Chapter 17 - Scratch 17

Bookstore Deities

Blank

Scratch 17

-*-*-*-*-*-

"Hi, Bebe Franco!"

"H-Hi." Nauutal na sagot ni Franco. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naman ang nilalapitan nitong si Brianna. At isa pa, bakit lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib? Hindi siya mapalagay sa harap ng magandang dilag na si Brianna.

Ano kamo? Maganda? Kahapon lang ay hindi naman siya maganda sa paningin nito. Pero bakit ngayon…

"Kumain ka na ba? May dala akong lunch. Ahihi. Aketch nagluto niyan. Kumain ka ha, kung hindi, jojombagin kita."

Tatanggi sana siya. Kaya lang ay nagtagpo ang kanilang mga mata. Napaiwas siya ng tingin at pinilit na kinalma ang sarili bago sumagot. "Si-sige na nga." Nahihirapan siyang tanggihan ang mga magaganda nitong mata.

Napangisi si Andy habang pinapanood ang pugita at ang bulaho na maglandian. Ngayon nila tikman ang tamis ng kanyang paghihiganti.

Flashback:

"ANAK NG KINGINA!" gigil na gigil na sigaw ni Andy matapos makarecover sa kanyang pagkatulala. Pulang-pula ang kanyang mukha pati tenga. Tiim bagang at masama ang tingin. Ngayon lang siya nagalit nang ganito ulit. Ngayon lang.

"WAHAHAHA! Sayang tol. Di ko navideohan!" patawa-tawang komento ni Ark at nakipag-apir pa kay Julian.

"Ayos. May first exotic kiss ka na sa cheeks. HAHAHAHA!" bwelta naman ni Francis na mas lalong ikinatawa pa ng tropa, maliban sa isa dyan na parang bulkan na sumabog.

"Pakiss bebe Andy!" panggagaya ni Julian kay Brianna. Sinamahan pa niya ng pagpapatunog ng labi ang pagnguso.

"HAHAHAHA."

"Kung ako sa'yo, bigti ka nalang,"sabi naman ni Blue.

"Shut the fuck up!" sigaw ni Andy sabay nag-walk-out.

Ngayon lang siya napahiya nang ganito. Of all people, bakit sa isang bakla pa na mukhang pugita napunta ang kanyang first kiss sa cheeks? Diring-diri siya sa sarili. Pakiramdam niya'y nadungisan ang kanyang pagkalalaki. Isa siyang biktima ng harassment. Labag iyon sa loob niya!

Noong araw ding iyon, sinigurado niyang walang bakas na matitira mula sa marka ng pugitang iyon. Nag-alcohol siya, gumamit ng facial scrub, at nagsabon pa ng anti-bacterial. Ginawa niya ito makailang-beses hanggang sa makuntento.

Lintik lang talaga ang walang ganti kay Anderson Dela Vega. Itataga niya ito sa bato.

-*-*-*-*-*-

"AYIEEEE!" kantyaw ng III-Cassioppeia kina Franco at Brianna. Nakisali na rin sa pagkantyaw ang apat na itlog. Syempre, total andito na, kailangan na nilang itodo ang pagrereto nang sa ganun ay malagay na sa tahimik ang bakla at hindi na sila magambala pa.

Ayaw nilang maranasan ang masaklap na nangyari kay Andy. Eh sa habulan at yakap pa nga lang, natrauma na yata sila, eh. Yung isa pa kaya.

Hay, kawawang Anderson. Bakit kasi ang gwapo niya?

Hinayaan na sila ni Andy. Sa ngayon, hindi niya pa kayang sumabay sa pang-aasar kay Brianna. Makita niya lang ang mukha nito ay kumukulo ang dugoniya.

Nilapitan niya ang isang kaklase na nakasuot ng black hooded jacket, at may headphones na nakasabit sa kanyang tenga. Natatakpan ng bangs ang kanyang noo. Imbis na mag-aral ay naglalaro ito sa kanyang cellphone.

"Hoy, Niccolo," tawag niya dito. Ngunit hindi siya nito pinapansin. Tutok na tutok pa rin ang mga mata niya sa screen ng kanyang cellphone. Hindi niya titigilan ang laro hangga't hindi natatapos ang battle!

Kinulbit siya ni Andy at tamang-tama lang ang timing dahil natapos na ang game.

"Ano?" tanong ni Nicco, gamit ang monotonous at malalim niyang boses. Hindi mahinuha ni Andy kung tinitignan ba siya nang masama ni Nicco dahil nakaharang ang bangs nito.

"Tapusin na natin ang rematch,"kalmadong pagyayaya ni Andy, kahit na sa loob-loob niya'y plano niya itong durugin mamaya sa laro.

"Okay."

Napangisi si Andy, samantalang nanatiling poker face naman si Nicco. Kapag nanalo si Andy, susundin ni Niccolo ang kanyang mga utos. Pero kapag si Nicco ang nanalo, hindi na siya maaari pang hamunin nina Andy sa laro.

Para sa first round, spider solitaire. Sa second round NBA, Para sa third round ay counterstrike at Rules of Survival naman sa panghuli. Napagpasyahan nilang dalawa na ang may pinakamaraming bilang ng win ang siyang tatanghaling panalo sa pustahan.

-*-*-*-*-

"Bwisit!" padabog na ibinato ni Andy ang kanyang cellphone. Wala siyang pakialam kung masira ito. Tinignan niya pa nang masama si Niccolo pero ginantihan lang siya nito ng diretsong tingin. "Don't give me that look. A deal is a deal."

Edi wow! Tinalikuran niya na ang kanyang mortal na karibal bago pa man masunog ang kanyang mga mata sa pagka-irita. Kailangan niyang umalis pansamantala.

Nakasalubong niya papalabas ang apat na itlog. Yayayain sana nila siyang mag-arcade pagkatapos ng klase. "Andy—"

"SHUT UP!"Ngunit nagulat nalang sila nang sinigawan sila nito habang tinitignan na para bang may kuryenteng dumadaloy sa kanyang mga mata. Napaatras tuloy sa kaba ang apat. Nang makaalis si Andy, pinag-usapan nila ito. Ani ni Ark, baka hindi pa rin maka-move on ang kawawa niyang kambal sa trahedyang nangyari kahapon. Napatawa nanaman silang apat.

"Omo!" napasigaw ang naglalakad na si Charlotte. Crack! Natapakan niya ang cellphone ni Andy. "Hala! Nabasag ko. Sorry, Nicco. Papalitan ko—" ngunit hindi siya pinatapos ni Nicco.

"It's not mine. Kay Andy yan."

Nanlalaki lalo ang mata ni Charlotte. Lagot. Siguradong hindi niya afford ang halaga ng cellphone ni Andy. Paano na? Nagsisimula nang magtubig ang kanyang mga mata. Ngunit nagsalita kaagad si Niccolo, dahilan para hindi ito matuloy."Shet. Paano—"

"Basag na yan kanina pa. He threw it earlier."

Para namang nabunutan ng malaking tinik si Charlotte. Teka nga, kanina pa pinuputol ni Nicco ang mga sasabihin niya sana, ah? Anong problema nun? Ang sungit talaga. "Pero kasi…. Nabasag ko pa rin? Hehe."

"If the owner doesn't care, why would you bother?Kung importante yan, palagay mo itatapon niya yan?"

"Sabagay. May point," komento ni Charlotte sa kanyang isip.