Chapter 9 - Argument

NAGISING si Serene sa mahimbing niyang tulog nang makarinig ng sunod sunod na pagkatok. Hindi niya namalayan ay nakatulog na pala siya kakaisip sa yaman ng pamilyang magiging asawa ng kakambal niya. Paano naman kaya ang lalaki? Serene couldn't help herself but to put a face in her sister's faceless fiance. She is really really looking forward into meeting him. She just hopes he have the balls to show himself at her because if not, she herself will going to break it into pieces.

Pinunasan ni Serene ang kanyang mukha para kahit man lang paano ay mawala ang antok na nararamdaman niya. Binuksan niya ang pintuan at doon bumungad sa kanya ang nakaambang kamay nang muli nanaman sanang kakatok na si Butler Garreth.

"Good evening Mistress Serena, your dinner is ready." nakayukod nitong sabi.

"Thank you Butler Garreth. I'll be down there in five minutes."

"Yes Mistress."

Matapos niyang isara ang pintuan ay nagpalit na siya ng damit na nakaempaki sa loob ng kanyang maleta. Hindi niya pa pala iyon naayos. Mamaya na lang siguro kapag katapos niyang kumain. Nang tingnan ni Serene ang orasan na nakasabit sa itaas ng dingding ay pasado alas-siyete na nang gabi. Madilim na rin ang langit ng tingnan niya sa nakabukas pa'ring pintuan ng balakonahe niya. Nang makitang ayos na ang sarili ay agad siyang bumaba para hindi na pagantayin ang mga tao. May kasabay kaya siya? Sa kanilang palasyo kasi ay bawal sumabay ang mga katulad niya sa mga kasambahay, subalit dahil lagi siyang pinagagalitan ay madalas siyang hindi sumabay sa mga magulang niya kumain. Kakain lamang siya kapag tapos na ang mga ito at kapag kakain na rin ang mga kasambahay. Para kasi kay Serene ay mas masayang kumain kasabay ang mga ito. Bukod sa hindi niya kailangan ng manners ay madalas din ang mga itong magkuwento ng kung ano anong sadyang nakakalaiw. Kaya naman napupuno ng tawanan ang mesa imbes na tahimik lang na kainan.

Pagkabukas niya nang pintuan ay naroon pa din si Butler Garreth, nagaantay sa kanya. Nagulat si Serene dahil akala niya ay kanina pa ito umalis. "Nandiyan kapa?" hindi niya maiwasang tanong.

Nagbigay muna ito nang galang bago sumagot sa kanya." Hindi niyo pa ho kasi alam Mistress Serena ang pasikot sikot dito sa Mansion kaya naman ay hinintay ko kayong matapos."

Napangiti si Serena sa sinabi nito."Salamat ho Butler Garreth." ngumiti rin pabalik sa kanya ang matanda." Garreth na lang ho Mistress."

Napaisip si Serena sa sinabi nito. "Sabagay, mahaba nga naman kung Butler Garreth pero — tatawagin lang kitang Garreth kung, tatawagin mo lang din akong Serena. "

Alanganing napatingin sa kanya ang matanda. Alam ni Serene na tatanggi ito kaya naman bago pa ito makapagsalita ay inunahan niya na."Tatawagin niyo lang naman ho kasi akong ganoon kung walang tao, nang sa gayon ay walang makarinig na iba. At isa pa, mahaba din masyado ang pangalang Mistress Serena. Kung ako ang magsaaabi niyon ay tatamarin din ako kaya pumayag na ho kayo. Para naman iyon sa ikabubuti nating dalawa." katwiran niya sa matanda na siyang nagpataas naman ng isang kilay nito.

Butler Garreth looked at her amusedly." Paano niyo naman ho iyan nasabi Mistress Serena?" tumaas nang kaonti ang labi ni Serene. Mukhang gumagaan na ang loob sa kanya ng matanda. Nagagawa na kasi nitong sumakay sa mga sinasabi niya.

