Chapter 2 - Scratch 2

Sa wakas ay nakapaground-two na rin si Charlotte ng tuna sandwich. Masaya siya dahil nakaramadam siya ng kabusugan.

'Sarap talaga kumain! BURP! ' sa isip niya at napadighay pa. Malapit na siyang makarating sa kanilang classroom nang may tumawag nanaman sa sa pangalan niya.

"Uhmm. Charlotte? " Nilingon niya kung sino man ang tumawag sa maganda niyang pangalan.

"Cheena?" Si Cheena Rivas, isang babaeng commoner ang itsura. Nothing special. Hindi naman matangos ang ilong at hindi rin pango. Hindi sobrang puti at hindi rin sobrang itim. Isa siyang petite na babae. Taga lower section siya.

"Uhm... kasi..." nagdadalawang isip pa siya tapos umikot yung mata niya sa iba't ibang direksyon habang hinahanap ang mga salitang sasabihin. "Sa'yo na yan, Cha!" Nahihiyang ibinigay ni Cheena ang isang egg sandwhich, pillows, at vitamilk.

Anong nangyayari kay Cheena? Nagtataka si Charlotte dahil hindi naman mahiyain si Cheena. Tinagurian siyang tekla ng mga nakakakilala sa kanya dahil laging exaggerated ang mga galaw niya, parang laging naka-intense mode at hyper.

Kung ang normal na level ng reaksyon ay five o six out of ten, and reaksyon naman ni Cheena ay umaapaw na fifteen over ten! Marami ang naiinis sa kanya dahil dyan pero hindi si Charlotte.

'Where is Cheena the Tekla? Kokey! Ilabas niyo siya! Charot lang.'

"Uy akin nalang to?Naks! Favorite ko to eh! Naku, Salamat! " Tuwang tuwa talaga si Charlotte dahil dito sa foods. Aba, libre din ito no. Paborito niya pa naman ang vitamilk.

"Uhmm. You're welcome ! Ubusin mo yan ah. Hehe! Charlotte, pwede favor? "

"Oh. Ano yun? " Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Charlotte, hinihintay kung ano ang sasabihin ng kausap.

"Pakibigay naman oh. " Inabot ni Cheena ang isang pink envelope na may mga design at naka seal pa.

Tinignan niya ang likod na parte ng envelope na may nakasulat na: For you, Anderson Dela Vega. Kilig na kilig si Charlotte. Kaya naman pala ang tekla at taratitat na si Cheena ay nahiya ay dahil may crush ito kay Andy. Ibang klase. Dapat talaga ipakulong na ang kambal dahil marami silang ninanakaw na mga puso!

"Okay!" Tinanggap niya naman ang pabor nang may ngiti. Kahit walang suhol, tutulong pa rin si Charlotte. Ganoon siya ka-generous na klase ng tao.

"Salamat!" Lumapad lalo ang ngiti ni Cheena habang nakadaop pa ang mga palad."Pero, uy!"pahabol niya habang kungyari ay may kinukulbit sa hangin. Sa isip ni Charlotte ay nagpapasalamat siya kay Kokey, dahil ibinalik na nito si Cheena the tekla. Mas gusto niya ang pagiging tekla at taratitat nito. Natutuwa siya sa kahyperan nito. Para bang, isang nakakatuwang kiti-kiti.

"Ano?"

"Wag mong sasabihin kahit kanino na sakin galing yan ah? Hihi. Nakakahiya kasi eh. Please! Please! "

"Okay! " Ngumiti siya nang malapad sa kanya. Ang sikreto ay sikreto. Mapagkakatiwalaan pagdating diyan si Charlotte. Sanay naman na siyang ginagawang tagahatid ng sulat at ng mga regalo ng mga admirers nila Andy at Ark. Minsan pa nga, kapag may mga tanong sila tungkol sa dalawa, ay sumasangguni sila kay Charlotte.

"Thanks!" At tumakbo na paalis si Cheena pabalik sa kung saang lupalop ng earth naroon ang kanyang classroom.

Kring! Kring! Kring! Kring! Nandahil sa pagtunog ng bell, napagdesisyunan ni Charlotte na ibigay na lamang mamaya ang mga letters sa uwian.

"Good morning class."

"Good morning, Maam Estrella."

"Sit down."

"Thank you, maam Estrella."

" Recap?" nagtaas naman ng kamay si Sigmund.

"Uhm, Last meeting, we have already discussed about the Regression Analysis, and Pearson Product Moment Correlation."

Sinamantala ni Charlotte ang pagkakataon habang dumadada pa si Maam Estrella para i-check kung kumpleto na ba ang kanilang mga papel, at ayusin ito sa pagkakasunod-sunod ayon sa kanilang upuan.

Eren Natividad

Charlotte Diane Escovidal

Julian Lionelle Clarete

Anderson Dela Vega

Sigmund Yanson

Okay. Kumpleto .

"Alright. Thank you very much Mr. Yanson. Last meeting, May assignment kayo diba? Leaders of each row pass the activity assignments to me . One group at a time. Mauuna tayo sa Row 1. "

Tumayo siya at lumapit sa table ni maam Estrella. "Ito na po maam," sabi niya habang inilalapag sa harap nito ang pinagpatong-patong nilang mga papel.

"Kumpleto ba'to?"

"Opo maam."

"Good. " Inisa-isa niyang tignan ang mga papel. Mabilis niyang binusisi ang bawat papel pero napahinto siya sa papel ni Julian.

"Look at this!" nanggagalaiting sigaw ni Maam Estrella. Tinignan naman niya kung ano ang mali sa papel ni Julian. Maraming erasures at gusot pa papel. Parang nilamutak at walang pakealam basta may maipasa lang.

"Yes maam?" kabado niyang sagot. Inihanda na niya ang tenga sa kahindik-hindik na sermon at kahihiyan. Bilang leader, nagmistulang ang kasalanan ng kagrupo niya, ay kasalanan niya na rin.

"Papel pa ba 'to? Ang dumi! I told you to pass your activities to me! Not a garbage! Look at this paper! Nilamutak! Mukhang tae! Wag na wag niyo akong pinapasahan ng basura! Ang basura, para yan sa mga basura! Anong akala niyo sa'kin, basurang katulad niyan?" Ibinalik niya ang mga papel kay Charlotte. "I won't accept this! Sa inyo na yang basura niyong output! Next!"

"Sorry maam." Nakayukong humihingi ng paumanhin si Charlotte pero sa loob-loob niya ay parang gusto niyang magwala sa panghihinayang. Pinagpuyatan niya iyon. Brain cells at eyebags niya ang ipinuhunan niya,matapos lang ang assignment na iyon dahil hindi nagpapakopya ang kakambal niya.

Bakit ba kailangang madamay pa ang mga inosenteng katulad niya sa kapalpakan ng mga kaklase niya? Thirty points pa naman ang assignment na iyon at malaking kabawasan na iyon sa grado nila kung saka-sakaling hindi talaga mai-record ni Maam Estrella.

Hindi niya matanggap ang mababaw na dahilan. Kung tutuusin, ay pwede namang ipare-write nalang ang papel ni Julian, total, ang maduming papel lang naman niya ang dahilan kung bakit hindi natanggap ang assignments nila.

Tama. Hindi siya susuko. Aja! Fighting!