Chapter 16 - Scratch 16

Bookstore Deities

Blank

Scratch 16

*-*-*-*-*

"Dyusmiyo! Dyusmiyo! Dyusmiyo!"

"Fuck!"

Napapamura habang humahangos na nagtatakbo sina Ryan at Blue. Tagaktak ang kanilang mga pawis at hinihingal na rin sila. Daig pa nila ang mga runner sa marathon.

Sa sobrang pagmamadali, nasagi ni Ryan ang kagagaling lamang sa canteen na si Charlotte. Nawalan siya ng balanse kaya tumilapon ang mga letter at cards na hawak niya. Mabuti na lamang at mabilis ang kanyang reflex. Nasalo niya ang mga ito bago pa man ito tuluyang bumagsak sa lupa at matapakan. Mahalaga pa naman ang mga iyon.

Hindi man sa kanya at hindi man para sa kanya iyon, pero importante pa rin para sa kanya. Hindi naman kasi porket hindi iyo, hindi mo na iingatan. Hindi porket hindi iyo, hindi na mahalaga. Lahat ng tao may bagay na pinapahalagahan, at syempre kapag mahalaga, iniingatan iyon ng may-ari.

Napuno ng pagtataka ang mukha ni Charlotte. May emergency ba? Mayroon bang project o assignment na hindi sila napasa? Kung makatakbo naman ang mga ito akala mo, nakakita sila ng multo o aswang. Temple run lang ang peg?

Subalit wala doon ang sagot sa kanyang katanungan.

Hindi sila nag-uunahan.

Hindi rin sila hinahabol ng aso.

Magkasunod na pumasok ang dalawa sa loob ng kanilang classroom. Mabilis na umikot ang kanilang mata sa kabuuan ng kwarto na para bang may hinahanap. Natatarantang nagtago sa likod ng pintuan si Blue habang mabilis naman na humiga sa loob ng divan si Ryan na para bang isang patay.

Mabaho sa loob. Pinaghalong floor wax, bunot at kung ano-ano pang kalat na tinatapon sa loob ang amoy na pumapasok sa kanyang ilong. Sa ngayon ay kailangan niya munang tiisin ang nakakasulasok na amoy.

Pinipigil niya ang kanyang hininga at kung pwede lang sanang patahimikin ang kanyang puso ay gagawin niya, subalit alam niyang ang puso ay isang involuntary muscle at susunod lamang ito kung kakalma siya. Pero sa sitwasyong 'to, malabo iyon. Makita lang talaga niya kung sino ang walang hiyang nagtatapon doon, humanda talaga sila.

Pero hindi iyon ang concern niya sa ngayon!

"Baby Blue! My Baby Blue!"

She blinked twice. Ah, oo nga pala. Bakit nga ba niya nakalimutan na sa tuwing lunch at recess ay pinepeste ni Brianna ang boys sa room nila. Lagi itong nakasunod at nakahandang humabol sa kanila na parang isang aso na uhaw sa paglalambing at human contact. Ganito ang senaryo palagi. Hindi pa ba siya nasanay?

Gumapang naman ang kakaibang kilabot at kaba kina Andy at Blue. Malapit na siya. Alam nilang galing sa labas ang boses dahil hindi pa ito gaanong kalakas pero sapat na iyon para kabahan sila nang todo at maalerto. Hindi nakakatulong ang panlalamig ng kanilang mga kamay, malakas na tibok ng kanilang puso, at ang panunuyo ng kanilang mga laway.

Paano kung mahuli sila?

"My baby, baby blue eyes," pagkanta ni Brianna habang maakit na tinatawag si Blue. 'Di tulad kanina, mas malakas at malinaw na ang boses lalo na sa kinaroroonan ni Blue.

Ang totoo, pintuan lang ang kanilang pagitan. Isang maling ingay at bukas ng pinto, tiyak na siya'y mabubuko. Siguradong katapusan na ng mundo—ni Blue.

Muntik nang masuka si Blue sa narinig. Parang biglang ayaw na niya sa kanyang pangalan. Buti sana kung isang maganda at seksing babae ang tatawag sa kanya nang ganun, baka ligawan niya pa. At talagang kumanta pa talaga siya, ha. Anong akala niya, na isa siyang sirena sa karagatan? Pwes, hindi! Isa siyang pugita! Isa siyang dugong!

