Chereads / The Scent of Savage / Chapter 15 - Infatuation

Chapter 15 - Infatuation

"When I visit your school to get your documents."

Hindi siya nakaimik. Nakuha niya ang documents noong ikalawang linggo niya rito. Ibig sabihin ay matagal ng alam ni Kevin ang lugar ng Casa De Rios pero hindi manlang siya binisita. Kung mahal siya nito ay papatunayan nito sa effort. Pero nitong huli ay nakita niya ang profile picture na pinalitang mukha ni Violet. Ito ang unang sumuko sa relasyon nila. Hindi siya nito mahal.

Muling umahon ang galit sa kanyang dibdib. They both fool her. "That's impossible, Auntie. We broke up. And guest, what! He had a relationship with my slut bitch friend, Violet."

She explained with her Auntie everything. How did they end up like that, even her hunch? And also her revenge and about Zedrick. Sa dami ng kinuwento niya rito ay kay Zedrick lang nagtanong matapos mapanood ang video.

"He is only a third-year college, right, Thaysky?"

Tumango siya nang agresibo. "He is really hot... all the God's of Mt. Olympus would be a shame at his presence, Auntie. Did you see his muscle? I already touch that!" Pagyayabang niya na agad natigilan nang biglang bumukas ang pinto.

Sumilip mula roon ang kanyang tiyahin na si Criselda. Kunot ang noo nito habang tinitingnan ang cellphone niya bago nanatili sa kanya. "It's past eleven, Sky. Bakit hindi ka pa natutulog? Tama na ang internet at matulog na."

"Opo, Auntie." Kunwari ay may pinindot siya sa cellphone at tinago iyon sa unan. Pagsara ng pinto ay muli niyang hinarap ang kausap. "I need to go. Let's talk that tomorrow. All the details. I will introduce you also with him."

"No problem, Munchkin. I shouldn't give your address to Kevin. That fucker. Anyway, I would be glad to meet him soon. Good night there. I love you!"

Ngumisi siya bago pinatay ang facetime. Para siyang nanalo sa lotto dahil sa reaction ng Auntie niya. Hindi niya ito masisisi. There were lots of good looking at Australia but Zedrick is literally incomparable to any of her batches. A persona that you could barely see in a vast jungle or lost paradise. She smiled devilishly before she closed her eyes. Tomorrow is Friday. That means I will see him again. I am excited.

Her Friday morning was casual. She checked her things and extra clothes for the training before she fixed it on the back seat. Nagpaalam siya sa Auntie niya na mahuhuli ng uwi. Tumango naman ito kaya tumulak na sila.

Habang ka-text si Paige ay sinulyapan niya si Simon na panay ang lingon sa kapatid niya. Nasanay na siyang sumasabay ito sa kanila. Masaya ang kapatid niya kapag kasama ito kaya tinanggap niya na. Mas matimbang ito kaysa kay Brandon. She will support Eury for Simon. If their father will be against with the two, she will stand beside her sister. Dapat na makasama ng nakatatandang kapatid ang taong mahal nito. Iyon ang nararapat dito, kaysa sundin ang mali. Hindi niya hahayaang sa huli ay magiging sunod-sunuran ito sa kanilang ama.

Bago bumaba ay sinulyapan niya ang dalawa bago ang kanilang driver. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi nito nakita.

"Alam mo, ang lakas ng tama sa'yo ni Ken. Lagi ka niyang inaabangan kapag break time at uwian," Paige murmured on her side.

Sa mga nagdaang araw ay lagi niyang tinatanggihan si Ken. Dumating pa sa puntong hindi siya kumain at nagpakagutom sa Library para hindi siya gambalain nito. Pero sa tuwing gagawin niya iyon ay si Drake naman ang susulpot.

"I told him I loved somebody else. I wished he get what I mean by that," sagot niya nang maalala ang eksena kahapon.

Hinarang siya nito noong patungo sa classroom ng kapatid. Ken looked serious with her. It hurts her heart to see him down but what can she do. When her evil mission was done, Ken will eventually ended up busted. Mabuti na iyon kaysa paasahin nang matagal kahit pa wala naman talaga siyang nararamdaman. Mas masakit ang malamang pinaglaruan at hindi minahal kaysa sa ipinagpalit.

Tama si Zedrick dahil masama ang manggamit ng kapwa, lalo at hindi alam ni Ken ang totoong pakay niya. Binabagabag lamang siya ng kanyang kunsensiya. Pumayag si Zedrick na maging kapalit nito. Walang problema dahil hindi naman siya nito gusto. Kapag natapos ang misyon ay walang masasaktan dahil parehas nilang hindi gusto ang isat isa.

