Nakahandusay sa lapag si Cloud Girl, duguan at mukang wala nang buhay nang madatnan sya ni Rouser sa bandang Araneta….
"CLOUD?!!!! CLOUD?!!! HUYYYY CLOUD!!!! WAG KANG BIBITAW!!! CLOUD!!!!!!"
Huli na ang lahat ng makadating si Rouser sa eksena, tumakas na rin si Cable Blade dahil paparami na ang mga pulis. Muli, napigilan ni Cloud Girl si Cable Blade isa nanaman balak nito na patayin si Senator Xavier Dela Vega.
Agad nadala sa malapit na ospital si Cloud Girl, sobra ang kaba at takot ni Rouser ng mga oras na iyon, pero wala pang isang oras ay nagising na ito.
..
Sa isang ospital, 8:49PM
Nagising si Cloud Girl, habang si Rouser ay kino-contact ang mga kasamahan nya,
"Teka, nasaan na ako? Rouser?!" –Cloud Girl
"CLOUD!!!!! BUTI NALANG AT BUHAY KA PA… TEKA?! AYOS NA BA ANG PAKIRAMDAM MO?"
tanong ni Rouser, at nabigla ito ng itinaas ni Cloud yung damit nya sa bandang tiyan at wala na itong sugat, as in wala na yung pinag-tusukan ni Cable Blade…
"Nasaksak ako ni Rouser pero nawala bigla yung sugat ko? Maski peklat wala? Yung sa likod ko kaya?"
Nasa isip-isip ni Rouser na amputi pala ng balat ni Cloud, tiningnan nya yung likod ni Cloud at wala rin ang bakas ng sugat, tila naghilom agad ito ng napaka bilis.
"Shit, kailangan ko nang maka-uwi neto Rouser…" agad syang bumangon at nakita sya ng nurse
"Nurse? Okay na po ako! Wala na po akong nararamdamang sakit!"
"Pero kakadala lang sayo dito ng boyfriend mo, at panong naging okay ka kaagad?!" –Nurse
"Bo-Boyfriend ko?! Wala akong jowa!"
"Wala pala siyang sugat?! At okay na po siya siguro? Ipakita mo nga kay nurse?" –Rouser
Ipinakita muli ni Cloud yung tiyan nya na dapat merong sugat, pero wala na talaga. Lahat sila nagtaka kung paano ito gumaling ng biglaan, maging si Cloud mismo… di nya alam kung paano ito nangyari. Chineck pa sya saglet ng nurse para lang masiguradong okay na sya at pwede nang maka-alis agad.
Nang makalabas sila ng hospital, paulit-ulit ng tanong si Rouser sa kanya kung ayos na ba sya, sinubukan gamitin ni Cloud yung kapangyarihan nya at gumana agad ng maayos…
"Sure kang okay ka na ha? Kinabahan talaga ako kanina, akala ko mamamatay ka na. Di ko matatanggap na mamatay ka ng ganon, at kasalanan ko pati pag namatay ka" –Rouser
"Okay na nga ako, talagang hindi ko lang inasahan na aatake sya ng hindi ako handa… alam mo, lalo kong na-realize na napaka dami ko pang hindi alam dito sa kapangyarihang meron ako"
"Sasamahan kita hanggat sa ma-master mo yang meron ka, pero uwi kana muna, hatid na kita?" –Rouser
"Wag na, kaya ko naman na mag-isa… saka Salamat nga pala sa, pag-ligtas saakin hehehe, kung hindi ka dumating, baka natuluyan nako talaga" napangiti lang si Rouser nun at saka sila nagyakapan…
"Cloud Jump!" at unti-unting naging ulap ang katawan ni Cloud at nahigop ito papaakyat sa kaulapan.
..
"Siguro… uuwi na ako" babalik na si Rouser sa kampo nila nang magpadala ng mensahe sina Kenken at Jolo, na tagumpay daw si Cloud Girl sa paglagay ng tracking device kay Cable Blade. Kinatuwa nya ito.
..
