Chapter 12 - Scratch 12

Pinatay nina Andy at Ark ang kanilang cellphone. Nagsawa na sila sa panonood ng action scenes sa internet. Walang kwenta! Wala silang ibang magawa ngayon dahil lunchtime.

Boring para sa kanila ang panonood ng laban sa videos lang. Masyadong predictable. Walang kathrill-thrill!

Parang mas masaya manood ng isang intense na live action! Yung totoong away sa pagitan ng mga taong hindi mo inaasahan kung ano ang kayang gawin. Iyong tipong unpredictable para surprise ang resulta ng laban.

Sakto namang pumasok habang nagkukwentuhan sina Van at Ria na may dala-dalang kanin at ulam. Pinag-uusapan nila ang pinapanood nilang Korean drama series ngayon na My Id is a Gangnam beauty.

"Uy napanood ko na yung Id is a gangnam beauty. Episode two na ako. Ang galing ni Mi Rae nung sumayaw siya ng New Face! New Face! Haha" pagkukwento ni Vanny sa kaibigan habang sinusubukang gayahin ang choreo ng sayaw.

"Haha oo! Gwapo din talaga si Cha Eun Woo!" sagot ni Ria, habang nagniningning ang kanyang mga mata. Simula ng magdebut ang grupong Astro, lagi niya ng inaabangan si Cha Eun Woo, ang ultimate bias niya sa grupong iyon. Kinalimutan na niya si Dylan Wang, ang crush niya dati na bida ng meteor garden para sa bago nanaman niyang crush.

"Ark! Ark!" Kinulbit ni Andy ang kakambal.

Nilingon naman siya ni Ark. "Oh?"

Itinuro ni Andy sina Vanny at Ria. Sinundan naman ni Ark ang tingin ng kakambal. Lumapit si Andy sa tenga ni Ark at may ibinulong. Nagliwanag naman ang mukha ni Ark sa bright idea ng kakambal.

Sa mga ganitong pagkakataon ang perfect na timing para gamitin ang ipinagkaloob na drawing books sa kanila ni Ppela. Siguro, kaya sila ang napili ng goddess na pagbigyan ng extralimited na item ay para pasiyahin ang boring na mundo ng mga tao.

Pwes, worry no more. Nandito na sina Ark at Andy, maghahasik ng lagim. Este, magbibigay ng kaligayahan at entertainment sa lahat. Sisiguraduhin nilang dalawa na walang araw ang magmimistulang kwaresma.

"Ikaw na," pabulong na utos ni Andy kay Ark.

Ngunit ibinalik lamang ni Ark sa kanya ang utos."Bakit ako? Ikaw nakaisip eh."

Kaya naman, inilabas na ni Andy ang drawing book at naging abala sa pagguhit. Binilisan niya ang pagguhit hanggang sa wakas ay natapos na rin niya ang obra maestra.

At ngayon, ang kailangang gawin ay maghintay lang ng isang minuto. Sinimulan na nila ang countdown sa kanilang isip habang walang kamalay-malay ang lahat na may inihanda silang munting palabas.

60...59...58...

Pinagharap nina Vanny at Ria ang kanilang mga armchair at sinimulang ihanda ang kanilang mga lunchbox at kubyertos.

Napalingon sila sa naglalandian nilang kaklase na sina Sharry at Julian.

"Pasaway ka talaga! Alam mo naman na may sakit ka sa puso eh. Inumin mo na yang gamot mo," suway ni Julian na may halong pag-aalala.

"Yakapsule lang, sapat na babe."paglalambing ni sharry sabay ngiti nang matamis.

"Sharry!" Saway ni Julian. Gusto niyang ngumiti sa kilig pero mas nag-aalala siya nang husto kay Sharry. May sakit sa puso ang girlfriend niya at hindi pwedeng magmintis ang iniinom niyang gamot. Baka kung anong mangyari sa kanya.

40...39...38...

'Tagal!' Di na makapag-intay pa si Andy. Kung tutuusin, mabilis lang lumipas ang isang minuto pero dahil atat na atat siya, pakiramdam niya bumabagal ang oras.

"Joke lang po. Iinom na po." Sumuko na si Sharry. Kapag ganitong nag-aalala ang boyfriend niya para sa kanya, hindi na siya nagmamatigas pa ng ulo dahil paniguradong pag-aawayan lang nila iyon.

"May tubig ka dyan?" tanong ni Julian. Hindi nakapagdala ng tubig si Sharry kung kaya nakasimangot na umalis si Julian para bilhan ng mineral water ang kanyang girlfriend. Paano kung madehydrate siya? Pasaway talaga si Sharry.

20...19...18...

10...9...8...

Katulad ng dati,nagpatugtog si Vanny ng K-pop habang kumakain. Nakaugalian na kasi nilang magkaibigan na sa tuwing may ginagawa ay may kasamang k-pop music para good vibes lang at inspired.

