Chereads / Stay or Die / Chapter 1 - Simula

Stay or Die

🇵🇭Yunamimi
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 64.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Simula

NAKATINGIN ako sa malayo. May isang anino. Hindi, dalawang anino ang nagsisitatakbuhan papasok sa main building. Kitang-kita ko sila habang palihim na kumikilos sa gusali kung nasaan ako. Like skilled cats, they sneak inside the campus nang walang kahirap-hirap.

Pero sa kabila ng mga nakikita ko, hindi ako nakaramdam maski takot at pangamba. Hindi ko pinansin iyon.

Nasa rooftop ako at nakadungaw sa baba kung saan tanaw na tanaw ko ang buong campus. For a five storey building, hindi siya ganoon kataas para hindi mo makita ang mga nangyayari sa baba. Though, iba't ibang kaganapan ang nangyayari sa loob, wala akong pakialam doon.

To ignore things was my principle.

Pag hindi ako pinakailaman, hindi rin ako nangingialam. I live to ignore. And I live because I ignore. Hindi katulad ng iba na kuryuso lang ang dala kaya agad nalalagutan ng hininga.

I stepped down from the rooftop. Nakarinig ako ng ilang pagtakbo pagkababa ko ng hagdanan. Marami sila ngayong gabi base sa mga naririnig kong yabag ng mga paa at sa mga aninong nagsisitakbuhan. I don't know what they're up to right now pero alam kong isang killing spree na naman ang mangyayari. At alam kong ang lahat ng mamamatay ngayong gabi ay lahat ng nangingialam.

Nadaanan ko ang isang lalaking nagtatago sa gilid ng pasilyong ngayo'y tinatahak ko. Nakamask siyang itim. Ganun din ang kulay ng suot nito kaya mahirap siyang makita sa dilim. Pero hindi ng mga mata ko. For a skilled eyes like mine, ni hibla ng buhok ay makikita ko sa madilim. Walang nakakatakas sa tingin ko. And ofcourse, pagmamalabis lang iyon. Heh.

I averted my eyes to the corridors. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, nilalagpasan ang tahimik at madidilim na classroom.

Isang mabilis na hakbang ang narinig kong papalapit sa direksyon na tinatahak ko at doon ko nakita ang isang lalaking nakapula na may dala-dalang baril. Tiningnan ko sa gilid ng aking mata ang kanina'y nagtatagong lalaki at nakita ko kung paano siya nangamba nang marinig ang hakbang ng papalapit na kalaban. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad sa gitna nila.

Hindi na ako nagulat nang sunod-sunod na putok ang nangyari sa harap ko mula sa dalawang lalaking iyon. Natumba at duguang nakahandusay ang nakapulang lalaki kanina. Nakita ko kung paano ekspertong bumaril ang lalaking nakaitim habang nasa gitna ako at nakaharang. I saw his desperation to kill the target without scraping my skin with the bullet he used.

Napangiti ako.

They know my rule. Both the two gangs knew my one and only rule.

Hindi ako prinsesa, o may-ari ng Campus Luis. They don't bow to me nor give outmost respect and honor. I am a typical one who spends most of her time reading books. Sa ibang estudyante, yan ang tingin sa akin. Pero sa kanila, hindi.

It's all about ranks. Highest and powerful. Most skilled and intelligent. I was on top before their leaders. A geek like me topped that special ranking. Kaya lahat ng taong alam ang ranggo ko, pumapasailalim ko.

Lumiko ako at nakita ang main exit ng building kung saan nakapark ang van na sumusundo sa akin gabi-gabi. Isang nakaputing lalaki ang lumabas roon para pagbuksan ako ng pinto.

"Miss," pormal na bati nito.

Huminto ako sa harap ng van na nakakunot ang noo. Hindi parin ako nasanay sa tawag nito sa akin kahit na magtatatlong taon na itong driver ko. Masyadong pormal at ayoko non. Pero wala rin naman akong magagawa. Hindi ko naman kasi sila kaklase para hayaang tawagin ako sa pangalan ko. Natuon ang tingin ko sa kamay nitong nakahawak sa pinto ng van.

"I will say it again. Wag ka ng bababa para pagbuksan ako ng pinto. Pag ginawa mo ulit to, papalitan kita." sabi kong mahina.

"Sorry Miss," sabi nito at agad na naglakad papasok sa may driver's seat at iniwang nakabukas ang pinto.

Umupo ako sa loob at ako na mismo ang nagsara ng pinto ng van. Nakita kong sumulyap siya sa akin mula sa rearview mirror. Tiningnan niya ako kung maayos na ba ang upo ko at nakaseatbelt na ba ako.

