Chapter 29 - Scratch 29

NARAMDAMAN NI PPELA IYON. Bahagi siya ng bawat papel na kanyang ibinibigay. Kaya bawat pagkapunit, bawat pagkatapak, pagkatapon, at paglukot ay nararamdaman niya. Ramdam na ramdam niya ang sakit na dulot ng pagbabalewala!

Tinangay sina Andy at Ark ni Pymi patungo sa nanggagalaiting dyosa. Confusion flooded their expressions. Bakit sila dinala rito sa Bookstore Deities sa kalagitnaan ng klase?

"Anderson Dela Vega! Arwin Kael Dela Vega! Ginagalit niyo talaga ako, huh? Magmula ngayon, sa tuwing may nangangailangan ng papel sa paligid ninyo, ay magiging papel kayo!" Her emblem is red, like a flame burning with rage. She would do anything under her power just to punish these insolent children!

Then her mood suddenly changed. The color of her emblem changed into purple. The color of playfulness and wickedness. "Ah, wait. No. I'm not that cruel, despite you hurting me. So, I'm making it one."

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. "Mini mini mini mo~ Sino kaya ang paparusahan ko? Si Anderson, o si Ark~" she sang. Huminto kay Andy ang kanta. Pero para may twist, inilipat niya ang huling tingin.

Sa isang iglap ay naging intermediate pad si Ark. "AHHH!"

Nawalan na rin ng bisa ang kontrata. Ang mga drawing books na naiwan sa mundo ng mga tao ay nawalan ng kapangyarihan. Kung tutuusin ay pwede naman niyang bawiin na ang mga items pero hindi. Alam niyang may mas kapanapanabik pang mangyayari. She won't spoil the fun.

"What the hell? Anong ginawa mo kay Ark?"

"Bulag ka ba? Ano sa palagay mo?"

"You made him into a fucking pad of paper!"

"Oh, alam mo naman pala, nagtanong ka pa." Ngumiti si Ppela. Yung ngiting mapang-asar at nakakabwisit before she added. "Yes, just like the fucking drawing book na pinunit niyong dalawa at winala. Hindi kayo marunong magpahalaga ng mga bagay at mga tao na meron kayo.

She then laughed out of satisfaction. "Oh, revenge is so sweet. Good luck, boys!" The goddess disappeared into thin air, leaving Ark who is crying for help, and Andy who could only curse.

But all of it is futile because they could do nothing to turn Ark back into his human form.

"Wag kayong mag-alala. Walang nakapansin sa pagkawala niyo. Hindi naman kayo mahalaga." sabi ni Pymi bago gumuhit ng hugis arko sa harap ng kambal.

Sa isang iglap lang ay nakabalik na sa MCHS si Andy hawak si Ark. Nagkakagulo ang lahat dahil magkakaroon na naman ng long quiz si sir Domeng.

"Hoy, tol! Penge ng one half cross wise!"

"Ako rin!"

"Hi—" Bago pa man makaangal si Andy ay nakakuha na ang mga humihingi ng papel sa pad. At hindi rin siya makaangal. Kusang gumagalaw ang kanyang kamay sa pagkuha ng papel at sa pamimigay.

Tuluyan na nga siyang dinumog ng mga nanghihingi ng papel.

"Naks! For the first time in forever, may papel! Anong nakain?"

"Nevermind! Ang importante may papel na tayo! Bilisan niyo, magsa-start na ang quiz!"

Kiming lumapit si Sigmund. "P-pwede pahingi? Naubusan kasi ako eh." He awkwardly smiled. Naubusan siya ng supply dahil sa dami ng nanghihingi sa kanya. Di'bale, bibili nalang siya ulit.

"Tsk!" Padabog na pumunit ng papel si Andy.

*-*-*-*-*

Napapakunot ang noo ni Charity habang palakad-lakad na binubuklat ang drawing book.

Ipinagpatuloy niya ang naudlot na pagbuklat dito kagabi dahil may tinapos pa siyang assignment at nag-aral pa para sa kanilang paparating na oral quiz kay Ginoong Domeng.

Sa ikatlong pahina, may baklang naghugis puso ang mata sa isang lalaking nananahimik sa isang tabi. Hindi mapakali at lumalakas ang tibok ng lalaki.