Sa pagdating nila Cloud Girl at Rouser sa kani-kanilang tahanan, laman ng balita ang insidenteng kinasangkutan nila. Inakala pa nga ng karamihan na napatay si Cloud Girl sa eksena, nagbigay na din ng pahayag si Senator Dela Vega at nagpasalamat ito sa ginawang effort nina Cloud Girl at Rouser.
"Siguro, kailangan ko rin magpahinga…"
Matutulog na sana si Claudine nang pumasok sa kwarto nya ang nanay nya… na kinabigla nya.
"Mom?!!! Teka nuh ginagawa mo dito?"
"At may gana ka pang ganyanin ako ha, kamusta na? May problema ka ba ngayon? Di na kita nakakausap eh" –Mommy
"Wala naman myyy…matutulog na sana ako"
Niyaya sya ng kaniyang Mommy sa sala para manood ng balita, na tungkol sa insidenteng kinasangkutan nya. Wala namang problema si Claudine para tumanggi,
"Meron ako ditong fresh milk, pasalubong ko sayo yan saka pizza" –Mommy
Hindi natuwa ang kaniyang Mommy sa nabalitaan nito tungkol kay 'Cloud Girl', "Si Cloud Girl nanaman?! Kelan ba titigil yang Cloud Girl na yan?!"
"Wala naman syang ginawang masama ah, oh… si Senator na nagsabi" –Claudine (Cloud Girl)
"At paanong umabot kay Senator yang balita?"
"Ayan oh nasa TV na, niligtas daw ni Cloud Girl si Senator Dela Vega"
Napanood nila pareho yung pahayag ni Senator sa nangyari kanina, pero hindi pa rin sya hanga kay Cloud Girl.
"Hindi porket may kapangyarihan yang batang ay magpapaka-superhero na agad sya, yan tuloy napatay sya. Akala nya lagi nasa kanya ang alas!"—Mommy
Sabay pumasok yung balitang nakalabas na daw agad ng hospital si Cloud Girl pagkatapos 'patayin' ni Cable Blade.
"Buhay pa naman sya eh, baka naisahan lang sya ni Cable Blade!" –Claudine
"Hindi dahilan yang naisahan eh, paano kaya yung pamilya nyang batang yan? Iniisip nya kaya yon habang tinataya nya buhay nya sa labas?"
"Pero Mom…"
"Ilipat mo na nga sa ibang news yan Atria, wala bang ibang balita dyan na hindi tungkol sa Cloud Girl na yan?"
Kahit saang local news channel, puro tungkol kina Cloud Girl, Rouser, at Cable Blade ang balita, at kina-irita ito ng mommy nya.
"I-off mo nalang yan Atria, at ikaw naman iha… ano bang meron at paniwalang-paniwala ka sa Cloud Girl na yan?" –Mommy
"Mabait naman kasi sya saka, nagagawa nya yung dapat nyang gawin… you know, superhero things"
"We're in the real world anak, there is no such thing as superheroes, they may seem good but kung titingnan mo, di na sila sumusunod sa batas and kung saan may gulo, naandon sila. It's either sila yung pinagmulan ng gulo or may mapapahamak kung nasaan man sila. Pwede naman tayo magpaka hero in other ways, not like that na kailangan may ililigtas at lagi may mamamatay" –Mommy
"You don't get her Mom! Not even Rouser! They're fighting off bad guys for the good of others!"
"Being a hero doesn't mean na makikipaglaban ka sa kasamaan or some sort of kontrabida, it is how you do good things in other people's lives"
"Maybe you're right…"
Hindi na lang nakipagtalo pa si Claudine sa opinion ng Mommy tungkol sa kanyang alter ego.
..
..
..
..
..
..
Hanggang sa eskwela, usap-usapan parin yung balita sa nangyari sa Araneta, at si Claudine… pinag-iisipan nya pa din kung paano nangyari na nasaksak sya…
"Ate Cloud, okay ka lang ba?" –Wendell
"May gumugulo lang sa isipin ko, saka… bat nagtatagalog ka ngayon?"
