November 20, 201*
Dumating sila Mama at Papa. Dala ang maraming regalo. Maagang preparasyon para sa Birthday ko. May dala din silang mga pambalot. Parang napaaga nga ang pasko.
Excited akong tumulong.
Kasama si Nurse Rj at ate nasa isang mahabang mesa kami at tulong tulong sa pagbalot.
"Mukhang lagi kang masaya Mira... Lalo ngayon." sabi ni Kuya Rj.
"Eh sa masayahin ako kuya eh... Ikaw nga diyan eh... Masaya ka din naman ngayon ahh." pataas taas kilay ko pa para tuksuhin siya kay ate... Si ate naman nakangiti lang.
"Nak... Wag ka masyadong magpakapagod ahh... " paalala ni Mama. Si papa abala na naman sa cellphone niya. Hayys...
Nakaramdam ako ng pagkahilo...
Pero saglit lang...
"Mira? Anong nararamdaman mo? "
"Wa-wa-wala naman ate... "
"Diyos ko dumudugo ang ilong mo! " nagpapanic na sabi ni Mama. Si Papa naman agad na lumapit sa akin at inalalayan ako bago pa man ako malaglag sa kinauupuan ko.
"Ma... Wa-wag kang umi-yak... O-okay lang ta-ta-laga ako... Na-hi-hilo lang ako... "
"Ang daming dugo! Anak! Anong nangyayari kay Mira?! Huhuhu! Doktor! Doktor! "
Ramdam ko ang paglapag ni Papa sa akin sa higaan ko...
Si Ate naman hawak ang mukha ko... Hawak ang dumudugo kong ilong... Si kuya Rj nawala siya... Tinawag ata ang mga doktor...
Kahit hilo ako alam ko ang mga nangyayari...
Hanggang sa unti-unting dumidilim ang paligid...
Teka?
Oras ko na ba?
Hindi pa pwede...
Please.....
Hindi pa ko handa...
Hindi pa sila handa na mawala ako...
Paano si Mama?
Paano si Papa?
Paano si Ate?
Please wag muna Lord...
*Blackout
------------------------------------
"Miracle..."
"Miracle... Gumising ka..."
Nasan ako?
Bakit nakikita ko ang sarili ko?
Anong nangyari?
Teka?
Patay na ba ko?
Nakikita kong umiiyak si Mama at Ate... Si Papa tahimik sa tabi ni Mama pero bakas sa mukha niya ang pag-aalala...
"Mr. and Mrs. Gracia... I am sorry to say..." napabuntong hininga pa si Doc Seb.
"Miracle! " pamilyar na boses ang narinig ko... Nabingi ba ko? Bakit di ko marinig yung sinasabi ni Doc Seb?
"Miracle... " muling tawag sa akin ng malumanay na tinig...
Lumingon ako... Pero wala akong makita...
Nasaan yun?
"Miracle..."
Tumingala ako...
Liwanag...
Dahil sa nasisilaw ako, tinakpan ko ng isang kamay ang mukha ko...
"Wag kang matakot... "
"Father God? "
"May nais akong iparating sayo anak... "
"Kukunin niyo na po ba ako? "
"May misyon ka pa anak... "
"Anong misyon? "
Biglang nag-iba ang lugar.... Kung kanina nakikita ko ang sarili ko.
Nasa kabilang kwarto naman ako...
Teka?
"Zach? "
"Tama ang iyong nakikita..."
Pero? Paanong nakaratay siya? Paanong nangyaring nakasama ko siya ng ilang araw???
"Siya ang misyon mo anak... Iligtas mo ang naliligaw niyang kaluluwa... "
"Naliligaw? "
"Oo anak... Simula ng makita mo siya hindi niya alam ang daan pabalik... "
"Teka Lord... Ibig bang sabihin kailangan kong makita siya at isama sa inyo? "
"Hindi anak... Nais kong ibalik mo siya sa katawan niya... "
"Pero paano? "
"Ituro mo sa kanya... Ikaw lang ang makakapagbalik sa kanya."
-------------------------------
Nakaramdam ako ng panghihina...
Unti unti kong idinilat ang mga mata ko...
"Anak! Huhuhuhu! Akala ko di ka na gigising! " yakap na mahigpit ang salubong sa akin ni Mama.
