Chereads / The Scent of Savage / Chapter 16 - First bonding

Chapter 16 - First bonding

"What?" Zedrick asked.

Luminga siya para humanap nang isasagot. Nagmukha siyang nilatagan ng exam na hindi nakapag-review. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito. "I am-" Her stomach growled as her eyes grew wider. She hurriedly looked at him.

Mula sa pagkalito ay napalitan nang pang-iinsulto. "What Thaysky?" The mocking on his voice was evident on how her name rolled on his tongue slowly.

Yumuko siya at hinimas ang papansing tiyan. "I'm hungry," she spilled the obvious. She heard him chuckled.

"Okay. Where do you want to eat?"

She looked up and met his amused eyes. "I don't have any specific choice but I can eat anything." Tumango-tango pa siya.

Tinaasan siya ng kilay nito. "Anything?"

Tinuwid niya ang kanyang likod. Ngumiwi siya nang maramdaman ang hapdi mula roon. "Yeah. Let's go? I'm. Really. Hungry." Sinundan niya ito nang tingin noong lumapit at sinisilip ang likod niya. "Why?"

Walang patumanggang tinaas nito ang t-shirt niya at napamura sa nakita. "Where did you get that?"

Hinawi niya ang kamay nito. Pilit na humaharap. "Sanga. Kalmot lang. Malayo sa bituka."

His jaw clenched. "It's bleeding, Thaysky. Let's go to the Clinic."

Ayaw niya sana pero nakaramdam din siya ng takot na baka nga malaki. Bumalik sila sa kuwadra at ibinalik ang mga kabayo. Sinamahan siya nito.

"Anong nangyari?" bungad ng babaeng nurse. Ang atensyon nito ay nasa likuran niya.

"May sugat siya sa likod. Pakigamot nalang," sagot naman ni Zedrick.

Halos mapairap siya nang mamula ang babae.

"Follow me."

Bago sumunod dito ay tinapunan niya ng masamang tingin ang patay-malisyang si Zedrick. Nahuli niya itong nakatingin sa makinis at maputing binti ng dalagitang nurse. When he noticed that she isn't moving, he looked back at her. "Hurry up, Thaysky."

Umismid siya. Padabog na pumasok. Gustong-gusto niyang magwala pagkalabas sa Clinic. Walang ginawa 'yung nurse kung hindi ang humagikgik sa kilig habang kausap si Zedrick. Hindi niya tuloy matingnan kung maayos ba ang ginawa nito sa sugat niya.

"Do you eat Kare-Kare?"

Kumunot ang kanyang noo. "I don't know what kare-kare is. From which meat does it make?"

May kakaibang kislap ang lumandas sa mata nito noong tumitig ng saglit. Hindi na siya hinintay nito na sumang-ayon. He ordered kare-kare and even some unfamiliar dish.

They seated across each other on the far side of the restaurant. Hindi niya mapigilang luminga. Gawa sa matibay na kawayan ang buong bahay. Malawak at may ikalawang palapag. Lahat ng gamit ay organic at manmade. Ang lakas makadugong pinoy ng ambiance. Maraming kumakain dahil malapit sa eskuwelahan, simbahan at kalapit na subdivision. Mas marami ang couples na kumakain kaysa estudyante. May iilan pa sa isang mesa ay pamilya.

Habang nilalatag ng waitress ang order nila ay panay ang sulyap nito sa kasama niya. It bothered her if the people could be noticed her. Or if they did, what could they think of her? If girlfriend, of course, they will be afraid. And by judging the way they bore their eyes with Zedrick, they are yelling to her face that she looked like his siblings, a younger sister.

"Hey!" sigaw niya nang makitang tumapon ang sabaw sa mesa.

Humingi ng paumanhin ang babae at nagmamadaling kumuha ng tissue para alisin. Nang matapos ay muling humingi ng patawad at umalis. Tumikhim si Zedrick kaya lumingon siya rito. Tinaasan siya nito ng kilay.

"Spoiling food is a bad mannerism. If my Auntie would see that she will surely got punish." Pagsisinungaling niya kahit pa ang totoong intensyon niya ay palayasin ang babae.

The side of his lip rose up. "That means you will eat this all."

Bumaba ang kanyang atensyon sa mga hindi kilalang pagkain sa mesa. Napalunok siya nang makita ang puting may ginutay-gutay na laman, itim na ulam na nasa mangkok at sa kare-kareng may pagkakahalintulad sa Afritada. Nanatili ang titig niya sa puting ulam. Natatandaan niyang paborito iyon ni Eury. Hindi niya alam ang pangalan noon. Hindi rin niya alam ang lasa, pero tiyak na masarap kung nagustuhan ng mismong kapatid.

I'll taste it now. Gamit ng serving spoon ay tumikim siya.

Zedrick watched her carefully. "How is it?"

Tumango-tango siya nang manoot ang malinamnam na lasa ng gata sa kanyang dila. "Well, I think I'm going to love this one." Muli siyang kumuha. "What meat is this?" she asked innocently.

"It's vegetable, Thaysky. They called it Ginataang Langka." Sinalinan nito ng itim na ulam ang plato niya.

Namilog ang mata niya nang makita ang itim na sauce ay humawa sa puti. Sa tatlong putahe ay iyon yata ang pinakaayaw niyang tikman.

"Try it, Thaysky. Samahan mo nito." Kumuha ito ng puto at inilagay sa plato niya. He even taught her how to eat it.

Ginaya niya iyon at pikit-matang kinain. Halos maiyak siya noong malunok sa sobrang takot. Hindi naman talaga siya maarte. She ate ampalaya, which is one of her favorite vegetables. She even ate okra and kalabasa. She knew papaitan, alugbati soup, and picadillo. Kaya niyang kainin lahat ng iyon kahit ang laman ng kambing. Mga putaheng kayang lutuin ng kanyang Auntie Axis.

Zedrick's heartily laugh made her open her eyes. For some reason, it made her heart flutter. If only eating this dark dish would make him laugh all the time, well, she would be glad too.

Tinawanan din siya nito maging sa palpak na pagtikim sa kare-kare. Sabi niya ay walang lasa, iyon pala ay dapat sinasamahan ng bagoong. Nalaman din niya ang pangalan ng itim na ulam at kung saan gawa. Dinuguan.

Tawa sila nang tawa ni Zedrick nang matapos kumain hanggang maihatid sa Mansion nila. Pinangakuan siya nitong patitikimin siya ng iba pang Filipino food. Sumang-ayon siya sa ideya nito. Pabor sa kanya iyon dahil maiipon ang mga dahilan para magkita silang muli.