"I don't know… masama ba?" –Wendell
"Akala ko talaga, katapusan ko na kagabi"
"Nabalitaan ko nga eh, na you got stabbed… but you managed to survive, pano mo nagawa yun?" –Wendell
"Hindi ko rin alam, so far… nagawa ko nang makatagos sa bullets, walls, car, even sa person, but di ko inasahan yung stab na yun. Di ako prepared"
"Hhhhhhhmmmmmm… surprise attack" –Wendell
"Parang ganun na nga… o sya, usap tayo later, babalik muna ako sa class namin. Ano ah, makipag-friends ka din sa kapwa mo Grade 4"
"No need, I can handle my own. Saka iba trip nila sa trip ko" –Wendell
"You know, parang di match yung thinking mo sa age mo"
"I got 138 Intelligence Quotient… sometimes I feel like I'm smarter than my teacher, but disrespect yun right? That's why behave lang ako" –Wendell
"Wow, di ko alam IQ ko pero… I think super taas nyang iyo compared sakin, hahaha! Sige Wendell, maya nalang ulit"
"Opo ate Cloud…" sa kabila ng talino ni Wendell, may pusong bata pa rin sya sa tuwing niyayakap nya si Claudine pag nagpapaalam ito.
..
Pagkauwi ni Claudine sa kanila, hindi muna sya sumagot sa mga reply ng kahit sino sa chat, hindi muna sya nag-patrol. Nagpractice sya ng boxing sa kanila kasama si Yaya Atria at Kuya Benjo, tila training ang ginawa nya, kwinestyon ito ng kanyang pag-eensayo.
Pagkatapos nyang pag-praktisan yung punching bag, inantay nyang makalayo muna sina Mommy, Yaya, at Kuya Benjo, nagpunta siya ng kusina at kumuha sya ng kutsilyo, para saksakin ang kaniyang kaliwang kamay…
"Matapang ako… kaya ko to… tatagos tong kutsilyo sakin"
Kabado si Claudine sa simula at Ilang beses nyang pinigilan ang sarili nya para ituloy ang binabalak nya… umabot pa sa puntong naiyak sya, nawalan siya ng tiwala sa sarili nya…
"Madam?" –Yaya Atria
"Yaya?! Ohmygod! Anong ginagawa mo dito?"
"May problema ba?" –Yaya Atria
"Hindi ko kaya Ya… natatakot akong baka masaktan ulit ako, baka mamatay ako bigla"
"Ikakahina mo yang pagiging matatakutin mo… at sa kabaliktaran?" –Yaya
Nagpunas ng luha at sipon si Claudine "Ikakalakas ko yung pagiging matapang ko?"
"Oo, parang ganun na nga… saka, magpahinga kana muna. Alam ko, gumugulo sa isipan mo yung nangyari kagabi, pero magpahinga kana muna.
"Opo Ya…" hindi nalang itinuloy ni Claudine ang balak nya.
..
..
..
..
..
Sabado, nang ituloy ni Claudine ang pag-eensayo nya. Nag-jogging at nagpraktis ulit sya ng boxing, wala si Kuya Benjo ng mga oras na iyon kaya si Yaya Atria ang kasama nya, pinapanood lamang nila sa youtube kung paano ang gagawin nila.
At pinaka huli nyang ensayo muli ay ang harapin kanyang kinakatakot…
"Nung mga oras na yun, di talaga ako handa at takot ako kay Cable Blade, kaya nya ako siguro naatake ng madali… pero tatapangan ko ngayon"
Inilapag nya muli sa lamesa yung kaliwang kamay nya at sa kanan naman ay hawak nya ang kutsilyo,
"Ikalalakas ko yung pagiging matapang ko…"
Ibinaon ni Claudine yung sa kaliwang kamay nya at tumagos ito, walang siyang sakit na naramdaman at maski isang patak ng dugo ay wala.
"Nagawa mo Claudine!!!!" –Yaya Atria
"Parang walang yari Ya…"
"Pag ginawa mo siguro yan ng kabado ka, o kaya naman natatakot ka… sa palagay ko, butas na yang kamay mo ngayon"
"Yan din nasa isip ko ya… sa tingin mo ya, kaya ko na kayang matalo si Cable Blade?"
