Chapter 1 β Claudine
"Mommy! Mommy tingnan mo ulap oh, ang ganda pagmasadan tapos parang hugis tao sya!"
"Alam mo ba anak, dyan namin hinango ng daddy yung pangalan mo, sa ulap kasi pareho kaming naantig sa taglay na kagandahan ng kalangitan. Para ngang may pinagmanahan ka ha hehe π"
"Sayang mommy, di ko manlang nakasama si daddy, hanggang picture nalang ako nya"
"Masaya naman na si Daddy mo ngayon, malay natin sya yang hugis tao nay an diba? Kahit na nasa langit na sya Claudine, tuloy pa din ang buhay natin dito."
"Opo mommy, namimiss ko lang talaga sya. Pero kahit na nasa langit na sya, mommy sya lang daddy ko ha. Hindi ka na mag aasawa pa ng iba"
"Oo naman anak, mahal na mahal ko yang daddy mo ng sobraβ¦."
..
Sa tuwing nakatingala ako at tinitingnan ang kalangitan, yung usapan namin ni Mommy nung bata pa ako at si Daddy ang naaalala ko. Tandang tanda ko pa lahat ng iyon, eight years old pa lang ako nun at sa bakanteng bahagi pa ng lupa namin kami magkasama ni mommy nun, sa silong pa nga iyon ng puno ng sampaloc.
Ngayon, bihira ko nalang makasma si mommy kasi laging busy sa negosyo nya. Habang ako naman kakabagsak lang sa examination sa college algebra, hayssssssssβ¦ himbis na mag-emote ako sa fb na bagsak ako, naka-upo lang ako dito sa bench habang kumakaen ng burger mag-isa, naaantig lang ako sa ganda ng kalangitanβ¦
Ako nga pala si Claudine M. Santos, isang hamak lang naman ako na teen ager tulad nyo. Kaka- 19 ko lang nung nakaraang linggo kaya ang teen ko parin tingnan. BSE Science Major ako pero feeling ko malalaglag na ako sa course na to. Di ako gaano naka focus sa pag-aaral recently kasi may pagtatalo kami ni mommy, para ngang wala naman sense tong pinaghihirapan kong kurso kasi parang wala lang naman sa kanya kung pasado ako o bagsak, ang alam nya lang binabayaran nya pampaaral ko. Minsan na nga lang kami magkasama sa hapagkainan, lagi pako papagalitan eh wala naman akong ginagawa na mali. Tapos kamakailan lang nakipag-hiwalay na ako sa boyfriend kong si Philip, gf nya na pala yung impaktang tinuring ko na kaibigan tapos todo paliwanag pa sya ngβ¦
"Magkaibigan lang naman kami!"
Langhya di pa kami nagbebreak nyan pero ramdam ko naman na bago pa ako sabihan ng ilan kong concern na kaibigan. Tama lang din na itigil ko na, ang tanga ko na nga eh, tatangahin pa ako neto. Nakatira kami sa isang exclusive subdivision dito sa Maynila, may sasakyan kami, malaking bahay, rich kid na kung rich kid. Pero amboring, kami lang ni Yaya Atria lagi magkasama dito, sya nga lang naiiwan pag papasok ako eh. Minsan kasama nya si Kuya Benjo, family driver namin pero pinauwi muna sya ni Mommy kasi may emergency daw 'bout sa family nya sa probinsya.
Only child ako, kaya halos lahat ng gusto nakukuha ko. Saka pag mamayari naman ni Mommy tong Cloud 9 Executive Homes kaya pwede ako mag feeling reyna anytime kung gugustohin ko kaso ayoko. Kung pumorma nga daw ako parang di ako anak ng mayaman eh, saka mas prefer kong maging simple lang, yung kakain sa di gaano mamahalin na restaurant, naglalakad o kaya bike, sasakay sa jeep saka yung buhay na less arte. May iilan lang akong kaibigan kasi lagi nalang ako napagkakamalang mataray pero mabaet naman ako sa totoo lang. Di ko nga alam kung bat ganto lagi nae-encounter ko.
..
"Claudine, nag-iisa ka ata dyan? Mukang emotera nanaman ampeg mo ha?" -Sabi sakin ni Alex habang papalapit sila ni Queenie saakin.
"Brokenhearted yan, wag mo na nga asarin" -Queenie
"Di ko naman sya inaasar eh" -Alex
"Anong ginagawa nyo dito?" -Tanong ko sa kanila
"Wala lang naman, samahan ka lang, hayaan mo na yun si Philip. Dibale Claud makakahanap ka rin ng matinong, yan kasing MGA LALAKI NA YAN, MGA MANGLOLOKO YANβ¦" β Pinaparinggan nya si Alex
"Sorry ka, loyal ako mag mahal eh, hahaha!" -Biro ni Alex
"Sya nga pala nakita nyo na tong trending na balita sa FB ngayon? Hahaha! Real-Life Superhero daw oh, may natimbog syang riding in tandem at snatcher sa isang grocery store haha!" -Alex
"Real-life superhero? Tssss pa-trending lang sa social media yan haha!" -Queenie
"Ang cool siguro maging superhero noh, yung may super powers ka tapos makakalipad ka" -Nakirelate nalang ako sa usapan nila kahit di naman talaga ako interesado.
"Kung magiging superhero ako gusto ko yung kay Jean Grey sa X-Men, yung nakakapag-palutang sya ng bagay tapos nakakabasa ng isip ng iba" -Queenie
"Ako naman kung magkaka-powers ako, yung kay the Flash naman ng Justice League, para super bilis ko, hindi nako mamamasahe papunta dito sa school hahaha!!" -Alex
Ang cool nga naman kasi kung totoo ngang magkakaroon ka ng super powers diba, kahit di tayo mag aminan siguro naman may isang beses sa buong buhay mo na pinangarap natin maging isang superhero. Kung ako nga tatanungin, ang gusto kong super powers is yung flight, maski yun lang. Makalipad lang ako ng malaya okay na ako dun, gusto ko maabot yung mga ulap na hanggang titig ko lang.