Tsk. Ang korni. At ngayon, bigla namang naging romance ang kwento?

She turned to the next page. Maraming tao sa senaryo. Pero ang pinakahighlight ay ang babae na biglang natumba at aksidenteng nahalikan ang lalake. Nakita ng isa pang babae ang paghahalikan ng dalawa kaya sinampal niya ito habang umiiyak. Pinipilit magpaliwanag ng lalake na sa palagay ni Charity ay boyfriend ng nakakitang babae.

Bumalik sa ala-ala niya sina Brianna at Franco, ang nangyaring eksena kina Sharry at Julian. Ito yun. Eksaktong ito yun. Pero paano iyon nangyari? Nagkataon lang ba lahat?

Di'ba parang imposible? Paano mangyayari na ang nakadrawing doon ay ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw?

"Hindi imposible ang iniisip mo, ate Elisse. Alam mo, maraming bagay sa mundong ito ang hindi maipapaliwanag ng siyensya kailanman. Maraming bagay at nilalang ang hindi natin nakikita. Ang akala mong imposible ay possible pala. Baka ang akala mong ordinaryo, ay may kapangyarihan palang baguhin o paglaruan ang lahat."

Nakakunot ang noo na hinarap ni Charity ang batang bigla nalang sumulpot sa kanyang tabi. "Sino ka ba?"

"Hindi na 'yon importante. Makakalimutan niyo rin naman ako."

"Teka nga. Wala ka bang klase?"

The kid smiled. "Hindi po ako nag-aaral," sagot ng bata at saka umalis.

Kung hindi na siya nag-aaral, eh bakit siya nandito sa eskwelahan at nakauniporme? Weird. Katulad ng drawing book na hawak niya ngayon.

*-*-*-*-*

Ilang araw na silang ganon. Kaya naman hindi nakaligtas sa mapanuring obserbasyon ni Charlotte ang pagkawala at maya-maya'y pagsulpot ni Ark sa klase at ang himalang pamimigay ni Andy ng mga papel sa tuwing may nangangailangan nito.

Sa buong tatlong taon na magkaklase sina Charlotte at Andy, never pa itong nag-effort na bumili ng papel. Palagi lang silang nanghihingi sa kung sino-sino, pero madalas kay Sigmund.

Hindi niya tuloy maiwasan ang hindi magtaka sa ikinikilos ng dalawa. Pero, baka naman nagbagong buhay na sila? You know, people change.

"Andy? Pwede ko na bang kunin ang activity sheet mo sa Statistics?"

"Ah, ito."

"Salamat!" She beamed.

"Nga pala, nakita mo ba si Ark? Kagrupo ko kasi siya sa English."

Bumibilis ang pintig ng kanyang puso. Nanginig ang kanyang kamay at natuyuan siya ng laway. Gayunpaman, ay nag-isip siya ng pwedeng isagot. "Ah.. ano.. ah.. Baka may binili lang sa canteen. Bakit? Ano bang sasabihin mo sa kanya? Ako nalang ang magrerelay."

"Bobo! Sabihin mo sa mall. Baka matagalan ako dito. Di ka talaga nag-iisip!" Singhal ng papel na si Ark. Buti nalang ay hindi siya naririnig ni Charlotte.

"Bob—" sisigawan din sana pabalik ni Andy ang tukmol niyang kapatid nang nagulat si Charlotte sa kanyang inasal. "Ah, Bob the builder! Bob the builder~ NALSS kasi ako eh."

Hindi niya nakikita ang kambal pero naririnig niya ang malutong nitong tawa. Kumanta pa talaga siya ha. Mukhang tanga.

Arggh! Parang gusto niyang sabunutan ang sarili. Anong klaseng palusot ba'yon? Pero dahil hindi na niya pwedeng bawiin, sana paniwalaan nalang ni Charlotte. Sana.

"Ah! Naalala ko pupunta raw siya sa mall."

Nabigla si Charlotte dahil akala niya'y mumurahin siya ni Andy samantalang wala naman siyang ginagawang masama. Akala niya naman kung ano na. "Eh? Nagcut-class siya? Pero mahigpit yung guard di'ba? Paano siya nakalabas?"

