Chereads / Stay or Die / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

Mortified by Memories

RUMARAGASA ang dugo sa buong katawan ko. Madilim. Nakaupo ako sa gilid habang yakap-yakap ang mga binti. Mula sa ulo, dumaloy ang dugo, kasing init ng pinakuluang tubig. Sumigaw ako hanggang sa matabunan na nito ang paningin ko.

"Jade... Jade, "

Dumilat ako nang marinig ko ang boses ng tunatawag sa akin at una kong nakita ang puting kisame. Nilingon ko ang taong nasa gilid ko. Kita ko ang mukha nitong punong-puno ng pag-aalala.

"Lemuel, " I uttered as tears started streaming down my cheeks. Agad ako nitong niyakap nang makita ang pag-iyak ko. Kumapit ako sa braso niya at hinayaan ang sariling humikbi. Sa lahat ng nangyari, mula sa reyalidad hanggang sa bangungot, isang yakap lang ang kailangan ko.

"Sshh, " he tried to shush me pero hindi ako tumigil sa pag-iyak. Instead, I draw him closer to me. I cried, not because I was afraid. But yes, I am fraid. Pero hindi dahil doon kaya umiiyak ako.

Ilang hikbi ang ginawa ko bago ko naikalma ang sarili ko. Ngayon, nakaupo nalang ako sa puting kama, hugging my knees. Sa gilid ko, si Lemuel, an arm wrap around me. Hinayaan ko siya. Tiningnan ko ang mga bendang nasa magkabilang braso ko. I know may benda rin ako sa binti pero hindi ko na iyon tinignan at hayaan ang puting kumot na itago iyon sa akin.

"So he's here, " pagsisimula nito. Tumango ako. I sniffed the urge to cry again. "Natatakot kaba?"

"No, " saad ko. "I'm not afraid of him. I knew him. He's a good boy. "

"That was back then Jade. Nagbago na siya. Look what he did to you. "

Umiling ako. Alam ni Lemuel ang nangyari sa akin noon. He knew what happened and he knew my sin seven years ago. Malabo man sa akin ang nangyari, naiwang klaro sa akin ang bahagi kung saan nagkasala ako.

"I'll be back. I promise, "

And I run away. I escaped on my own. And never went back.

"He's getting back on me, Lemuel. " sabi ko. "He's really mad. "

Tinapik niya ang likuran ko. "I won't let that happen. This, " sabi niya, tinutukoy siguro ang nangyari sa akin. "...wont happen again."

I could feel the sincerity of his voice pero hindi ko nalang yun pinansin. As much as I can, I wont let others be involved on my own fight. This is my fight. I'll fight alone. I'll suffer alone.

"Umuwi kana Lemuel, " sabi ko at saka tinulak ang kamay nitong nasa kabilang balikat ko. Kinuha niya naman agad iyon bago tumikhim at nagsorry.

Napangiti ako nang pasekreto.

"Dito lang ako." Sabi nito.

"Lemuel, " I called his name pero tumayo lang siya at di ako pinansin. He pave his way to the door.

"I'll buy foods. Dito ka muna. Ill call Jufiel to guard you here, " sabi nito at saka kinuha ang cellphone. He opened the door and left me.

Maya-maya lang rin ay bumukas ang pinto at gaya nga ng sabi ni Lemuel, dumating si Jufiel na hingal na hingal. Nanlalaki ang mata nito nang makita ang itsura ko. Ngayon pa siguro nito nalaman ang nangyari sa akin.

"Jade!" Iyak nito bago saka tumakbo papunta sa akin, iniwan ang pintong nakaawang. Pumulupot ang mga braso nito sa akin na siyang ikinagulat ko.

"Aray—!,"

"Mapapatay ako ng Mama mo pag nalaman niya to, " iyak nito. Agad kong tinulak siya palayo.

"Nag-aalala ka ba sakin o nag-aalala ka sa sarili mo?" Singhal ko rito.

"Syempre pareho!" Sabi nito. I rolled my eyes. Kahit kailan talaga.

Since bata pa kami, naging kuya ko na si Jufiel. No, scratch that. More of, naging nakakabata ko siyang kapatid. As much as I remember, ako ang nagiging mas ate sa kanya. He's a regular in the guidance office, much more than I am. Pasaway kasi ito lalo nat kaharap ang laptop nito. I remembered him crying in the guidance office because he was accused of hacking the CCTVs around the campus. It was not really accused kasi totoo. He played with the CCTVs para lang mapanood ang kabalastugang ginagawa ng mga mag-aaral sa mga sekretong lugar. He's a computer geek obsessed on watching malicious things. Hindi ko nga maatim na hawakan ang laptop nito when he tried to let me use it.

Another thing about Jufiel, my cousin, is close siya sa Mama ko. During mybtraining days with him, ipinabibilin ako kay mama kay Jufiel. That's why, whenever I got hurt, natatakot siya para sa sarili niya sa kung ano mang gawin ni Mama sa kanya. Just like noon na nagkasugat ako sa tuhod dahil sa nahulog sa bike. He got scolded by my mother. Simula noon, hindi na gaano sila nagkakausap. Jufiel promised me he wont let me get bruised. Natrauma dahil siguro kay Mama.

Habang kinukwento ko kay Jufiel ang nangyari, nahagip ng paningin ko ang isang anino mula sa nakaawang na pinto. Someone's outside.

Naramdaman naman ni Jufiel ang pagtigil ko at ang pagtingin ko sa pinto. From his sleeves, dinukot niya mula roon ang isang baril. He pointed it at the door, ready to shoot.

Ilang yabag ng mga paa ang narinig namin mula sa labas. Papalapit ito. Mga pamilyar na hakbang. Tunog ng sapatos na kilalang-kilala ko.

"Put down your gun Jufiel, " sabi ko.

"But—"

Hindi na niya naituloy ang pagpoprotesta niya nang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Manong, ang driver ko na nakabihis sa itim na uniform.

"Miss, " tawag nito bago tiningnan si Jufiel at ang hawak nitong baril.

Agad namang binaba ni Jufiel ang baril at saka napakamot sa batok. Lumapit si Manong sa akin at saka inabot ang isang supot.

"Mr. Cardama wants to give this to you, " pormal na sabi nito.

"Lemuel?" Naguguluhang tanong ko at saka tiningnan ang supot na abot-abot nito. Kinuha ko iyon at nakitang pagkain ang laman niyon. "Where is he? "Tanong ko.

"He said he has something to do. Babalik raw po agad siya Miss, " aniya.

"Ano kayang gagawin nun? " si Jufiel.

Ibinalik ko ang tingin sa pinto na ngayon ay nakasara na. I know, someone is out there earlier. Hindi si Manong iyon.

Someone...who's maybe wanting to see me.

Author's Note:

Fast update po tayo kasi malapit na ang pasukan.