"Syempre, para hindi na kayo mahirapan sa pagbanggit nang pangalan ko. Kasi naman ho, ako ang nahihirapan sa inyo eh. Kaya naman pagbigyan niyo na ako."

Mahinang tumawa ang matanda na siyang nagbigay ng ngiti sa bibig niya."Kung iyan ang gusto mo Serena."

Lalong lumapad ang pagkakangiti niya sa sinabi nito. Ni hindi nila napansing dalawa na nakarating na pala sila sa dining area nang bahay at hindi man lang alam ni Serene kung papaano.

"Nasaan na ho ba siya? Kanina ko pa hinihintay ang walang hiyang taong yun, ang tagal namang magpakita. Paimportante nakaka —amp! Kung hindi lang talaga masarap ang luto niyo aling Martha iiwan ko itong mga pagkain dito at kakaladkarin ko iyong hayop na taong yun."

Natigil si Serene at Butler Garreth sa paglalakad dahil sa eksenang bumungad sa kanila. Nawala ang ngiti sa labi ni Serene nang prumoseso sa utak niya ang lahat ng sinabi ng lalaking abalang kumakain sa lamesa. Tumigas ang mukha niya at unti unting tumaas ang isang kilay niya habang isa isang inalala ang lahat ng mga nakakabastos na salitang sinabi nito.

Walang hiya?

Paimportante?

Hayop?

Aba't ang lakas ng apog ng bwesit na hinayupak na lalaking ito na sabihin ang lahat ng iyon sa kanya ah?! Sino ba ito sa inaakala niya para sabihan siya nang ganon? Kung umasta nga ito sa harapan ng pagkain ay akala mo patay gutom na hindi pinakain! Walang hiya? Sarili ba nito ang tinutukoy niya? Kung gumalaw ito ay parang hindi mayaman at master ng isang mansiyong tirahan! Ginawa pa siyang paimportante samantalang ito nga mismo ang hindi manlang sumipot sa dinner meeting nila nung isang gabi at ni hindi man lang siya sinalubong sa pagdating niya sa pamamahay nito! At ano raw? Hayop? Tinawag siya nitong hayop? Walang tao ang nakakalayo sa kanya ng buhay matapos siyang pagsabihan ng kung ano ano lalo pa't estranghero ito.

Ito ba? Itong mukhang unggoy na ito ba ang ipapakasal sa kakambal niya? Ito ba ang makakasama niya sa bahay na ito ng tatlong buwan? Kung noon naisip niyang mapagtitiisan niya ang katulad nito puwes ngayon, binabawi niya na iyon! Hindi pa nga siya tumatagal dito ng isang araw ay makakagawa yata siya ng krimen sa paghila sa matabil nitong dila gamit ang mahahaba niyang kuko!

"How dare you say those words?" kalmadong sambit ni Serene pero ang mga mata niyang nakatutok sa lalaki ay nanlilisik at handang patayin ang lalaki sa titig palang niya.

Natigil naman ang lalaki sa akma nitong pagsubo at napatingin sa gawi niya. Wala na sa harapan niya si butler Garreth. Namutla naman ang mukha ni Martha na magsasalita sana subalit natikom iyon dahil sa galit na boses ni Serene. Katahimikan ang pumaibabaw sa loob ng dining area. Kahit ang mga nakatayong katulong na siyang nagseserve ay napatayo ng diretso at nakatikom ang bibig.

"I repeat, how dare you say those words?" ulit ni Serene. Sa pagkakataong iyon ay mas kontrolado na ang tinig niyang may lamig sa dulo. Ang nanlilisik niyang titig ay hindi naalis sa mukha nang lalaking kanina pa nakatitig sa kanya.

Marahan siyang naglakad at lumapit sa kinalalagyan nito. Nakasunod lamang ang tingin sa kanya ng lalaki hanggang sa marating niya ang gilid ng mesang kinauupuan nito mismo.

