Chereads / Sweet Second Chance / Chapter 1 - I missed you

Sweet Second Chance

🇵🇭AnaJung
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 40.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - I missed you

Lahat ng instructions na ibinigay kay Carlee ng boss nya ay masinop na itinala nya sa kanyang notepad.

"Anything else?" Tanong nya pagkatapos nitong isa-isahin ang mga gusto nitong gawin nya sa araw na iyon.

"No. That's it for now. Bigyan mo nalang ako ng feedback within the day kung ano ang status ng mga pinapagawa ko sayo."

"Okay, Boss Jim, will do." Isinara na niya ang notepad. Noon niya napansin ang nagbi-blink na incoming call button ng telepono sa ibabaw ng kanyang desk. Wala siyang idea kung gaano katagal nang nagbi-blink iyon, tanda na may naghihintay pang tawag para sa kanya.

Nagpasalamat si Mr Jim at saka nagpaalam na. Nang mawala na ito sa linya ay maagap na pinindot niya ang plunger at kasunod ay ang incoming call button naman na pinindot niya.

"Good morning, this is Carlee speaking. How may i help you" Her reply was automatic.

"Ma'am Carlee, si Roque po ito, yong guard sa lobby."

"I see. Ano'ng meron Mang Roque?"

"Kasi ho, Ma'am, hindi ho ba ang bilin ninyo, kapag dumating si Sir Jason ay abisuhan namin kayo?Nandito po sya ngayon."

Sumikdo ang kanyang puso. It had been two weeks since she had last seen or heard from Jason. Kahit maya't maya ang pagtawag nito sa kanya ay hindi niya ito kinakausap. She deliberately refused to answer his phone calls. Kapag sinasadya naman sya nito sa apartment ay hindi rin nya ito hinaharap. Bahala na rito ang mga housemates niya.

Naiinis parin sya rito pero mas naiinis sya sa kanyang sarili dahil sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay sumisirko sa kilig at tuwa ang kanyang puso sa kaalamang nasa iisang building lamang sila.

"Gano'n ba? N-nasaan na sya?" Tanong nya.

"Paakyat na po. Kasasakay lang po ng elevator." sagot nito.

Nagpasalamay siya at saka nagpaalam sa kausap na guwardya. Pagkatapos ay dali-daling lumabas siya ng opisina. Usually hindi niya ina-avail ang fifteen minute coffee break niya ngunit dahil sa kagustuhan niyang umiwas kay Jason ay mapapa-break tuloy siya ng wala sa oras.

Pagkatapos ng mga nangyari ay ngayon lamang nito naisipang magtungo sa opisina niya. Kaya hindi niya alam kung papaano i-hahandle ang situition. Hindi niya alam kung tama bang mabahala siya dahil lamang alam niyang naroroon ito. Hindi naman siya nakasisiguro na siya nga talaga ang dahilan kaya nagpunta ito roon. Baka hindi naman pala siya ang pakay nito. Subalit kung ano't ano man, mainam na ring mawala muna siya sa opisina. Better safe than sorry, wika nga. Ayaw niyang makita at makausap ito. Isa pa, wala naman na silang dapat na pagusapan pa. Nasabi na niya rito ang lahat nang gusto niyang sabihin nang gabing iyon.

Kaya nga hindi niya sinasagot ang mga tawag nito. Para que pa? Ayaw niyang marinig ang "sorry" nito. Ayaw niyang bigyan ito ng chance na mag-explain. Ano ang buting idudulot niyon sa kanya? The damage has been done. Gagaan lamang ang loob nito sakaling makapag- "sorry" ito sa kanya. Na baka tanggapin din niya. Kumbaga, mababawasan ang kargo de konsiyensiya nito. She did not want to give him that satisfaction. Ano ito, hilo? Pagkatapos siyang lokohin nito? No way!

Nagtungo siya sa hagdan kung saan nakahuntuhan niya ang ilang ka officemate niya. Ang lugar na iyon ang official smoking lounge nila. Hindi siya naninigarilyo kaya alam niyang hindi siya doon hahanapin ni Jason kung sakali. Nang sa palagay niya ay enough na ang oras na itinagal niya roon ay nagbalik na siya sa opisina niya. Narealize lang niya nag pagkakamali nang mabuksan niya ang pinto. Sana pala ay nagtanung-tanong muna siya sa mga kasamahan niya sa labas. Pero it's too late dahil nasa harap na niya si Jason. Kampanteng nakatayo ito sa gitna ng opisina niya, sa tapat ng kanyang desk. Maliwanag na hinintay siya nito kaya ito naroroon.

"I missed you." Bungad nito sa kanya.

The feeling is mutual. Na-miss din niya ito pero hindi niya sasabihin pa iyon dito.

"Hindi ba sabi Ko sa iyo, tigilan mo na ako?" Sa halip ay malamig niyang sagot.

"We need to talk. We can't end like this."

"Well, it's too late. Natapos na tayo, that is, kung naging 'tayo' nga."

"No. I refuse to accept that."

"Hindi na mahalaga kung ano ang gusto mo. Wala ka nang magagawa dahil ayoko na. Face it, Jason. This will never work. Nawala na ang tiwala ko sa iyo at mahirap nang maibalik pa iyon."

"But you have to try." Sagot nito. Bakas ang frustration sa mukha nito.

"Why? Bakit pa?" Malamig niya tugon

Humakbang ito ng isa palapit sa kanya. Tila itinulos naman siya sa kinatatayuan dahil sa seriousness na nababakat sa mga mata nito.

"Didn't it ever cross your mind that maybe..."

Humakbang uli ito palapit sa kanya. "Right this very minute...." He took another step closer. He was so close she could smell him. Ipinatong nito ang kamay nito sa kanyang puson. "A small life could be growing in here."

Napasinghap siya at nanlaki ang mga mata sa sinabi nito. The thought never crossed her mind but it was a strong possibility. Hindi pa siya binibisita ng buwanang dalaw niya mula nang may namagitan sa kanila.

Marahil ay nabasa nito ang pagkabahala sa kanyang mukha dahil unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi nito.

"That, my dear Carlee, is the reason why."