-*-*-*-*-*-*-
Sumalubong sa kanila ang isang ginto at hugis arkong pintuan.Hindi niya inakala na mayroong palang ganung bookstore sa kanilang lugar. Ngayon lamang siya nakapasok sa bookstore na 'to. Sa kanyang hinuha, ito ay bagong bukas lamang na bookstore.
"Hi! This is Skat, at your service. Welcome to the Bookstore of the Deities! How may I help you, sir Sigmund?" Bati sa kanya ng isang babaeng katamtaman ang taba at tangkad. Nakasuot ito ng black Victorian-necked long-sleeved na blouse, trumpet skirt, at flat shoes. Meron siyang tattoo na symbol malapit sa kanyang neckline.
"Hello din po. Paano niyo po nalaman ang pangalan ko? "
"That is one of our abilities, sir."
Ano raw? Paano nalaman ng babae ang pangalan niya? Napayuko siya. Ah, baka nabasa lang ng babae sa kanyang ID. Oo, ayun nga siguro
Wow. Maaliwalas at malapad ang lugar. Masyadong artistic ang nagdesign nitong stall! Ang dingding ay dinisenyohan ng mga nakakalat na simbolong hindi ko maintindihan. Ang mga simbolo ay parang naka-cursive na VF,V3, infinity sign na may buntot, pakurbang W, pakurbang letrang V na may pangil sa dulo, capital letter I na nakaslant, at isa, parang binaliktad na simbolo ng zodiac sign na aries. Nagkalat sa mga puting pader at ceiling, ang mga simbolong ito na nagpaganda lalo sa lugar. Ngayon niya lamang nakita ang mga simbolong iyon. Kaya sigurado siya hindi iyon Greek o Roman.
Nakita niya ang pitong pintuan sa kanyang harapan na mayroong iba-ibang estilo at disenyo. Bawat pintuan ay may isang simbolo na katulad ng mga simbolong nakikita niya ngayon sa pader.
Maayos na naka-organize ang mga paninda nila. Ang lahat ng panulat ay nasa kaliwang banda, katabi ng mga papel katulad ng intermediate pad, folder, at drawing book. Nasa iisang hanay naman ang mga stapler, scotch tape, glue, at iba pang mga pandikit. Ganun din sa mga art materials nila at measuring tools.
Heaven! Natulala siya sa pagkamangha. Sobrang daming libro sa kanang banda! Mas malawak pa ito kesa sa National Book Store!
'Kapag talaga nagsara ang isa, may magbubukas naman na bago.' Napangiti siya sa naisip.
"Ngiting kay tamis, kay sarap na tunay. Pang-alis ng lungkot, pang-alis ng lumbay." Narinig niyang komento ng isang batang lalake na may feather quill sa kanyang ulo.
"Panulat ba ang iyong hanap?" Tanong niya pagkatapos ng matalinghaga niyang tula.
"Ah, hindi po."
"Kuya Titus, para siya kay ate Ppela," sabat ng isang batang babae.
"Ganun ba, Pymi?"
Saka niya naalala ang kasama niyang bata kanina. "Teka, asan na yung kasama ko kanina?" Tanong niya dahil bigla nalang siyang nawala at ibang tao nanaman ang kasama niya ngayon. Hindi pa naman niya kabisado ang bookstore.
"Ako yun! Nagpalit lang ako." Ang sabi ng batang babae na si Pymi.
'Huh? Wag mong sabihing cross-dresser ang batang to? Pero, magkaiba sila ng mukha. Paano?'
Namataan niya ang isang matandang lalaki na nakaupo sa isang higanteng libro. Base sa itsura, siya ay nasa 90's. Mahaba ang puting balbas at buhok, kulubot ang balat, at nakasuot ito ng roba na nag-iiba-iba ang kulay. Mabilis ang pagpapalit ng mga kulay, na parang sa mga Christmas lights. Narinig kong tinawag nila siyang uncle Sababa.
Hindi tuloy mapigilan na mamangha ni Sigmund at mapaisip na isang mayamang pamilya ang nagmamay-ari ng bookstore na ito.
Sa isang sulok, mayroong isang batang lalaki na nakasuot pa ng diapers. Sa tantya niya'y isang taong gulang palang ang sanggol. Panay ang pagkagat-kagat nito sa jelly jelly nitong laruan.
