Chereads / This Is My Life (TAGALOG) / Chapter 4 - Be Coming A Hyrea

Chapter 4 - Be Coming A Hyrea

Alexia's

Masakit para sa akin na tanggapin 'yung totoo, na wala na si papa. Hindi rin ako makapaniwala sa sinasabi nila sa akin noong una pero ayun sa huli ay napaniwala ako. Hindi ko pa rin alam ang cyrstan ko, cyrstan ang tawag nila sa ability o magic mo.

1 week na akong nandito sa torre na 'to, hindi ko alam ang nangyayari sa baba. Magaling na naman ako pero sabi nila hindi.

"Pwede na ba akong lumabas??" tanong ko sa nag-babantay sa akin nag puppy eyes pa ako. Ang cute nung nag-babantay sa akin, lalaki siya hehe.

"Ang kulet, manahimik ka nga dyan sa sulok hintayin natin si Headmistress Everlasting" •_• ganyan ang mukha ko habang humahakbang sa higaan ko.

Ang boring kaya, gusto kong malaman kung ano ang ginagawa ng mga tao sa baba. Gusto kong makahanap ng friends kasi baka dito tanggap ako, fit ako sa kanila.

"Miss!" tinignan ko kung sino 'yung sinasabihan ni kuya Tuan.

"Ih! Hala, Head Everlasting!!" tumakbo ako papalapit sa kanya. "Bababa na po ba ako?"

"Hindi."

"Pa-epal ka naman, umalis ka na nga -_-"

"Oo bababa kana, tara na?" la, wala pa akong nai-impake,"Wala ka namang gamit dito e, diba?" Ays, oo nga pala nilipat na ni tita 'yung gamit ko.

Sumunod kami ni kuya Tuan sa kanya. Wala pa akong alam kung ano at paano nabuo ang mundong ito. Siguro naman ay may paaralan dito?? Atsaka kung makakita man ako ng mahika ay baka isipin kong nananaginip lang ako. Hindi ko nga alam kung bakit may sugat ang binti ko e, sabi ni tita na-dapa ako nung sinubukan kong habulin ang fairy na kumausap sakin.

"Kuyaaa, saan ka pala nag-aaral?"

"Hréal Akademya, matatalino lang ang pwedeng pumasok dun kaya matalino ako" Eww, matalino daw. Epal talaga.

"Ms. Everlasting, asan pala tayo?? Ang alam ko lang kasi ay may palasyo na nakatayo dito, maraming puno parang forest at ang tower na binababaan natin, hindi ko alam kung asang lugar ito"

Nasa baba na kami at nakita ko na kung gaano kalawak ang lugar na 'to.

"Nasa Hréal na tayo, Alexia. Ngunit ito at ang dorm ng mga Hyrea, ang mga estudyante ng Hréal." bigla akong nasamid sa sarili kong laway.

Hindi nga? Pero ang laki na ng space dito wag mong sabihin na may karugtong pa... Edi wow, ang yaman naman :<

Nasa gitna na kami at pinag-masdan ko ang paligid, walang katao-tao at apat na building 'yung nandito.

Humiwalay si Kuya Tuan samin dala dala 'yung gamit ko. Hala saan siya pupunta? Baka tangayin niya ang mga damit ko.

Hinila naman ako ni Ms. Everlasting sa ewang lugar... Kumatok siya sa pinto at kami ay pumasok.

"Magandang umaga" bati niya doon sa matandang lalaki... Tapos bigla siyang umalis at iniwan ako..

"Pagbati sa iyo, ako si Professor Smith ang head ng mga teacher. Naatasan ako na turuan kang makilala ang eskwelahang ito." lumapit siya sa akin at pinalutang ang libro na nasa gilid papunta sa akin... Hala nakakatakot siya, baka mamaya ay mahimatay na lang ako bigla dito.

Kinuha ko ang libro na nakalutang.