"Kaya mo naman sya eh, talaga nga lang na… wala kang sapat na practice, saka yang kapangyarihan mo, diba sabi mo di mo pa talaga gamay yan"
"Akin na siguro yun Ya, saka ko na siguro poproblemahin yan… pero dapat talagang mapigilan na namin ni Rouser si Cable Blade, malakas sya eh. Di sya kaya ng mga pulis"
Napatanong si Yaya Atria bigla, "Bat kaya gusto nyang patayin si Dela Vega?"
"Hindi namin alam ya, wala rin kaming idea nung una na si Senator Dela Vega pala yung target nya nun…"
Sa kalagitnaan ng usapan nila, tumawag si Rouser sa kanya, at meron itong importanteng balita na kailangan nilang pag-usapan sa shop nya.
"Ya… uhmmmmmm… alis muna ako saglet, may kailangan kami pag-usapan ni Rouser… balik ako mamaya, hindi ako magpapagabi today, gusto ko pa mag-practice para sa huling laban namin ni Cable Blade"
"Sige Claudine, ipapaalam ko nalang kay Madam na may pinuntahan kayo ng mga kaklase mo"
Pagka-alis ni Claudine ay agad kinontak ni Yaya Atria ang kaniyang Mommy na umalis sya, "Madam, nag-disperse ulit si Claudine, papunta siya kay Rouser"
Nagkausap sila sa phone ng Mommy niya "Ako kakausap sa kanya mamayang gabi, hmmmmmm… natatakot na ako sa mga pinag-gagagawa niya…"
"Sinamahan ko po sya mag-ensayo at pinag-aaralan nya ng maiigi yung phasing nya" –Yaya
"Buti nalang maaasahan ka talaga, maya na tayo mag-usap at may aasikasuhin lang ako" –Mommy
"Yes, opo Madam"
..
..
..
..
..
Sa Shop nina Rouser…
Buti nalang nailagay ni Claudine ang tracking device sa lalagyan ng espada ni Rouser bago ang kaniyang huling pagtumba at pagkawala ng malay, good news ito sa grupo ni Rouser.
"Buti nalang nailagay mo Cloud yung tracking device, and eto yung resulta… nasa Cainta siya ngayon…" –Jolo
"Pag hindi pa rin siya umalis sa pwestong iyan, or pag bumalik sya dyan ng 11PM o bukas ng ala-una, tayo na pupunta sakanya Cloud… and kung igu-google map natin… nasa ginagawang LRT Station siya sa tapat ng Sta. Lucia at Robinsons Metro East… di ko alam kung bakit dyan" –Rouser
"Wala siyang matirahan…" –Kenken
"Or baka may bibiktimahin sya na malapit lang sa lugar na yan, and based on my experience (napa "wow English" si Jolo) sa pakikipaglaban sa kanya, pinagpaplanuhan nya lahat ng mga pag-sugod nya…" –Cloud Girl (Claudine)
"Di na natin palalampasin pa to… Ready ka na ba Cloud Girl?" –Rouser
"Oo, nag-practice na ako ng boxing, at Cloud Phase!"
"Sure kang okay na yung sugat mo?" –Rouser
"Okay na nga, okay ako ngayon… maski peklat wala… promise"
"Sorry pala about dun sa nangyari… huli na nung nakadating ako" –Rouser
"Okay lang yun, nuh ka ba? At least nailagay ko yung pang track sa kanya"
"Wala akong ambag…"
"Self-pity? Luh? Kung hindi ka dumating, baka namatay ako noh… saka nung dumating ka tumakas sya, hindi nya nagawa yung balak nyang pagpatay… wag kang negative dyan"
JOLO: "OOOOOOOOOOHHHHHH!!! BARS MEN!!!"
KENKEN: "OOOOOOOOOOOOOHHHHH!!! Panis hahaha!!"
"Ako tong may utang na loob sayo, di pa talaga ako nakakapag-thank you sayo"
"Okay na saaking naandito ka ngayon 😊" –Rouser
"Lahhhhhh?!"
JOLO: "YIIIIIEEEEEEEEEEE!!! <3"
KENKEN: "NICE ONE BOSS!! HAHAHAHA!! LUPET MO TALAGA!!"
ROUSER: "HA?"
CLOUDGIRL: "Hatdog. HAHAHAHAHHA!!!"