"Ate Yju, papasukin niyo na si Kang." Isang malamig na boses ang nag-utos. "Anong nangyayari dito?" Baling niya kay Pymi. Kinakabahan siya, sa totoo lang. Para bang nagkaroon ng pangalawang sir Domeng sa katauhan ng isang masungit na dalaga. Pakiramdam niya, konting pagkakamali niya lang, ay makakatanggap siya ng bulyaw. Huwag naman sana.
Nakasuot ang dalaga ng puting dress na may blue at red stripes. Katulad ng pattern sa isang Grade five na papel. Naka doll shoes, at kulot ang dulo ng mahaba niyang buhok. Matangkad, payat, at singputla siya ng isang bond paper.
"Ate Ppela, siya nga pala si kuya Sigmund."
Tinignan siya ni Ppela nang taas-baba na para bang sinusuri. "Hmm. Anong ginagawa niya rito? He does not deserve to be here."
"Hindi para sa kanya. Para sa mga classmates niya," sagot ni Pymi.
She clasped her hands in gladness. Tapos bigla siyang ngumiti hanggang sa mawalan siya ng mata. "Really? Buti naman kung ganon. Bored na bored na talaga ako. Buti pa si Titus merong Angie Li na customer. Buti nalang talaga you came, Sigmund."
Ikinagulat niya nag biglaang pagbabago ng mood ni Ppela. Kani-kanina lang ay nagsusungit ito na parang isang striktang ina pero ngayon nama'y bigla siyang naging masayahin na konyo. Hindi niya talaga maintindihan. Bakit may mga babaeng moody? Napakaunpredictable nila.
"Pumili ka lang kung anong magustuhan mo dyan."
"Okay po."
Mabilis na nakapili si Sigmund. Kumuha siya ng isang simpleng itim at isang brown na drawing book.
"Are you done? Follow me." Iginaya siya ni Ppela papasok sa isang pintuan na may parang VF na simbolo. Wow! Isa nanamang kagila-gilalas na pangyayari ang kanyang nasaksihan! Lumiwanag ang simbolo nang pihitin niya ang doorknob. Ang akala niya'y sadyang high-tech lang talaga ang lugar.
Iba't ibang klase ng paper materials ang sumalubong sa akin. Meron silang mga simple at kakaibang disenyo. Iba-iba at magaganda hindi tulad sa mga ordinaryong bookstore na cartoons at artista lang ang coverpage.
"Anong gusto mo? Ito? o ito? Itong nasa kaliwa ko ay may makapal na cover, with of course, elegant curves, and semi-thin, semi-thick paper. May auto-grids rin ito para perfect ang drawing mo! O baka mas gusto mo itong nasa kanan? "
"Uhmm.."
"Speechless? Nahihirapan ka magdecide no? Ahahaha." Sabi niya pa habang nakangiti ng walang mata. "So anong masasabi mo?"
"Ah, magaganda po lahat ate-" Hindi siya pinatapos ni Ppela sa pagsasalita.
"Ahahaha! OMG! Of course, naman! Expect the best from my items!All the best types of paper comes from me. Kung sa bagay, lahat naman ng papel, mahalaga. It's just that, ang mga hangal na mga taong iyon.!" Bigla nanaman siyang nagalit habang kinakausap ang sarili niya. Bakit? Ano bang kasalanan ng mga tao?
Tapos bigla nanaman siyang ngumiti na parang hindi siya nahigh-blood kanina. "So Sigmund, nakapili ka na ba ng drawing book?"
Yumuko si Simund at dinampot ang pinakasimpleng disenyong nakita niya. Isang plain black na drawing book at plain brown na drawing book. Meron silang burda ng tatlong letra na katulad noong nakita ko sa mga dingding dito.
"Yan ang kukunin mo?"
"Opo."
"Good taste! Alam mo ba, iyan ang pinakadekalidad sa lahat ng items ko dito? Iyan ang pinakapaborito ko sa lahat ng drawing books ko dito."
Nginitian lamang siya ni Sigmund bilang sukli. Masaya siya dahil mabibilhan niya na ng inihabiling drawing books sa kanya ng kambal. Pero kinakabahan rin siya at nag-aalala. Sana magkasya ang dala niyang pera. Baka sobrang mahal. Pinakadekalidad raw eh.