Agad din naman itong nag-iwas ng tingin nang tumikhim ako, senyales na gusto ko ng umalis. Alam nila na hindi ako nagseseatbelt dahil may phobia ako sa masikip. Kaya hindi ako nag-eelevator papuntang fourth floor kung saan ang room ko at tinatahak ang hagdanan. Hindi rin ako sumasakay sa sasakyan ng hindi bukas ang bintana sa gilid ko.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Nanghahalik ang malamig na hangin sa pisngi ko. Hindi ito ganoon kalakas, marahan lang ito at banayad.

Campus Luis Academya. Tatlong malalaki at konektadong building mayroon ito: ang main building, ang west wing at saka ang east wing. Nakapalibot ang tatlong building na ito sa buong campus. They towered even the tallest trees that exist inside the academy. Sa gitna nito makikita ang iba't ibang pasilidad ng eskwelahan gaya ng soccer field, volleyball and basketball court, pati ng tatlong magkakasunod na cafeteria, food stalls, school supplies store at iba. Sa gilid nito at ang mahabang pathway na kung saan kami dumadaan. The academy was fenced with golden intricate steels, matataas ang mga ito. Pero kahit pa ganoon kataas ang mga ito, hindi nito mapipigilan ang mga estudyante na gabi-gabi kung pumupuslit sa loob ng akademya.

Nakatingin lang ako sa labas, sa east building na hindi ko alam kailan matapos-tapos sa sobrang haba nito. Kulay aquamarine ang building sa east, kulay asul naman sa west buildng habang kulay berde ang sa main building. Kung ano man ang ibig sabihin ng pagkakaiba ng mga kulay nito, hindi ko na alam.

"Kamusta po ang pasok ngayon Miss?"

Nilingon ko siya bago sumagot. "Okay lang."

Sumilay ang ngiti sa mukha nito. "Mabuti naman po."

Tumango ako. Nakikipag-usap ako sa iba, hindi ako nagagalit doon. Sumasagot ako sa mga tanong, pero lahat ng iyon may limitasyon. Pag natanong mo ang isang tanong na hindi pwede, dagdag na ang pangalan mo sa utak ko.

Huminto bigla ang sasakyan nang makarinig kami ng isang putok. Napatingin ako kay Manong at kita ko parin ang takot nito kahit na mahigit tatlong taon na niyang nasasaksihan ang kakaibang nangyayari rito sa campus tuwing gabi. With me, he saw the killings, the guns and knives that cut student's life. Alam kong gusto niyang sabihin saking lumipat na ng eskwelahan, pero hindi niya yun ginawa. Because he knows how dangerous I am than all that happens inside Campus Luis.

"May nagbabarilan po sa harap Miss." aniya habang kapit-kapit sa manibela.

"Magpatuloy ka lang." sabi ko nang hindi tumitingin sa mga taong tinutukoy niyang nagbabarilan. Buong atensyon ko ay nabaling sa building.

"Pero Miss—"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang isang putok ng baril ang umalingawngaw sa malapit. Dumaan ang bala galing sa nakabukas kong bintana, papasok sa loob ng sasakyan at nabasag ang kabilang bintana.

"Miss!" napahiyaw si Manong sa nangyari at nilingon ako.

Unti-unting kumunot ang noo ko nang makita ang basag na bintana. Napatingin ako sa tuhod ko. Dahil sa nakapalda lang ako, nadaplisan ng bubog ang balat ko roon.

"Nagkasugat ka Miss!" sigaw niya nang makita ang daplis na iyon.

Hinawakan ko ang handle ng pinto at binuksan ito. Inilapag ko ang librong hawak ko sa kabilang upuan at bumaba mula sa sasakyan. Narinig kong tinawag ako ng driver pero hindi ako lumingon. Someone just broke my damn rule at hindi ko iyon palalampasin.

Nagpatuloy ako papasok sa east building kung saan nanggaling iyon at nakita ko mula roon ang isang lalaking nakaitim. Kita ko ang maliit na peklat sa may pisngi nito dala narin ng liwanag mula sa buwan.

Nabato ito sa kinatatayuan nang makita akong papalapit. Tahimik akong humakbang papunta sa kanya. Walang bahid ng pagmamadali, ni ingay ng sapatos sa muwebles ay hindi maririnig. Kalmado at tantiyado ang bawat kilos. Tatakbo pa sana ito pero hindi na niya ito nagawa nang gumawi ang palad ko sa loob ng blazer ko. Mula doon, eksperto kong kinuha ang isang manipis na bagay na mahahalintulad sa isang maliit na karayom. Agad na pumunta ang kamay ko sa may batok niya at ipinosisyon ito. Sa ginawa kong iyon napapikit siya.

"Who is it?"

Itinutok ko ang karayom sa may tenga niya. Just a poke of the nerve at the back of his ear will kill him. Alam niya iyon. Kaya hindi na siya nag-atubili at sinagot ang una kong tanong. I know he's just a witness. But if he lies, I'll kill him too.

"Si H-Havier po."

"Ng Black Water Gang?" tanong ko.

"H-Hindi po."