"Gago kayo pinapahiya nyoko kay Cloud Girl!" –Rouser
"Sus!! Hahahaha!!" –Jolo
"Nuh bang meron ha?"
Tulad ng ipinangako ni Claudine, umuwi rin sya agad sa kanila at nag-practice pa ulit, habang inaantay ang 'Go' signal ni Rouser. Inabot din ng Ilang oras ang pag-aantay nya, at matagal na ding hindi umaalis sa pwesto si Cable Blade.
"Cloud, oras na…" chat sakanya ni Rouser "Hindi siya naalis sa pwesto nya…"
"Sugal na to Rouser, sana di to patibong or what… mag-Cloud Jump na ako sa location"
"Kung nasa ginagawang LRT Station sya, sabay na tayo magkita sa baba… sabay natin syang pupuntahan…"
"Okay"
..
..
..
..
..
Sa Ginagawang LRT Station sa Cainta, @11:46PM… The Final Showdown …
Pumarada muna sa tahimik na pwesto si Rouser at saka siya nakipagkita kay Cloud Girl, at dahil ginagawa pa ang LRT Station, may harang ito sa hagdaan paakyat dito. Wala rin ang mga construction workers ng gabing iyon.
"Di ko alam kung pano tayo makaka-daan dito na walang makakakitang inaakyat natin tong harang" –Rouser
"Kaya ko makalipad papuntang taas, ay oo nga pala?!" –Cloud Girl
"Wala akong kapangyarihan, at wala rin akong mga grappling hook" –Rouser
"I have an idea, halika dito hawak ka sakin"
Nabigla si Rouser "Ha?! A-ako? San naman kita hahawak—" hinawakan ni Cloud Girl ang braso nya,
"Tatakbo tayo papasok dyan, kailangan sabay tayo…"
"Pano tayo makakapasok?"
"Ako na bahala Idol, kapit ka lang…"
Habang magkahawak ang kamay nila, sabay silang tumakbo papasok sa harang paakyat sa LRT Station,
"1...…. 2...... PHASE!!!" at sabay silang tumagos at nakapasok, muntikan pa silang madapa at tumama ang mga ulo nila sa hagdan,
"Okay na, kulong na tayo dito… wala nang atrasan to Cloud…" –Rouser
"Kaya natin maka alis dito anytime soon, but not without Cable Blade…" –Cloud Girl
Tahimik silang nagtungo sa taas, si Cloud naman ang nakahawak kay Rouser. Pagkadating nila sa taas ay agad nilang natagpuan ang hinahanap nila, relax na nakaupo habang kumakain ng pizza at nagse-cellphone.
"Oh! Andyan na pala kayo?! 😉" –Cable Blade
"Anong ginagawa mo dito Cable Blade?!" –Rouser
"Ako dapat ang magtanong niyan eh, anong ginagawa nyo ditong dalawa?! Ayyy eto ba hinahanap nyo?" ipinakita sa kanila yung tracking device na nilagay ni Cloud Girl, nilaglag nya ito at tinapakan nya… "yan sira na hehehe!"
"Alam nyang pupuntahan natin sya dito" –Cloud Girl
"Ikaw… bakit mo sinugod si Senator Dela Vega?!" –Tanong ni Rouser
"Masamang tao sya, na kailangang paslangin… balak nyang angkinin ang buong bansa" –Cable Blade
"[Pffftt…] Baliw kana ata brad? Siya na lang ang nag-iisang matinong senador dito sa Pinas, malabo nyang gawin yang pinagsasasabi mo" –Rouser
"Ah talaga? Baka tauhan ka din nya? Puta nananahimik ako tapos pinasabog nyo tinitirahan ko? ANO?! TAPOS SAKIN YUNG BINTANG SA MGA NASAKTAN DON?!" –Cable Blade
Walang maisabat si Cloud sa sagutan ng dalawa, bagkos nakatuklas pa ito ng kaalaman kay Cable Blade…
"Gawa ni Senator yung sa pagpapasabog sa apartment?! Teka paanong? –"
"Gusto nya ako isama sa ginagawa nyang militar, at nang tanggihan ko sya dahil may sarili akong misyon… yun, ginawa nya yun pero akala nila mapapatay nila ako ng ganon lang. Kaya inatake ko siya" –Cable Blade
"Total nasagot ka naman sa mga tanong, ano yung misyon mo?" –Rouser
"Wala na kayong kinalaman doon, pero ang misyon ko ngayon? Haha! ETO!!! [agad nya itinama kina Cloud at Rouser yung grappling gun nya sa bewang!]"
