Chereads / This Is My Life (TAGALOG) / Chapter 3 - Welcome

Chapter 3 - Welcome

Asan ako??

Nagising ako sa puting higaan, puti rin ang mga dingding at naka-tiles. Asan si Papa? Atsaka si Tita...

*Instant flashback

Nanginginig akong napatakip ng bibig. Anong nangyayari?! Tinaggal ko ang IV na nakasaksak sa akin at tumayo... Sa pag-tayo ko ay humampas ang malamig na hangin sa akin, napa-yakap ako sa sarili ko.

Asan sila? Gusto ko silang tanongin tungkol kay papa. Sumilip ako sa malaking bintana na nakabukas, napa-bukas ang bibig ko sa nasilayan. A-ang ganda! Kulay berde ang lahat ng nga halaman pati tung mga puno, ang tataas may nakikita rin akong bundok dito, sikat ang araw pero hindi nakakapaso sa balat pero ang mas iki-namangha ko ay ang straktura na nakatayo sa harapan nitong kinalalagyan ko, para siyang castle— hindi, castle pala talaga siya. Tapos may mga matataas na pader na nakapalibot  dito.

Teka— nasa pinaka-itaas ako! As in sobrang taas nakikita ko na ang mga ulap.

Pero, asan na nga ba ako?

Biglang may lumipad na maliit na bagay sa harap ko, parang fairy? Tumigil siya sa paglipad at tumayo ss tungtong ng bintana at sinabing.

,"Wondering where are you?" tumango ako. Ang weird talaga, kasi ang liit niya

"THIS IS THE IMMORTALS WORLD"

Ha? Ano daw, hahaha. Di ko na napigilan at bumugso na ako sa katatawa. Imortals world daw? HAHA, ang funny niya.

"Ang weird mo naman, tao ka ba? Bat' ang liit mo tas may pakpak ka pa, costume ba y—" napa-palo ako sa bibig ko.

I suddenly realized that this is not funny, she isn't laughing. Is she saying the truth? But how come? All I know is that this things is not real, it's just a make believe. This stories are all made, right?

"Hindi ako nag-bibiro, tagalupa." hindi nga "Ngayo'y nasa mundo ka ng mga mahika, hindi ko alam kung bakit ka napa-rito kasi hindi maaaring makapasok ang mga mortal dito sa mundong ito, siguro ay may kapangyarihan ka rin tulad ko?"

"A-ano? Sinong may sabi? Wala akong kapangyarihan"

"Pero paano ka nakapasok dito—" napa-tigil siya ng bahagya at matalim na tumitig sa akin. "Espiya ka?" malamig na sabi niya sa akin.

Ano daw? Ako espiya? Da pak.

"Anong sinasabi mo? Eh hindi ko nga alam ang mga pinagsasabi mo" grr. Nakaka-inis na huh

Umirap ako at ng pagka-tingin ko sa kanya ay nagulat ako. May nakapa-libot sa kanya na ilaw.

"Ouch!" daing ko ng maramdaman ang hapdi ng hita ko, tumingin ako at napaiyak ng makitang dumudugo ng marami 'yun. May nakasabit na veins na may tusok tusok, feeling ko mapuputol na 'yung hita ko. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko tanging daing at sigaw lang ang nagagawa ko.

Ang sakit at hapdi niya.

"Grashella!" malakas na sigaw ng kung sinoman, huhu sana matulungan niya ako. "Itigil mo 'yan kung hindi ay i-sususpende kita!"

Unti unting nawala ang veins sa hita ko at tuluyan akong bumagsak. Para akong pinaliguan ng dugo dahil nalagyan din ng dugo 'yung damit ko nung bumagsak ako.

Pag-tapos mawala ng veins, my legs have been a numb. Hindi ko siya maramdaman at maigalaw. Naiiyak ako, baka hindi na ako maka-lakad!

"Sinabi ko namang wag basta bastang gamitin ang mahika, lalo na't hindi sa masama ang pag-gagamitan" napatingin ako sa kanya, matanda na siya at mukang ma-awtoridad.

Napa-hinga ako ng maluwag ng makita si Tita sa likod niya.

"Pero isa siyang espiya!"

"May proweba ka ba?" tanong niya.

Huminga ng malalim ang fairy, "Paumanhin po"

Pagka-tapos ay lumipad siya sa kung saan. Hinarap ako nung babae.

"Tsk. Tsk, Mea tumawag ka nga ng healer." tumango si tiya at umalis. Lumapit sa akin ang babae.

"S-sino po kayo?" hirap akong mag-salita sa harap niya.

"Mamaya ko na sasagutin ang tanong mong 'yan, sa ngayon ay matulog ka muna"

"Po? E paan–" hinaplos niya pababa ang mata ko, hindi ko alam kung paano nangyari pero nakatulog nga ako.

Frances'

Naka-halumbaba akong tinitignan si Blaize at Yeshua na nag-aaway... Ang childish!! Nakaka-gigil gosh. Nag-away ba naman dahil sa isang kabobohan na title para sa apple, kasi si Yeshua raw ang king ng apples tapos hindi daw si Blaize raw tapos ayun nag-paunahan silang umakyat ng puno ng apple para magka-alaman daw kung sino ang totoong hari.

"OUCH!" ay putsa, nagulat ako at muntik ng mahulog sa kinauupuan ng marinig ang sigaw na 'yun.

"Kingkong! Narinig mo 'yun?" sigaw ko sa kanila.

