagad na ibinaba ito. Nakita niyang naka-fetus position si Charity.

"Wag kang tumingin! Wag mo akong tingnan!" Tinakpan ni Charity ang mukha. Ang mga luha ay simbolo ng kahinaan. Hindi ito dapat pinapakita sa iba. Dahil kung hindi, pagsasamantalahan ka lang nila.

Inabot niya ang ilaw sa kamay ni Charity, at hinawakan ang balikat nito. "Andito ako. Okay lang yan." Sa loob-loob niya'y hindi niya alam ang dapat gawin, para mapakalma lang si Elisse.

Lahat gagawin niya, maramdaman lang nito na ligtas siya, mapawi lang ang takot sa dibdib nito. "Wag kang matakot. Nandito ako, okay?"

Siniil si Charity ng mainit na yakap ni Sigmund.

Dug dug dug dug.

Instead of scary noises, she heard something different.

Instead of feeling entrapped in a dark and scary place, she felt trapped inside a dark and cozy space.

Dug dug dug dug

Her tears stopped. She froze. Itinulak niya palayo si Sigmund. "Wag mo na ulit gagawin yun. Tara na nga!"

"Bakit?" naguguluhang tanong ni Sigmund. May masama ba sa ginawa niya?Wala naman siyang masamang intensyon. It's just that, natataranta na siya at hindi pa kumakalma si Charity kaya niya yun nagawa.

Nabigla rin naman siya ah.

"Basta." Binilisan ni Charity ang paglalakad, naunahan niya si Sigmund.

Sigmund thought: 'Anong problema nun? Mukhang okay na siya, ah. Ibig sabihin, effective yung ginawa ko. I did the right thing.'

"Wait lang!" humabol naman si Sigmund para hindi tuluyang maiwan ng kasama.

'Oh~ Lovey Dovey, huh. Mapicturan nga ang rare moments of sweetness. HAHAHA! Kala niyo, ah! Hmm.' Kinuha ni Ark ang kanyang bagong iPhone. Buti, kahit sa dilim, malinaw ang kuha nito. Kung hindi, itatapon niya ang cellphone na walang kwenta para mabilhan siya ng bago.

Meanwhile, the twins which are hiding somewhere near chuckled in delight of their shenanigan.