"Classmates, wala si Sir. Puwede na raw umuwi. Basta 'yung last topic pag-aralan daw dahil may quiz sa Lunes." their Class President declared.

Masayang-masaya ang mga kaklase niya. Ganoon din si Paige na tumalon pa sa sobrang tuwa. "Maaga tayong makakapag-training sa HBR Club," ang kinikilig nitong bulong habang nakaharap sa cellphone.

Dumiretso na sila sa Comfort Room para magpalit ng damit. Ang ilan sa nadadaanan nilang klase ay naghahabaan ang leeg sa paglingon sa kanila. Nauunawaan niya kung bakit. Ikaw ba naman ang maagang pauwiin. Natapat pang Biyernes.

Sabay silang huminto nang makita sa unahan si Drake.

"Wala kayong teacher?" tanong nito sa kanya.

"Wala. May emergency si Sir," si Paige ang sumagot.

Lumapit si Drake sa kanya at bahagyang umuklo upang titigan siya sa mga mata. "Bali-balitang sinagot mo si Ken? Totoo ba?"

Nakuha nito ang kanyang atensyon. Walang nakakaalam ng tungkol doon, kahit ang mismong kaibigan. "You're bluffing, Drake. That's not you." Hinila niya si Paige para magpatuloy pero sumabay sa kanila nang lakad ito.

"Ang dami mong manliligaw dito. Pero wala ka pang sinasagot. Bawal ba talaga? Kay Eury kasi maraming sumubok pero lahat sinasabihan niyang kapag graduate niya nalang ng college." Bahagya itong tumawa.

Umangat ang sulok ng kanyang labi. Maybe to stop him is to tell a lie. "I already have a boyfriend," deklara niya.

Sabay na tumingin ang kasama niya sa kanya. Si Paige na sumungkit ang mata. While, Drake muttered a curse before he bitterly laughed. "Si Ken ba 'yan, Sky?"

Umiling siya dahil mukhang lalo siyang hindi lulubayan nito.

Drake is a cool guy. He is obviously ponded with her but he didn't confess it with her directly. He is actually handsome. Tipong kung ihahambing sa ibang estudyante ritong lalaki ay isa ito sa tititigan mo. He is tall but Ken is way taller. She likes him as a friend only, though.

Hinawakan siya ni Drake sa kamay. "Who's the lucky guy, Sky? Tell me," he insisted.

Umirap siya sa kawalan at itutulak sana ito. Kaso'y biglang bumuwal ang lalaki sa sahig. Natakpan ng imahe ni Ken si Drake noong kuwelyuhan ito at muling aamba ng suntok.

"Uy, tigilan mo 'yan Ken. Hindi siya ang boyfriend ni Ulap." Si Paige na pilit pinaghihiwalay ang dalawa.

Sa takot ay natulala siya sa puwesto. Sapo ni Drake ang duguang labi. Masama ang titig nito kay Ken na ganoon din. Si Paige naman ay tinutulak si Ken palayo.

Nagitla siya sa kamay na humablot sa kanya palayo roon. What the— Dumoble ang kalabog ng dibdib niya nang makilala kung sino ito. Sinubukan niyang pumiksi pero masyadong mahigpit at parang bakal sa tigas ang mga daliri nitong nakahawak sa payat niyang braso.

Dinala siya nito sa kuwadra. Iniwan upang makuha si Kidlat.

Sumunod siya rito para tingnan kung galit pero pilit itong nakatalikod sa kanya. Nag-aalala siya kung nakita nito ang nangyari. Huminga siya nang malalim bago kumuha ng ilang dayami para ibigay kay Kidlat.

Bumaling ito sa kanya dahil doon.

Ngumiti agad siya. "Ang aga mo yata," inosente niyang wika.

"What are you doing? Get ready. We are going to start our training," malamig nitong sabi.

Ngumuso siya. Halos mapatalon ng ipatong sa ulo niya ang helmet. Is he mad because of Ken and Drake? Binuksan niya ang pinto at hinila si Kidlat palabas. Gusto niyang magtanong dito pero pinili niya nalang ang manahimik. Sumunod siya ritong hila ang sariling kabayo. Nang sumampa ito sa kabayo ay gumaya na rin siya. Tahimik siyang sumunod dito habang inaayos ang suot na helmet.

Lumagpas na sila sa hangganan ng eskuwelahan. Kuryoso niyang nilingon ito. Nagtindigan ang balahibo niya nang mahuling nakatingin ito. "Where are we going?" Umiwas siya nang tingin ng umihip ang panghapong hangin. Sa gilid ng kanyang mata'y naaaninaw ang tensiyonado nitong v-line.

Tinaasan siya nito ng kilay. "Same spot," he casually respond.

