Chereads / Sweet Second Chance / Chapter 3 - Walang choice

Chapter 3 - Walang choice

Naputol ang pagbabalik-tanaw ni Carlee ng marinig nya ang tunog ng pito ng referee. Pagtingin nya sa pinagmulan ng tunog ay saktong nakita nyang sumubsob malapit sa paanan ng poste ng ring si Jason. Naunang lumapat sa sahig ang kaliwang pisngi at balikat nito.

Kagat-labing tumindig sya para matanaw ito ng mas maigi. Naidasal nyang sya ay hindi mauwi sa injury ang nangyari dito. She was really worried. Sa tingin nya sobrang lakas ng impact ng pagbagsak nito kaya hindi malabong mapuruhan ito.

Mayamaya ay tumihaya ito pero nanatiling nakahiga sa malamig na sahig ng court. Nakangiwi itong humihingal. Kitang kita nya ang pagtaas baba ng dibdib nito. Parang bumagal ang oras. Kabado at nag-aalalang hinintay nya ang susunod na mangyayari. To her relief, tumayo ang lalaki at parang walang nangyaring pumunta sa free throw line para magcharity shots. Merong nag-hard foul dito kaya ito sumubsob.

Ang matinding takot at worry na naramdaman nya ay biglang napalitan ng sobrang pagkayamot. Pasalamat ito na walang nangyaring masama rito, pano kung minalas to at nagka-injury?

Gusto nya itong batukan sa sobrang inis. Baka sakaling pag-ginawa nya yon ay bumalik sa tamang katinuan ang pag-iisip nito. Bakit kasi sa dinami-raming pwedeng gawin ay ang paglalaro pa ng basketbal ang pinili nitong profession? Wala na ngang kabuluhan, nalalagay pa sa pilegro ang buhay nito. Buti nalang talaga at walang nangyaring masama dito.

Nang mga sumunod na linggo ay mas naging puspusan pa ang practice sessions ng SM Giants. Fortunately nakapasok sila sa finals. Mas magiging matindi na ang mga susunod nilang laban kaya double effort ang binibigay nila sa practice.

Para kay Jason, ang makapasok sa finals ay sapat na at masaya na sya don. Again, he was keeping things real. Alam nyang di pa hinog sa competition ang team nya. Nasa rebuilding stage palang sila.

Isa pa hindi naman panligang barangay ang caliber ng mga teams na tinalo nila to make it to the finals. They gave their best ang bested the professional teams in the land. Kaya big accomplishment na for him ang maging finals contender. Di na masama, ika nga. Pero syempre mas maganda parin kung makuha nila ang championship title.

That day ay nasa Makati Sports Complex sya. Doon sila nagte-training ng team nya. Malaki ang halagang binitawan ng SM Corp para maging exclusive para sa kanila ang basketball facilities ng lugar.

Nag-e-scrimmage sila ng mga teammates nya. Kahit practice lang ay seryoso ang lahat, lalo na ang coach nila. Strict ito at mahilag pa magmura everytime na sinisita sila. Pero ganon lang to pagdating sa game at habang training. Off court ay mabait naman ito. In fact, parang tatay tatayan na nila ito.

Nasa kalagitnaan sila ng training nang mapansin nya si Eunice sa gilid ng court. Di nya namalayang nandon na pala ito. Expected na talaga nyang pupunta and dalaga doon. May usapan silang doon magkikita bago dumiretso sa sort of victory party ng team dahil sa pagka-pasok nila sa finals.

He wondered how long she had been waiting there. Mukha namang di ito naiinip dahil kakwentuhan nito ang mga bisita ng teammates nya. Nang magtama ang mga mata nila ay nginitian nya ito sabaay kaway. Nag flying kiss naman ito sa kanya na kunyaring sinalo nya at idinikit sa kanyang labi.

Dumagundong ang boses ng coach nya.

"Tragis, Jason, nalusutan ka na naman ng binabantayan mo!" Sigaw nito "Focus, ano ba?"