Mas kumunot ang noo ko. "So its from his gang?" mariin kong sabi, tinutukoy ang kabilang gang.

"Hindi rin po." aniya. Natigilan ako. "Bagong gang po."

"Bago? What do you mean?"

Bago pa ito makasagot, isang putok ang narinig ko. Nanlaki ang mata ko nang iikot ako ng lalaking iyon. Sa pag-ikot na iyon, nakita ko sa likod niya ang balang papalapit. Hindi na ako nagulat nang bumagsak ang katawan nito sa sahig. Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang pagbaril at nakita ko roon ang lalaking tumatakbo palayo.

"Miss, umuwi na tayo." napalingon ako kay Manong at nakita ang takot sa mga mata nito.

"No. Manong, bumalik ka sa sasakyan." I ordered before running after that man. Tumakbo ako kung saan nakita kong dumaan ang lalaking namaril. He killed my witness. Now, Ill kill him for sure.

Lumiko ako at napaamba nang isang putok ang pinakawalan nito sa akin bago nagpatuloy ulit sa pagtakbo. The heck. Napakamangmang niyang bumaril. Isip-isip ko habang nakatingin sa mga balang nasa sahig. Tumakbo ulit ako para habulin siya.

Nakakita ako ng iilang anino mula sa field. Pero hindi ko ito pinagtuonan ng pansin. Lumiko muli ang lalaking iyon kaya napaliko rin ako. Pinosisyon ko ang karayom gamit ng daliri ko. Pagliko ko ay saka rin ang pagbato ko sa nakatayong lalaki. He'll use the same tactic earlier kaya inunahan ko na siya.

And it succesfully hit his neck. Napatingin ako sa kanya habang unti-unti itong bumagsak sa sahig na gumawa ng isang malakas na ingay.

Kunot noong pinuntahan ko ang lalaking kanina'y buong tapang na pinutukan ako ng baril. Tiningnan ko ang suot nitong itim na pantalon at tshirt. Natigil ako sa itim na markang nasa likod ng tenga nito. I stoop down to see it clearly.

He's right. This is not from Black Water and Red Ash gang. This one's new. Naningkit ang mata ko when I saw someone pass the corridor where I am in.

Who's that?

Tumayo ako at agad na tumakbo sa parteng iyon. Another gang. Who's gang was it? The fourth's? No. He is not someone who would build one. Then kanino?

Nagvibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng palda ko. Someone's calling. I pressed the button on the wireless headset na nakapasak sa kanang tenga ko para masagot ang tawag na iyon.

A ragged breath was heard before being followed by a familiar voice. "Nasa campus ka Jade?!"

"Yes, I am." sabi ko as I continued following the silhouette. He is skilled. Base on how careful he steps his way, walang ingay mula sa sapatos nito. For a manly silhouette, he walks like a feather.

"There's another gang—" I cut him off.

"I know." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya.

Pumasok ang lalaking iyon sa loob ng isang pinto. Napahinto ako habang tinatanaw ang nakaawang na pinto. Mula roon lumalabas sa nakaawang na pinto ang ilaw na nanggaling sa loob.

"You should get out of the campus now Jade. They dont follow your rule!" hysterical na sabi niya sa linya.

Napataas ako ng kilay habang nagsimulang humakbang papalapit sa pinto. "I can see that Jufiel." sabi ko. "I want to know who leads the gang I'll kill."

"Jade, itigil mo yang gagawin mo. You dont know what he's like. Their leader is differen—" Napangisi ako. Different.

"I like killing that kind of species Juf," Sabi ko.

Nang makaharap na ako ng pinto, maingat akong kumuha ng maliit na patalim sa loob ng blazer ko.

"Haizel! Stop what youre doing! " Hindi ko siya pinansin.

I was desperate and thirsty to know the identity of the leader. Yung lalaking sinundan ko kanina. I know its him. Batid ko iyon sa kilos at porma nito.

Hinawakan ko ang pinto.

"It's the First Jade!"

Natigil ako. The first? Bago pa promoseso ang sinabi ng nasa kabilang linya, kumilos na agad ang kamay ko paamba sa taong hindi ko inaasahang biglang bubukas ng pinto, handang-handa nang tusukin ito. Pero nang magtama ang mga mata namin, natigil ang kamay ko sa ere.

Nanlaki ang mata ko nang matitigan ko ang pamilyar na abong mga mata ng taong iyon. Lines formed on his forehead. Surprise is evident on his face lalo na ng makita ang hawak-hawak ko.

He immediately captured my wrist while I hold on to his collar. Hinigit ko siya palapit at matagumpay kong ipagtama ulit ang mga paningin namin. I could see his brows meeting.

Nangunot lalo ang noo ko.

"You're now The Second Jade. Kaya umalis kana dya—"

"Giovanne Aris," madiin kong sabi.

"Haizel," aniya sa mahinang boses.

How can he be The First?