"Mah.... Okay na ko..."
Pati si Ate at Papa hindi mapigilan ang pag-iyak...
"Wag na kayong umiyak... Lalaban ako... Hehehe... " hinang hina ko pang sabi...
"Mama... Papa... Nakausap ko si Father God... " humagulgol naman si Mama.
"Anak! Wag kang magsalita ng ganyan, tinatakot mo kami!"
"Hindi Ma! Totoo! May misyon siyang sinabi sa akin... "
"Anak Please tama na... Magpahinga ka na muna... " hindi ko na pinilit pang magpaliwanag.. Mas lalo lang silang nag-aalala..
"Okay Pa... Magpapahinga na muna ako... " grabi... Hapong hapo ako sa nangyari sa akin... Pakiramdam ko napakabigat ng buo kong katawan... Nahihilo pa din ako...
*Cough *Cough *Cough
"Doc! Doc! "
"Ma, Pa tumabi muna kayo..." narinig ko pa si ate...
"Ate... " hawak ko ang dugo mula sa bibig ko... Nanghihina ako...
Patuloy ako sa pag-ubo... Ubong may kasamang dugo...
Nahihilo ako...
Lord... Please give me strength. Please Lord... Nanghihina ako.
Nakita ko sa Zach... Sa labas malapit sa pintuan...
Lord... Please let me finish first my mission... I need to...
*BLACKOUT!
---------------------------------
"Zach! Please bagalan mo na! Natatakot na ko!" sabi ng isang babae... Nakaangkas ito sa likod ni Zach.
"No babe! Nagsisimula pa lang ako! " Mas lalong pinabilis ni Zach ang pagpapatakbo ng motor niya.
Kasunod nila ang ilan pang kabataan na nakamotor.
"Yeah! Bro! Ano?! Ganyan ka lang ba kabilis?! "
"Wooooooooh!!!! Tandaan mo kung anong kapalit nito!!!! "
At mas lalo pa nilang binilisan...
Nang biglang....
*BOOOOOOGHSSSSSSS!
Napaka bilis ng pangyayari.... Nasa hospital na sila... Isa isa silang nagsidatingan sa Emergency room... Grupo ng kabataan naaksidente.... Ilan sa kanila Dead on arrival...
"Sheee-naa... "
Huling na sabi ni Zach ng makita ang Girlfriend niya na naliligo sa sarili nitong dugo... Walang malay... *Blackout!
Pagmulat ng mata ni Zach nasa harap siya ng isang kwarto... Nakikita niya ang sarili...
"Psssstt...." may sumitsit... Pero di niya ito pinansin...
"Pssst..." hinanap ni Zach ang sumisitsit... At nakita niya ang isang babae sa kabilang kwarto... Nagtaka siya...
"Nakikita niya ko? " sa isip isip ni Zach... Lumapit ito para makasiguro...
Malapad ang ngiti ng babae... Di mababakas sa mga mata niya ang kalagayan niya... Napaka payat kasi nito... Parang tingting at napaka putla...
"Bakit? Kailangan mo ba ng nurse? " tanong ni Zach habang naghahanap ng Nurse... Umaasa na nakikita din siya.
"Hindi... Gusto ko lang ng kausap. Sinong sinsilip mo dun?" hindi nakasagot agad si Zach... Inisip niya kung sasabihin niya ba ang totoo.
"By the way I'm Miracle... And you?" nakalahad ang kamay ng babae... Iniisip ni Zach kung iaabot din ba niya ang kamay niya upang makipagkamay... Natatakot siya na baka nakikita lang siya nito at hindi siya kayang hawakan o kaya naman kaya siyang mahawakan nito.
"I'm Zachary... " napagdesisyunan niyang wag na lang gawin ang huling naisip.
"Hmmmmmm... Gusto ko lang makipagkaibigan. Yung dating nakaconfine diyan kaibigan ko, nakalabas na siya... "
"Kalbo ka? " tinuro pa ni Zach ang ulo nito... First time niya makakita ng babaeng kalbo.
"Oo... Hmmm hehehe dahil sa cancer.." sabi ni Miracle... Nagawa pa nitong tawanan ang cancer niya.