'Hréal History and world's'

"Basahin mo 'yan" ahh, ayoko nakakatamad—

"Ahh!!" sigaw ko. Bigla na lang kasi akong nahulog pero sa kama... Tapos nasa ibang lugar ako, sa kwarto. Nandito rin ang mga gamit ko sumilip ako sa bintana at narealize na nasa isang dorm ako dahil natatanaw ko ang pwesto namin kanina... May isa pang bintana pero sa kabilang side tinignan ko ito at pagka-tingin ko ay nakita ko ang sobrang dami ng estudyante, wow! Nakatipon sila sa isang malawak na space.

Parang gusto kong lumabas dito, nakaka-bagot dahil naka-kulong ka lang dito... Tumayo ako at pumunta sa pintuan inikot ko ang doorknob pero ayaw bumukas, ano 'to nilockan ba nila ako? Nakaka-inis!!

Dinabog ko ang lapag at nagulat ng umilaw at may lumabas na words.

You can't get out when you are not finish reading the booklet yet

Grr, nakakainis!!

Kinuha ko ang libro at humiga sa higaan at sinimulang basahin

***

Ang historya ng Akademya ng Hréal.

Nag-mula ang salitang Hréal sa pangalan ng nag-ligtas sa hari noong unang panahon, si Yrel ang babaeng nag-ligtas sa kanya laban sa mga masasama na kalaunay naging matalik na kaibigan.

Dito mismo sa pwesto kung saan nakatatag ang akademiya ay doon niligtas si Haring Thyrus, ang motibo ng hari ay ang matupad ang hiling ni Yrel, na makapag-tatag ng sariling paaralan na hindi natupad dahil namatay siya sa gitna ng pagkikipag-laban para sa kalayaan ng mabubuti.

Ang tawag sa mga estudyante ng Hréal ay mga Hyrea.

Nahahati sa tatlong division ang mga estudyante ng Hréal. Una, ang pang-una,pangalawa at pangatlong taon, ay ang Kramer. Pangalawa, ang ika-apat at ika-limang taon, ang Fetal division. Pangatlo ay ang Scapethra division, ang last na division, 6th year.

Ang iba pang impormasyon:

Hyrea 10 (H10)- ang mga pinakamalalakas na estudyante sa bawat division.

Hyrea Ulti30 (HU30)- ang mga pinakamalalakas na estudyante sa buong Hréal.

Royale- galing sa isang kaharian at may dugong puro.

Blood Month- ang buwan kung saan namatay si Yrel.

Itinatag ang Hréal sa bayan ng Ether kaharian ng Emperal

***

Ayaw ko ng basahin... Puro festivals na naman ang nakalagay na, meron pang isang page na ibang topic.

'Our World'

Ang mundo natin ay tinatawag na Immortals World.

Paano nga ba nabuo ang mundo natin?

May isang tao (siya si God Christian) sa mundo ng mga tagalupa ang biniyayaan ng isang kapangyarihan pero para sa kanya isa itong curse. Pwede siyang makapag-ligtas ng mga tao, pero dahil na rin sa pambihirang lakas at ito ay hindi taglay ng ibang mga tao walang nag-turo sa kanya kung paano ito gamitin. Isang araw ay pinatay ang kanyang pamilya ngunit may isang nakaligtas, ang kanyang anak na lalaki, si God Genesis. Nag-bunga sa puso ni Christian ang poot at galit kaya naman ay nakontrol siya ng sariling mahika na nakapatay ng libo-libong tao. Nag-plano ang Diyos na gumawa ng isang lugar kung saan ang mahika ay hindi makaka-apekto sa tao/mortal. Doon nabuo ang mundo natin. May 5 bayan sa mundo at ibig sabihin ay 5 rin ang mga kingdoms dito.

Kingdom/Kaharian            Bayan

1. Emperal kingdom               Ether

2. Milaces kingdom                 Mileth

3. Cesto-valle kingdom        Costamesa

4. Tangeon kingdom             Tekjarin

5. Freire kingdom                     Firpen

Bawat kaharian sa bayan nila ay may eskwelahan na nakatatag.