"DAPA!!!!" nag hook papalapit si Cable Blade sa pwesto nilang dalawa para labanan ito ng sabay! Agad nyang nilabas ang pamatay nyang espada, pag bangon nilang dalawa inilabas na rin ni Rouser ang panlabang nyang Arnis
"HA! Yan yung ipanglalaban mo sakin?! Hihiwain ko lang yan!!" At nagka-banggaan sila ng mga sandata nila, nagkakapalitan sila ng bawat atake at sabay din nila itong nasasalag!
"Magaling ka ding putangina ka…" –Cable Blade
"Gago warm up palang to" –Rouser
Sabay nag Cloud Phase si Claudine kay Rouser para maka-atake ito ng suntok, tinamaan niya ito sa muka! Tumumba sya at nagdugo labi nito…
"Wag mong minumura si Rouser!" sabi ni Cloud Girl "At ikaw naman bat mo sinosolo yung laban? Kakampi moko huyyy!"
"Di ko naman sinosolo ah?! O edi ikaw naman bumanat sa kanya?!"
"Tapos nako, o diba parang si One Punch Man ako!"
"Okay, so ako ulit?"
"ANG INGAY NYO!!!!" muling sumugod si Cable Blade, at ngayon ginagamit nya na yung grappling hook nya sa mabiling pag galaw, swing sabay atake ang galawan nya!
"Para siyang si Spider Man na nanghahampas" –Rouser
"Tatakas ka nanaman ba? Diba yan purpose ng grappling hook mo?" –Biro ni Cloud Girl
"HINDI AKO UMAATRAS SA LABAN GAGO!!!" –Cable Blade
"Teka nuh ba yang ginagawa mo Cloud?!" –Rouser
"Binubwiset sya, I consider this as strategy" sabi ni Cloud Girl at muli itong bumanat kay Cable Blade, "Walang daw inaatrasan? Ano dyan ka nalang ba kakapit sa taas?"
Nagpigil ng tawa si Rouser habang nilalaet nya si Cable Blade sa pagiging duwag neto, bumaba si Cable Blade para harapin sila muli sa lapag, ng patas.
"Oh yan, bumaba nga sya?" –Rouser
"See? HAHAHAHA!!" –Cloud Girl
"Wag mokong pinagtatawan—!!" tinira agad sya ni Cloud ng ulap sa muka at siya naman ang umatake, puro suntok. Nasasalag ito ni Cable Blade!
"Boxing? Hala?" –Rouser
Tuloy lang sa paglaban si Cloud, at nang makahanap ng tiyempo si Cable Blade, nakipag sabayan siya ng suntok. Kulang sa ensayo si Cloud kaya puro ito opensa, kaya hindi nahirapan si Cable Blade labanan siya. Nang mapa atras si Cloud, si Rouser naman ang pumalit at gamit nila muli ang mga sandata nila!
"Kainis! Nagawa nya akong masabayan kahit nag-practice ako ng basic na boxing!"
"Di ka naman kasi boksingero Cloud! Hero ka! At gamiting mo ng madalas kapangyarihan mo!" –Sabi ni Rouser habang nilalabanan si Cable Blade!
Nahiwa ni Cable Blade ang tiyan ni Rouser ng dalawang beses pero di ito gaano nasaktan dahil may suot siyang rider gear, napa-atras na din siya
"Hindi moko masusugatan ng Arnis lang boy…"
"Hindi nyoko kayang dalawa kaya papatayin ko na kayo!!!"
Muling pinagsabay ni Cable Blade ang pag gamit nya ng grappling hook at espada sa pag-atake, at mas lalo silang nahirapan kung paano sya tatalunin. Panay ang dapa at pag ilag nilang dalawa!
