Chereads / Sweet Second Chance / Chapter 2 - Koreanong hilaw

Chapter 2 - Koreanong hilaw

Six months earlier...

Isang taon nang naglalaro para sa SM Giants si Jason. He used to play for Super Slammer Shots. Tatlong taon din ang itinagal niya sa naturang koponan. Sa loob ng panahong iyon ay masasabi niyang napalapit na sa kanya ang mga dati niyang teammates, pati narin ang caoching staff nila.

Kahit hindi siya gaanong nabibigyan ng playing time dahil marami siyang kahati sa posisyon niya bilang shooting guard ay ayos lamang sa kanya. Kasi nga close na sila ng mga ka-grupo niya noon.

Parang mga kapatid na niya ang mga ito.

Wala na talaga siyang balak lumipat ng team dahil kontento na siya sa team niya. But then he met Carlee.

Ito ang assistant team manager ng SM Giants na lumapit sa kanya para hikayatin siyang huwag nang mag-renew ng kotrata sa Super Slammer. Unang pagkikita pa lamang niya rito ay tinamaan na agad siya. Nabighani siya sa kagandahan at kasimplehan nito. Para itong isang Goddess sa paningin niya. Ang nakaka-amaze pa ay tila hindi ito aware sa kariktang taglay nito.

He had it bad for her. Tuwing nakikita niya ito ay natatameme siya. Batid niyang hindi simpleng atraksiyon lamang ang nararamdaman niya dito. It was far more than that. The first time he laid eyes on her, his heart thumped like crazy and the cerebral mass beneath his skull ceased to function. No exaggeration, ganoon katindi ang epekto ng dalaga sa kanya.

Walang kahirap-hirap na nakumbinsi siya nito sa alok nito. Sa praktikal na banda, mas maganda ang alok sa kanya ng team na ni-represent nito. Mas mataas ang sasahurin niya roon kaysa sa tinatanggap niya sa Super Slammer. Bukod doon, alam niyang mas mabibigyan siya ng tsansa na makapag-laro sa playing court dahil kapos sa guard as SM Giants. His manager seemed to think so, too. Hindi rin siya nito tinutulan nong binanggit niya rito ang plano niya. Ayaw lamang niyang aminin sa sarili dahil lalabas na ang babaw niya pero deep inside his heart, alam niya malaking bahagi ng desisyon niyang magpalit ng koponan ay si Carlee. Ang katwiran niya, kapag kabilang na siya sa team nito ay madali na siyang makakaporma rito.

He had to admit that that line of reasoning did not make sense at all, not even to him. Malinaw na isang kahibangan iyon. Ngunit ganon talaga. Ano ang magagawa nya kung sadyang sa una pa lang ay nahibang na sya sa dalaga?

Hindi nya alam kung anong meron ito at nagka-ganon sya. There was just something special about her that had a strong effect on him. But unfortunately, wala rin syang nahita sa ginawa nyang paglipat ng team, at least, where Carlee was concerned. Kahit anong pag-papalipad-hangin nya ay hindi sya nito pinapansin at kahit anong pagpapapogi ang gawin nya ay hindi sya makapuntos dito.

Ni katiting na interes ay hindi sya binigyan nito. Nagtataka sya dahil hindi naman sa pagmamayabang, kung good looks rin lang ang pag-uusapan ay hindi naman sya pahuhuli sa iba.

Charming din daw sya at mabait ayon sa halos lahat ng naging girlfriends at mga naka-fling nya.

Kahit minsan ay hindi pa nagyari sa kanya na nahirapan syang mapasagot ang sino mang nagustuhan nya. Si Carlee palang ang sumira sa record nya. Dahil hindi pala ito pumapatol sa basketball players. Nalaman nya from a teammate. Hindi lingid sa kaalaman ng mga kasamahan nya ang intensyon nya sa dalaga.

Gayunpaman, hindi parin sya tumigil sa panunuyo kay Carlee. Anim na buwan din nya itong masugid na niligawan bago nya tuluyang itinaas ang white flag. Anong magagawa nya kung sadyang hindi nito feel ang mga basketball player like him? Sa huli ay natutuhan din nyang tanggapin na wala talaga syang magagawa para mapasagot ito ng "oo".

For him, ang panliligaw ay tulad din ng larong basketball. Kung talo, talo talaga. Kailangang bumawi nalang sa susunod na laban. At ang "susunod" nya ay si Nadine. Friend ito ng girlfriend ng isang teammate nya. Nanood ito minsan ng practice game kaya nya ito nakilala. They hit it off right from the beginning, after a month ay girlfriend na nya ito. Ngayon ay three weeks na nya itong girlfriend. Masasabi nyang nasa getting to know each other phase palang sila.

