Chapter 8 - New Home

KINABUKASAN ay maaga siyang umalis ng mansion sundo ng isang limousine na ipinadala ng mga magiging byanan ng kakambal niya. Wala nang nagawa si Serene kundi ang magpatianod at sumakay na lamang ng walang salitang binitiwan sa mga magulang. Ni wala man lang siyang makitang pagsisisi o pangamba sa mata ng mga ito habang pinapanuod siyang umalis.

Nakatitig lamang si Serene sa labas ng bintana at pinapanuod ang mga tanawing nadadaanan nila. Ilang sandali pa'y huminto ang sinasakyan niya. Akala ni Serene ay nakarating na sila sa paroroonan nila subalit nagtaka siya nang muling umandar ang sasakyan at sa gilid ng daan ay may nakatayong dalawang guwardiya.

Sa isang Village nakatira ang fiance niya? Napakibit-balikat na lamang si Serene. Hindi na iyon nakapagtataka. Mayaman ang magasawang bisita nila kagabi kaya malamang lang na pati anak, mayaman din. Namamangha ang kanyang mga matang nakatingin sa mga naglalakihang mga bahay na may iba't ibang disenyo at kulay. Iba't iba rin ang laki at lawak ng mga ito.

Huminto sila sa tapat ng isang itim na gate. Automatic iyong bumukas at di nagtagal ay pumaikot ang sinasakyan niya sa fountain na nasa gitna ng daan hanggang sa tuluyan na iyong huminto sa harapan ng isang malaki at mataas na bahay. Hindi maiwasang mapanganga ni Serene habang nakatitig sa puting kulay ng mansiyong nakatayo sa harapan niya. Para sa bahay nang isang village masyado naman yata itong malaki at malawak. Bukod sa may kahabaan ang pathway nito papunta sa harapan mismo nang mansiyon ay masyado ring magara ang lahat ng bagay na bumubuo sa bahay.

Biglang bumukas ang pintuan ng sasakyan at may isang lalaking nakablack na nakatayo doon habang magalang na nakatingin sa kanya.

"Mistress...." yumuko ito sa kanya bago ialay ang kamay nito na tila ba inaalok siyang alalayan. Naiilang naman si Serene na iniabot kamay niya rito.

"Thank you...."

"My name is Garreth, the butler of the house. "

"I am Serena." she politely introduce herself as well.

Pagkalabas niya nang sasakyan ay naroon sa beranda ng bahay ang dalawang byanan niya na matamang nagaantay sa kanya. Mabilis siyang nilapitan at hinalikan sa pisngi ng tita Ruffa niya habang niyakap naman siya ng mabilis ng tito Carlo niya.

"Welcome to your new home iha." ika ng tita niya habang iginigiya siya nito sa simentong hagdan papunta sa beranda ng bahay at papasok sa double door nitong pintuan. Ngumiti lamang siya at nagpatianod. Sa likuran naman niya ay nakasunod si Butler Garreth hawak ang mga mabibigat niyang maleta.

"Hayaan mo na si Garreth diyan, malakas pa yan sa kalabaw. He can do that alone." wika ng tito niya nang mapansin kung saan siya nakatingin.

Nang buksan ng mga ito ang pintuan ay napako siya sa kinatatayuan dahil sa mga kasambahay na nakahilera sa magkabilang gilid ng kanyang daanan. Sabay sabay na yumuko ang mga ito at nagbigay bati. "Welcome to your new home Mistress Serena!"

Napatingin si Serene sa dalawang taong katabi niya na ngayon ay nakangiting pinapanood siya. Nagtatanong ang mga mata niyang tumitig sa tita Ruffa niya. She is silently asking what they mean.

Napatango tango naman ang tita niya sa kanya at hinawakan ang kamay niya upang maglakad sa gitna ng mga nakayuko pa'ring kasambahay.

"You are the Mistress of this house as the fiancee of the Master. Your status is equal to him and, you have the same authority as him in this house." paliwanag ng tita niya na siyang nagpailang sa kanya.

Where is her sister's fiancee anyway? Hindi ba dapat ito mismo ang sumundo sa kanya? Magpakilala sa kanya sa lahat ng mga nagtatrabaho dito? At magbigay mismo ng estado niya sa bahay na ito?