"Cloud Blast!!!!"
"Cog Blaster!!!"
Kahit sabay pa silang gumamit ng range attacks nila, nahihirapan padin silang tamaan siya, pinakitaan din ni Cable Blade silang dalawa ng galing nya sa throwing weapons gamit ang sarili nyang throwing knives, tinamaan nya si Cloud Girl at…
"IIIIIIIIIIIIIIIIIIHHHHHHHHHHH!!!! Ang sakit!!!" nagdurugo si Cloud
Binuhat ni Rouser si Cloud sa safe na pwesto, kita ito ni Cable Blade at bumaba lang ito, hindi siya sumugod…
"Hindi nanaman gumana ng maayos tong kapangyarihan ko, pero kaya ko pa" –Cloud Girl
"Wag na Cloud! Ako nang bahala babalikan kit—"
"Antagal nyo naman? Ano na boy dali?! Papatayin na din kita!" –Cable Blade
Nakatalikod si Rouser, at nanggigigil na ito dahil sa ginawa nya kay Cloud Girl…
"RAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!" mabalis siyang humarap sakanya at itinira nya na lahat ng natitira nyang cog! At hiniwa-hiwa lang nya ito ng walang hirap…
"Yun na yon?!" –Cable Blade
Muling inilabas ni Rouser ang arnis nya… "Eto na… tangina seryosohan na talaga…"
"Di ko rin sineryoso kanina, pero papatayin na kita. Totoo na talaga brad!"
At nagpang-abot ulit si Rouser at Cable Blade! Medyo nakakatama na din ng atake si Rouser pero lugi pa din sya sa galing ni Cable Blade sa pakikipaglaban. Pinapatagal ni Rouser ang pakikipaglaban dahil
..
..
"Pag mapipinsala ulit si Cloud Girl, pipilitin kong patagalin yung laban para magawa pa ni Cloud na makalaban ulit dahil alam kong kaya nya mag-heal sa sarili nya at aminado akong mas magaling si Cable Blade kesa saakin" –Rouser
"Paano mo nasabi boss?" –Jolo
"Sa galawan nya palang, mukang mahihirapan ako… pero ibibigay ko ang lahat, matalo lang siya, pero si Cloud talaga ang makakatalo sa kanya" –Rouser
..
..
Nanaig muli ang takot kay Cloud dahil sa pagtama ng mga throwing knives sa puso, dibdib at kanang braso nya. Pinilit nyang ikalma ang sarili, pumikit siya… at inalala yung inensayo nya…
"Ikalalakas ko…"
"yung pagiging matapang ko…"
At pagkamulat ng mga mata nya, dahan dahan niyang tinanggal yung nakabaon sa puso nya… hindi siya nakaramdam ng sakit, walang dugong lumabas at nagsara agad ang sugat niya na parang walang nangyari, tinanggal nya na rin yung dalawa pa. Sa pagtayo nya, naramdaman nya ang lalong pag lakas ng kapangyarihan nya…
"Walanang takot-takot to…"
Tinadyakan ni Cable Blade si Rouser dahil sa hindi na nya kaya pang makipag-sabayan pa, walanang usap usap pang nangyari at sinaksak agad siya nito pero…
"Walang dugo?!!! PAANONG?!!!"
Pumutok ang katawan ni Rouser na parang smoke bomb pero gawa sa ulap, at saka lumitaw si Cloud Girl mula dito! Sakal niya si Cable Blade at itinama nya ito sa pinaka malapit na pader!
"Ang tawag ko doon, Cloud Swap!"
"AYOKONG GAWIN TO PERO KAILANGAN KO PARA KINA MAMA AT PAPA!!!!" tinusok ni Cable Blade yung espada nya pero balewala nalang ito sakanya!
"ROUSER NGAYON NA!!!!"
Mula sa gilid hinampas ni Rouser si Cloud Girl para tumagos yung Arnis nya sakanya para matamaan yung kamay ni Cable Blade para mabitawan nya yung espada nya. Sa tindi ng hampas nya ay napasigaw sya sobrang sakit nito "AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHKKKKK!!!!!!" sunod na hinawakan ni Cloud ay muka niya at saka siya pumutok na parang smoke bomb.