As if on cue, narinig nyang nagring ang handyphone nyang nakapatung sa ibabaw ng locker. It's a text from Eunice. Madalas nanonood ito ng laro nya kaso kasalukuyan itong nasa Hong Kong with her friends.

Napangiti sya nang basahin ang message nito. "Goodluck honey, make this a blowout game for me, love you."

He called her. Pero hindi sila nagkausap ng matagal dahil kailangan pa nyang mag-warm-up for the game. Nagpasalamat sya sa encouragement ni Eunice bago putulin ang tawag at saka ibinalik ang telepno sa dati nitong kinalalagyan. Saka nya narinig ang point guard ng team na si JC.

"Okay, thanks again hon, ingat, bye." Exaggerated na pag-ulit nito sa huling sinabi nya. Nasa malapit lang ito kaya for sure narinig nito ang buong conversation nila ng girlfriend. Ang lakas talaga nitong mangasar. May nalalaman pa 'tong pa pungay-pungay ng mata.

"Ang baduy mo talaga, dude." Dagdag pa nito na may kasamang nakakalokong ngisi.

"Shut up! Ang sabihin mo, naiinggit ka lang." Gantin nya. Sa pagkakaalam nya ay wala itong girlfriend pero maraming dine-date.

He chuckled. "Touché." Pinilipit nito ng bahagya ang towel na hawak nito at saka ipinitik sa balikat nya. "Tara na nga, bago pa tayo malunod sa ka-corny-han dito." Turan nito bago lumabas ng locker room. Sumunod naman sya palabas.

Nag-stretching exercises sila at pagkatapos ay pinulong na sila ng coaching staff para sa ilang pahabol na instructons at mga paalala. Sunod ay binigyan sila ng head coach ng mahabang pep talk para palakasin ang confidence level nila.

They sure will be needing all the motivation they could get. Hindi basta-basta ang makakalaban nilang team. Nasa itaas ng leader board ang Petron Jets. Sa anim na outings ay lima ang naipanalo ng mga ito. Just to keep things real, tanggap nya na hindi malakas ang team nya. Marami kasi silang mga bagito at hindi pa sila nakakapag-adjust ng husto sa sistema ng coach nila. Baka next year ay isa na sila sa mga powerhouse teams pero hindi sa ngayon.

Despite sa napipintong mabigat na laban ay magaan ang mood nila ng lumabas sila ng dugout. Along the way nakasalubong nila ang kanilang team manager at si Carlee. Binati sila ng mga ito ng "Goodluck". As usual, pagkakita nya kay Carlee ay kumabog na naman ang kanyang dibdib. Alam nyang hindi tama na ganon parin ang reaction nya rito dahil may girlfriend na sya. In his defense, he was really trying to get over her. Alam nyang time will come na mawawala din ito nang tuluyan sa sistema nya. It was only a question of when.

Pagtapak nila sa court ay muli kumabog ng mabilis ang kanyang dibdib na parang lalabas na sa rib cage nya. this time, hindi si Carlee ang dahilan kundi ang pinakamamahal nyang larong basketball. Ganon sya palagi everytime na sasalang sa loob ng court. Alam nyang normal lang na makaramdam sya ng kaba. hindi rin naman maganda kung walang daga sa dibdib dahil mawawalan ng thrill ang laro. Aside from that ay walang pag-uugatan ang adrenaline rush nya na syang nagtutulak sa mga tulad nyang atleta. Ilang nimuto rin silang nag-practice shots bago pinabaik sa bench ng mga court officials. Maya-maya pa ay nagsalita na ang comentator. Halos hindi na nya naintindihan ang mga sinabi nito dahil sa rumaragasang dugo sa kayang mga ugat. Ilang saglit pa ay isa-isa nang tinawag ng barker ang starting five ng team nila. Una ay ang power forward nilang si Mark, kasunod si Jonny, kasunod ang pangalan nya. That was their cue to run to the middle of the court. Nang makompleto na sila ganon din ang kabilang team ay pinapwesto na sila ng referee sa pinaka-sentro ng court para sa jump ball. Tumunog ang buzzer at inihagis nito ang bola sa ere. Ang mas matangkad na center ng kalabang team ang nakatapik ng bola papunta sa basket ng team nito. And with that ten young athletes rushed to that side of the court. It was game time...

Napapailing si Carlee habang pinapanuod ang nangyayari sa basketball court. The truth is bored na sya kahit na kaka-start palang ng game. gusto na nyang matapos na agad ito. Kung pwde nga lang syang hindi manuod ay wala sya doon for sure. Pero di sya pwdeng mawala sa tabi ng boss nya kung sakaling may ipag-utos ito sa kanya. Kaya kahit ayaw nya is wala syang choice but to sit there and watch something she wasn't interested at all. Mabuti sana kung yon lang ang kailangan nyang gawin pero hindi dahil kailangan pa nyang palabasing nag-eenjoy sya sa pinapanuod nya. If only she had a choice, di sana iyon ang trabahong pinili nya. Nagkataon lang talagang sa lahat ng pinag-apply-an nya noon ay ang SM Corp lamang ang nagbigay sa kanya ng pinakamaking salary offer kaya kailangan nyang maging praktikal.

