Anonymousity Unravel
EIGHT PAIRS of eyes shot at me. Hindi ko alam saan ako makikipagtitigan. Different shades of eyes but the most familiar of them is staring at me, dumbfounded at seeing me. Hindi na ako nakapalag nang hilahin niya ang pulso ko kaya naman napatingin ako sa kanya.
"I texted you na hindi tayo magkikita rito. Why are you here? " Anger is evident in his tone. Pero alam kong sinusubukan niyang maging malumanay ang boses sa akin.
I sighed and was about to answer him nang bigla ay may magsalita mula sa malayo.
"So the legendary The First is a girl? " I look to see who is it and infront of us is Lowie Saavedra, the leader of Black Water Gang ng Campus Luis. He is known for being a devil, a womanizer and a manwhore. He's the leader of the organization na gustong mawala ni Lemuel and his gang which is the Red Ash. I heard their gang was famous for different devious acts like tortures. Seeing him infront of me with his jet black eyes na matalim kung tumitig makes me shiver.
Hinila ako ni Lemuel sa likuran niya.
"What's in her that made her to top that hierarchy for consecutive years? " he asked. A playful smirk is plastered on his face.
Napakunot ang noo ko.
"Lowie, " saway ni Desiree na ngayon ay nasa tabi ni Aris. Napatingin ako kay Aris at nakitang nakatingin lang siya sa kawalan, tiim ang mga bagang, seryoso na para bang may malalim na iniisip. I couldnt help it but curse sa tuwing nakikita siya.
"She'll never be in your gang Lowie! " inis na singhal ni Jufiel na ngayo'y nasa gilid ni Lemuel.
"Oh really? " maangas na sabi ni Lowie. "I wanna watch her bleeding infront of m—"
"Tumigil ka! "
Napatingin ako kay Lemuel na galit na nakatingin sa lalaking nasa harap namin. I could feel his anger boosting based on how he grips on my wrist.
"Right, "
Napatingin kami sa lalaking kanina'y nakasandal sa railings ng rooftop. My mouth gaped open when shock hit me. If I remember him clearly, siya yung nasa initiation. The man with a scar on his cheek.
Ngumiti ito sa akin nang magtagpo ang mga tingin namin. "She's already a crescentia. "
Crescentia?
Napalingon si Lemuel sa akin. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako. "Is that true? "
"Crescentia?" Si Jufiel. I glanced at his direction at maging ito gulat na napatingin sa akin. "Nasa ibang gang ka Jade? "
"Damn! " sigaw ni Lemuel at saka binitawan ang kamay ko. Gulat na napatingin ako sa kanya nang humakbang ito palapit sa lalaking tahimik lang na nakatingin sa amin. Dinamba ng suntok ni Lemuel ang mukha ni Aris.
Naisigaw ko ang pangalan ni Lemuel. Tinakbo ko ang disransiya namin and I pulled him by his shirt para mailayo kay Aris na ngayon ay nakapangalumbaba sa sahig.
I stared at the man sitting helplessly in the cold floor of the rooftop and saw his bleeding lips. I almost cursed at the sight.
Inilihis ko ang tingin mula sa kanya para pigilan ang nararamdaman ko. My eyes fly to Lemuel who's anger is now taking root on his whole system.
"What did you do to her?! Bakit mo siya sinali?! " sunod-sunod na sigaw ni Lemuel.
"Wel, " awat ni Jufiel sa kabilang braso ni Lemuel.
"You cant just punch him!" rinig kong sigaw ni Desiree. Napatingin ako sa kanya at nakitang galit itong napatingin kay Lemuel. "He is The First! "
"Wala akong pakialam! " si Lemuel.
Napapikit ako nang madiin. I couldn't believe na nag-aaway silang lahat dahil sa akin.
Napatingin ako kay Aris nang kumilos ito patayo. Nagtagpo ang aming mga tingin. Napaiwas agad ako dahil rito.
"She's under my order from now on, " rinig kong sabi nito. "That tattoo on her neck means she'll be mine. Whatever I do to her will be my decision. "
"Baliw ka pala talaga eh! "
"Lemuel! "Napasigaw na ako nang humugot ng baril si Lemuel sa loob ng polo niya. Then he aimed it at Aris na ngayon ay nakaposisyon rin ang baril kay Lemuel.
Damn!
"Sasali ako, " natatawang sabi ni Lowie at saka humugot rin ng baril sa may pantalon niya. Kinasa niya iyon bago itinutok...sa akin.
Napaatras ako sa gulat. Agad na kumilos ang dalawang nasa gilid ko at itinutok ang kanilang mga baril kay Lowie.
