Ilang araw na ang lumipas hindi ko na nakikita si Thaddeus nawala na lang siya bigla matapos ng presentation ng cream, and it work! And take note na ako ang sinugatan nila... Ewan ko kung anong nangyari pero okay na rin 'yun kasi walang manggugulo sa akin.
"Okay class, breathe in,breathe out." tinuturo nila sa amin ang matuto na magmasid sa paligid kahit na pakiramdam lang at nakapikit. "Relax and feel the surroundings, what, who is behind you? Infront of you? Besides you? Know the surroundings, feel it... Feel!"
It sounds silly for me, hindi ako sanay na ganito but yet it is amazing for me because nararamdaman ko nga ang paligid. Naka-blindfold kami ng dumating dito at hanggang ngayon kaya hindi namin alam kung sino, ano ang mga nakapaligid sa amin. I can sense na wala dito si Thaddeus, hindi ko maamoy ang pabango niya.
"Now tell me, where am I?" A little we heard foot steps.
I think the professor is now at the door... I don't know why I thought of it. I raised my hand.
"Yes Ms. Grillemo"
"You're infront of the door."
"Very nice! Give her around of applause"
***
"Dismiss." ilang weeks na ba ako nandito? Hindi ko pa rin alam ang ibang parte dito sa academy kaya napagdesiyon kong mag libot.
Hindi ko alam kung nasaan na ako, wapakels atlis nasa loob pa rin ako ng academy.
May garden akong nakita, yung harang ay mga bush pero malalaki. Pumasok ako kasi wala namang bawal na nakalagay doon. Mamaya pa naman ang klase kaya chill muna dito.
Sobrang ganda! May swing tapos bench dito, tamang pag-piknikan lang.
*Croo*
May nakita akong agila na dumapo sa puno, nasa mataas na part. Blue 'yung mata niya, parang sa tao lang.
Tumayo ang balahibo ko, nilamig at nahihirapan ang puso pinipilit ay ikaw~ char!
Masarap matulog dito, ayoko ngang pumasok dahil comabat ang lesson ngayon tapos cyrstan fighting. Nakakapagod ang makipag laban. Bukas naman ay test na para sa H10 students. Bakit pa mag hahanda sa test na 'yan kung mamamatay din naman tsk.
"Hey".
"—Agilang gala!!" naka-upo ako sa bench tapos bigla nalang nalaglag 'yung agila kanina, focc akala ko nga patay na ei pero biglang naging usok tapos—
"Good day, Ms. Alexia" naging tae siya— este tao.
Gwapong lalaki mga par...
"Sino ka? Bakit kilala mo ako? Okay ka lang? Nalaglag ka kanina ah. Pwede ka nang aksyon star, men, palitan mo na si cardo"
"Shh!!!" 0_0 "Your so noisy... I wanna keep you quite, I wanna kill you."
I got goosebumps.
"How lucky that Hréal got you. Everyone kingdom wants you but too bad we want you too. Be ready Ms. Alexia because any time, anywhere we can abduct you." he stepped closer to me "Adios."
He turned into an eagle once again, he flew with dust falling to the ground. The dust is suspicious, it is shining... I touched the dust, in a glimpse it disappeared. I feel my blood rushing, my body suddenly felt a different reaction. Did the dust just came into my veins?
I collapsed.
Raven's pov.
Hays, si Frances talaga parang gago.
"Ano ba 'yang suot mo. Tibo ka ba?" naka-panglalaki siya na damit. "Sabagay di ka naman babae eh"
"Aba bastos! Palibhasa kalat na bakla ka." epal
"Sus, krass kaya kita..." natigilan siya "As a prend!, hikhok" priceless 'yung muka niya chong. Assuming kasi masyado eh, palibhasa babae ang daling mag hinala.
"Umalis ka nga, wala ka namang kwenta dito."
"San ako pupunta? Ang init init kaya, ikaw ibilad ko diyan e." nasa hall kasi kami ng dorm. Kasama ko ay sina Frances tibo, Arthemmis, Vaughnessa, Arthemmis at si Yeshua mongoloid.
Kami lang nag uusap kasi yung iba kumakain pa, ang bagal kasing kumain ng 'yon.
"Hays!!! Nakakagigil kang animal ka." tumawa ako ng malakas at umalis na, may naka-ambang kasi na pamalo.
Pag kalabas ko ay bumungad sa akin ang maalinsangang paligid. Mabuti meron akong alam na lugar kung saan lilim.
