Let's be practical here, Miss Serena. You do know my reputation, yes? I don't intend to change that. " pagsisimula ni Karlos Rafael sa paguusapan nila.
Nakaupo si Serene sa square shaped sofa sa harapan ng mahogany table ng binata. May dalawang magkaharap na visitor's chair doon bago ang maliit na glass table na siyang kinalalagyan ng dessert na inihanda ni Miss Martha para sa kanilang dalawa. Siya lamang ang kumakain dahil ang kausap niyang lalaki ay mas pinili ang alak na simsimin.
"What reputation are you pertaining to, Mr Dawson? Being a bachelor
or the ultimate playboy?"
Mahinhin na sambit ni Serene habang ninanamnam ang straberry cake na siyang nasa maliit na platito niya. Nakasandal siya sa sopa habang nakahalukipkip ang isa niyang kamay sa ibaba ng dibdib niya, ang isa ay may hawak na orange juice. Gusto mang sabayan ni Serene ang trip ng lalaking kausap na uminom ay hindi niya ginawa. Ang kapatid niyang si Serena ay walang bisyo. Kung kaya't talagang magtataka ang kausap niya kung bigla ay makikipagsabayan siya sa binata.
Umangat ng kaunti ang isang gilid ng labi ni Karlos Rafael. Ang hawak nitong kopita ay nasa may bibig nito -akmang sisimsim nang magsalita siya. Ang mga mata nito ay matiim na nakatutok sakanya, sa tindi ng intensidad ay hindi makayanan ni Serene. Sa labi na lamang ng lalaki siya tumingin. Ngunit-mukhang isa yata iyong malaking pagkakamali sapagkat, bukod sa hindi niya na maalis ang tingin dito ay hindi niya rin maiwasang isipin kung ano ba ang lasa nito at pakiramdam kung nakadampi iyon sa kanyang mga labi.
Shit.
Focus Serene! Focus!
Napalunok ng laway si Serene nang marinig ang mahina ngunit napaka sexy nitong tawa.
"Please call me Karlos. I am pertaining to my general reputation Ms. Serena. I hope you know that I do not like this engagement, especially this stupid arrangement." Karlos Rafael talk casually. Kung magsalita ito ay parang ang panahon lamang ang kanilang pinaguusapan.
"Kung hindi ka naman pala payag sa ganitong set-up, bakit ka pumayag sa engagement na magaganap?" matalim ang matang tinitigan niya sa mata ang binata.
"I do not have a choice. Kung hindi ako pumayag, mawawala sa akin ang kumpanyang pinaghirapan kong itagayod. Why didn't you disagree instead? It's not like, ako lang ang may choice dito." ramdam ni Serene ang pagbabago ng mood ng lalaking kasama niya. Naglaho ang kanina ay parang walang paki alam nitong aura. Bagkus ay napalitan iyon ng kakaibang dilim. Maging ang relaxed nitong katawan kanina ngayon ay parang tensiyonado na.
"Trust me Mr. Dawson, kung mayroon lang akong choice, hindi mo sana ako kausap at kaharap ngayon."
True enough, kung maaga lamang niyang nalaman ang ganitong sitwasyon ng kakambal niya baka siya na mismo ang sumugod sa magulang nila para itigil ito. Pero hindi. Pasya iyon ng kakambal niya. Kaso, ang ipinagtataka ni Serene ay, bakit pumayag ang kakambal niya sa engagement na ito kung sa bandang huli ay siya ang magdurusa para dito? Ano ba ang kailangan niya sa tatlong buwang pagkawala niya? Serene knew her sister too well. Serena has a very strong personality. Kapag itinulak mo siya sa isang bagay -kahit ano pa iyan, gagawin at gagawin niya nang walang angal at salita.
"Verry well. Since wala naman pala tayong choice na dalawa, kailangan na lang nating panindigan ang disisyong ito. Matagal tagal pa naman ang tatlong buwan bago ako masakal sa'yo. Let's talk about the rules and boundaries."
Napairap si Serene sa hangin dahil sa sinabi ng kausap. Masakal? Sa tingin ba ng lalaking kaharap niya ay ito lang ang masasakal sa kanilang dalawa? Siya nga ay kailangan pang umarte ng mabuti para lamang maging kapanipaniwala na siya ang fiancee nito, hindi lang iyon - ang pagsuot pa lang sa klase ng damit ng kakambal niya ay para na siyang nakakulong sa tela. May asungot pa siyang fiance na kailangang pagtiyagaan sa lilipas na tatlong buwan! Mabuti nga at ang masakal lang ang problema nito samantalang siya- hindi naman kasama sa set up pero ang laki ng itinatagong sikreto na magiging problema.
Napaayos ng upo si Serene ng makitang tumayo mula sa pagkakaupo si Karlos Rafael sa malatrono nitong upuan at maglakad papalapit sa kinaroroonan niya. Serene watched as Karlos Rafael walked towards her way with ease and full of confidence. Cockiness and arrogance radiated out of his body. His broad shoulder seems even more broader as he walked off their distance. There is a signature mischief in his expression with his mysterious cold eyes with his long sleek legs made him look so mighty tall. How is that become alluring and at the same time enchanting, Serene didn't know.