"Akin na yan!"
Hinawakan ni Rouser si Cable Blade mula sa likod, hindi na nya kayang makapalag sa tindi ng kapit sa kanya.
"Pano paganahin tong taser gun?!!" di nya sinasadyang maitama ito kay Cable Blade, napabitaw agad si Rouser habang nangingisay ito, at sa wakas napatumba rin nila siya.
Sa pagod nilang dalawa, napaupo nalang sila at sabay sabing "Okay na…"
"Yeah, natalo na natin si Cable Blade…" –Rouser
Lumapit agad si Rouser kay Cloud at tinulungan niya itong tumayo, "Galaw-galaw, di pa tayo tapos dito" agad nilang pinagtatanggal yung mga sandata niya at pinosas ito gamit ang nylon cable...
"Sampu talaga? Teka di ba masyado mahirap tanggalin yan?" –Cloud Girl
"Oo, kulang yung isa para sa gantong most wanted na tao"
Nagbalita na rin agad si Rouser kina Jolo at Kenken na natalo na nila si Cable Blade, nagawa pa nga nilang magsend ng selfie na hawak-hawak nila si Cable Blade.
Pagbaba nila sa LRT Station, may malay na si Cable Blade ng maisakay nila ito patungong Cainta Municipal Jail. Dun nila nalaman na ang tunay na pangalan niya ay Garry Delfina, madami pa silang nalaman tungkol dito. Nainform na din agad sila na ililipat siya sa Maynila para sa trial…
..
..
"Mag-uumaga na pala oh, hahaha! Kaen muna tayo sa 7/11" –Rouser
"Kahit madungis tayo?" –Cloud Girl
"Oo, okay lang sakin…"
"Sige, sulitin kona hahaha!"
"Tayo nanaman ang magiging laman ng balita neto mamayang ala-sais… pucha, eto pinaka best kong nagawa sa pagiging super hero ko, ang makatalo ng kalaban na gaya nya…"
"Ako din naman, teka? Hindi ba tayo pagkakaguluhan ng mga tao neto?"
"3:30AM? Wala yan, atin na atin tong 7/11 ngayon hehehe, chill tayo saglet then uwi na tayo…"
"Wag mo na ako ihatid ah, mag Cloud Jump nalang ako"
"Yeah… 😊"
"Oo 😉"
..
At sa huli, nanaig sina Cloud Girl at Rouser laban kay Cable Blade. Kinatuwa ito ng buong sambayanan, na ang dating hindi mahuli-huli na kriminal ay nasa kulungan na. Mabibigyang hustisya na din ang mga pamilya ng pinatay nya, at mapapalagay na ang loob ng mamamayan dahil wala na ang kinakatakutan nilang tao. Nabigo si Cable Blade na maibigay lahat ng gusto ng kaniyang mga magulang dahil idinaan niya ito sa mabilis at marahas na paraan, alam na ng buong bansa ang ginawa nilang katapangan at mas lalo pa silang kinonsidera na real-life superheroes…
..
Bago sila maghiwalay ng landas, sa 7/11, @4:03AM
"Okay na tayo kay Cable Blade… so ngayon… ano nang susunod?" –Rouser
"Di ko rin alam, actually… ako dapat ang magtatanong sayo nyan haha!"
"Abangan nalang natin Cloud, uhhhhmmmmm… sana wag tayo mawalan ng communications, hehehe, pang contact lang kung sakaling kailangan tayo umeksena…"
"Oo naman, magpapang-abot nalang tayo ulit… o sya… mauna na ako!"
Nagkayakapan silang dalawa para sa pansamantalang pamamaalam nila sa isa't-isa…
"Sige 😊" –Cloud Girl
"Ingat Cloud… 😊" –Rouser
"Okay, ikaw din. Magdadrive ka pa… [CLOUD JUMP!!]
[SWOOOOOOOOOOSHHHHHHHH!!.....] "Salamat Cloud 😊"
..
..
..
..
..
..
..
..
..
..
"Sorry Ma, sorry Pa… ☹ nabigo ko kayo…"
–Cable Blade (Garry Delfina)