Chereads / The Scent of Savage / Chapter 17 - Remember the past

Chapter 17 - Remember the past

Nagpatuloy siya sa kanyang routine kada Lunes hanggang Huwebes na seryoso sa pag-aaral. At kapag Biyernes naman ay hyper siya dahil magkikita silang muli ni Zedrick. On her first two Friday's training were strict and focus. Zedrick was not harsh anymore. They were enjoying each other's company now. Pagkatapos mag-ensayo ay saglit silang tumatambay sa burol para panoorin ang nag-haharvest ng bulaklak. Kapag nasawa ay dumidiretso sila sa restaurant para tikman ang ibang putahe.

Hindi lang siya sa school natututo. Kahit sa simpleng pagkain ay lumalago ang kaalaman niya. Sa tulong ni Zedrick ay unti-unti niyang nasasanay ang sarili sa probinsiya. Simple ang buhay pero nakakaengganyo.

"May nakakita sa inyo ni Kuya na kumakain sa restaurant. Akala ko ba training?" Puna ni Paige habang inuusog ang tasa ng sopas sa harap niya.

Kasalukuyan siyang subsob sa pagguhit ng panibagong damit para sa nalalapit na audition. Sa tuwing kasama niya si Zedrick ay naiisip niya ang disenyo na iyon. It's cowgirl style, but modern and a little bit sexy. "What are you thinking, Amorsolo?" Hindi niya ito tinapunan ng tingin.

"Wala. Buti ka pa kasi, pinapakain ng trainor mo." Tumigil ito sa pagkain para lumapit sa kanya. "Kung yelo ka lang, malamang kanina ka pa lusaw. Si Ken kanina pa tulala sa'yo," bulong nito.

Tinabi niya ang ginagawa para kumain. Sinulyapan niya ang nginuso ng kaibigan. Nang magkatinginan sila ni Ken ay saka ito umalis. Naalala niya ang banggaan nito at Drake. Iniwan ni Paige ang dalawa kaya hindi rin nito alam ang nangyari. Wala naman silang nabalitaan na nahuli ang dalawa ng school discipline team kaya ipinagkibit balikat niya nalang.

"Gusto ka talaga niya, Ulap. Totoo bang may boyfriend ka na? Sayang, e."

"I can't like him. May iba akong gusto, Amorsolo."

Iniisip niya iyon hanggang makauwi. Noong huling pagkikita nila ni Zedrick, tinatanong niya ang sarili kung gusto niya ba ito o baka paghanga lang. Hindi kasi ganito ang nangyari sa kanila ni Kevin. Nagsimula sa pagkakaibigan na nauwi sa relasyon. Nasanay na magkasama. Walang kakaibang pintig sa puso niya, hindi gaya ng magkasama sila ni Zedrick. Her heart is beating fast each time she will caught him staring at her. There is something on his eyes as if there was a mystery that she needed to resolve. His eyes is pulling her into his world and she can't escape on it. She can't resist instead she let herself to be pulled.

Hindi nga lang siya tiyak kung may naghihintay sa dulo. Basta ang alam niya lang ay nananabik siyang makita ito. Masaya siya kapag kasama si Zedrick.

Wala sa sarili niyang sinilip ang notification sa Instagram. Marami ang humihingi ng update. Oh yeah. I've been busy and forget about it. I need to follow up on my last post. It's been two weeks. But... how can I do it?

Natulala siya sa kalendaryo ng kanyang cellphone. Huwebes ngayon at bukas ay Biyernes na. Magkikita na naman sila.

The time run really quick. Hindi niya naramdaman ang buong maghapon dahil sa pagiging abala nila sa group work at oral recitation. Nagitla na lamang siya nang biglang magtayuan ang mga kaklase mula sa malakas na bell. Hudyat iyon na tapos na ang klase sa araw ng Biyernes. Hindi pa siya tapos sa lecture. Nataranta siya nang tumayo si Paige. Kilala niya itong mabagal magsulat pero naunahan pa siya. Ugh!

"Bilis, Ulap!" tukso pa nito.

Tatlo pa sila sa klase ang hindi tapos. Bakas ang pagkainip sa mukha ng guro nila noong sumulyap ito sa relo mula sa bisig bago sa kanila.

Damn it! Kumulot na halos ang sulat niya mapabilis lang. Nang matapos ay tumayo siya para ipa-check sa guro ang notebook. Binuklat nito ang naunang pahina bago tumingin sa kanya. I didn't skip, hello. Nakahinga siya nang maluwag nang magsimula itong pumirma. Nagpasalamat siya rito bago tumalikod. Binilisan niya ang pag-aayos ng gamit. Nilingon ang naunang lumabas na si Paige. Naabutan niya itong kausap si Benny. Sa gilid nito si Zedrick na patay malisya sa mga sumusulyap na estudyante.

"Bakit hindi ka pa ready?" Bungad niya habang minamata ang kasuotan nito.

He is wearing his school uniform. His ID laced told her that idea. He was studying at the Rios De Rima Colleges Incorporated. "Doon tayo sa amin. Magbihis ka na."

Tumango siya at tumalikod.

"Saan kayo, kuya?" Naulinigan niyang tanong ni Paige.

Hindi niya na narinig ang sinagot ni Zedrick dahil nakalayo na siya. Habang nagbibihis ay napapangiti siya. Ang salitang sa amin ay patunay na dadalhin siya sa bahay nito. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at agad nagmadali sa pagbalik.