"Unggoy yun. Kaya niya akyatin kahit gaano pa kataas na pader," pagsisinungaling pa ni Andy at ngumiti nang peke.

"Ay? Akyat-bahay gang lang? Taray naman ng skills niya. Pero ang dami na niyang missed quizzes, ah. Sayang din yun. Baka bumagsak siya kay sir Domeng, naku!"

Missed quizzes? Hindi iyon ang totoong problema dahil dalawang quiz ang tinitake ni Andy. Dalawang papel ang ipinasa niya para kahit absent ang kanyang kakambal, may recorded quiz pa rin ito.

Cheating as it may seemed, but for him, technically speaking ay hindi naman talaga absent si Ark. Nandito siya. Hindi nga lang nakikita bilang tao, kung'di bilang isang pad ng papel.

*-*-*-*-*

"Sissy, nahanap mo na ba kung sinong may-ari niyan?" tanong ni Charlotte. Binisita niya ang kapatid sa tabing classroom tutal bakante naman nila eh. Absent si Ms. Oliger ngayong araw.

"Hindi pa. Charlotte, di'ba magaling magdrawing sina Andy at Ark?"

"Oo. May ipapadrawing ka ba? Naku, I am telling you. Wag kang lalapit sa dalawang 'yon! May black aura, baka magsuntukan kayo! Kilala kita, Cha. Palaban ka. Ikaw pa?

"Bakit?"

"Nag-away sila eh. Kaya wag ka talagang lalapit don! Ayokong madagdagan ang record mo sa guidance, kaloka."

"Bakit?"

"Eh kasi, nawawala daw yung drawing book ni Andy. So inagaw niya yung kay Ark. Nag-agawan pa sila, kaya ayun, napunit yung drawing book ni Ark! Nakakaloka talaga. Para yun lang pinag-awayan? Samantalang nung naapakan ko yung Iphone ni Andy wala lang sa kanya. Ano kaya nakain nun? Tapos lagi pang namimigay ng papel ngayon."

A realization dawned on her.

"Asan si Ark?"

Charlotte shrugged. "Hinahanap ko rin yun kanina pero ang sabi ni Andy, pumunta raw ng mall. Tsk. Lagi nalang lulubog-lilitaw sa klase. Di na ako magugulat kung maging kaklase mo na siya next--- Sissy sa'n ka pupunta?"

"Salamat. Alis na'ko."

Hindi na natapos ni Charlotte ang sasabihin dahil biglang umalis si Charity. May kailangan pa siyang tugisin.

*-*-*-*-*

Kring! Kring!

Tumunog na ang panghuling bell. Hudyat na tapos na ang lahat ng klase, kaya nama'y nagpaalam na ang mga estudyante at nagligpit ng kanilang mga gamit pauwi, maliban sa mga cleaners.

Habang nagliligpit ng kanyang gamit ay may nahulog na envelope gawa sa intermediate paper. Ang nakakuha ng pansin niya ay ang pangalan niyang nakasulat sa unahan nito.

T: Anderson Dela Vega

Nasa akin ang hinahanap mong drawing book. Magkita tayo sa mini forest, pagkatapos ng klase. Kung hindi ka pupunta, itatapon ko nalang to sa basurahan.

Nanlaki ang kanyang mata. Ang drawing book! Kailangan niyang pumunta para makuha ang drawing book niya.

"San ka pupunta tol?"

"Dyan ka lang. May nagpadala sa akin ng sulat. Nasa kanya ang drawing book ko."

"Sino? Baka trap yan!"

"Ewan, di ko alam. Basta kailangan nating makuha ang drawing book ko para makabalik ka na sa dati!"

"Sama ako!"

"Aish!" sa kakulitan ni Ark, walang nagawa si Andy kung'di isama nalang ang tukmol niyang kapatid.

Nagpalinga-linga si Andy sa paligid, hinahanap ng kanyang mga mata ang isang tao na may hawak ng kanyang drawing book.

"Ito ba ang hinahanap mo, Anderson Dela Vega?" may boses na nagsalita mula sa kanyang likuran.