•Hréal Academy

•Brainerre Academy

•Damean/Hombry Academy

•Victorial Academy

•Bloise Academy

May klasipikasyon din ang mga uri ng nilalang. Goblin, Fairy, God and Goddesses, Marionettes, Phantoms at Witches.

Ang GOBLIN ay madalas makita sa mga mabeberdeng bagay. Kapag ang suot black ang goblin ay mabuti pero kapag pula ay masama. Ang bisyo nila ay ang paglalaro kaya mag ingat baka ikaw ay mapaglaruan.

FAIRY, matatagpuan lamang sila sa bayan ng Ether. Makikita mo sila sa isang punong kumukutikutitap. Pinapaganda nila ang mga bagay.

GOD AND GODDESSES, hindi mo sila makikita depende na lang kung gusto ka nilang makausap. Matatagpuan sila sa taas ng ulap. Sila ang pinakamalalakas pero hindi nila kayang ayusin ang mga gulong nagawa, ang itinakda ay itinakda.

MARIONETTES, hugis tao pero parang puppet dahil sa strings na nakakabit sa kanila. Sila ay parang witches din pero hindi nila kayang gumawa ng illusion.

PHANTOMS, sila ay mga anino. They can pretend to be your shadow, isa silang uri ng spy. Ang weapon nila ay ang kanilang kuko na sobrang talim. Sa lahat ng bayan sila matatagpuan

WITCHES, matatagpuan sila sa Tekjarin. Kaya nilang gumawa ng potions at poisons

Nilipat ko sa ibang page at blanko na lang ang nakita ko. Tapos na? Uwa. Sumilip ako sa labas... Gabi na :< hindi na ako makakalabas, sabi kasi sa rule...

*6am

*Knock,knock

Ugh, sino ba 'yang nang-iistorbo?

Pumunta ako sa closet ko at hinanap ang face mask. Mabaho ang hininga ko, nakakatamad ding mag-toothbrush. Sinuot ko yung hoodie ko at tinakpan ang magulong buhok.

"Sino ya—" bigla na lang pumasok si Kuya Tuan sa kwarto ko.

"Wow ang ayos naman ng kwarto hindi bagay sa may ari" inirapan ko siya. Ang aga-aga ng bubuwisit ang sarap ipa-chop chop.

"Bakit ka ba nandito?"

Bigla na lang niyang itinapat sa mukha ko 'yung papel na hawak niya, as in dinikit niya. "Bastos ka"

"Schedule mo 'yan, eto.." hinagis niya 'yung nasa paperbag "Uniform 'yan para magmukha kang marangal na estudyante" epal talaga.

"Umalis ka na nga!"

"Wait lang kase, 8 am 'yung start ng class. Mag-ingat ka, baka kasi makasalubong mo 'yung mga meanies. Weak ka pa naman" Ang sweet na e tapos binitin.

Umalis na siya at nag-ligo at nag-ayos ako. Kinuha ko 'yung papel na ibinato sa akin, dalawa 'yun 'yung isa ay schedule ko lang 'yung isa ay mapa.

*Ting

Napahanap ako sa tumunog, tunog 'yun ng cellphone ko. Pero paano ko nadala?, Hinanap ko kung saan at nakita sa loob ng kahon ibinulsa ko ang cellphone ko. Hindi ko alam kung alam nilang may ganitong gamit pero gagawin ko ang lahat na wakang makakita ng bagay na ito.

Bumaba muna ako sa canteen, 7 pa naman kaya may oras pa. Marami akong nakasalubong na nakatingin sa akin. Sanay na ako dahil ganyan din naman ang nangyari sa akin sa mundo ng mga tao. I consider myself now as part of the Immortal peoples here. Nasa baba na ako, wala pang gaanong estudyante. Pumila na agad ako at tinignan ang mga tinda. Wala naman akong nagustuhan, hindi ko gusto ang mga pag-kain.

Kumuha na lang ako ng burger at tubig atsaka nag-hanap ng mauupuan.

*Ting

Tumigil ako at kinuha ko ang cp ko... Kanina pa ito, ano na namang nangyari.