Ang sabi na lamang nya sa sarili ay pansamantala lamang sya sa trabahong yon. Naroon lang sya pra mag-ipon ng pera. Siguro mga dalawa o tatlong taon pa ay pwede na syang mag-resign at ituloy ang naudlot na plano nya sa buhay.

Napa-buntong-hininga sya. Sa kasalukuyan ay nasa basket ng kalaban ang mga manlalaro. "They're like little boys" she thoght to herself. Bakit hindi umayos ang mga ito at umakto nang naayon sa edad nila? Nasa harap nya ang sampung kalalakihan na pawang matitikas, malusog at mukha namang kahit papano ay may laman ang kukote. Hindi nya maintindihan ang mga ito. Dapat instead na basketball ang atupagin ay gumawa nalang sana ang mga to ng mga makabuluhang bagay.

Naka-shoot ang kalaban dahilan para magsigawan ang kalahati na Arena. Napa-buntong-hininga uli sya habang pinagmamasdan ang mga hyper na fans. Wala bang ibang mas importanteng bagay na dapat pagtuunan ang mga ito? Kung sya ang tatanungin ay nag sasayang lang ng oras mga ito doon. At bakit kung umasta ang mga ito ay daig pa ang nanalo ng house and lot? Para nai-shoot lang ang bola sa basket. Ano ang dapat ipag-bunyi don? Hindi talaga nya magets ang logic ng mga ito. Another thing na hindi nya maintindihan ay kung bakit abot langit ang sahod ng mga basketball players. Sa tingin nya ay hindi tama yon. Much better siguro kung imbes na solohin ng mga ito ang ang pagkalaki-laking sahod ay ibahagi na lamang iyon sa maliliit na mga impleyado ng SM Corp. That way, instead na iilan lang ay mas marami ang makikinabang at masisiyahan. Once more, she sighed.

Paglusot ng bola sa ilalim basket ay natapik iyon ni Jonny patungo sa direction ni Richard. Walang itong sinayang na sigundo. Patakbong lumipat ito sa kabilang dulo ng court habang nagdi-dribble.

Pagkatapos ay ibinato nito ang bola kay Jason na nasa tapat nya. Halos limang dipa lang ang layo sa kanya ng binata. Sa unang row ng patron seats sila nakaupo, sa likod mismo ng bench ng team nila. Dahil malapit lang to sa kanya ay kitang-kita nya ang paggalaw ng mga muscles nito nang itaas nito ang magkabilang braso at pumorma sa pag-shoot. Ayaw man nya ay humahangang napako dito ang mga mata nya. Mukhang nasa wrong place ito. Dapat nasa museum ito hindi doon sa court. Para kasi itong buhay at gumagalaw na greek god sculpture. Sa isip nya.

Nang ine-relese nito ang bola ay nahugot nya ang hininga niya. Pigil-hiningang sinundan nya ang patawid na bola sa ere. Nang pumasok yon sa basket ay saka lang niya pinakawalan ang hangin sa mga baga.

Biglang hiyawan ang kalahati ng arena. Maging sya ay napapalakpak ng di nya namalayan. Three pionts shot kasi ang binitawan ni Jason a dahil don ay napunta sa SM Giants ang lead. Lalong lumapad ang ngiti nya nang makitang nakangiti rin sa Jason. Napa "Yes" ito at napasuntok pa sa hangin. "Ang cute talaga ng koreanong hilaw na to." sa loob-loob nya. Aliw na aliw sya pag ngumingiti ito dahil nagiging guhit ang mga mata nito.

Naaalala nya nong time na nililigawan palng sya nito. Ang daming babaeng inggit na inggit sa kanya. Noon namang binasted nyo to ay andami namang nagtanong sa kanya kung nasisiraan na raw ba sya nga bait. The reaction was understandable, Good catch naman talaga si Jason. Aside from being hundsome and wealthy, mabait at thoughtful pa ito.

Para wala nang mahabang paliwanagan ay pinalabas na lang nyang hanggang maaari ay ayaw nyang makipagmabutihan sa isang basketball player dahil gusto nyang umiwas sa kumplikasyon sa trabaho.

Sa isang banda, totoo naman ang sinabi nya pero her main reason ay dahil sa palagay nya ay hndi ito reponsible. Mabait ito kung sa mabait at gwapo kung sa gwapo pero parang hindi ito seryoso sa buhay at hindi sya bilib sa mga ganong klase ng tao.