Talagang sinamahan lang ako nung dalawang iyon, si Queenie Maglalang matagal ko na syang kakilala, same kami nang pinagmulang high-school pero that time di naman kami close na unlike ngayon, nagkataon lang na magkaklase kami sa college na to at pareho kaming science major. Si Alex Esteban naman, manliligaw sya neto ni Queenie kaya lagi nakabuntot, mabait naman sya saka ginagawa nya best nya para maging kwela, kinulang sa sense of humor. Friends lang sila pero hindi best friends, kasi yung best friend ko na naging boyfriend ko, si Philip Pinas, yeah you heard it right Pinas talaga apelido nya tapos Philip pinangalan sa kanya ng parents nya pero di naman sya patriotic. Wala eh, manloloko pala⦠tinuring ko din na kaibigan dati si Jessica Sinocruz, yung pinalit nya saakin. Ewan ko ba, ambait lang tingan pero nagpalandi rin kay Philip. Leche sila dalawa.
..
Minsan lang ako nasusundo ni kuya Benjo pag uwian ko kahit na naka-leave sya ngayon. Kasi mas priority nyang sunduin si Mommy, pero ayos lang kasi nakakagala ako at may pamasahe naman ako pauwi. Habang naglalakad ako kanina bago umuwi, napadaan ako sa isang karinderya nun at pinanood ko yung binabalita sa TV, about nga doon sa trending ngayon na real-life superhero ng pinas. Totoo nga na nagawa nyang maipahuli yung riding in tandem at yung shoplifter sa isang grocery store, naitumba nya by means of pangbubugbog pero di naman yung halos patayin nya na, disabling lang ang dating. Pero buti trending sya at positive ang tingin ng karamihan sa kanya, I mean kayβ¦
Reporter: "Maaari ka bang magpakilala saaminβ¦"
Rouser: "Ako nga pala ang inyong tagapag-tanggol na si Rouser (raw-ser), at aktibo akong tutulong sa pag-sugpo sa mga nagtatangkang gumawa at gumagawa talaga ng mga krimen"
Reporter: "Paano mo pala nagawang maipahuli yung riding in tandem at yung isang magnanakaw sa isang araw lang?"
Rouser: "Ginawa ko lang po kung ano po sa tingin ko yung tama at dapat talagang gawin, pinagbalaan ko sila, sumuway sila kaya ginawa ko nalang yung makakaya ko para hindi na sila maka-perwisyo pa ng iba muli"
Reporter: "Ano naman ang naging reaksyon ng kapulisan sa 'kabayanihang' ginawa mo?"
Rouser: "Pinagtawanan nila ako nung una dahil di sila naniniwalang superhero ako, dahil siguro sa costume kong bahagi ng motor na Rouser, pero buti nalang nakipagtulungan sila saakin pati na din yung mga natulungan ko, para ipahuli sila"
Reporter: "May iba ka pa bang mensahe na gusto mong ipabatid sa taong bayan?"
Rouser: "Sa mga kriminal at nagbabalak pang mangperwisyo ng kapwa ko pinoy, bilang na ang masasayang araw nyo dahil ako, si Rouser! Hahanapin ko kayo at dadalhin ko ang hustisya sa mga muka nyo, yun lang⦠Rouser out!"
Reporter: "Maraming salamat sa-- at tuluyan na nga po syang umalis agad. Kasalukuyang number 1 padin na trending sa twitter at facebook ang #Rouser dahil sa kanyang kabayanihang ipinakita. Back to you guys!"
..
Legit nga yung nagawa nya, andaming pumupuri at nambabash sa kanya kasi ng syempre sa Pilipinas ang setting eh. Di nya ni-reveal yung identity nya, tapos yung costume nya parang pang cosplay na mask rider ang dating tapos ang tunay tingnan ng plating ng costume nya parang parte talaga ng motor na Rouser. Yung nakita kong weapon nya parang mahabang stick eh at yung motor nya talaga yung ang angas tingnan. Di ko alam kung bat parang in ako sa balitang to, ang weird lang pero dapat talaga wala akong pake sa mga ganyang bagay.
Pag-uwi ko saamin, nakasabay ko kumain ng dinner si mommy nun at nagka-kamustahan kami na para bang hindi kami nagkatalo kahapon lang. Sabi ko okay naman yung studies ko at wala sya gaanong imik, wala namang paki si mommy about doon. Sa kwarto ko, nagawa ko muling mapagmasdan ang ganda ng kalangitan, at full moon pa talaga kaso natatakpan naman ng mga ulap yung buwan.
Nahikab ako nun na may kasamang pag unat ng kamay nang biglang nakita ko yung moon, nagtaka ako bigla ehβ¦
"Bat ganun, ang bilis naman mawala ng mga ulap na nakaharang sa buwan, parang nag-siurungan yung mga ulap?"
Nagtaka lang ako na bakit ang bilis umurong nung ulap, mabagal ang galaw ng mga ulap, parang orasan lang na binabantayan yung pag-ikot ng segundo. Pero hinayaan ko nalang, at binukasan ko nalang tong laptop ko, may need lang ako matutunan kasi may exam nanaman bukas sa eskwela. Acads is life pa din syempreβ¦
..
..
..
..
..
"Nahati sa dalawa yung ulap, imposibleng mangyari ito peroβ¦ may isa lang akong kilalang kayang gumawa nyanβ¦"