"And iha since kayong dalawa lang ng anak ko ang titira sa bahay na ito, bantayan mo siya okay? Maraming ahas at linta ang nakakapit sa kanya kaya kung maaari, ikaw na mismo ang magtanggal isa-isa."

And that statement left her speechless. Ahas at linta?

Gayunpamay tumango na lamang siya sa sinasabi ng mga ito. Mamaya na lamang niya iyon iisipin."Serena iha, hindi na kami magtatagal ng tita mo dahil may flight pa kaming hahabulin. Today we are going to Europe along with your parents at malamang ay nandoon na ang mga magulang mo nagaantay." Again, speecheless siyang tumango sa mga ito.

Natatawa namang ngumiti ang tita Ruffa niya at muli siyang bineso beso sa mukha."Make your self comfortable and at home, after all ito na ang bago mong tirahan. Please alagaan mo ang anak ko okay? I know you can do it. Use your charm iha, you'll get him under your spell." Naguguluhang tinitigan niya ang tita niya subalit sumagot lamang ito ng "I just know it." sakanya.

Nang makaalis ang magasawa ay napahinga siya ng maluwag. Inilibot niya ang tingin sa buong paligid at napansing nandoon pa din ang mga kasambahay sa puwestong dinaanan nila kanina."Ahm... Hello? Pwedi na kayong umayos ng tayo." wika niya sa mga ito na agad naman nilang sinunod subalit nakatayo pa rin sila at hindi umaalis sa kinalalagyan nila. "Pwedi na rin kayong umalis diyan kung gusto niyo." Nangingiti niyang sabi.

"Thank you, Mistress Serena." sabay sabay na sambit ng mga ito bago nagsialisan. Isang matandang babae lamang ang naiwan. Iba ang suot nitong uniform kumpara sa mga nauna na puro itim ang kasuotan maliban sa maliit nilang apron at ribbon sa ulo na kulay puti. Ang sa matanda ay purong puti lamang. May ngiti itong lumapit sa kanya at marahang yumuko.

"Ako po si Martha, Mistress Serena. Ang incharge sa lahat ng mga kasambahay na nagtatrabaho dito sa loob ng bahay. At ito ho ang asawa kong si Garreth na siya namang incharge sa lahat ng mga kalalakihang nagtatrabaho dito, mapa drayber man, hardinero o body guard." Napalingon si Serene sa gilid niya nang makitang papalapit sa kinaroroonan nila ang nasabing Butler. Ngumiti siya nang marahan sa dalawa.

"Salamat po sa mainit ninyong pagtanggap sa akin." bahagya din siyang yumuko sa dalawa na ikinabigla naman ng mga ito.

"Hindi niyo po kami kailangang yukuan Mistress —"

"Maaari ho bang Serena na lang ang itawag niyo?" putol niya sa karugtong na sasabihin ni Martha sa kanya.

Agad na umiling ang dalawa sa nais niya. "Hindi ho namin mapagbibigyan ang kahilingan niyo Mistress Serena. Malaking kasalanan ho rito ang hindi kayo igalang. Maari kaming matanggal sa aming trabaho kaya't hilingin niyo na ho ang lahat huwag lang ho ang hindi kayo irespeto sa estadong ibinigay sa inyo."

Napatango na lamang siya sa mga ito. Mabilis ding nagpaalam sa kanya si Martha dahil ipaghahanda pa raw siya nito. Si Butler Garreth naman ay iginiya siya papunta sa kwarto niyang inilaan ng mga biyenan niya. Habang naglalakad sila paakyat ng hagdan ay hindi niya maiwasang mamangha sa ganda ng buong bahay. High ceiling with a beautiful crystal chandelier in the middle of the two-spiraling staircase. Sa tapat naman nito mismo ay isang malaking carpet na nakalatag. May disenyo ito subalit masyadong komplikado para matukoy niya kung ano iyon. Napakalinis ng kulay puting pintura ng pader na aakalian mong araw araw itong pinupunasan habang may mga nakasabit namang paintings at drawings sa bawat pader na nadadanan niya. She can see Leonardo da Vinci's mundane artworks at nang iba't iba pang magagaling na pentor na kilala dahil sa mga nakakabilib nilang mga gawa. Honestly speaking, iyong pangalan lang talaga ni Leonardo da Vinci ang natatandaan niya noong nagaaral pa siya. Bukod kasi sa wala siyang hilig sa arts ay lagi niya pang nakakatulugan ang guro nila kapag ito'y nagtuturo ng tungkol sa history ng arts.