Naabutan niya itong may kausap na dalawang senior na babae. Ang isa ay may binibigay ang cellphone kay Zedrick.

"Crush ka ng ate ko. Pinapakuha niya ang number mo," turan noong nag-abot ng cellphone.

Umismid siya. Sa lahat yata ng idadahilan para makakuha ng number ay iyon ang pinakasablay. Lumapit na siya. "Baby boy, what are you doing?"

Nilingon siya ni Zedrick. Tinaasan siya nito ng kilay. Samantalang ang dalawang babae ay napaatras at umalis agad.

"What is that?"

"I'm helping you. See... it works."

Inilingan siya nito at nilagpasan. Tumakbo naman siya para makasabay dito. Nangingiti siya habang sinasabayan ang malalaking hakbang nito. Doon sila dumiretso sa parking. Nakita niya roon ang Wrangler nito.

"Hindi ko gagamitin si Kidlat?" tanong niya rito.

"Pinakuha ko na kay Caesar kanina pa."

Tumango siya. Umikot para makasakay sa passenger side. Habang sinusuot ang seatbelt ay pinapanood niya ito. "You are late today," puna niya.

"May defense kasi kami. How's school?"

"Normal. Nothing new. How's your defense?"

He stepped on the gas before he answered, "Nagkaroon ng problema kaya natagalan ako."

Humarap siya rito. Ito naman ay casual lang. Nagawa pang lumingon sa kanya na biglang natahimik. "Does your school far from here?"

"Medyo."

Kumunot ang noo niya. Sa biyahe nilang kuwarenta minuto ay ang aga na nila gumising. Paano pa kaya ito? Tapos kapag Biyernes ay tinuturuan pa siya. Naalala niya ang pagtulong nito sa pag-aani. "So, you are waking up so early?"

"I stayed on our rest house. From there it will be five minutes far from my school."

Ngumuso siya. Marami pa siyang lugar na hindi napupuntahan. Gusto niyang makita ang school nito. Gusto niyang mapuntahan ang rest house nito. Humilig siya sa back rest at pinanood ang pagmamaneho nito. Ganoon siya sa mga nagdaang ilang minuto hanggang sa mapansin niya ang hilera ng mga bulaklak.

Napaayos siya sa pagkakaupo at dinungaw iyon. "These are sunflower, right?"

"Yes."

Umikot ang sasakyan kaya nagkaroon siya ng view sa iba pang bulaklak. Hindi siya makapaniwalang makakapunta siya rito ng malapitan. Nakikita niya lang ito sa burol. Saglit siyang natigilan at nilingon si Zedrick.

"Who's the owner of this flower farm?"

Huminto ang sasakyan. Bumaling sa kanya si Zedrick pero hindi sinagot ang tanong niya. Ginaya niya itong bumaba. Lumapit si Caesar tangan ang dalawang bagong pitas na sunflower.

"Boss, ito na 'yung pinapakuha mo." Nang maibigay nito ang bulaklak kay Zedrick ay tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Good afternoon, ma'am."

"Oh, hi. How are you?" she said.

Nagkamot ito ng batok. Bumaling sa kanyang kasama. Si Zedrick naman ay humagalpak ng tawa. "Kaya mo 'yan. Sagutin mo."

"Tang ina ka boss. Hindi mo sinabing spokening dollar 'to!" reklamo ni Caesar.

"Nakakaintindi ako ng tagalog," singit niya.

Lalong humagalpak nang tawa si Zedrick habang si Caesar naman ay pulang-pula sa sobrang hiya.

Doon sila sa likuran nagpunta. Mayroon doong mga bakod na nakaayos. Sapat na jumping obstacles bukod sa pinakadulong mas mataas. Nag-warm up muna siya. Umikot ng dalawang beses. Sinabi ni Zedrick na hindi niya kailangang madaliin. Kapag hindi niya kaya ay huwag pilitin. Nagpaalam din itong iiwan siya saglit.

Sa unang subok niya sa maliliit ay ganado pa siya, pero noong sa pinakamataas na ay agad siyang tumigil. Pilit siyang binabagabag ng alaala ng kahapon. Pumikit siya at inisip ang dahilan kung bakit siya bumalik sa pangangabayo. Kailangan niyang makuha ang loob ng ama. Para sa pagsusumikap ni Zedrick na turuan siya. Sa suporta ng kanyang tiyahin at ina. Sa bawat pag-aalala ng nakatatandang kapatid.

Bumalik siya sa kaninang puwesto para kumuha ng buwelo. Tinitigan niyang maigi ang apat na obstacle. Humugot siya ng hangin bago sumigaw, "Hiya!"

Tumakbo si Kidlat. Muli niya itong nilatigo para sa sapat na bilis. She gripped the leash and prepared her body for a small jump. When finished the three obstacle, she eyed the biggest one. Isa rin sa mga dahilan niya kung bakit siya sumali ay para patunayang hindi siya mahina. May tiwala siya sa sarili. May tiwala siya sa kakayanan ni Kidlat.

Buong lakas na tumalon si Kidlat. Sinabayan niya ito sa gayon ay parehas silang lumutang sa ere. Ngumiti siya nang maramdaman ang kakaibang kiliti sa tiyan. Kidlat, salamat. Nag-unahan ang luha sa kanyang pisngi noong matiwasay na nakalagpas sila. Kinabig niya agad ito para tumigil.

Wala namang kumpetisyon pero walang tigil ang pagluha niya. Tracy, did you see it? I can finally jump