Booby Trap
LAST PERIOD. Nasa loob ako ng classroom habang nakatingin sa harap. The seats beside me and at the back were empty. Maging ang ibang mga upuan ay bakante rin. Nakatingin lang ako sa harap. More specifically sa babaeng pinagkakaguluhan ng iilan.
"Did you cut your hair short? "
"Obviously, " sabi nito habang hinahawakan ang ngayo'y maikli nitong buhok.
"Wow. Kahit ano ata bagay sayo. "Komento ng isa naming kaklase.
"Thanks, " sabi nito bago nagtama ulit ang aming paningin.
Sahara's hair had been cut short. Kung bakit ito nagpaputol ng buhok ay wala na sa isip ko. I scanned her. Nakasuot siya ngayon ng jacket na kulay itim and that's very suspicious lalo na't mainit kanina pang umaga. Maybe, she's hiding something behind those sleeves.
Umiwas siya nang tingin matapos akong ikutan ng mata. For a brat like her, hindi ko maisip na siya ay inosente gaya ng sinabi ni Jufiel.
"She's innocent. Someone's maybe pointing dagger at her back, " sabi ni Jufiel nang matantiya namin ang lahat ng mga pangyayari kanina.
All the puzzles had been put back to their right places except for one thing. Who's behind her?
Tumunog ang bell, hudyat ng pagtatapos ng klase. I remained sitted habang ang ibay ay busy nang naghahanda para umalis. Still, my eyes are rooted to the girl not far away from me. Gaya ko ay nakaupo lang rin siya sa upuan nito, tahimik, nakatingin sa ibang direksyon.
Kita ko ang mga kaibigan nitong inaaya siyang umuwi pero iling lang ang binibigay nito sa kanila. Siguro alam nito ang pakay ko.
Naging mabilis ang oras. Ang classroom na maingay dahil sa mga estudyante ay naging disyerto sa katahimikan. Tanging ang mga paghinga namin ang maririnig. Naiwan kaming dalawa. Parehong nakaupo. Parehong handa sa mangyayari.
After minutes ay nangyari narin ang inaasahan ko.
Kumilos ako patayo nang kumilos na siya. And from us sitting silently on our chairs, ngayon ay nakatutok na sa isat isa ang mga baril na parehong nakakubli sa loob, siya ng jacket niya at ako ng blazer ko.
Isang ngisi ang pinakawalan niya bago kinasa ang baril nito. "Look at you Jade. Akala ko gecko ka lang talaga na hilig magbasa. Yun pala, ikaw si The First?"
Natigil ako. So she knew my identity? Hindi ko pinahalata sa kanya ang pag-urong ng dila ko. Whats the point of lying?
Humakbang siya palapit sakin. Tiningnan ko ang bawat hakbang niya. Isa... Dalawa...Sa ikatlong hakbang ay tumigil siya.
"How'd you get that spot? Binayaran mo? " tanong nito.
"Should I show you how?" Tanong ko.
One of her eyebrows flicker bago nangunot ang noo. Siguro hindi nito inaakala ang pagsagot ko. Ngumisi ako. Mukhang kailangan ko atang magpakilala.
"Show me, " siya, her tongue almost end up tying.
And with that as a signal, nagpakawala ako ng tatlong putok, all in which dumaan sa gilid niya, centimeters away from scraping her neck and head. Nakita ko ang paghawi ng maikli nitong buhok nang dumaan ang tatlong tantiyadong bala sa kanya.
Her expression freezes. Kita ko ang gulat sa nangyari. Pati ang kamay nitong nakahawak sa baril na nakatutok sa akin ay nanginig. Ang kanina'y nakangising mukha nito ay napalitan ng takot.
Ngumisi ako sa nakikita kong ekspresyon mula sa kanya bago kumawala sa bibig ko ang mga sagot sa tanong niya. "I am The First. That anonymous leader of The Listers. "
I saw her gulped, maybe her pride.
"Now, since I've answered all your questions about mh identity, it's your turn to answer mine. " ako habang nakatutok parin ang baril sa kanya.
"A-Ano namang tanong mo? " tanong nito, almost smirking at me. "Ah, alam ko na!"
My eyes squinted.
"About Havier right? Your bestfriend's brother? Yeah, ako ang gumawa non. " Walang pait nitong sabi.
Somehow, the words Jufiel told me became blurry.
"She loved him. She's innocent. "
Seeing how this girl talk about her boyfriend like this, hindi ko magawang maniwala roon. Is she really inlove?
"You're dating. Ba't ginawa mo yun?"
Kita ko ang takot sa mata nito nang banggitin ko ang relasyon nila.
"H-He's nothing."
"He loves you!" Sigaw ko na siyang nagpatigil sa kanya. Namuo ang butil ng luha sa gilid ng mata nito. And that somehow, confirms her feelings for him.
Mahal nga niya rin ito. Pero bakit? Why'd she do that to someone she loves?
"Before you pushed him off the stairs, Havier was beaten by his gangmates. At alam mo kung ano pakiusap niya habang binubugbog siya? "Tanong ko rito. A single tear fell from her left eye. Siguro, nahulaan nito ang ibig kong sabihin. "He asked to let him drive you home that time. Dahil hindi ka marunong umuwi ng wala ang sundo mo. That's why in the CCTV footages, pabalik-balik kanv naghintay sa may entrance sa first floor. And you received his message!"
Sunod-sunod na patak ng luha ang kumawala sa mga mata nito bago humikbi. Her hands shakens as she cries her heart out. Just seeing her reaction makes me think that maybe she's really a victim.
Maya-maya lang ay nakaupo na siya sa sahig habang patuloy na umiiyak. Walang salitang lumabas sa bibig niya. Umiyak lang siya. Her hands covering her face as she cries. Ang baril na kanina'y hawak niya ay nasa sahig.
Tiningnan ko siya. There's something behind those cries. Kung anuman iyon, gusto kong malaman iyon.
That unsolved mystery. That missing puzzle piece. It may lead me to that guy.
To that Red Apple.
That missing puzzle pieces may have a connection to him.
"Sahara, " tawag ko. Natigil siya sa pag-iyak, handang makinig sa itatanong ko. And there, I blurt out the question Im sure she has answers ready for.
"Who is he?"
Sahara's POV
BUMUKAS ang pinto. Pumasok ang dalawang pigura. Pagtingin ko ay nakita ko si Sir William at isang nakaunipormeng lalaking may sukbit-sukbit sa kabilang balikat ng bag ng laptop. Just by seeing his uniform, malalaman mo na taga-Higher Section ito kagaya ko.
I smirked at their reaction as they saw me, sitting on the floor, holding the gun na kagagamit ko lang kanina. Napangisi ako habang nakikita ang mukha nilang di maipinta dahil sa takot at pangamba.
Sinong hindi?
Jade's dark red blood is on the floor, their reflection visible on it.
Napangisi ako. That girl.
How pathetic.