Neol wihaeseoramyeon nan seulpeodo gippeun cheog hal suga isseosseo~

Neol wihaeseoramyeon nan apeodo ganghan cheog hal suga isseosseo~

5...4...3...2...

"BTS BTS ka nanaman! Patayin mo nga yan! Naiirita ako sa boses nila. Sikat lang naman sila dahil maraming patay na patay sa kanila. Itsura lang naman ang habol ng mga Army sa kanila. Wala naman silang maibubuga. Si Rap monster, magaling sana magrap pero sana magpaplastic surgery nalang siya dahil ampanget niya talaga. Si Jin, gwapo lang pero hindi naman marunong sumayaw. Tapos sina Jimin at J-hope parang bakla! Nakakadiri!" mahabang litanya ni Ria habang walang prenong nilalait ang favorite boy band ng kanyang matalik na kaibigan.

Hindi siya fan ng BTS pero nirerespeto naman niya ang hilig ng kaibigan. Sinusuportahan pa nga niya ito sa pagco-cover ng mga sayaw ng BTS at sa pagfa-fangirl nito. Pero mukhang nag-iba ang ihip ng hangin ngayon.

Sa di malamang dahilan, biglang nakaramdam ng inis si Van. Nainsulto ang fandom niya. Parang umakyat lahat ng dugo at init papunta sa utak niya at nandidilim ang kanyang paningin. May kung anong bumubulong sa kanya, na pati rin siya ay naiinsulto at dapat siyang magalit. Na kailangan niyang saktan ang balasubas na uminsulto sa kanya, sa kanyang minamahal na bias.

"Anong sabi mo?"

"Ang sinasabi ko lang naman van, umalis ka na sa bulok niyong fandom-" sagot ni Ria na parang hindi alintana na nag-iiba na ang tono ng kaibigan.

Tumayo si Vanny habang tinititigan nang matalim ang kaibigan at sinabing: "Gaga ka ba?"

Napatayo na rin siya. Labis na nabigla si Ria sa narinig. Ano kamo? Sinabahan siya ng kaibigan niya ng gaga? As in, gaga? Hindi iyon pabiro! Totoong insulto iyon! Para bang may pumitik sa loob ng ulo niya at pati siya, nag-init na rin ang ulo. Wag siya! Wag siya ang sinusubukan ni Vanny!

Nilait ni Ria ang pinakamamahal na mga oppa ni Vanny sa BTS? Pwes, lalaitin rin niya ang minamahal na Cha Eun Woo at Astro ni Ria! Nagpalitan sila ng mga masasakit na salita tungkol sa kanilang mga fandom para lang masaktan ang isa.

Walang titigil. Dahil ang mauunang tumigl ang siyang talo. Kailangang may maisagot na bwelta.

Parang gusto ni Vanny na manampal. Parang gusto niyang manabunot. Kanina pa siya nagpipigil pero tuluyan ng napigtas ang pisi ng kanyang pasensya.

Bigla na lamang niyang dinampot ang bagoong na pinagsawsawan niya at walang pag-aalinlangang ibinuhos sa uniform ni Ria.

"Ano bang problema mo, ha!" Singhal ni Ria na naging dahilan para mapalingon ang mga kumakain nilang kaklase.

Tumataas na ang tensyon sa pagitan ng dalawa at nadadamay na rin ang buong klase. Ito na ang hinihintay nina Andy at Ark. Ito ang tunay na laban!

"Oh, sa pula sa puti! Magkano pusta niyo? HAHAHAHA. "

"Tol, Ria ako. Singkwenta, Ano, call?"

"Call! Vanny ako!"

"HOOO! RIA! RIA! RIA! RIA! "

"VANNY! VANNY! VANNY!"

Humahagalpak sa pagtawa ang dalawa. Sobrang nakakatawa! Nandahil lang sa mga kepap-pangit na iyon, nag-away sila?

Parang nanonood lang ng boxing sa arena ang magbabarkada. Nagpustahan at nag-cheer pa sina Ark, Andy, Blue, at Francis. Kulang nalang, magdala sila ng popcorn habang relax na nanonood. Sayang. Kung hindi lang sana pinalilibutan ng klase sina Ria at vanny, hindi na nila kailangang mag-secure pa ng slot sa harapan habang nakatayo.

"Dude, phone mo. Video, dali!" Utos ni Ark kay Andy. Kailangan iyon para may remembrance. Magagamit pa nila iyon sa susunod. Kaagad namang itinutok ni Andy ang camera sa dalawang babaeng nagpapalitan na ng matutunog na sampal.

Pati ang ilan sa mga taga-section Andromeda ay nakiusyoso na rin sa nangyayaring kaguluhan. Dahil lunch time, walang teacher na nakapansin at umaawat sa kanila.

Gulat na gulat ang kararating lamang sa classroom na sina Ryan, Lexine, at Charlotte nang napansin nilang may pinagkakaguluhan at may nagsisigawan sa loob ng kanilang classroom. "Anong nangyayari dito?" naguguluhang tanong ni Ryan. "Sina Ria at Vanny, nag-aaway!" sagot ng isa nilang kaklase.

