Chereads / BLANK (Bookstore Deities 2, Taglish) / Chapter 32 - Scratch Epilogue

Chapter 32 - Scratch Epilogue

*klak klak klak klak klak*

Nakarinig sila ng tunog ng mga papel na naglilipat pahina. Sunod-sunod at marami. Huminto ang oras at unti-unting nabura ang lahat ng nandoon sa senaryo hanggang sa magmistulang blangkong papel ang lugar. Puro puti, walang bahid at walang ibang laman. Naglaho ang lahat.

Ito na nga ang hudyat na nakawala na sila sa sumpa ni Ppela at nabura na sa ala-ala ng lahat ang magical drawing books. Everything happened- but in their memory, there was no magical drawing book that was involved.

Iminulat nila ang kanilang mga mata. Kisame ng kanilang kwarto ang unang bumulagta sa kanila pagkagising. Napakahaba ng kanilang panaginip. Parehong masaya at malungkot. Masaya dahil naranasan nilang magkaroon ng magical items. Malungkot dahil naranasan nilang mapahamak ang isa sa kanila.

Matutulog pa sana sila ulit, kaso, namataan ni Andy ang isang sticky note na nagpaaalala sa kanilang, meron silang make-up class sa research dahil absent ng dalawang araw ang guro nila sa subject na iyon.

Napamulagat si Andy at dali-daling ginising si Ark na nakanganga pang matulog. "Tol… gising na tol."

"Hmm."

Dahil ayaw magpagising ng kapatid, hinigaan niya ito. Hindi nakahinga nang maayos si Ark kaya nagising rin kaagad. "Aggh. Tang'na. Oo na! Put* ang bigat mo, tol!"

Nagulat sila sa nagkalat na mga crumpled papers sa kanilang kwarto. Puro mga scratch paper ang mga ito. Nanghinayang sila sa dami ng papel na gamit habang inililigpit ang mga ito.

"Now, for your research paper, you will have to invent or create something. There will be two outputs. First is the written research paper, and second is the actual product or invention. This will be done by pair. I will choose the top three from here and section Andromeda to represent the class into the upcoming research competition sa Science and Technology Month. Clear?"

"Yes, sir."

They started brainstorming for their research. Till an idea strucked them like a lightning. Naalala nila ang mga nagkalat na scratch papers at ang kanilang panaginip kaya napaisip, baka naman may iba pang paraan para magamit itong muli. Ginawan nila ng iba pang usage ang papel bukod sa sulatan at guhitan.

Nag top four ang kanilang research overall sa ranking kaya nandito sila ngayon sa malawak na entablado ng kanilang gym at nagprepresent ng kanilang research paper ngayong celebration ng Science and Technology Month.

Anderson did the introduction with a smile plastered on his face to cover his nervousness. "Good morning ladies and gentlemen. As we all know, papers has been very useful in our everyday lives. But little research emphasizes its significance to the society, giving it little attention and chance to be explored.

Papers have many wonders. A blank paper can be used to write anything we want. There are many possibilities. You can draw. You can write. You can fold it and make many shapes. You can also cut it.

But after papers become scratches, the once useful paper, become useless in our eyes. Millions of scratches are being thrown away. This is not helping our environment."

It's Arwin's turn to explain. "So, could there be a way that we turn biodegradable papers back to its usefulness? Our research has found out that yes. It is possible."

"We created a printer which has blank erase technology. This Blank Erase Technology could wipe clean the used papers, even the printed ones so that the papers can be renewed and be reused again for various purposes."

Lingid sa kanilang kaalaman, nakangiting nanonood sa kanila ang dyosa. Nakahalo siya sa madla at nakasuot ng puting romper na may maninipis na red and blue horizontal stripes at white stiletto. "Bravo! Gusto ko yan." There is a satisfied glint in her eyes. "You will never know the value of something, unless you work hard for it, felt pain, and sacrificed to get it," she added.

Sa kanyang peripheral view ay may sumulpot na batang lalaki na may feather quills sa ulo, animo'y anak ni Francisco Balagtas. Hindi tulad ni Ppela, invisible siya sa mata ng mga tao ngayon. "Brother Titus, you're here, huh."

"Dahil walang hinihiram ang hindi maibabalik, Lahat ng bagay, babalik sa pinanggalingan nito. " matalinghagang saad ni Titus. Ang ibig niyang sabihin ay may kinuha siyang item niya.

"Whatever. Pwede ba, brother? Masyado kang baduy. You look young pero para kang lolo magsalita. Mas malala ka pa kay Uncle Sababa."

Hindi siya sumagot. Bagkus ay tinawag ang isang batang pagala-gala. May kulot itong buhok at kinakausap ang sarili. "Kuya Titus!" parang maliit na kunehong tumakbo si Pymi at sinalubong ng yakap ang kanyang kuya.

Nao-OP na naman si Ppela sa dalawa. Kaya nag-iba ang kanyang mood.

"Pymi…" narinig niya ang isang mahinang boses na tumatawag sa kanya. Looks like she would now deliver another magical item from the goddess of binding to her next target: King Castanares. Kaya naman, nagpaalam na siya. "Paalam. Tinatawag na ako ni ate Yju."

"Okay. Go," masungit na sagot ni Ppela.

"Humayo ka, kapatid."