Wala pa namang oras ng klase kaya okay lang na tumambay. Pumunta ako sa garden ng school, tahimik dito kaya makaka-idlip ako hindi kagaya sa dorm ang ingay ingay ni Frances, ang liit liit pero malakas ang boses.
Humiga ako sa damuhan mas malamig dito kaysa sa bench, naiinitan na kasi 'yun. Pumikit na ako pero agad ding dumilat.
May ibang tao dito... Alam ko 'yun kasi malakas ang pakiramdam ko dahil wind 'yung cyrstan ko
"Hey" boses ng isang lalaki.
Pumunta ko sa itaas ng puno para tignan kung sino ang nag-sasalita.
"—Agilang gala!!"
Kilala ko 'yung isa, babae siya, siya 'yung sikat na transferee. Yung isa lalaki based from his appearance except his face. He got a cloak wrapped around him, color red may logo at code sa likod. Isang wartzer! Paano... Isang malakas na barrier ang pumapalibot sa buong eskwelahan! Patuloy silang nag usap, anong kailangan nila sa babaeng 'yan? Eh bagong salta lang 'yan dito.
Paano nga pala siya nakapag-lakbay ng ganun kabilis dito kung malayo ang lugar ng Cristaleon. Nasa malayong malayong lugar ito at hindi itinuturing bilang isang lugar na kasama sa historya ng mundo dahil hindi ito ginawa ng diyos. Ang gumawa 'non ay si Haring Jeseth (Heseth) ang pinakamasamang immortal. Ang iskwelahan nila ay iisa lang ito ay ang Wreñia Academy.
Umalis na ang wartzer ngunit nag lag-lag ito ng dust. Hindi ito isang ordinaryong dust, alam ko 'yun dahil isa akong wind cyrstanist. Agad na natumba si miss transferee kaya tumakbo ako sa kanya at binuhat siya.
Anak ng tokwa naman oh, ang bigat neto pero ang payat tignan.
***
"Blaize!!" humahangos na sabi ko nasa tapat na ako ng mediroom hindi ko na mabuksan ang pinto dahil okyupado ito.
"Bakit ba—" nagulat siya ng buksan niya ang pinto at nakita akong may buhat. "Sino 'yan? Transferee??"
"Oo! Dali i-check up mo agad 'yan dahil hindi basta bastang dust ang na-absorbed niya." inilapag ko siya sa higaan at nag simula na si Blaize na examinin siya.
"Sino ba namang tarantado ang mag lalro ng dust na 'to? Napaka-delikado."
"May nakapasok na wartzer kanina." tumigil siya at tinignan ako.
"What?! Mataas ang security!"
"'Yun na nga eh, kaya panigurado akong isa sa mga tao dito ay isang espiya and besides bakit nila tatargetin 'tong babaeng 'to? She looks fragile, ano ang kaylangan nila sa kanya?" He shrugged his shoulder.
"The dust is very dangerous, Frowin ang tawag dito. May poison na dala maaaring mag cause ng blindness o kaya naman ay ma poison ang dugo niya na unti unting papatay sa kanya. But... But her case, it looks absorb, parang balewala lang ito, parang walang reaction. I can say that her immune system to poisons is very well. She's far from danger but I think she need to be observed kasi baka may complications na mangyari."
Tinap niya ang balikat ko. "Mukang mababawasan ang warning mo dahil dito Raven, naks."
"Hahaha, hindi pa ako mapupunish! Yey!" tinulak niya ako sa pinto.
"Pumasok ka na, baka mahuli ka ni insan. May mens pa naman 'yun ngayon."
"Ulol. Pag ikaw narinig 'non kahit ikaw pa ang president durog ka."
"Sus. Bida bida talaga 'yun feeling pres. dapat kasi di niya na pinasa 'yung katungkulan sa akin eh, naiistress tuloy 'yung gwapo kong mukha."
BLAIZE'S POV.
-_- —muka niya. Pumunta siya sa labas at sinarado ng malakas ang pinto. Mongoloid nga talaga.
Tumawag ako sa head para papuntahin siya dito. I can sense na sobrang lakas niya, she's not an ordinary student. Para bang may pwesto siya sa pagiging Royale.
"To be honest with you Mr. Beau, Alexia has a very rare cyrstan. You know Mr. Grillemo, right?" I nodded "She's her father while her mother was a goddess until she met her Alexia dad. It's prohibited by gods and goddesses to be in love with an a immortal that is ordinary or simple. So, Alexia's mom consequnce is to be removed in the goddesses. Pinasa niya ang kapangyarihan na destruction kay Alexia because she knew her child can handle her such powerful cyrstan."