"Labas ka na dyan! Wag ka ngang pabebe. Enebe. Mas lalo kitang nagugustuhan niyan eh."

"Sissy, nakita mo ba si baby blue ko? Atsaka si Fafa Ryan na rin pala," tanong ni Brianna kay Charlotte habang pinapatunog ang kanyang nangingitim na labi dahil sa kanyang mahiwagang "matte" lipstick at may pa beautiful eyes pa itong nalalaman gamit ang kanyang fake eyelashes na ubod ng haba.

"Ayun--" sasabihin na sana niyang nasa likod lang ito ng pintuan ngunit sa siwang ng pinto ay nakita niya ang pandidilat ng mga mata ni Blue habang nakalagay ang hintuturo sa harap ng bibig. "Oh! Parang siya yung tumatakbo! Bilis! Habulin mo na," pagsisinungaling niya pa.

"Talaga? Where, sissy?" Pilit tinatanaw ni Brianna ang direksyong itinuro ni Charlotte ngunit ni-anino ni Blue ay wala. Saan nga kaya nagsuot ang kanyang baby Blue? Hmm.

Samantala, sa kabila ng kaguluhan, ay di naman maawat sa pagtawa ang mga nakakita lalong lalo na ang apat na itlog na walang iba kung'di sina Andy, Francis, Ark, at Julian.

"AHAHAHAHAHA! Ahaha--- HAHAHAHAHA!" Kitang-kita nilang apat ang walang pag-aalinlangang pagdive ni Ryan sa divan, at ang nagmamakaawang itsura ni Blue sa likod ng pinto habang nagtatago. Parang natatae na ewan ang mga ito. Paulit-ulit na nagre-replay sa kanilang ala-ala ang nasaksihan kaya di rin nila maawat ang sarili sa pagtawa kahit na sinasakitan na sila ng tiyan at halos gumulong na sa sahig. Napaubo pa nga si Francis. Nabilaukan kasi siya sa kakatawa.

Dahil sa malalakas nilang tawa, naagaw nila ang pansin ni Brianna. Forget about Fafa Ryan. Forget about Baby Blue. Andito naman pala ang mga super duper ultramega ultimate hubby at prince charming niya.

"Andito ka pala, Hubbyyy! OMG hindi kita napansin. I'm sorry. Wag ka na magselos huh. Kiss nalang kita at hu---"

As if on cue, napatigil sa pagtawa si Andy at naalerto ang kanyang sistema. Awtomatikong nag-isip siya ng paraan kung paano malulusutan ang paparating na problema.

Papalapit na sana si Brianna sa kanya ngunit dahil advance siyang mag-isip ay mabilis siyang nakailag at nakatabo papunta sa kinaroroonan ni Blue. Lumapit siya sa pintuan at itinulak ito papunta sa labas para ilantad ang nagtatagong si Blue.

'Oh, shit.' Parang biglang bumagal ang takbo ng oras para kay Blue. Hindi. Hindi maari.

"Ay sorry! Hahaha. Nandyan ka pala tol," sabi ni Andy sabay tawa nang nakakaloko. Hinila niya palabas si Blue saka ipinagtulakan papunta kay Brianna. "Di'ba hinahanap mo si Baby Blue mo? Andito na siya, oh. Ayiee!"

Problem, solved. Bravo! Napakatalino. Akalain mong nakaisip siya kaagad ng pang-human shield? Pinalakpakan ni Andy ang sarili sa kanyang isip. Nakahinga siya nang maluwag dahil nagawa niyang lampasan ang isang obstacle.

Napatumba si Blue kay Brianna at nagrere-cover palang siya sa pagkakatumba pero laking gulat niya nang itim na labi nito ang unang bumungad sa kanya kaya naman, itinulak niya si Brianna at ipinasa sa patawa-tawang si Francis.

"Hoy!" Napatalon si Francis sa gulat. Ikaw ba naman, patawa-tawa ka lang sa isang tabi tapos sa isang iglap lang, ay may nakakapit ng bakla sa'yo? You got to believe in magic talaga. "Tang'na! Dun ka kay Julian! Shoo!"