"Ahhh... Ilang months ka na nakaconfine dito?" naisip ni Zach na baka malapit na ang oras nito kaya siya nakikita ng babae... Pero siya? Alam niyang buhay pa siya. Nararamdaman niya.
"204 months"
"17 years... "
"Wait... Diyan ka lang ahh..." paalam saglit ni Miracle para kunin ang mask at camera nito.
"Tara! "
"Teka?! Pwede ka bang umalis sa kwarto mo? Baka mamaya hanapin ka ng bantay mo."
"Okay lang yan... Wala pa naman sila mama at papa... Tsaka kilala naman ako ng mga nurse at guard dito eh. " laking gulat ni Zach na kaya siyang hawakan ni Miracle, hatak hatak siya nito paelevator... At may naramdaman siyang kuryente ng hawakan siya nito.
"San tayo pupunta? "
"Sa Rooftop... "
*Ting tunog ng pagbukas ng elevator.
"Were here! "
"Dito ka ba lagi tumatambay?" tanong ni Zach... May isang pwesto kasi dun na parang tambayan talaga ng pasyente...
"Oo..."
Nakatitig lang si Zach kay Miracle.
"Zachary... Magkwento ka naman."
"Anong ikukwento ko? "
"Yung buhay mo sa labas... Ano bang itsura ng paligid sa labas? Yung school mo? Teka? Nag-aaral ka ba?" maraming tumatakbo sa isip ni Zach... Hindi niya sigurado kung ano talagang nangyayari sa kanya.
"Hello? Huyy... Back to the world Zach!"
"Sorry... Hmmmm... "
"Ano na?"
"Di ka ba natatakot? I mean... I'm stranger... Pero kung kausapin mo ko parang matagal na tayong magkakilala." di lang basta stranger... Di niya masabi kung ghost ba siya o hindi.
"Hindi ako natatakot. Alam mo kasi, yung pakiramdam na pagkatakot, yun yung mas lalong nagpapahina sa akin. Kaya iniisip ko na wag matakot." 'tama... Dapat hindi rin ako matakot' sa isip isip ni Zach.
Dahil dun napangiti si Zach.
"Okay... Pormal akong magpapakilala sayo... I'm Zachary Hernandez, 19 years old. College student....hindi ko alam kung bakit ako nandito."
"Huh?" nagtataka naman si Miracle... Sa huling sinabi ni Zach.
"Bakit? Naligaw ka ba dito? O kamag-anak mo yung nakaconfine dun sa kwartong tinitingnan mo kanina?"
"Ahh.. Oo.. Kilala ko nga yung nakaconfine dun. " 'AKO! AKO yung taong nakaratay dun' sabi ni Zach sa isip niya.
"Kilala mo lang? Di mo kamag-anak? "
"Oo... Kilala ko lang."
"Kwento ka pa... "
"Maganda naman sa labas kahit magulo... Alam mo yun maingay, maraming tao... Kaibigan... Malawak pero siksikang mga daanan. Maganda yung school ko. Kahit na maraming pasaway na estudyante." Naalala ni Zach ang mga kaibigan niya.
Nagtaka naman ito sa ginagawa ni Miracle.
"Bakit pinipicturan mo yung ulap?"
"Ang ganda kasi eh... "
"Miracle... Pwede bang Mira na lang ang itawag ko sayo? "
"Oo naman... Smile! " sabay tapat ni Miracle ng camera sa kanilang dalawa. *Click
"Uyy ang pogi mo dito ohh... "
"Blurred naman eh... Hahaha"
"Miracle! Andito ka na naman. Sinong kausap mo? " tanong ng isang doktor. Napalingon silang sabay ni Miracle at Zach.
"Sige Mira, una na muna ako, baka hinahanap na ko sa baba eh. Bye!" paalam ni Zach.
"Kausap ko lang yung bago kong kaibigan Doc... Yung bantay dun sa kabilang room... Si Zach."
Nagtataka ang doktor sa mga sinasabi ni Miracle... Wala naman kasi itong nakitang ibang kasama.
(To be continued...)
A/N:
Guys naiintindihan niyo pa po ba ang takbo ng kwento?
Hahaha! Basta puro FLASHBACK ang mga susunod na kabanata.
---LNWP 😘👌
#creepyba?