"So you mean..."
"Yes, she is a Royale.
She runs the god and goddesses blood." wow, my hunch was correct!
"And about the H10, we will not have it. Lalo na at alam nilang nasa atin ang alas, they won't miss a chance na sugubin tayo ngayong wala pang alam si Alexia sa ability niya."
"Kung ganon, ibig sabihin 'yung last na rankings ay ganon pa rin??"
"Yes. Pero isisingit natin si Alexia don, alam kong foul 'yun pero alam mo naman siguro na napakalakas ng cyrstan ni Goddess Helena." she went through the door "We need to train and protect her. She's the one that may save us from this cruel world." then left.
THADDEUS' POV.
Where is she? Why is she absent?
"Mr. Rellocoma! Focus on the object, ni wala ka pang tinatamaan!" it's combat slash training class. Our task is to get a bullseye gamit ang isang ordinaryong kutsilyo.
Nafru-frustrate ako kanina pa— no, nung araw na na-offend ko siya. Ganon kasi ang ginawa ko kay Georgina, akala ko naman mag wo-work pero hindi ko naisip na maka-iba sila.
"Break na muna!" lumapit ako kila Blaize at humiga sa damo.
"Ang panget mo kanina" Yeshua.
"Poor performance" Arthemmis
"May iniisip kasee!" sigaw ni Raven.
"Hoi! Asan si Blaize?" Frances.
"Ouch naman, beybi! Si blaizing beau agad ang hanap" umakto ito na parang sobrang nasaktan. May pa hawak puso pang nalalaman.
"Be quite! Baka kayo ang tamaan ko ng bullseye diyan e"
"Talaga ba? Ni wala ka ngang tinamaan" Yeshua.
Bastrard.
"Guys!" Blaize came with a heavy breathing.
"Hingal na hingal??" Yeshua.
"Tsk. Meeting daw ng H10!" tamad akong tumayo, ano namang pag memeetingan??
"Gather up! Sabay na tayong lahat na pumunta."
***
"So... Headmistress, why did you gather the H10??"
"As you know, the test for H10 is near. Actually bukas na pero in some complicated reasons. Wala nang magaganap na ability test."
"WHAT?! pero paano na— 'yung rankings ng H10."
"It will still be the same but unfortunately the top 10, drop na siya."
"Napaka-unfair naman po naman 'yan, Head!" Bea. I really understand her place, because the one who will replace her has not yet proven her or his abilities.
"I agree with her, head!" Frances. "Sino ba 'yan para agad na makapasok sa Hyrea 10? Akala niya ba anak siya ng isang god at goddesses."
"Yes, she is." lahat kami ay natahimik "kailangan na siyang matrain sa lalong madaling panahon! Namataan na ni Cyrus ang hinaharap, malapit na ang digmaan hindi ito tataas sa anim na buwan hanggang sa ito'y mangyari. May buwan na pula rin siyang nakita kung kaya't ito'y kanyang idineklarang mangyayari sa blood month. Hindi na pwedeng maulit ang nangyari noong nakalipas na pitongpu't- siyam na taon."
It's really hard to understand. Pero sino ba siya? Anong pangalan niya?
"Your training will start tomorrow and to Ms. Bea Jean, I'm so sorry."
We left, I went to the underground room, ang training room namin. Nakaka-stress ang mga nangyayari, una 'yung hindi pag pansin ni Alexia sa akin na alam ko naman ang kasalanan ko at inaamin ko na mali ako. Tapos si Bea, we H10 have been together ever since first year so if one of us leave we will feel empty. Then lastly itong paparating na digmaan, we don't know if one us will die or even worst thousands will die, or even me.
I punched the punching bag so hard.
"Thad!" someone shouted.
"What?" it was Blaize. He throw me the papers.
"Dumbass, you should be doing that." right, I should be the one signing those papers because I won the election last year for president by I pass it on Blaize cause I don't want haggard things bothering me, so I requested to just be a vice but you know I act like a president more than him.
"But you accepted my deal."
"Yeah, yeah! By the way I got something to tell you."
I kept punching the punching bag.
"I heard your scandal" my forehead crampled
"What the hell Blaize."
"The girl... The girl that walked out, I just heard that a minute ago."
Wow, gossips really spreads fast like a lightning.