"Ano?" Yeshua.

"'Yung sigaw bobo" Blaize.

"Sus, makabobo ka a. Porket natalo ka lang sa pag-akyat e" Yeshua.

"'La kong pake, sayo na si apple beybi. Akin na lang 'yung chocolates mo sa dorm!" sabi ni Blaize at tumakbo. At hinabol naman siya ni Yeshua.

"Abno!! Akin lang 'yung chocolates dunnn"

Ugh. Ang titino talagang kausap! *Sarcasm, present!*

Eto naiwan ako, huhu so xad.

Ilang minuto ng maka-alis sila ay nakarinig ako ng nagmamadaling yapak, akala ko sila na 'yun pero hindi. Sila headmistress 'yun at si Council Belchan.

Dahil dakilang chismosa ako ay sumunod ako sa kanila.

Naka-sunod lang ako ng mapag-tantong papunta sila sa babaeng dinala namin dito galing sa mundo ng mga tao. Biglang nag-flashback 'yung sigaw sa akin, hala! Baka napag-tripan siya ni fairy Grashella. Ang brat nun ei, ewan ko lang kung bakit hindi pa naki-kick.

Pumasok sila sa kwarto, hindi ko sila marinig kasi malayo ako sa kanila. Ilang minuto pa ay lumabas si Council Belchan sa kwarto, nagmamadali siya pero napa-tigil ng makita ako.

"Magandang umago po!" bati ko.

"Pwede mo ba akong samahan sa inyong guro sa pagga-gamot?"

"Sure po." no choice ako e.

***

"Hoy Frances!" sino na naman 'to? Lumingon ako at nakita si Vaughnessa, tsk hahanapin lang naman si Thaddeus e.

"Ano?"

Umirap muna siya sa akin bago mag-salita, "Sa auditorium daw lahat sabi ni Thaddeus love." umalis na siya pag-tapos, huh mali pala ang hula ko.

Pumunta na ako sa auditorium kasi baka bugahan ako ng apoy ni Thaddeus.

***

Marami ng tao nung dumating ako, may seats naman na naka-reserved sa amin e kaya okay lang malate, ayos diba? Perks.

"Ces, ang tagal mo namang dumating." Yeshua

"Pake mo ba huh?" itinulak ko siya sa upuan kaya natumba siya.

"Stop that stupidity" Artthemis. Oww ang kj talaga, kala mo gwapo :< umupo na lang ako kasi nakaka-irita 'yung tingin ni Artthemis.

So ganito 'yung seats. Nasa front row kami.

Vaughn Raven Yeshua Me Arthemmis Blaize

Wala pa si Thaddeus e. Ano kayang i-aanounce? Sobrang special siguro. Ayt, ang haba ng pov ko hindi pa ako nagpapakilala.

Ako si Frances Mesvocha, call me Ces if we are close. My ability is to see what will be the future but sometimes the FV cyrstan do not work specially when the heaven does not want to reveal what the future is or someone is blocking it, wala akong ibang prends sila Yeshua at Raven ang pinaka-close ko sa group namin. By the way 'yung group na sinasabi ko ay binuo ni Mrs. Everlasting, 7 kami at kami ang pinakamalalakas sa division ng Fetal division.

Ang mga miyembro ay sina:

Una, ang leader ng grupo: Thaddeus Matthew Rellocoma, Vice president ng student council. Ang cyrstan(word magic) niya ay Electric at Fire, lakas diba? Pero mailap 'yan sa tao depende na lang kung gusto ka talaga niyang kausapin siya ang maghahanap para sayo. Matalino siya, sobra. Marami na siyang tricks o alam sa cyrstan niya kahit na dalawa pa 'yung cyrstan niya, kaya magaling :>

Pangalawa, si Blaize Beau President ng student council, pinsan ni Thaddeus. His cyrstan is potion amd poisons kaya lagi siyang nasa mediroom marami-rami na rin ang nalalaman niyang formula about sa cyrstan niya ,ang cool :>

Pangatlo, si Vaughnessa Devalera ang queen bitch ng school may gusto siya kay Thaddeus, ewan ko lang kung si Thaddeus din :<. Water ang cyrstan niya, hindi weak ang water cyrstan kung siya ang gagamit.

Pang-apat ay si Yeshua Matteo, barkada niya si Thaddeus sobrang kalog niya mukang takas sa mental sabi nga ng mga tagalupa. Mind-reader siya pero pwede mo namang i-block 'yung cyrstan niya pero.... Kapag once na sobrang lakas ng mind-reading ability niya hindi mo na pwedeng i-block 'yung cyrstan niya.

Pang-lima ay si Raven Walter, kabarkada siya ni Yeshua pero hindi ni Thaddeus. Ang cyrstan niya ay ang wind, malakas siya sa physical at malakas din naman sa cyrstan pero mas bihasa siya sa physical kaya siya ang laging front liner kapag group battle kasi malakas ang defensa.

Pang-anim ay si Arthemmis Vafréd, sobra siyang masungit hindi alam ang salitang smile at laugh, mukang nag-kaganyan dahil nabasted ng ex Hréal student. Ang cyrstan niya ay ang pag-kontrol ng sun at moon kaya pag-namatay siya ay pansamantalang magiging madilim ang paligid hanggat hindi pa nakakakuha ng kapalit.

So ayun! Ang pangalan ng grupo namin ay Miracle Hyrea, ang corny tsk.

"Good day everyone!" ayan na, magsisimula na ang importante kuno na programa.