"Uhmm. Asan po ang counter dito?"
"Wala kaming counter dito, iho. We don't accept cash as payment." Sabi sa kanya ni ate Yju habang nakangiti nang pagkatamis-tamis.
"Eh paano ko po ito babayaran?"
"We only accept body and soul as a payment. Are you willing to pay?" seryosong saad ni ate Ppela.
Kinilabutan siya. Wag mong sabihing, kuta ng serial killers ang napasukan niya? O baka naman, isa itong haunted bookstore? Parang gusto na niyang maiyak at tawagin ang ang kanyang mommy pabalik dito sa Pilipinas. Alam niyang imposible pero wala siyang magagawa dahil sa sobrang takot niya ngayon.
"W-wag po! Please, maawa po kayo. "
Unti-unting lumapit si Ppela habang tinitignan si Sigmund na puno ng pagkatakam.
"WAAAAH! Hindi po ako masarap! Payatot po ako! WAAAH! Wag po!" Parang paiyak na siya sa takot habang pinoproteksyunan ang sarili gamit ang kanyang mga braso. Ayaw na talaga niya dito! Gusto na talaga niyang umuwi!
"HAHAHAHA! Just kidding! OMG look at your face! HAHAHAHA." Humalakhak si ate Ppela nang todo. Napatakip pa ito sa kanyang bibig sa sobrang tawa.
"Eh?" Nakahinga siya nang maluwag. Joke lang pala! Iyon na yata ang pinakamasamang biro sa tanang buhay niya. Ano ba ang nagawa niyang kasalanan para danasin ito ngayong araw? Sinusubukan lang naman niyang tulungan sina Andy at Ark at tapos. Hay.
Hinaplos ni Ppela ang bawat cover page bago niya binalot ang mga drawing books at may mga inihabilin pa siya bago inihatid palabas ng pinto si Sigmund.
"Just consider this as our opening promo. Libre na lang yan because you entertained us." Pagdadahilan ni Ppela. Kailangang manatiling walang alam ang mga walang kinalaman sa kontrata. Napapadali ng kainosentehan ni Sigmund ang buhay ni Ppela.
Nagpasalamat siya nang marami kay Ppela. Mabait naman pala at generous ang may-ari kahit na pinagtripan siya nito kanina. Sa wakas, ay makakauwi na rin siya. Hinihintay na siya ng daddy niya para sabay silang maghapunan.
Tinitigan siya ng dyosa habang siya'y naglalakad paalis.
'Aigoo. Kawawa naman ang batang ito. Napupuno siya ng potensyal. Pinapahalagahan niya ang lahat ng bagay at tao sa mundong ito. Pero siya mismo, tinatrato na parang... na parang isang papel lamang. May halaga lamang siya dahil sa kanyang talino, kabaitan at talento. Hindi nila alam ang totoong halaga niya bilang isang tao. Hindi nila alam kugn gaano kahalaga ang papel na ginagampanan niya sa buhay.
Ang totoo, matagal na panahon na ang Bookstore Deities. Noong unang panahon, naging masagana ang lahat sa tulong ng edukasyon. Naisalba mula sa kamang-mangan ang mga anak at ang buong salinglahi dahil dito. Unti-unting natutuklasan ang mga lihim ng mundo. Umangat rin ang estado ng pamumuhay ng mga nakapag-aral
Subalit hindi naging sapat ang mga itinuturo sa mga paaralan. Hindi sapat ang kaalamang pang-akademiko. Dumarami ang matatalino. Marami ang mga naging propesyonal. Ngunit ang asal ay nakaligtaan.
Ang mga hindi nakapag-aral ay itinuring na mang-mang at mga inutil. Ang edukasyon ay naging basehan kung sino ang karapa't dapat na irespeto at kung sino ang tatapak-tapakan. Ang mga hindi magagaling ay hindi mahalaga.
Habang tumatagal ay dumarami ang kasamaan sa mundong ito. Magmula sa pinagipon-ipon na hangarin ng puso ng mga mabubuti at naagrabyadong tao, na maparusahan at magwakas ang kasamaan, isinilang ang mga dyos at dyosa ng Bookstore Deities.
Ang mga dyos at dyosa ng mga mahihiwagang items ay narito para turuan ng leksyon ang mga tao.