Chereads / The Bakit List (TBL) / Chapter 10 - Kabanata IX

Chapter 10 - Kabanata IX

Nagpunta sa kabilang silid si Zach kasama ang isang lalaki.... Naroon din si Dr. Raz na sumunod pala sa kanya kanina... Nakikita niya si Zach pero ang lalaking may mahabang buhok ay hindi niya nakikita.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ni Dr. Raz.

Natutulog naman si Miracle.

"Kailangan ko lang magpaalam."

"Bakit? Mamatay ka na ba ?" direktang tanong ni Dr. Raz.

"Hindi... Nasabi kasi sa akin na aalis na si Miracle... Gusto ko lang magpaalam bago siya umalis."

"Saan naman pupunta si Miracle?"

Hindi na siya sinagot pa ni Zach... Lumapit si Zach kay Miracle.

Hinawakan niya ang kamay nito.

"Miracle... Maraming salamat. Naiintindihan ko na ang ibig mong sabihin..." maluha luha niyang sabi... Kahit alam niyang di siya naririnig ni Miracle patuloy lang siya sa pagsasalita.

"Nakita ko kanina ang ate mo... Malungkot siya... Ayaw niyang umalis ka... Please lumaban ka... Para sa pamilya mo... Para sa kaibigan mo, para sa akin."

May nahulog sa mula sa mesa ni Miracle... Ang Diary nito... Parang may hangin na nagbuklat at sa huling pahina ito nagbukas. Hindi iyon napansin ni Zach. Si Dr. Raz ang nakakita at nilapitan ito.

The Bakit List

1. Masaya mabuhay dahil sa pamilya.

2. Masaya mabuhay dahil sa mga kaibigan.

*Dug *Dug *Dug

Muling naramdaman ni Zach ang puso niya...

Lumapit si Zach kay Miracle... At may ibinulong... At pagkatapos niyakap niya si Miracle at hinalikan sa labi.

Nakita ni Dr. Raz ang paglaho ni Zach matapos niyang halikan si Miracle. Nang pulutin niya ang notebook na nalaglag kanina... May nadagdag sa listahan. Kitang kita ni Dr. Raz ang mga letrang unti unti na lang lumitaw.

The Bakit List

1. Masaya mabuhay dahil sa pamilya.

2. Masaya mabuhay dahil sa mga kaibigan.

3. Pag-ibig.

Biglang nagkagulo sa labas... Nakita niya ang mga nurse na tumatakbo papuntang kabilang kwarto.

"Zach?"

-----------------------------

Zachary Hernandez

Nakapagpaalam na ko kay Miracle... Yung lalaking kasama ko kanina... Siya pala si Jesus.

Kasama ko siya ngayon... Nasa altar kami kung saan una ko siyang nakita at nakausap.

Nasa tabi ko lang siya...

Naupo kami... Pero ako, lumuhod agad.

Nanalangin...

First time...

Unang pagkakataon at mukhang huli na ata..

"Panginoon... Patawad. Marami akong naging kasalanan... Hindi lang sa inyo kundi sa lahat ng taong nakapaligid sa akin. Marami akong nasaktan. Hindi ako karapatdapat sa harap niyo... Pero nagmamakaawa ako... Iligtas niyo po si Miracle... Pakiusap." umiiyak akong humihiling sa kanya... Hinawakan naman ni Jesus ang balikat ko.

"Oras na kapatid."

Ng sabihin niya yun nakaramdam ako ng sakit... Mula sa dibdib hanggang sa maging buong katawan.

"Kayo na pong bahala sa akin panginoon."

-----------------------------------

"ZACH!" naririnig kong sigaw ng isang babae...

Mommy?

Umiiyak siya...

"Clear!"

Isang malakas na kuryente ang naramdaman ko...

"All clear?!"

"Clear!"

*TIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGGG

Tunog ng makinang nagsasabi ng buhay ko...

Natahimik bigla...

*Dilim... Napaka dilim!

"ZACH!!!!" MIRACLE?

Boses ni Miracle yun ahh... Teka? Anong liwanag yun?

"Time of Death..."

*Toot *toot *toot *toot tunog ng life line...

"Its a Miracle!" nagpalakpakan ang mga tao sa loob... Si Mommy umiiyak pa rin...

"Napakaimposible nito... Nabalik ang life line niya?" manghang mangha na sabi ng Doktor.

Unti unti kong minulat ang mga mata ko...

"Mo-mom..."

"Son!" niyapos naman ako ni Mommy ng halik... Ganto pala ang pakiramdam... Masaya...

Pamilya...

"Bro! Andito kami... Nakikilala mo ba kami?" ang mga kaibigan ko...

Kaibigan...

"S-si Mi-ra-cle?"

Natanaw ko sa pintuan... Si Miracle... Kasama si Jesus. Nakangiti siya... At kumakaway...

*Dug *Dug *Dug

Nagtataka ang mga Nurse at pati si Dr. Nathan...

"Paano mo nakilala si Miracle?"

Tanong ng Doktor...

Napaiyak na lang ako... Totoo ba tong nakikita ko? Si Miracle....

"Shhh anak... Don't worry... Andito na si Mommy..."

Umiiyak lang ako ng umiiyak...

Bakit?

Bakit Lord?

Bakit si Miracle?

Sana ako na lang.