Elaine

Huy asan ka? May sakit ka ba? Ilang araw ka ng hindi pumapasok. Ang dami mo ng namiss na lesson paano na 'yung grades mo running for honor students.

Wth, oo nga pala. Biglaan ang pag-alis namin dahil sa nangyari. Nag-compose ako ng text pero hindi nase-send, paano na 'yan?

Sa sobrang pag-kafrustrate ko ay nasuntok ko ang pader.

"Hey, don't break things bitch" umangat ang tingin ko sa nag-salita. Kapal muks, tawagin ba naman akong bitch?

"Pasensya na... Nadala lang ako ng pagka-lito" aalis na sana ako dahil late na ako pero hinawakan niya ng mahigpit 'yung braso ko.

"Ganun ganon lang 'yun? Don't you dare walk out from me when I am not done talking to you." ugh, nauubos na ang pasensiya ko huh.

"Excuse me pero malalate na kasi ako sa klase ko." ayokong makipag-away kebago-bago ko pa lang baka magka-record agad ako. Humakbang ako papaalis.

Biglang nanlamig yung paa ko, hindi ko maihakbang. Fvck, hindi pa nga magaling ang galos ko sa hita ko e.

"Please itigil niyo 'to!" pag-mamakaawa ko, ayokong lumaban, pero parang nilabag nila ang rule.

Marami na ring nakiki-usyo sa amin. Bulong bulungan pa sila e naririnig ko naman.

"Deserve niya 'yan, bagong bago dito babanggain ang isa sa H10!"

"Bagong ibubully na naman,kawawa"

"Sino ba siya? She looks cheap."

Pumikit ako at nilabanan ang inis. Naramdaman kong may humila sa buhok ko. Masakit, hindi 'yung normal na hila ng buhok para na ngang binubunot ng sabay sabay yung buhok ko isabay mo pang hindi makagalaw yung mga paa ko. Sinampal niya ako.

"Damn you, bago ka pa lang dito kaya ayus ayusin mo ang ugali mo. I'll make your life a hell"

Sabi ni papa, wag ko daw hayaang may magbuhat ng kamay sa akin dahil wala silang karapatan na saktan ako... Napuno na ako, sobrang gigil ko ay nabasag ko ang yelo hindi ko alam kung paano pero bigla na lang nag-crack. Ikinagulat nila 'yun ni ako rin nagulat.

"What the?!"

"Ikaw! Ikaw dapat ang umayos sa ugali mo. Ang kapal ng muka mong sampalin ako, sino ka ba huh?!" napa-atras sila sa pag-sigaw ko. Sobrang lakas kasi nun siguro ay nabingi sila

"You don't know me? Hindi ka ba taga-dito" she used the tone 'are you kidding me?' "Alam mo bang sobrang sikat ko at kinakatakutan ako dito?"

"Well you don't look like to be afraid of, actually you look more like a clown with that thick make up of yours. Kinulang ka pa sa tela, mukang pokpok"

She clenched her fist and raise it. She was about to hit me when a cold voice talked.

"Stop it." natahimik ang lahat, all of the students were slowly walking away and this lady infront me has changed to a angel. What a fake.

"4th warning." sabi niya sa babae.

"Thaddeus, pero hindi naman ako ang nag simula—"

"Detention, now!" agad na tumakbo 'yung babae. Hinarap niya ako, nakaka-takot siya...

"You... You're new here and you already made a warning" umiling iling siya, wala siyang emotion. Lumapit siya ng sobra...

Ang bango niya, amoy mint... Hindi ako makagalaw, hindi dahil sa mahika kundi dahil sobrang lapit niya. Ikaw ba naman lapitan ng sobrang close ng gwapo. Nakatitig lang ako sa kanya. This is the first time I felt this feeling, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na ewan.

Hinawakan niya ang kamay ko and I felt electricity there. Pero isang mainit na stamp ang dumapi sa akin sa wrist ko.

"Warning one miss... And quit staring it is rude"