Tumango siya. Dalawang beses nilingon ang hindi nakilalang dalawang puno ng Kamatsili. Hindi na masukal ang daan at tanaw ang dulong burol. Sinibulan siya nang pananabik. "Are we going to race again?"

"No!"

Hininto niya si Kidlat at nilingon ito.

He coldly showed the stopwatch on his hand. "You are going to run back and forth within ten minutes. This is your training for today."

Tumango siya. Nilagpasan ito para dumiretso sa tapat ng mga halaman. Huminga siya nang malalim bago ito nilingon. Sa tantsa niya ay hindi gaanong kalayo ang agwat ng daan na iyon. Masyadong matagal ang sampung minuto. Is he underestimating my speed? "Make it five minutes."

Wala itong sinabi pero bakas ang tinatagong ngiti sa labi. "Alright. Ready?" he said not minding her opinion.

Watch me carefully, Baby Boy. Ngumisi siya bago sumagot, "Always."

Tinaasan siya nito ng kilay. "Then, go!"

She held the folded leash tightly before she quickly whipped the horse. Bahagya siyang umuklo at sinabayan ang galaw ni Kidlat. Hindi pa nga niya nasusubukan ang bilis ng kabayo. Pero kung babalikan ang dating bilis nila, masasabi niyang sanay ito sa matarik na daan, pagtakbo ng mabilis at pagtalon.

Yumuko siya nang biglang may sangang sumulpot na hindi niya napansin kanina. Napamura siya nang maramdamang humagod iyon sa likod niya. Muli siyang napamura nang dumulas ang paa ni Kidlat at muntik na makabitaw sa tali. The adrenaline rush filled her system when she tried to lock her finger on the end of the leash. She glanced on her both legs that were tense. Come on, Thaysky. This is easier than your training before. Her balance is not equal. Dahil sa pagkakadulas ay kalahati ng puwet niya ang nakaupo. Kaunting kilos ay tiyak na malalaglag siya.

Butil ng pawis ang namuo sa kanyang noo. Ngumiti siya sa pamilyar na kabang nararamdaman. Mahilig siya sa delikadong pagsubok. At kaakibat ng bawat tagumpay ang ilang pagkakamali. Nagdaan na siya sa ilang aksidenteng hindi maiiwasan. Ang ipinagkaiba nga lang ay noon ay sanay ang katawan niya, hindi gaya ngayon nitong Lunes lamang nakapagsimula ng ehersisyo.

Nakahanap siya ng buwelo. Maagap niyang inayos ang pagkakahawak sa tali. Nilagay niya ang puwersa sa mga binti para maiangat ang sarili at umuklo muli. Para makabalik ay mabilis niyang kinabig ang kabayo. Her waist twisted from the sudden movement. She winced when she felt the sting of pain from her back. Isinusumpa niya ang sangang kumalmot sa likod niya kanina.

Pagbalik ay umilag agad siya roon. Nag-aalab ang mata niya nang makita si Zedrick na matamang naghihintay sa finish line. Sumenyas ito ng limang segundo.

Pinalo niyang muli si Kidlat. Tumakbo ito nang mabilis. Gaya ng bilis nang pintig ng kanyang puso.

"Woah," Zedrick blurted out when she passed through him.

Hinila niya ang tali ni Kidlat para bawasan ang bilis. Kumalma ang kabayo at bumagal kaalinsunod. Hinaplos niya ang leeg ng kabayo. "Very good, Kidlat. We are really perfect team."

The horse stopped beside Zedrick's horse.

"How was it?" tanong niya

"You are five seconds late."

Umismid siya. "I thought that sign means I still have five seconds. Let's do it again."

"No need."

"Why?"

Zedrick explained to her again the safety rules. She loosened up when she get what he means. She nodded her head. Trying to listen carefully when he spilled some techniques especially on turning, jumping, and feeding the horse.

She can't help but noticed his passion when it comes to this. He is really serious, passionate, and focus. It reflected on his eyes and voice. So true and clear.

Umihip ng malakas ang hangin. Ang humaharang na dahon dito ay nawala kaya tumama ang sinag ng papalubog na araw dito. He looks magnificent. The way he strongly gripped on the leash was very bold and hard. A gladiator from the historical novel that still living on this modern world.

Her eyes drifted on his midriff. She lost his words when the air blew harshly his white t-shirt and showed his elusive v-line.

"Are you listening, Thaysky?"

"Yeah. I can see it," she whispered.

"What?"

Hindi siya nakasagot. Maging siya ay napatanong kung ano ang kanyang sinabi. What's happening to me? She looked back on him and shivered from the intensity of his eyes that was boring at her. Am I infatuated?