"What about her?"
"She's my patient a while ago, she got poisoned and this is a secret, she is the new h—" wait what? She was his patient...
I paused and look at him.
"Who poisoned her?!" Damn. I don't know why I raised my voice.
"Wow, chill. I don't know who, but you can ask Raven, he brought her to the mediroom."
Oh, it's a nevermind. What do I care? Why do I care? Ugh, stressful things.
"You won't ask??"
"No thanks, I have my priorities that I should do first." he left.
This damn uncontrollable, bipolar emotions. It's giving me a hard time. Anyways, I should focus in this training I want to win the battle. I've been train since 10 so it explains why I am the hyrea one and I'm 3 in HU30.
I finished the training at late night, I think my body is numb now. I badly need a rest right now.
I closed my eyes while walking, tiredness slowly ate my body. While walking, I bumped into something.
"Are you blind?!" small voice shouted at me. It's familiar.
She did it again, those stares we're powerful like it could kill me in just a glance.
"Well you are the one who is blind. Nakikita mo na ngang nakapikit ang tao!"
"Ang bastos mo talaga pumapatol ka sa babae atsaka bobo ka ba? Buti nga hindi sasakyan ang nakabangga sayo dahil sa katangahan mong pumikit pikit ng naglalakad!"
"You know what? I'm tired. Quit it i'm going" I left her, I am really tired to argue right now.
From now one I will try my best to stay away from her. She gives me bad vibes and I give her bad vibes, we're not suitable together we both stress ourselves if we cont this plus I should not create a distraction for this training. Life and death is the situation here, we can not risk lives.
***
Nagising ako sa ingay na narinig ko sa labas. Nag tatawanan sila and their laugh is so so loud. Sila Raven at Yeshua na naman siguro 'to, pinagkakaisahan na naman si Frances.
Pumunta ako sa banyo ko at naligo, it's my daily routine.
ALEXIA'S POV.
Last night was very unpredictable, kakalabas ko lang mula sa pagkakaconfine wala akong alam sa nga nangyari nung araw na 'yun. Tapos bigla kong nakasalubong si Rellocoma and he looked very tired. Then patulog na ako nakapag lagay na ako ng mask sa muka tapos may kumatok, natakot ako kasi baka kung anong nilalang 'yon ang lakas paman din ng katok pag kabukas ko sumalubong 'yung muka ni kuya Tuan sa akin na nakangiti in a creepy way. Tapos bigla ba namang inempake 'yung mga gamit ko.
Binatukan ko siya 'non at sinabin,"Trip mo ba 'yung gamit ko?" tapos binatukan niya ako.
"Ew, no, yuck, kadiri." vaklang toeh! Nanlait pa.
"Ano ba kasing ginagawa mo?! May sinabi ba akong paki-alaman mo ang gamit ko kuyaa!"
Parang wala siyang narinig. Lumapit ako sa kanya, sa tenga niya at sumigaw.
"Aray, oh paksyet. Fine!! I'll tell you" finally! "Atat naman kasi, may bulate kaba sa pwet?"
"Wala po malamang po ikwento mo na po"
"Ang galang mo namang bata, kuhanin ka na sana ni lord." haeop.
"Mauna ka po."
"Isa kanang ganap na royale, chareen!"
"Tf u sayin' bro?"
"Ganto kasi 'yun..... Ay bahala na pala 'yung mga roommates mo na mag kwento"
---
Ganon lang ang nangyari, so basically dito ako natulog sa dorm A. Humanga ako syempre, pero at the same time nag taka ako, paano ako nakapasok agad dito? Like duh, may dugo ba akong royale hamak na simpleng tao— este immortal lang sila mama at papa. At ayun tinuro niya sa akin ang kwarto ko, dumiretso na agad ako kasi nga tulog na sila. Tapos ngayong umaga nagulat sila sa pag labas ko. Apat the sila dito puro lalaki.
"Wth? Who are you?!" sigaw sa akin nung isa. Nakagrupo ko na siya nakalimutan ko lang ang pangalan, basta pangalan makakalimutin ako kaya maswerte ka kapag natandaan kita.
"Awat! 'Di ako masamang tao, okay?" nakatutok kasi sa akin 'yung powers nila. "Sabi ni Tuan Atrafez, dito na raw ako mag-dodorm. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko ring dito na mag dorm kasi komportable." Teka, asan kaya si Frances?
"Ay, ikaw 'yung mabigat na binuhat ko!" the heck? Kailan?