Napakamot sya sa batok. "Sorry coach." Paumanhin nya

Focus daw, eh di focus. Itinutok na nya sa scrimmage ang buong attention nya. Hanggang sa matapos ang training ay di na nya hinayaang ma-distract pa sya.

"Hi gorgeous," bati sa kanya ni Eunice nang sa wakas ay i-dismiss sila nga coach.

As usual, nagtipid na naman ito ng damit. Mahilig talaga itong magsuot ng daring. Kadalasan kung hindi fitting ay kinulang sa tela ang suot nito. It was okay with him. Hindi man ito matatawag na sobrang sexy dahil payat ito at kinulang sa curves ay nabibigyan naman nito ng hustisya ang mga sinusuot nito.

"Hi back, gorgeous!" Ganting bati nya sabay kiss dito sa labi.

"How was your day?" Sunod nya pagkatapos ng halik.

"I bought this fabulous electric-blue swimsuit. I bet you'll drool once you see me in it!" Excited na sabi nito.

In short, nagshopping na naman ito ng bongga. Lihim syang napailing. Wala itong ibang inaatupag kundi galugarin ang mga malls at mamili ng kung ano-ano. Minsan ay gusto na nya tong pagsabihan dahil masyadong waldas ito sa pera, which is not right. Pero nag-aalangan sya dahil wala naman syang karapatang gawin yon. Dahil di naman nya pero ang ginagastos nito kundi pera ng mga parents nito. Para itong walang ambisyon sa buhay. Yon ang hindi nya gusto dito. Ilang taon na to pero wala pang solid na plano sa buhay. Samantalang sya bata palang ay kakampi na nya ang pangarap nya. Parang nakakalungkot isipin at mahirap tanggapiin na may mga tao palang hindi marunong mangarap. Come to think of it, hindi nga pala nya alam kung ilang taon na ito. Isang bagay na hindi nya pa natatanong rito.

"I have a question, How old are you?" Tanong nya

Bumungisngis ito

"Where did that come from?"

"Nowhere. I just realized i don't know how old you are."

Ibinulong nito sa kanya ang sagot nito. She said she was 28. Mas bata lang pala ito sa kanya ng isang taon. Sinabi nya dito ang totoo, na hindi halata na nasa late 20's na ito, na mukhang fresh graduate palang ito.

Mukhang tuwang tuwa naman ito sa sinabi nya.

"That's why i'll sure look hot in that swimsuit i was telling you about."

"I can't wait to see you in it." Sabi nya

"And you will, don't worry. I bought it especially for our Thailand trip next month."

Non lang nya naalala na may usapan nga pala silang mag Thailand pagkatapos ng basketball season. Kung di pa nito nabanggit ay di pa nya maaalala. Dahil siguro sa kawalan nya ng interes sa lakad nila kaya nakalimutan nya ng ganon kadali. Sa ngayon kasi ang laman nga isip nya ay ang nalalapit nilang best-of-seven sa finals.

"I'll just take a quick shower. I'll be right back." Sabi nya dito

"Alright, i'll be right here waiting." Sagot nito

Bumaling sya sa mga kakwentuhan nito kanina sa di kalayuan. "Girls, kayo na muna ang bahala sa baby ko." Bilin nya at umalis na sya para magshower.

Di naman sya nagtagal sa dugout. Pagkatapos magshower ay binalikan na uli nya ang girlfriend. Nang makalapit sya ay inakbayan nya ito. Pero may napansin sya sa gilid ng mga mata. Si JC, gamit ang tuwalya ay pinupunasan ng babaeng kasama nito ang basang buhok ng binata

"Ang sweet nila hon 'no?" Aniya kay Eunice

Natawa sya nang parang napasong biglang ibinalik ng babae sa bag ang tuwalya.

''Hey, biro lang." Sabi nya, hindi nya intensyong mailang ito. Gusto lang nyang asarin si JC.

Ipinakilala sila ni JC sa isa't isa at nalaman nyang Cherry ang pangalan nito. He liked her. She seemed nice.