Sana ako na lang. 

Humahangos na pumunta si Dr. Raz sa akin...

"Gising ka na?! Gising ka na nga!"

"Mi-ra-cle--"

"Nasa kabilang kwarto siya..."

Napailing iling ako... At tinuro ang pinto... Hindi niya ba nakikita si Miracle?

Pinilit kong bumangon pero di kaya ng katawan ko...

"Iho... Magpahinga ka na muna... Kailangan magbawi ka ng lakas... Isang Miracle talaga ang nangyari sa iyo..." sabi pa ni Dr. Nathan.

Nakipagkamay siya kay mama at nagpaalam, ganun din ang ibang nurse at Dr. Raz... Ang mga kaibigan ko naman lumabas na din, nagpaalam na bibili ng pagkain... Si Mama naman nasa tabi ko...

Sa pagsara ng pinto, hindi ko na nakita si Miracle...

Nagdasal ako...

Kung ito po ang plano niyo... Tatanggapin ko po...

Masakit ang pagkawala ni Sheena pero bakit mas masakit ang pagkawala ni Miracle?

5 Months-------

Lumipas nag mga araw ng napakabilis... Pero sa araw araw na pinipilit kong mabuhay, ay parang pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko...

Mabagal ang recovery ng katawan ko... Dala siguro ng emosyonal ko ding kalagayan. Araw araw kasi nagbabakasali akong makita si Miracle...

Lagi ko siyang naalala...

Wala na kasi akong balita sa kanya... Wala rin naman kasing gustong pag-usapan pa si Miracle...

Maraming nasaktan ng mawala siya... Sa mismong araw ng kaarawan niya...

Sa paglipas ng araw, linggo at buwan... Lagi akong nagdadasal na sana masaya na siya... Na sana okay siya...

"Nak... Kumain ka na..." sabi ni Mommy sa akin... Inabot niya din ang pagkain ko...

Tumango lang ako...

Naging maayos ang pakikitungo ko sa kanya... Gaya ng sabi ni Miracle... I am capable of changing... For GOOD... and for BETTER.

Unti unti kong tinatanggap ang sitwasyon ko...

Everyday medecines and physical theraphy... Nakakahakbang na ko... Baka abutin pa ng taon bago ako tuluyang makalakad.

"Mom... Can I Go to the Rooftop?"

"Okay... After you eat."

Nakangiti akong inubos ang pagkain ko...

Saka naman inayos ni Mama ang wheelchair na gagamitin ko para makapunta sa Rooftop.

"Bakit ba lagi mong gustong pumunta dito? Namimiss mo na bang lumabas nak?" tanong pa sa akin ni Mommy....

"Yes and No..."

"Both Yes and No? Ano kaya yun?"natawa lang si Mommy sa akin.

"Yes, I want to go outside and be back to my normal life... And No, because I will miss this spot."

Nakangiti si Mommy sa akin makahulugan din ang tingin niya sa akin.

Naikwento ko sa kanya si Miracle...

Nung una ayaw niyang maniwala... At halos lahat sila ayaw maniwala sa akin... Kaya gumawa ako ng paraan para malaman nila na nagsasabi ako ng totoo...

Kinausap ko ang ate niya.. Hiningi ko lahat ng Diary ni Miracle... Nagulat pa nga si Ate Jean na alam kong nasa kanya ang mga diary ni Miracle. Ipinahiram naman niya sa akin dahil araw araw kinukulit ko siya.

"That Miracle girl has something to explain about your acts." nakatingin ito sa malayo.

"You've been changed... Literally..." may tumulong luha sa mata na agad naman niyang pinunasan.

"I know ma..."

"Ahh... Eto pa pala, yung camera na kinukulit mo kay Nurse Jean."

"Finally!" excited akong binuksan yun...

Naiyak ako...

Naalala ko na naman siya...

"Puro ulap ang kinukuhaan niya... At mukhang maganda din siya anak..." komento ni mama habang tinitingnan namin pareho mga kuha niya...

Yung mga kuha niya na kasama niya ko, yung time na binigyan siya ng wig ng mama niya.. Yung time na kasama ko siyang umakyat... MGA ULAP...

Masaya ka na kaya?

Maganda ba diyan sa pinuntahan mo?

"Son... You have to move on..." hinagod ni Mommy ang likod ko para aluin ako at patahanin...

"Bakit ganun Mommy? Bakit hanggang ngayon masakit pa rin?"

"Hindi mo kasi tinatanggap anak..."

"Ang sakit Ma..." 

"And also, you Loved her."

Napatitig ako kay Mommy...

Siguro nga... Kaya ganto na lang kasakit ang nararamdaman ko... Kasi Minahal ko siya...

Mahal ko si Miracle...

Sa maikling panahon na nakasama ko siya... Sa kakaibang pagkakataon ko siya nakilala... Napamahal siya sa akin.

Her genuine character. Her courageous battle for her life. Her wonderful views in life. His charming and loveable face.

I missed her...

"I missed her Mom..." at tuluyang nadurog ang puso ko...

Lord... Please lang... Pwede ko ba siyang makita? Pwede pa ba?

-----------------------

A/N:

Last chapter na!

Wala po itong epilouge ahh! Wag mag-expect.

Salamat sa mga nagbasa nito 😘👌 KAMSA! KAMSA!

-----LNWP