"Hindi kita kilala.."
"Ofcourse you wouldn't know him kase hinimatay ka nung dinala ka sa mediroom" sabi nung nag check up sa akin.
"Ahhh, sige. Pero sino kayo?— anong pangalan niyo I mean."
"Naging kaklase mo kami a, nag introduced your self pa nga ih" Someone.
"Basta~ mahina akong magmemorya ng pangalan."
"Ok, ako si Yeshua Matteo, ang pinakagwapo at pinakamalalakas sa Royale." binatukan siya ng isa. Okay, siya si Yeshua.
"Feelingero, eww" tinulak gamit 'yung pwet niya si Yeshua. "Hi, ako 'yung nag buhat sayo, Raven Walter at your service *winks*" Si Raven the playboy.
"Napaka-playboy." 'yung nag gamot sa akin.
"Napaka-pakialamero atsaka hindi ako playboy noh!" char lang pala ang playboy.
"Hiii, ako si Blaize Bea. Vice president— este President" tumingin silang lahat sa isa pati ako napatingin din. Si President Blaize, uhh president siyaaa behave Alexia!
"What?" sabi niya. "Fine! Arthemmis Vafréd" okay.... Suplado.
Nag kwentuhan kami dun samantala si Arthemmis nag luluto.
"Kayo lang dito? Diba dito din si Frances??"
"Hindi at oo, may tatlo pa kasama na si Frances dun" Yeshua
"Eh asan siya?" tanong ko.
"Pake namin dun sa babaeng 'yun ang ingay ingay buti wala dito kase ang sakit na ng eardrums ko." Raven
"Sus. Miss mo na siguro 'yun, walangya ka Raven kakaalis lang! Iba ka talaga" Blaize. Tumawa silang dalawa ni Yeshua. Ang iingay nila grabe. Nag hahampasan na sila samantala ako pumunta ako sa kusina para tignan kung anong niluluto ni Arthemmis.
"Wow. Ang bango naman ng niluluto mo"
"Sht! You scared the hell out of me" I chuckled. Para siyang yung sa we bare bear na kulay puti 'yung kulay, nakalimutan ko yung name e.
Pumunta na ako sa tatlo ulit para ayain ng kumain.
"Guys, kain na raw."
"HAHAHA wait lang Alexa, inaasar pa namin si Raven" ang kukulit! Pinanood ko lang sila hanggang sa bigla silang tumahimik.
"Why are you here?" ...
Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko, I knew who is the owner of that voice.
"I'm now a royale?" he smirked.
"Hmm. So you are the new h10, but for a biased desicion how pitiful."
Aba, ano bang kasalanan ko? Ni hindi ko nga ginusto ang maging kasama dito e!
"Hep! Awat na baka kung saan pa mapunta eto" Blaize.
"Breakfast is ready" napatingin kami kay Arthemmis. Agad silang nag sipuntahan sa dining area, lahat as in kahit 'yung kaaway ko kanina. Mga PG!
Umupo ako sa dulo para malayo kay Thadeus. Panggulo kasi sa buhay e.
"GOODMORNING!" malakas na boses ang narinig namin.
"Si Frances talaga, pustahan nasa pintuan pa 'yan ah lakas talaga ng boses." Yeshua.
"Sinabi mo pa" Raven.
We heard footsteps coming to us.
"Who are you?!" sabi ng isang babae na pak na pak ang makeup.
Biglang tumakbo si Frances sa akin at niyakap.
"Tekaaa... Bat' ka nandito— foc. Ikaw yung sa H10 at isa ka nang royale?!"
***
Natapos na kaming kumain dinadaldal ako ni Yeshua, Frances, Blaize at Raven. Pansin ko rin 'yung pagka-flirty ni Vaughnessa, hindi siya nag pakilala sa akin sina Raven ang nag sabi. Ang clingy niya kay Thaddeus na halata namang walang pake sa kanya. Tsk.
Nag gather kami sa salas.
"So guys, eto ang sinabi sa amin nang ipinatawag kami." nakatayo sila Frances at Vaughnessa sa harap namin "As you know malapit na ang digmaan, sure akong alam mo na 'yan Alexia pre." kinwento sa akin kanina. "We will be out for forty days because we have a mission and our mission is to inform and gather allies to the other kingdoms."
"Kailan ang simula?" Thaddeus.
"Mamayang gabi na." and with that we all rushed to our rooms and packed what we need to pack.