On-guard naman si Julian at kahit na hindi naman siya nilalapitan ay kaagad na naging defensive at nagtawag na ng kanyang tagapagligtas. "Sharry, oh! Sharry! Sige lang, subukan mo lumapit! Susumbong kita kay Sharry. Gusto mo maging panot? "

"Nakakaloka! Akala mo naman, Julian! Hindi kita type, no. Naka move-on na'ko sa'yo. Duh! Narealize ko kasi na hindi bagay ang beauty ko sa mga katulad mo. Hindi ka naman gwapo."

"Woah! Hindi ka daw gwapo, tol! HAHAHA."

"Hindi talaga. Ang ganda ng girlfriend ko! Ang layo ng mukha niyo."

"Whatever. Si Andy ang hubby loves ko, no. Di'ba Andy? Kiss nga ako~"

Isang malakas na tulak ang natanggap niya mula kay Andy. "Ayun si Ark, oh! Mas gwapo yun sa'kin! Type ka daw niya!"

"OGAG! Sino ka ba? Lumayo-layo ka nga sa'kin! Di kita kilala!"

"Me? Brianna Aranas lang naman. Aketch lang naman ang wifey mo!" masuyong sagot ni Brianna na may kasamang hampas at himas sa braso ni Arwin.

"Pfft! HAHAHAHA! Ikaw tol, ha! Mga bakla pala type mo!" kantyaw nilang lahat sa pangunguna ng walang hiya niyang kakambal na si Andy.

"Oo nga. Gusto mo pala, exotic!" hirit ni Julian.

Napapalakpak si Andy. "HAHAHA. Hanep! Itsura pa lang, ulam na!"

"Hmm. Yummy! Ingat ka tol, baka madumihan ka ng black ink," segunda naman ni Francis.

"A-Alam mo may kakilala ako. Ang tipo niya raw na babae ay may magandang lips, kasingkulay ng sa'yo." Nautal man sa kaba, pero pinilit pa rin ni Arwin na ngumiti. Kailangang matagumpay na mailigaw niya ang atensyon ng kalaban at saka niya kukunin ang tsansang iyon para tumakas.

"Talaga?"

Career na career naman ang pagiging audience nina Andy, Francis, at Julian. Inaabangan nila ang bawat sasabihin ni Arwin. Ano kaya ang binabalak ng isang 'to? Dinukot ni Andy ang mahiwaga niyang cellphone at kinunan ng video ang nangyayari. Who knows, baka may mangyaring kakaiba.

"OO. Atsaka type niya rin daw mga mahahaba ang pilikmata. Mas mahaba ang pilikmata, mas maganda. Tapos may mapula-pulang cheeks. Sakto. Ikaw na yata ang dream girl niya. Hahaha!"

"Sino ba yan? Ay bet! Pakilala mo naman ako."

"AYUN SIYA OH!" sigaw ni Ark sabay tulak na naman nang malakas kay Brianna papunta kay Franco na may kung anong ginagawa sa kanyang cellphone.

Nagimbal ang nananahimik na si Franco. Umiiwas na nga siya sa mga kaklase para hindi maka-offend eh. Ayaw niyang maperwisyo sila sa nakakadiri niyang sakit. Tama na ang mga naririnig niyang pagkutya. Masyado nang masakit. Pero bakit kahit na anong gawin niya ay ganun pa rin?

"Eww. What's that funny smell? Ayoko. Chakaness naman. Mukhang froglet. Si Andy pa rin ang bet ko."

"Eh, paano sina Blue at Ryan at Arwin? Di'ba crush mo sila?"

"Oo, pero si Andy at Ark ang bet na bet na bet ko! ahihi. At dahil bet na bet ko sila, bibigyan ko sila ng power kiss! " sabi niya at pagkatapos ay pikit-matang ngumuso papalapit kay Arwin.

"AAAAAAHHHH!" Isang malakas na sigaw ang sinabayan ng pagtunog ng bell. 

---

Preshy-chan's note: Malapit nang matapos ang second arc/ First volume. Abangan ang kakaharaping problema ng kambal sa mga susunod na kabanata. Hahaha. Third Arc/Second volume ng librong ito.

ciao!