"Pasensya na ho kayo Mistress kung wala pa si Master Karlos para asikasuhin at salubungin kayo."

"It's okay Butler Garreth. I understand that he is busy." Not. Ang kapal lang talaga ng lalaking sinasabi nilang fiance niya. Ni hindi man lang siya nito winelcome sa sarili nitong pamamahay. Kung ganitong kaliit na bagay palang ay wala na itong asikaso sa kanya paano pa kaya kapag ikinasal ito at ng kakambal niya? Napailing iling siya sa isiping iyon. Tatlong buwan pa naman ang aabutin bago sila I-engaged. Makikilala niya pa ng husto ang lalaking pakakasalan ng kakambal niya. Sisiguruhin niyang karapat dapat ang lalaking ito para sa kakambal. Kung kailangan niya itong hulmahin ay gagawin niya maging isang maayos na lalaki lamang ang ipakakasal sa kambal niya.

Naglakad sila sa mahabang pathway na may kulay krema ang carpet floor. Dim ang kulay orange na ilaw sa kanilang itaas. Habang naglakaad ay napansin ni Serene na may tig-tatlong pintuang malalayo ang magkabilang gilid hanggang sa makarating sila sa pinaka dulo. "Ito ho ang kwarto niyo Mistress Serena at dito naman ho sa tapat ninyo ay ang kwarto ni Master Karlos."

Nagpasalamat na lamang si Serene bago pumasok sa loob ng kwarto. Pagkabukas niya ay bumungad agad sa kanya ang maliwanag na ilaw ng chandelier sa mataas na ceiling ng kawrto niya. Pati ba naman dito, may chandelier pa din? Kulay puti rin halos lahat ng gamit dito. Pintuan, pader, lamesa, bedsheets at mga unan! Kung siya lamang ang nakatira dito hindi niya pahihirapang maglaba ang mga kasambahay. Maliban siguro sa queen size bed na kulay brown at kremang kulay ng karpet niya ay iyong dalawa lamang ang naiiba. May mangilan ngilang paintings din na nakasabit sa katawan ng malinis na pader. Malawak ang buong silid. May sarili siyang flatscreen tv na masyadong malaki para sa kanya. Mayroon ding pabilog na sofa at maliit na glass table na nakapaharap sa tv habang sa kabilang gilid naman ay may salaming pintuang nakabukas at natatanaw ang malawak na balkonahe. Kulay puti ang parang lace nitong kurtina at sa kalayuan ay kitang kita niya ang mga naggagandahang bulalak ng hardin sa ibaba. Sa malayong gilid nama'y naroon ang mga gamit niyang nakasandal sa pader. May pintuan itong katabi at nang buksan niya iyon ay halos mapasinghap siya nang makitang walk-in-closet iyon na puro damit. Mula sa iba't ibang uri. Pantalon hanggang short shorts. Palda hanggang sa mahahabang dresses. May mga tshirt din at sando. Panties at bras. Naroon din ang iba't ibang uri ng pantulog na kailan may hindi niya isusuot para lang sa fiancee nang kakambal niya. Masyado iyong revealing at napakaharot ng style. Parang panghoneymoon ang dating. May nakasampay sa itaas nang rack habang may nakadisplay naman sa ibaba. Sa isang gilid nama'y napakaraming sapatos na halos pareho ang size at klase. Mayroon lamang mangilan ngilang matataas na talagang nagustuhan niya. Pansin ni Serene na lahat nang mga gamit na nandoon ay branded! At lahat din ng mga iyon ay kasize niya!

Pagkalabas ni Serene sa loob ng walk-in-closet ay napahiga siya sa kama at napatitig sa magandang chandelier.

"Wow, gaano ba kayaman ang pamilyang ito?"

Mayaman sila Serene to the point na mayroon na silang masasabing palasyo pero kung ikukumpara naman sa yaman ng pamilyang ito, sa tingin niya ay mas mayaman pa ito kaysa sa kanila. Hindi man kasinglaki ng palasyo nilang bahay ang bahay na ito ay halos ginto naman ang mga bagay na nandito.