New Lister
INGAY ANG NARINIG ko paghalik ng sapatos ko sa tiled floor ng main building. Iginawi ko ang paningin ko sa mga estudyanteng suot ang unipormeng pareho sa suot ko. Nilandas ko ang kabuuan ng first floor at nakuha ang atensyon ko ng mga estudyanteng nagkukumpulan sa may bulletin board. My brows moved. Sa mga estudyanteng naroon nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na postura. Itim ang mahabang buhok, matangkad at payat ang nakatlikod na babaeng nasa likuran at nakatingin sa bulletin board kasama ang iba. Ilang segundo ay nagpalinga-linga ito tila ba may hinahanap. Hindi nagtagal ay napatingin ito sa akin nang ilihis ang paningin sa bulletin board at iginala ang tingin sa likod. Sumilay sa mukha nito ang isang ngiti nang makita ako at saka humarap sa direksyon ko.
"Jade! " aniya at tinahak ang distansiya sa pagitan namin.
Ancheska Dela Torre. Isa sa mga kinikilala kong kaibigan sa Campus Luis.
"Anong meron? " tanong ko pagkalapit nito sa akin. Hindi na ako nagulat nang akbayan ako nito.
May pagkatomboy kung kumilos si Cheska pero maraming lalaki ang nagkakandarapa sa kanya. She's well known for being a beauty kahit ganito ang kilos niya. Boys find her unique dahil sa kaangasan nito. But she's not just the boyish girl they know, para sakin babae parin ito. She actually has a soft heart.
"May bago na namang nakapasok sa Hierarchy, " bungad niya sa akin. My brows moved at what I heard. Agad akong umalis sa pagkakaakbay nito sa akin. New lister?
"Naunahan ba si Jufiel? "
She shakes her head. "Imposible na atang mapalitan ang limang iyon especially the anonymous The First. "
Napailing ako sa kaloob-looban. The First as anonymous. I rolled my eyes at the thought.
"Sino kaya siya ano? Siguro lalaki siya. Desiree is the only girl on the Hierarcht and I bet may iba pang babaeng mas maangas sa kanya." Si Cheska.
Hindi ako maangas. If only I could tell her that I topped that Hierarchy, that I am that anonymous one she called I really will. But I couldn't. Kahit na pinagkakatiwalaan ko siya hindi ko pwedeng sabihin sa kanya iyon.
Tiningnan ko siya. Ngumiti naman sya sakin nang mapatingin ako sa kanya. "Tara na nga, " aniya at hinigit ako palakad, looping her slender arm around mine.
We used the stairs to get to our floor. Alam niya ang takot ko sa enclosed spaces ng elevators kaya sa tuwing kasama niya ako, sa hagdan kami dumadaan kahit na labag ito sa kalooban niya. Stairs had been her worst enemy since then. Masakit raw kasi ito sa paa.
We arrived at our floor and was welcomed by the loud noises, more than the noise that students below the other floors could make.
Lower Section area. Kung saan lahat ng taga Lower Section students nagkaklase. Lower Section is composed of sections from F to Z. Yung sections from A to E ay tinatawag na Higher Section. At ito ang section na kinaiinggitan at ikinagagalit ng lahat ng nasa lower sections. Well, hindi naman lahat ng estudyante. Only those who finds the sectioning a bit unfair.
Dumaan kami sa masikip na daanan. Masikip dala ng mga estudyanteng mas piniling magtambay sa labas gaya ng mga lalaki. Napasulyap pa ang iba nang makita kami. Kitang-kita kasi ang kaibahan namin dahil sa kulay ng unipormeng suot namin. Unlike our royal blue themed uniforms, students from lower section wear pale blue. The same design. Yung kulay lang ang magkaiba. But others really find our clothing annoying.
Hindi namin pinansin ang kakaibang tingin na pinupukol nila sa amin. For somene like me, nasanay na ako roon. Parati kasi akong dumadaan sa area nila dahil sa hagdanan ako dumadaan. If we take the elevator, pwede na kaming lumiko to our Section Area. Unlike kung sa hagdaanan, babagtasin pa namin ang ilang mga classrooms bago makapunta sa amin.
Hinigit ko si Cheska palapit sa akin nang mahagip ng paningin ko ang isang bagay. Everyone knows some Special Section students use the stairs lalo na ako. With that, gumagawa ang iba ng iba't ibang pwedeng maging dahilan ng pagkapahiya namin. Like stupid idiotic pranks.
Gumalaw ang paningin ko to find the culprit. Pagkadaan namin sa isa sa mga classrooms, I shot a glaring glance on the students hiding inside holding a rope na kasali sa prank nila. They were shock nang mahuli ko sila at napaatras kaya nabitawan nila ang tali. Sumunod niyon ang pagbuhos ng puting pintura sa gitna ng hallway.
"Oh god, Jade. That almost got us!" Gulat na sabi ni Cheska nang makita ang pintura sa sahig. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad.
"The same guys who we used to see inside the Guidance Office," ako.