"Charity? Paano napunta sa'yo yan? Akin na--"

"Sandali. Bago ko ibalik sa'yo 'to, sagutin mo muna nang maayos ang tanong ko. Wag mong tatangkaing magsinungaling, kung hindi, hindi mo na ulit makikita pa ang drawing book mo. "

Nanatiling tikom ang bibig ni Andy, naghihintay na ibato ni Charity ang katanungan para makaalis na siya at mabawi na niya ang gamit.

"Anderson Dela Vega, alam kong hindi basta-basta ang drawing book na hawak ko ngayon. Kaya nitong gawing totoo ang mga nakaguhit dito."

His eyes widened. No way. Alam ni Charity na may powers ang drawing books nila! At na sila ang may kagagawan ng mga pangyayari. Pero pinilit niya pa ring magmaang-maangan. "Ano bang sinasabi mo?"

"Napagtagpi-tagpi ko na ang mga pangyayari, Andy. Biglang nawala ang drawing book mo, at lahat ng nakadrawing dito, yun ang mga nangyari! Bakit big deal sa'yo ang pagkawala nito? Di'ba, wala ka namang pakealam sa mga gamit mo? Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng kapangyarihan ang drawing book na ito pero bakit kailangan mong harasin si Sigmund para lang malaman kung saan niya ito nakuha? Yun ay dahil itong drawing book na ito…" nanggigigil na dinuro ni charity ang drawing book na hawak niya. "ay may kapangyarihan na inabuso niyo naman!"

Napahigpit ang hawak ni Andy sa papel na si Ark. "A-ano bang sinasabi mo?"

Hindi nakawala sa mapanuring tingin iyon ni Charity. Ang mga burarang katulad ni Andy ay hindi papahalagahan ang mga bagay-bagay kung walang kakaiba dito. Kaya merong something sa papel na hawak ni Andy.

Humakbang siya papalapit kay Andy at mabilis na inagaw si Ark.

"A-akin na yan! Ibalik mo yan, ililibre kita kahit magkano. " sigaw ni Anderson. Hindi niya mapigilan ang hindi magpawis nang malamig. Paano kung may mangyaring masama kay Ark?

"Papel lang naman 'to d'iba? Bakit ka natatakot?"

"Mahalaga yan sa'kin. Ka.. kasi mahal yan! Di mo ba alam kung magkano yan?" pagsisinungaling ni Andy.

"Hindi ka ba nahihiya? Pinag-away mo sina Van at Ria, sinira mo si Lexine. Sinira mo ang relasyon nina Sharry at Julian. Ipinahiya mo si Nicco! Sino pang isusunod mo?"

"Kelan ka pa natutong magpahalaga sa mga bagay-bagay, Andy? Tao nga tinatrato mo ngang parang basura, papel pa kaya?" Lumipat ang tingin niya sa intermediate pad, kay Ark. "O baka naman, hindi lang ito basta papel." Pinagpupunit niya ang papel ngunit napasigaw siya nang may magsalita.

"F*ck! A-Ahh ray!"

Sino iyon? Boses iyon ni Ark. Lumingon siya sa paligid pero hindi niya makita si Ark. Kung ganon, sino yung sumigaw?

"SHIT! Anong ginagawa mo sa kapatid ko?"

"Ang ano?" naguguluhang tanong ni Charity.

"Shit. Pinunit mo siya!"

"Maraming bagay at nilalang ang hindi natin nakikita. Ang akala mong imposible ay possible pala. Baka ang akala mong ordinaryo, ay may kapangyarihan palang baguhin o paglaruan ang lahat."

Hindi makapaniwala si Elisse. The words of the mysterious kid made sense to her now. "Ibig mong sabihin, si Ark ay ang papel na yan? Pero paano?"

"Oo. Please keep this between us. Sasabihin ko sa iyo ang totoo. Pero please, tulungan mo ako. Kami."

"Okay. Pero sa isang kondisyon. Tulungan mo ang kapatid ko na ayusin ang problema niya sa mga admirers at letters niyo, lalo na kay Cheena."

"Okay. Deal."

"Ano na? Bakit siya naging papel?"

"Pinarusahan siya ng goddess na si Ppela. Siya ang nagbigay sa'min ng drawing books na 'yan. Tama ang hinala mo. Lahat ng drawings namin nagkakatotoo. Pero dahil naiwala at napunit namin ang drawing books, ginawa niyang papel ang isa sa amin… si Ark."