Trapped by Own Sins
TUMAKBO ako papunta sa Theater Room. He's here. Pinihit ko pabukas ang pinto nang mahawakan ko na ang door knob. It swung open at sumalubong sa akin ang malaking kabuuan ng Campus Theater Room. Hindi lang dapat ito tinatawag na room. Malaki kasi ito. Ang mga kulay pulang upuan ay papababa. Kumbaga mula sa exit at entrance, may pababang hagdanan. Bawat baitang may nakahilerang mga upuan. Sa gitna nito ay ang daan. Nagmumukha itong isang sinehan. Sa pinakababa, sa pinakagitna, makikita ang platform o ang nagsisilbing stage. Nakapatay ang ilaw roon pero nakabukas naman ang ilang ilaw sa mga bahagi kung saan ang mga upuan. Bumaba ako habang lumilinga-linga, naghahanap ng isang pamilyar na pigura. Ilang hakbang pababa ay napahinto ako nang makarinig ako ng isang boses.
Boses na pinagingilabutan ako.
"Miss me?"
Natigil ang paa ko sa ikaanim na baitang pababa. Lumingon ako sa taas kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nagmumula ito sa speaker. Agad rin namang nailihis ko ang atensyon ko roon nang marinig ko ang pagkalikot sa pinto. Nanlaki ang mata ko at saka dali-daling lumingon sa may pintuan, kung saan ako kanina pumasok. Doon, nakita ko ang anino ng mga paa mula sa awang sa ibaba ng pinto. Someone is outside! Someone's locking me in!
Tumakbo ako papunta sa pinto, pinihit ang door knob. Nabalot ako ng kaba nang mapagtantong lock ito.
Damn!
Dalawang exit ang Theater Room. Sa kanang bahagi at sa kaliwa. Sa kaliwa, siguro naman bukas iyon. Tumakbo ako papunta sa kaliwang bahagi ng theater room. Sa pagtakbo kong iyon, narinig ko na naman ang boses na hindi kay Lemuel, o ng kahit na kaninong taong kilala ko.
"Bakit ka tumatakbo?"
Hindi ko pinansin ang boses at saka pinagpatuloy lang ang pagtakbo. Nang makaharap ko na ang pinto at agad kong hinawakan ang door knob pero damn, lock rin ito!
"Opps, sarado, " sabi ng nakakaasar na boses.
Hindi ko na napigilan ang inis at saka hinarap ang walang katao-taong theater room. "Sino ka?!" Sigaw ko. "Magpakita ka sakin!"
Kung prank ito ng mga may galit sa akin, pwes lagot sila pag nakilala ko kung sino-sino sila. Pero mukhang hindi lang ito kung sinu-sino lang.
Hindi lang siya kung sino lang. This one's different.
"I've introduced myself to you already, "sabi ng boses na maihahalintulad sa boses ng isang clown. Madaldal. Mapagbiro. Nakakaasar. "In the locker, remember? I've put my picture in there. "
The locker! Nanlaki ang mata ko nang maalala ko ang nangyari kanina.
The picture. The girl. How could I be so dumb to even not notice it? Just by seeing how the girl acted and mistaking Lemuel's name, dapat alam ko nang nagsisinungaling siya.
The picture. So he's really here right now.
"I guess, you remembered now. Look at your face, so...delicious! Haha!"
Delicious. A criminal.
"Red Apple, " mahinang sabi ko.
Tumawa ito bago nagsalita ulit. "Glad yoy remembered! How was your... life? After that accident? "
"Tumigil ka!" Sigaw ko.
"Was it fun? Hindi ka ba nakokonsensiya?"
"Why would I?! Wala akong ginawang mali!" Sigaw ko.
"Wala? Let me give you a replay. " sabi nito at kasunod niyon ay ang pagpatay ng lahat ng ilaw.
Nabato ako sa kinatatayuan ko. No. Stop this.
"Remember that dark...room?"
That room. The dark room I've been locked up for days. Madilim. Nakakagutom.
"A red apple saved you. I saved you."
Ive eaten an apple. And I survived.
"But you left me."
Left. Yes, I left...someone.
Nanlaki ang mata ko nang maalala ko ang gabing iyon. I scanned the room pero wala akong makitang ni isang ilaw na nakabukas. Madilim. Sobrang dilim. At pamilyar sa akin ang dilim na iyon. Nanlalamig man ang pawis ay nanatili akong nakatayo sa paanan ko. Nabato ako. Hindi ko maikilos ang paa ko. Somehow, gusto ko ng tumakbo palayo.
"I-Ikaw ba yun?" I asked, almost a whisper. "Yung batang yon?"
"Bingo!" Saad nito. "Now, youve remembered. Gusto mo maramdaman ulit yun? Yung bawat..."
"Ah!" Napadaing ako nang isang matalim na bagay ang sumugat sa braso ko. Naatras ko ang isang paa ko para maibalanse ang katawan ko at hindi matumba. Pero isa na namang patalim ang sumugat sa kabilang braso ko.
"...sakit? " rinig ko pang sabi nito.
Napadaing ako sa sakit. Nakahawak ako sa kanang braso ko, tinatakpan ang sugat ko roon. Pero hindi sapat iyon para tumigil sa pag-agos ang dugo. Pati sa kabilang braso ko ay hinayaan ko na lamang dumugo. Masakit. Pero wala akong nagawa.
Bat di ka lumalaban?! I heard my other self telling me. Pero, bakit ba ako lalaban?
"I thought youre tough. Nauna ka pa sa hierarchy pero parang sisiw ka lang pala, "
Hierarchy. He knows a lot. He knows a lot about me.
"Ahh!" Isang sigaw at impit na naman ang napakawalan ko nang maramdaman ang matulis na bagay na sumugat sa binti ko. Napahawak ako sa gilid ng upuan. Hindi ako matutumba. Ramdam ko ang mainit na likidong rumaragasa papunta sa paa ko. Masakit. Pero kinaya ko paring tumayo habang kapit kapit sa upuan.
"Dont tell me, mamatay ka na agad ngayon?" Tanong nito.
I successfully showed off a smirk despite all the pain. Nagawa kong ngumisi nang mapang-asar kahit na gusto ko nalang ay tumumba at hayaang saluhin ng malamig na sahig.
Blood dripping everywhere out my body, nagsalita ako. "H-Ha! I-I have more lives than a cat. Y-You should know that s-since you've r-researched a lot a-about m-me ahh, "
Napapikit ako sa sakit. Agad din naman iyong nasundan nang isa ko na namanv sigaw nang maramdaman ang panibagong sugat sa kaliwa ko na namang binti.
"Ahh, " Ive cried.
"Still that tough kahit na mamatay na, " mapang-asar na sabi nito. "But dont worry, hindi ka ngayon mamatay. Wait for your prince charming for now."
Umilaw ang buong Theater Room pagkatapos ng huli nitong sinabi.
My visions blurry at the sight of the blood everywhere, around me. Gaya ng kanina, walang bakas ng tao sa paligid. Wala na rin yung boses mula sa speakers. Ako nalang, duguan, nawawalan na ng malay.
I wont die tonight. I know, he wont let me die nang ganito lang. Ive sensed how angry he is sa likod ng bawat tawa at biro nito. Ive sensed how he despised me a lot. After all, years had passed, lumaki na siguro ang galit nito sa akin.
That night, I've sinned a lot. And he's here to kill me and bury me with it.
Habol ang hininga, unti-unting tumitiklop ang binti ko. No, dont fall. Im still waiting...for that man.
"Jade!"
Here he goes.
My prince charming, he says.