"Sila parin yun? Kailan ba sila magbabago?" Naiinis na sabi nito habang nilingon yung classroom na nadaanan namin.
Napailing ako.
We made our way inside the classroom. Class 12-A. Kung maingay sa lower sections, ganun naman katahimik sa classrooms ng higher section. Behind the reeking silence inside the room ay ang mga mapanghusga at malulupit na mga tingin.
"Bakit ba ganun ang mga lower sections sa atin?" Tanong ni Cheska pagkapasok namin sa loob. Dumaan ako sa ilang mga desk ng mga kaklase ko bago makapunta sa desk ko. I situated myself before answering her. Pero bago ko pa masagot ito, nagsalita na ang isa sa mga di ko inaasahang sasali sa pag-uusap.
One of the tough-tongues.
"Because they pity themselves too much from us Higher Sections," ani ni Sahara Leonar, isa sa mga kaklase kong matalas ang dila.
Hindi ko siya pinansin nang lumapit ito sa amin. Nakaupo na si Cheska sa katabing desk. Pareho naming hindi pinansin ang isa. I get the book out of my bag at saka binuklat iyon, not initiating longer conversation with the guest.
Pero mukhang wala talaga siyang magawa sa buhay niya.
"Oh my god, Jade. Book again? " natatawa at hindi makapaniwalang sabi nito nang makita ang librong binubuklat ko. Hindi ko siya pinansin pero ayaw talaga matikom ng bibig nito. If only she could stitch this brat's lip infront of everyone , siguro ay ginawa ko na. "Why are you reading books again? Diba noong isang araw ka lang nagbasa? Why are you always reading those nonsensical books? Dapat mas magsikap ka para masali sa Hierarchy. Diba iyon naman dapat na ginagawa ng Higher Sections? "
Napatingin ang iba sa direksyon ko nang marinig ang sinabi ni Sahara. I feel like being surrounded by daggers ready to cut through me.
"I dont wanna be on that list," sabi ko nalang.
"You're such a book gecko Jade." Sabi nito na ikinatawa ng iilan.
I flipped a page. "Instead of wasting your time annoying me which is not working at all, why dont you just mind your own business?" I said before looking up to her. Nakita kong nagtaas-baba ang kilay nito siguro dahil sa narinig mula sa akin.
"Oo nga naman. Kahit naman kasi magtraining ka kasama namin, hindi ka masasali sa Hierarchy dahil lampa kang gecko ka."
"For three years youre all working hard to be on that list. Hanggang ngayon wala paring nangyayari. It will be absolutely pathetic na gawin ulit sa last year natin." Sabi ko.
I heard gasps from each corner followed by indistinct chatterring. Napasinghap siya.
"Ano?" Bumangis ang tingin nito sa akin. "Kahit pa magtraining ka ng isang buong taon, hindi ka rin naman masasali sa hierarchy!" Sigaw nito at isang kamao ang naglanding sa mesa ko.
Nagulat ang lahat pero hindi ako. I saw Cheska stand up from the corner of my eyes.
"Sahara!" Tawag niya pero hindi siya pinansin nito.
"I don't strive hard to be on that list. Same goes to you. Kahit na nagtraining ka na ng tatlong taon, hindi ka parin nailista roon. Sa ikaapat na taon pa kaya?" Tiim-bagang kong sabi. Ibinaba ko na ang tingin ko mula sa kanya.
May sasabihin pa sana ito nang isang malakas na pagbukas ng pinto ang narinig sa loob. Iniluwa noon ang professor namin sa umagang ito. Everyone stands up to greet him. Bumalik ang tingin ko sa babaeng nasa harap ko. She shots a glare at me bago kinuha ang kamao nito mula sa desk ko. With fiery eyes, she made her way back to her desk na nasa unahan.
Umayos ako ng upo at ganoon rin ang ginawa ng iilan. I glanced at her once at nakita ang tingin nito.
A revengeful look was directed to me. She's planning something. Maybe kidnapping me and torturing me. Or more than that. Whatever it is, walang takot na bumalot sa akin.
Not even a glint of fear.
"Ano bang problema ni Sahara? " ani ni Cheska habang kumukuha ng pagkain at inilalagay iyon sa tray niya. I did the same thing she did. Kumuha rin ako ng pagkain habang nakikinig sa kanya.
Nandito kami ngayon sa isa sa mga cafeteria ng Campus Luis. It's noon so we're taking our lunch break. "Why can't she just mind her own business? "
I shake my head at what she said. She continued mumbling things about what Sahara did earlier. Hanggang sa makahanap kami ng vacant table at makaupo ay ganun parin ang timpla niya. Still very annoyed.
"DISYERTO talaga siya. Kamukha niya yung king sa disyerto. Kamukha niya si Pharaoh! " sabi nito at nagpalitan kami ng tawa.
Cheska's been a very thoughtful and considerate friend. Hindi siya peke. Hindi siya nagmamagandang loob sa taong hindi niya gusto. I could still remember our first meeting. She's the one who tries to befriend me pagkakitang wala ako ni isang kaibigan sa classroom. She was a transferee back then. And seeing how heroic she is when she defended me against my classmates, masasabi kong she's the best friend I could have.