Mabilis namang pumagitna sina Lexine at Ryan para awatin ang dalawang toro na nagsasabunutan. Sinubukang tanggalin ni Ryan ang kamay ni van. "Tama na! Ria, tama na!"

Pero hindi siya bumitaw. Tinabig niya si Ryan kaya napatumba naman siya sa sahig. "Uggh. Hindi!" Hindi siya magpapatalo. Gaganti siya! "Gaga ka? Bwisit ka! Bwisit!"

"MAS BWISIT KA! Napakabobo mo! Di ka talaga makaintindi! Anong mahirap sa tumahamik ka na? HA! Mahirap ba talagang itikom yang sobrang laki mong bibig? HA! BOBO!"

Sinusubukan ring ilayo ni Lexine si Vanny. "Van! Tama na! Please lang!" Pero hindi siya bumitiw sa mahigpit na pagkakahawak ng buhok ni Ria. "Shut up! Kailangan kong maturuan ng leksyon tong gagang 'to!"

Hindi rin nagpaawat si Ria at itinulak si Vanny dahil doon, nasagi ni Vanny ang matulis na pako sa ilalim ng blackboard. Pero hindi niya ramdam ang hapdi ng natamong sugat. "Ako pa talaga ang bobo sa'ting dalawa? Tinapunan mo ako ng bagoong na gaga ka! GAGA KA TALAGA! Bakit ba kita naging kaibigan! Wala kang kwenta! Bitch!"

"Bagay lang yun sa'yo! Mukha kang bagoong!" Ginamit ni Vanny ang buong lakas para itulak pabalik si Ria ngunit masyado itong malaki. Nahirapan siyang itulak ito palayo kaya sinipa niya ang tuhod nito.

Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga loko-lokong nagpupustahan. Maaksyon ang labanan! Kanya-kanyang cheer para sa kanilang mga manok na karamihan ay pumusta para kay Ria. Di hamak na may laman si Ria at mas may lakas kaya doon sila sa mas malaki ang tsansang manalo.

Ang iba nama'y nanatiling bato at pinanood lamang ang nangyayari. Natatakot silang pumagitna dahil baka madamay pa sila sa gulo at masaktan.

Muntik ng matumba si Ria ngunit mas hinigpitan niya ang kapit sa buhok ni Vanny. Sinubukan ulit siyang sipain at itulak ni Vanny kaya nawalan ng balanse si Ria at natumba kasama si Vanny dahil walang gustong bumitiw sa pagkakasabunot. Kaya kung saan napupunta ang isa, ay mahihila rin ang isa.

Matapos ang tatlumpu't minuto, kusa silang bumitiw at napatulala na parang nahimasmasan. Nanginginig pa ang kanilang katawan dala ng tensyon.

Isang patak. Dalawang patak. Hanggang sa tuluyang bumuhos ang lahat ng luha ni Vanny.

Masakit pala ang masabunutan. Nagkasugat ang kanilang mga anit. Masakit kapag tumama ang katawan mo kung saan-saan habang tinutulak-tulak. Pero hindi nun matutumbasan ang sakit na nararamdaman nila ngayong nasira na ang kanilang pagkakaibigan.

Para silang sinapian ng kung anong espiritu at ngayong umalis na ang masamang espiritu, bigla silang nanghina at nahiya.

Nandahil lang sa mga artista, nagsabunutan sila?

Nakakahiya. Ano bang pumasok sa isip niya?

Presidente pa naman siya ng klase. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang makipag-away! Wala sa ugali niya ang maghanap ng gulo. Ni hindi nga niya kayang magalit sa mga kaklase niyang pasaway, pero nagawa niyang makipagsabunutan at magmura! At sa pinakamatalik niya pang kaibigan, na itinuring na niyang kapatid!

"Ria, okay ka lang?"

"Van, may sugat ka! Tara sa clinic."

Inayos nina Ryan at Lexine ang mga nagulong buhok nina Van at Ria habang inaalalayan sila papunta sa clinic para mapagamot ang kanilang mga sugat.

Nakakalungkot ang nangyari sa kanilang pagkakaibigan. Kanina lang, ay nag-uusap pa sila at nag-aasaran habang sabay na kumakain, pero sa isang iglap lang ay biglang nasira ang magandang samahan nila.

Snap!

Just like that.

"Andito na si maam!"

Napaismid ang dalawa nang matapos ang kaagad ang kaguluhan. Inaasahan nilang tataas pa ang tensyon at magkakaroon pa ng mga mas kaabang-abang na sagupaan sa pagitan ng dalawang magkaibigan.

Ah. That was so good! The fight was very entertaining and worthwhile to watch. Hindi yata sila makakaget-over. The best! Pero bitin. Masyadong maikli ang tatlompu't tatlong minuto.

Gayonpaman, nakuntento na lamang sila sa pagtatago ng cellphone habang enjoy na enjoy sila sa pagreplay ng video.

The ruckus wasn't enough. They want more.