Aris and Lemuel are now pointing their guns, not at eachother, but at Lowie who's now smirking and pointing his gun at me.
Napangisi siya at maya-maya ay napatawa. Napakuyom ako ng kamao nang marinig ang nakakainis nitong tawa. I want to erase that smirk and amusement on his face with a knife.
Kung pwede lang sana.
"I couldn't believe two cats would be willing to fight over a stray mouse, " makahulugan nitong sambit. Then his eyes hover around us. Napatingin ako kay Jufiel nang harangan niya ako.
"Jufiel, "
"Oh, three cats," sabi pa nito. "I cant wait to know what that mouse taste like for three cats to fight over it. "
"Shut up Lowie, " sabi ni Desiree and she kicked Lowie's gun kaya nabitawan niya ito. Sinalo naman iyon ni Desiree.
"Okay! Okay! Biro lang naman guys! " natatawang sabi ni Lowie pero mukhang hindi naniniwala ang dalawa kaya nanagiling nakatutok parin ang mga baril nito sa direksyon niya. "Come on guys, ibaba niyo na nga yan! "
When both were given assurance na hindi na magloloko pa si Lowie at ibinaba na nila ang mga baril.
"1 minute left. " Napatingin ako sa nagsalita at nakita ang tatlong lalaking parehong nakaupo sa railings.
Damn, they could have died fallinv to a five storey building if mawawalan sila ng balanse mula sa pagkakaupo nila sa railings.
"Meeting adjourned, " I turned to Aris. Hindi tumitingin sa akin ay tinalikuran niya kami at dumiretso pababa ng rooftop.
"Yey! " si Lowie at saka sinundan si Aris pababa. Sumulyap pa ito ng pasimple sa akin. In a blink, tumitig ito sa akin na nagpakilabot sa akin nang husto. He stared deadly at me bago ulit patalon-talon na bumaba mula sa rooftop. Sumunod naman ang tatlong lalaking nakaupo kanina sa railings.
"Una na ako sa inyo Haizel, " si Desiree, kasama ang lalaking may peklat sa pisngi.
"A-Anong pangalan mo? " tawag ko sa lalaking may peklat. He glanced at me bago ulit binigyan ako ng isang ngiti.
"Rainier Lopez po ng Class D. " sabi nito nanf nakangiti. Tumango ako.
Kumaway muna ito sa akin bago sumunod sa ngayo'y bumababa na Desiree.
And now, naiwan kaming tatlo.
"You broke your oath! You promise!" Sabi ni Lemuel pagkasarado ng pinto ng Art Room. "Bat mo nagawa samin ni Jufiel yun?"
"Lemuel—"
"Did he force you? Binalaan ka ba niya at pinuwersang isali sa gang niya? What did he do?! "
"Calm down Lemuel—" ako.
"I cant calm myself right now Jade knowing he forced you to be on his gan—"
Napasigaw na ako. "I entered his gang willingly damn! " I lied. I lied para hindi na maging kumplikado ang lahat. "Hindi niya ako pinilit. Ako mismo ang pumunta sa kanya and I asked him to be on his gan—"
Napasinghap ako nang hinila niya ako sa braso ko. The next thing I know is his arms around me. Halos ikatili ko na ang ginawa niya.
"Lemue—"
Hinigpitan niya ang yakap sa akin and I almost curse at the riotous feeling inside me. I heard him sigh. Hinagod ng palad niya ang buhok kong nakadantay sa likuran ko. Gently, he carress it like being harsh on it could break me.
"Lemuel, " tawag ko. "Let go, "
"Im in love with you Jade," Nabato ako sa kinatatayuan ko sa sinabi niya. Damn. Anong pinagsasabi niya? "You know my feelings for you since then. But why are you doing this? "
"Tumigil ka Lemuel—"
"You promised. You promised them you'll give me your heart. Umaasa akong tutuparin mo ang pangako mo Jade! " Mas humigpit ang yakap niya kasabay ng pagsigaw niya.
Napasinghap ako nang magtama ang pisngi ko at ang labi niya. Nabalot ako ng kaba at saka sinubukan siyang itulak.
"Let go Lemuel! "Sigaw ko.
Pero hindi siya nakinig. Bagkus ay mas inilapit pa ang mukha sa akin. Confusion filled me. I closed my eyes and think about him kissing me. He's been very patient since then. He's my first love but I never let him get his chance to kiss me. Kahit alam kong gusto niya ko, he patiently waits for it. To be my first kiss.
But damn.