Successful ang simple celebration ng SM Giants na ginanap sa isang bar sa Tomas Morato. Naka-reserve ang third floor at roof-deck para ma-accommodate ang lahat ng dumalo. Past 11 pm na nang magsimulang umuwi ang ibang bisita. Niyaya narin nyang umuwi ang girlfriend. Nag-agree naman ito. Dala narin ng demands ng trabaho nya, hindi talaga nya nakasanayang magpuyat. Madalas kapag ganong oras ay nagpapahinga na siya.

"Magpapaalam lang ako kay coach." Paalam nya bago iwan ang babae para hanapin ang coach nila sa roof deck.

"Mauna na kami Coach." Sabi nya nang mahanap ito.

"Sandali lang. Gusto ko kayong makausap. Tamang tama ang dating mo Jason. Ipapatawag ko talaga kayo." Baling nito sa kanya

Wala syang magawa kundi tumango at maghintay. Ilang minuto pa ay nagsidatingan na ang mga teammates nya. Nang nandon na lahat ay pinalibutan nila ang Coach nila.

"What's up, Coach?" Sabi ni Richard. Alam nyang yon din ang nasa isip ng lahat.

"Kinausap ako kanina ni Leo. Ang sabi nya, magkakaroon daw ng charitable project ang company, at he needs a volunteer from our team." Mahabang sabi nito. Ang taong nabanggit nito ay ang bunsong anak ng may-ari ng SM Giants na syang head ng socio-civic foundation ng corporation.

"Ano ang gagawin ng volunteer Coach?" tanong ng isa sa mga teammates nya.

"Balak nilang mag unsad ng malawakang basketball clinic next year. Ngayong taon ay magsisimula muna sila sa ilang probinsya bilang paghahanda. Dry run kung baga."

Marami ang sumang-ayon na maganda ang naisip na project ng management at kabilang na sya doon. sinabi pa nyang mainam nga na mamulat sa sports ang mga kabataan para makaiwas sa kung ano-anong bisyo.

"I'm glad you agree. Anyway, nangangailangan ang foundation ng magtuturo at magpa-facilitate ng clinic. Sino sa inyo ang pwede?"

Nakakatawa ang unanimous reaction nilang lahat sa sinabi nito. Kung saan saan dumako ang mga mata nila. May mga nagbaba nga tingin sa sahig, may sa kisame at yong iba naman ay sa mga art work sa dingding. Isa sya sa mga timubuan ng interes sa mga artworks na nandoon.

"Ano ba kayo? Remember this is for a good cause. Wala ba talagang gustong mag-volunteer sa inyo?"

Wala paring nag-prisinta pero mayrong nagtanong kung kailan ang schedule ng clinic.

"Next month. Wala lang exact date, but for sure itatapat nila yon sa sumer vacation ng mga bata."

"Gaano katagal naman Coach ang clinic?" Tanong nya

"One month" sagot nito

Gusto sana nyang mag-volunteer, kaso nong nalaman nyang four weeks ang kakainin ng clinic ay tinabangan uli sya. Paano sya makakapg-R&R kung magtatrabaho sya?""

"Ikaw Richard, hindi ka ba pwede?"

"Sorry Coach, can't do. I promised my parents na sa kanila ako magbabakasyon ngayong taon."

Kung sya ay half Korean, ito naman ay half Chinese. Pure Chinese ang father nito at sa Beijing nakatira pati ang Pilipina nitong ina.

"Ikaw, Jason?" Baling nito sa kanya

Napakamot sya sa batok. "Hindi rin ako pwde Coach, pasensya na pero may nakaplano na kasi akong gawin sa susunod na bwan."nNaalala nya ang Thailand trip nila ni Eunice.

Kung sino-sino pa ang tinanong ng Coach nila pero bigo itong makakuha ng volunteer.

"Ayaw nyo talaga?"

Tumango silang lahat.

"Pwes, kung hindi kayo makuha sa simpleng apela, daanin natin to sa ibang paraan.Hindi tayo pwedeng umalis dito nang wala akong maibigay na pangalan kay Leo.""