"Nalunok mo na ba ang dila mo, kaya't hindi kana makasagot sa tanong ko?"

Nakita ni Serene ang dahan dahang paglunok ng lalaking nakatitig sa kanya. Matapos ay nagpunas ito ng bibig gamit ang napkin na nakapatong sa hita nito na para bang hindi narinig ang tanong niya.

"So, she must be —"

Naputol ang sasabihin ng walang habas na lalaking kaharap niya nang walang pagaalinlangang hampasin ni Serene ang ibabaw ng lamesa.

"I AM ASKING YOU A QUESTION MISTER. SO, UNLESS YOU ARE GOING TO ANSWER ME, THEN YOU CAN TALK. NOW, I AM REPEATING MY QUESTION AGAIN SINCE THE SECOND TIME I ASKED, IT SEEMS THAT YOU DIDN'T HEAR ME. HOW.DARE.YOU.SAY.THOSE. WORDS?"

May diin ang bawat salitang binitiwan niya sa mukha ng lalaki. Nakita ni Serene ang dumaang pangamba sa mata ng kaharap habang panaka nakang sumisilip kay Martha na nasa gilid niya.

"Let me explain miss...?" Mabilis na sabi ng lalaki habang hinihintay nito ang sasabihin niya. Serene laughed sarcastically.

"Tignan mo, hindi mo pala ako kilala pero kung tawagin mo akong WALANG HIYA.HAYOP.AT PAIMPORTANTE AY AKALA MO MAGKAIBIGAN TAYO." Mahigpit ang hawak ni Serene sa basong nasa ibabaw habang ang kanyang katawan naman ay nakabenda para magkatapat ang mata nila ng lalaking kaharap niya habang sinasabi ng madiin ang bawat salita sinabi kanina ng lalaki.

Kaonting kaonti na lang talaga. Ibubuhos niya na sa mukha ng lalaki ang basong puno ng malamig na tubig. At hinding hindi makakaramdam ng konsensya si Serene sakali mang maubusan siya ng pasensya.

"Wait miss—that's not—"

"What the fuck is happening in here?"

Parehas silang natigilan ng kausap niya nang marinig nila ang malamig na pamilyar na baritonong boses di kalayuan mula sa kanila.

"Master Carlos." Sabay sabay na bati ng lahat ng mga kasambahay na kasama nila sa dining room.

Hindi makagalaw si Serene mula sa posisyon niyang nakayuko sa kaharap na lalaki. Parang nanigas na lang bigla ang katawan niya dahil sa hatid ng nagsalitang boses sa kanila.

"I repeat, what the fuck is happening in here?"

Tila naman natauhan si Serene at agad na tumuwid ng tayo. Hindi niya maiwasang mapalanghap ng hangin dahil alam niya sa sarili niya, ang baritonong boses ng lalaking iyon. Kilala niya ang boses na iyon. Paano nga ba niya makakalimutan kung sa nakalipas na nagdaang araw ay ang malambing nitong salita ang paulit ulit na naririnig niya sa isipan niya?

The pleasure is all mine, Darling

Unti unting iniangat ni Serene ang kanyang paningin sa pinanggalingan ng boses. Right there and then, she caught her breath. The man, that stays in her dreams are standing a few feet away from her. He is still devilishly handsome as the first time she saw him at the bar before. Curls of brown hair are hanging from his forehead. Crease forehead and oneline thick brow. The mysterious pale blue eyes are staring at them or more on at her in a very very intense way that made her insides squirm in anticipation. Straight nose and those very oh so sinful sexy lips are in a thin line.

He is in a messy suit. Loose neck tie and two buttons opened showing her a black hairy muscled chest. Oh boy! This man can kill her in an instant with just his body and look.

"You must be Serena, my fiancee? "

The realization hit her like a bucket of cold water at what Karlos —Karlos Rafael to be exact — had said to her. He was still staring at her with his lips turned up in a small smirk.