Thinking about kissing him reminds me of Aris who kissed me as part of the initiation. He's my first kiss and another kiss from a man will be traumatic. Kaya kahit hindi ko gusto ay inilayo ko ang mukha ko sa kanya. Ramdam ko ang gulat niya sa ginawa ko iyon. Nakahilig ang ulo ko but I could see the corner of my eyes his expression.
I calmed myself bago nagsalita. "I'm sorry, " sabi ko at marahan siyang itinulak. Hindi naman siya pumalag at dumaosdos ang kamay niya pababa. He freed me from his hug.
And then I left in the Art Room.
I STARED at the moon infront of me. Malamig ang simoy ng hangin sa rooftop. Kanina may nakita na naman akong nagsisitakbuhan sa may field pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. When I saw the familiar black van approaching the main building mula sa taas ay umalis na ako da pagkakasandal sa railings.
When I turned to the other direction ay nahagip ng paningin ko ang isang anino mula sa gilid.
"I know youre there, " sabi ko, walang takot sa aninong ngayon ay papalapit sa kanya. When I looked at who is it, hindi na ako nagulat ng ang lalaking kinamumuhian ko ang nasa harap ko ngayon. "What are you doing here? "
"Recruiting? " siya sa mahinang boses.
"For what? Initiation? Ganito pala kayo magpadami ng lahi? Sapilitan? " Disgust is evident in my tone. "And then what, kill then kapag hindi sila makapasok? "
"Do you think I'll kill someone just because of that lame reason? " mahinahon niyang tanong.
Napataas ang kilay ko. "Yes. Like a devil—"
Natigil ako pagsasalita nang hakbangin niya ang dalawang metrong distansiya namin at saka ako hinila at ipinulupot ang mga braso sa leegan ko, handang-handa nang sakalin ako. Napahawak ako sa braso niya and I was shock at the feel of his veins rooting on his arm. Parang mga ugat.
"You're tough is like you. Tough. But fragile, " halos pabulong niyang sabi at saka may idinikit na patalim sa leegan ko. I shiver at the coldness of the metal as it touched my neck.
"Youre going to kill me? " tanong ko. "I thought you want me to die with you, " I smirked at reminding him of his crazy line.
"Yes. Youll die with me. And with me alone,"
Napangisi ako at saka pumasailalim ang kamay ko sa loob ng blazer ko. There kinuha ko ang isang karayom at saka mabilisang tinusok siya sa may braso kaya naman napagalaw siya, giving me the chance to free myself.
Hinarap ko kaagad siya at saka iniharap sa kanya ang sinulid na ikinaimpit niya. Smirking, nagsalita ako. "I didn't know youre this possesive, devil. "
Napatingin siya sa hawak ko. "So that's the skill where you are good at. "
I grinned at him. "Guns and judo. I know youre best at those. "
"Fun stalking me huh? "He smirked at saka ibinaba ang patalim na hawak niya sa sahig. Tiningnan ko ang kutsilyo nang gumawa ito ng ingay sa sahig. At sa segundong paglihis ng tingin ko sa kanya'y dun din siya kumilos at inambahan ako ng suntok.
Pero mabilis man siya ay mas mabilis ako. Agad kong naiwasan ang kamaong umamba sa akin. Napangisi ako sa kanya. I was about to kick his knees para mawalan siya ng balanse nang mailag niya ito mula sa pag-atake ko. A smirk was plastered on his face at saka niya inilahad ang palad niya.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang karayom sa palad niya. Agad kong tiningnan ang hawak ko at doon ko napag-alamang wala na sa akin ang karayom ko.
Napasinghap na lamang ako nang magawa niya namang makalapit sa likuran ko. Hinigit niya ang dalawang palapulsuhan ko and in an instant, nagawa niyang pigilan ang kamay ko. He locked both of my hands by his one hand, gripping on both of my wrists. Napaaray ako sa higpit ng hawak niya sa palapulsuhan ko. "Bitawan moko! "
Hindi niya ako pinansin at mas hinigpitan pa ang hawak sa dalawang palapulsuhan ko. I couldn't help it but curse. Damn! I didn't know he's this strong.
Napatigin ako sa kamay niya nang ipakita niya sa akin ang karayom na kanina'y kinuha niya sa akin. He used tricks!
"Do you even know how to use that? " Nasasaktan ay nagawa ko pang manghamon.
"Let's try? " he chuckled then lumipat ang kamay niya sa may batok ko. Nanlaki ang mata ko nang dumampi ang manipis na metal na iyon sa balat ko.
Damn!
"Stop devil! " Nagawa ko pang sabihin bago tumusok iyon sa isa sa mga ugat sa batok ko. I fall to his arms the second time. Nawalan ng lakas ang buong katawan ko. My eyelids fall shut before I could even utter a curse.
Damn, you devil!