"Ano'ng balak nyo Coach? Taong ng isa nyang ka-teammate.

"Magpapalabunutan kayo. Ben, ang baso."

Mabilis na inabot dito ng assistant coach nila ang baso. May laman yong mga papel na nakatiklop.

"Wow! Coach, mukhang di kayo prepared sa lagay na yan." Biro ni JC

"Kilala ko kayo. Kaya expected ko nang mangangailangan ako nito." Tinakpan nito ng kamay ang bibig ng baso at inalug-alog yon.

"Ang mabubunot ko, Sya ang pupunta sa clinic. Walng aangal, walang aapela. Usapang lalaki to. Maliwanag?"

"Yes, Coach!" Sagot nila in unison

Bumunot ito ng papel saka dahan dahang binuklat.

"And the volunteer is....."

Bumungisngis ang ilan sa kanila. Palibhasa malayo sa pagboboluntaryo ang nangyayari. Ang iba naman ay lumikha ng tunog drumroll. Tahimik lamang sya. He has a bad feeling about this.

"Binasa ng coach nila ang nakasulat sa papel.

"Number six!"

I Knew it. Sa loob-loob nya. "Six" ang jersey number nya kaya in short sya ang "volunteer".

"I can't believe you Jason! Nakakainis ka! You''re so unfair!" Naiinis na sumbat sa kanya ni Eunice.

Ihahatid na dapat nya ito sa bahay nito pero dumaan muna sila sa coffe shop kung saan sila kasalukuyang naguusap. He was the one who suggested coffee because he wanted to talk to her. Naisip nyang habang mas maaga ay mainam na malaman nito na hindi matutuloy ang lakad nila. Hindi nito tanggap ang situition kaya ito nagmamaktol..

"Next time nalang tayo umalis. Hindi naman mawawala ang Thailand eh."

Hinampas sya nito sa braso.

"Basta, naiinis ako sayo. You promised me you would take me on a trip. You owe me this. Kulang na kulang ang time mo for me but i let that slide. Kahit kailan ay hindi ako nag-demand ng time mo dahil I know na on-going pa ang season nyo. But now you're telling me na even after the season's over you still won't give me the time i deserve? It's not right!" Mahaba nitong litanya

She did have a point, but what else can he do? Sinabi nya rito ang lahat nan nangyari sa meeting kanina. Pagkatapos ay hiniling nya na sana ay maintindihn nito iyon dahil hindi naman nya yon ginustong mangyari.

"You should have said no." Sabi nito

"I couldn't, nagpalabunutan nga kami diba?" Medyo nayayamot na sya dahil ipinaliwanag na nga nya dito ang lahat ay ayaw parin nitong makinig sa katwiran.

"Hindi pwde, o talagang ayaw mo lang?"

"Eunice, please understand. Wala akong choice."

"Meron,kung hindi ka pupnta sa clinic clinic na yan ay wala naman silang magagawa."

"Jut look at it this way, utos to ng superior ko, if i disobey him, he might think that i don't respect his authority which is not true at all." Feeling nya ay sa isang bata sya nagpapaliwanag. Bakit ba napakahirap nitong makaunawa?

"Read my lips. I don't care! Gawan mo ng paraan. Basta kailangan nating pumunta sa Thailand next month."

"I''m sorry, i can't. I'll make it up to you. I promise.."

"Ang saihin mo. Hindi mo lang kayang i-assert ang sarili mo sa coach nyo dahil duwag ka."

Hindi nya nagustuhan ang sinabi nito. It was like saying na he had no balls. Still, he did not react to it. Lalaki lamang ang alitan nila pag pinatulan nya pa ito. Instead ay sinabi nalang nya dito na babawi nalang sya sa susunod. They went around and argued in circles for a while. Hanggang sa napikon na sya.

"You know what,, ihahatid nalang kita sa inyo dahil walang patutunguhan tong usapan natin kung ganyan ka." Nayayamot na nyang sabi..

"Like i said, no guts!" She scoffed.

He wanted to retaliate but did not. Instead he drew in a deep breath and counted to three.