It's also the very reason I can't tell her everything. Especially, about me as the anonymous The First who topped the Campus Luis Hierarchy.
Isang ingay ang kumuha ng atensyon naming dalawa pati na ng ibang estudyanteng kumakain sa loob ng cafeteria. We both turned our gazes to the farthest table kung saan nagmula iyon and saw a group of guys consisting of seven. Dalawa sa mga lalaking iyon ang ngayon ay kumuha ng atensyon ng lahat. Yung iba naman umaawat. Based on their uniform, taga lower section sila. The other guy was leaning, almost lying on the table habang hawak-hawak ang pisngi. Natatabunan ng mahabang buhok ang mga mata nito. Yung isa namang lalaki ay nakatayo sa harap nito, hands fisting and the look on his face tells me na galit ito.
"He's that guy, " biglang sabi ni Cheska. I turned to her and saw her pointing to the table kung saan ko inilihis ang tingin ko. Sinundan ko kung saan siya nakaturo at bumalik ang tingin ko sa lalaking kanina'y nakatukod sa mesa. He's now standing, hands inside his pants pocket. He is slender and not that bulky unlike sa kaharap nito.
"What's with him? "Tanong ko, nakatingin parin sa lalaking tinuturo niya.
"He's the new lister. Yung sinabi ko sayong bagong lister sa Hierarchy kanina? Giovanne Aris."
My brows moved. A lister? From lower section?
"Siya nga iyon," sabi ni Cheska at saka nag snap ng daliri. "He's the famous lister ng Section S."
My brows moved again, unable to process the information. Section S?
"Are you sure?" Hindi makapaniwala kong tanong at tiningnan siya. Walang bahid na biro ang tingin na pinukol niya sa akin. Tumango siya at saka nagpatuloy sa pagkain.
"He's currently The Seventh. He's now ahead of Rustom Soliano of Section B. "
I blinked. Napatingin siya sa akin. Tumikhim ako at ibinalik ang tingin sa direksyon ng lalaking iyon. He's very slender and look like a nerdy chicken kung hindi nga lang sa maangas nitong buhok that covered a part of his eyes. I saw his mouth move from the great distant. Nakita kong nagalit ang kaharap nito. Hindi na ako nagulat ng dambahan siya ng pangalawang suntok nito. But just like what he did earlier, nanatiling walang ekspresyon ang mukha nito. He's not tough looking. He looks like a psycho.
"Oh god, they're here Jade! " I heard Cheska uttering before indistinct murmurs follow. Ibinalik ko ang tingin ko kay Cheska and saw her looking to another direction. Ngayon ay nakatingin na siya sa main entrance ng cafeteria kung saan pumasok ang mga di inaasahang bisita.
There, entering the men listed in the Hierarchy. The Second, The Third and The Fourth leads the march of the eight students who look like cavaliers ready for a fight. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanila. Some are murmuring curses while others couldn't dare utter a word, afraid they could pop their fantasy bubbles. Minsan lang kasi kung makita mo silang magkakasama.
Eight.
I should have been there. I thought habang nakatingin sa walong estudyante.
"God, ang gagwapo ng tatlo," Ancheska said, almost in a whisper.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at sinundan ng tingin ang walo. They marched towards the table kung saan nangyari ang kaguluhan kanina, kung saan naroon ang lalaking iyon.
"They're here for The Seventh," si Cheska.
Now that she mentions it, siguro nga nandito sila dahil sa lalaking iyon. "Looks like they'll be having a reunion." I uttered.
Kilala ang listers na hindi magkakasundo. The reason behind it is unknown to everyone except me. Magkakaaway sila because the listers are both from different gangs: Black Water Gang na pinamumunuan ng The Third na si Lowie Saavedra and Red Ash Gang na pinamumunuan naman ng The Second na si Lemuel Cardama, a childhood friend of mine.
Inilihis ko ang tingin ko sa iba at itinuon ang tingin sa pamilyar na tindig ng isa doon. I saw him as he scans the entire cafeteria. It takes less than a minute bago huminto sa paglakbay ang paningin nito. His eyes landed on my direction. Umiwas agad ako ng tingin at tinuloy ang pagkain.
"The Second is very good-looking, " I almost choke at what Cheska said. Napaubo ako. She pushed the glass of water across the table. Kinuha ko naman ito at ininom.
As I put the glass down, nagvibrate ang cellphone na nasa bulsa ko. I fished my phone out and read the message.
Lemuel: Let's talk. Same place and time.
Napailing ako at agad na dinelete ang message. Ibinalik ko ito sa bulsa ko.
"Sino yun? " Napatingin ako sa kanya.
"Wala. Si Manong lang. Late niya akong masusundo. " I lied. Tumango naman siya at ibinalik ulit ang tingin sa likuran ko.
I turned to the same direction again and saw them leaving with that new guy. They exited the cafeteria leaving awing faces.
Leaving me in awe.