Bumilis ang tibok ng puso ni Serene nang tumigil ito mismo sa tabi niya. Katulad na lang nang nangyari kanina. Mapapahiya nanaman ba siya? Hinintay niya itong magsalita subalit napaigik na lang siya ng bigla itong yumuko at kinuha ang pitchel na puno ng orange juice at walang paalam na sinalinan ang basong hawak niya. Hindi man lang niya napansin na naubos niya na pala iyon. Tumingala si Serene upang silipin ang mukha nito ngunit labis na lang ang pagkabigla niya nang magtugma ang kanilang mga tingin at napakalapit ng mukha nito sa mukha niya.
Amoy na amoy ni Serene ang kakaibang panlalaking pabango nito na naamoy niya na
noon. Ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nabighani rito.
"Juice, my lady." suwabe nitong sabi matapos ay ibinalik ang pitchel sa dati nitong kinalalagyan at parang walang nangyari na nagtungo ito sa upuang pang single seater.
Hindi napansin ni Serene na may dala palang papel si Karlos Rafael nang naglakad ito papalapit sakanya kaninnma kaya naman, labis siyang nagtaka nang makita niyang pulutin nito ang papel na nakapatong sa lamesa.
"Here." wika nito habang iniaabot sa kanya.
"What's that?" tinitigan ni Serene ang papel nang nakataas ang isang kilay. Karlos Rafael sighed."My terms and conditions of your stay here in my house and also in my life."
Puno ng kuryusidad na kinuha ni Serene ang papel at binasa. Sa taas na gitnang bahagi ng papel nakasulat ang malalaki at bold na letrang Rules and Boundaries.
1. Never interfere with my business.
2. Do not tell anyone that we are committed to each other.
3.Do not go inside my room.
4. Do not touch my things.
5. Friends never allowed inside my house.
6. Stay out of my way.
7. Never fall in love with me.
8. Do not ever break this agreement.
Pagkatapos basahin ni Serene ang sulat ay tumingin siya kay Karlos Rafael na mataman namang nakatitig sa kanya -maari ay hinihintay ang reaksiyon niya.
"So, you read my condition. I want you to sign that, meaning - you agree with everything that is written on that paper." inilabas nito ang isang fountain pen sa bulsa ng suot nitong suit at ipinatong iyon sa mesa na abot kamay niya.
"I have only one question. What do you mean by 'business' in your rule number one?"
"They are meant to be my women, Miss Serena. They are always my number one. And as what I have written in that paper, you do not have a say or care if I have a fling with other girls, if I go out on a date or especially if I bed them -"
Serene raised her palm to a stop, preventing him to talk even more. "I will not care with your business so long as you respect me as your future wife in this house. That- is my only condition. Never bring your women here. Never bed with them here. And never beshown to me your advanced unfaithfulness and disrespectfulness. Are we clear?"
Inaamin ni Serene na hindi siya ang pinakamatinong babae sa mundo pero kahit party girl siyang tao, marunong parin siyang rumespeto sa ibang tao. Hindi katulad ng lalaking kaharap niya. Looks can be deceiving. Sa nakikita ni Serene, sa likod ng mapanlinlang na kagandahang taglay nito ay nagtatago naman ang isang halimaw. He is a decietful beast. Serene wondered, alam kaya ng mga babaeng nahuhulog at naiinvolve dito kung ano talaga siyang klaseng tao? Yes, she admits that she didn't know the man at all to just judge him so easily, but she couldn't reason out his scorching personality and attitude.
"If that's what you want." Iyon lamang ang isinagot nito sa sinabi niya. "Then thats all. I don't care with this agreement thing you want me to sign. I will sign it. But remember this, this agreement you made is also applicable to yourself." pagkatapos pirmahan ni Serene ang papel ay ipinasa niya iyon kay Karlos Rafael na siya namang di makapaniwalang nakatingin sa kanya.
"Why?" mahinang bulalas nito sa kanya.
"Because I said so. Don't you think that it is unfair if I am the only one who is abiding with the rules and conditions here? Sign it Mr Dawson. Or I will think that you are afraid with your own rules and condition." Serene said with a small smirk. Humalukipkip siya at nagdekwatro habang hinihintay na pirmahan ng binata ang sariling papel na ginawa nito para sa kanya. Di nagtagal ay mabigat ang kamay na pinirmahan nito ang sariling papel matapos ay tumingin ito sa kanya na tila isang batang masama ang loob. Mahigpit na nakadikit ang manipis nitong mapupulang labi habang ang mga mata naman nito ay mabibigat na nakatingin sa kanya.
"Satisfied?" nakataas ang isang kilay na tanong nito sa kanya. Habang humalukipkip din ito at ginaya pa ang pag dekwatro niya. Tumango lamang si Serene at mabilis na tumayo bago kinuha ang papel. "I'll keep this." wika niya at itinupi iyon bago tumalikod upang maglakad na paalis.
"Have a nice stay here, Miss Serena."
Fuck you.