Chereads / The Bakit List (TBL) / Chapter 6 - Kabanata V

Chapter 6 - Kabanata V

ZACHARY HERNANDEZ

Hindi ko maintindihan...

Bakit si Miracle nakikita at nahahawakan ako?

Bumalik ako sa kwarto kung saan nakahiga ang katawan ko... Walang niisang bisita o kamag-anak na dumalaw. Alam kaya ni Mommy na nandito ako? Nasa States kasi ito at doon nagtatrabaho...

Si Sheena kaya? Nakaligtas kaya siya?

Sinubukan kong hawakan ang katawan ko... Bakit di ko mahawakan?

Babalikan ko sana si Miracle pero nakita ko na maraming nurse at doktor sa kwarto niya.. Gulong gulo ako!

Sinubukan kong hanapin ang iba... Pero wala sila... Kahit anong pilit kong kausapin ang ibang nurse at pasyente eh di nila ko nakikita...

Lumipas ang buong magdamag... Gabi.... Umaga... Naghihintay lang ako at nagbabakasakali na makabalik sa katawan ko.

May dumalaw naman sa akin... Ilan sa mga kaibigan ko... Nalaman kong marami sa amin ang hindi pinalad na mabuhay... Lalo na si Sheena...

Dahil doon mas lalo akong nawalan ng pag-asa... Kasalanan ko... Oo... Sinisisi ko ang sarili ko...

Pinagsisihan ko na dinamay ko pa siya sa pesteng pustahan na yun! Damn! Because of my ego namatay ang Girlfriend ko...

Napaisip ako... Hindi pwedeng ganito lang ako... Siguro matutulungan ako Miracle...

Nakita kong lumabas ng kwarto niya ang doktor niya, maya maya ang mga magulang niya... At huling lumabas ang ate niya... Ayokong magpakita sa kanya na may ibang tao... Magtataka lang siya kapag nabanggit niya ko o kaya naman baka matakot siya kapag nalaman niya ang totoo...

*Knock *Knock

"Bukas yan. Pasok! " rinig kong sabi niya....

"Hi! " bati ko sa kanya.

"Zach! Kamusta? Anong ginagawa mo dito? " nagtataka pero halatang masaya siyang makita ako.

"Binibisita ka." Isinara ko ang pinto.

"Wow... Ganyan pala itsura mo kapag may buhok ka... You look beautiful. " mukhang maganda din siya kung magkakalaman laman siya at di maputla ang kutis...

"Thank you... Hehehe bigay toh ni ate." tukoy ni Miracle sa Wig niya.

"Wala ka palang bantay sa gabi.. Okay lang sayo? "

"Sanay na ko... Ikaw? Allowed pala na may bisita ng ganitong oras... " napalingon pa siya sa orasan malapit sa kanya... 10pm.

"Ano... Ano kase... Oo allowed yun, diba kahit isang bantay lang sa gabi.... Lalo na kung bata yung pasyente... " may pagtataka pa siyang tinitigan ako.

"Diba sa baba yung pedia... Bata ba yung pasyente dun sa kabila?" PATAY! Mukhang kabisado niya yung pasikot-sikot dito.... Hmmmmm Oo nga pala 17years na pala siya dito sa Hospital.

"Ahh OO..." natahimik ako... Di ko alam kung anong palusot ang sasabihin ko... Tsaka di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya yung kalagayan ko.

"Zach... Mahilig ka ba sa Diary? Or nagsusulat ka ba ng Diary? " seryosong tanong ni Miracle...

"Hmmm... Hindi eh... Wala naman kasi akong isusulat. Tsaka ano bang isusulat doon?" di naman ako mahilig magsulat... At di ko din hilig na magbalik tanaw sa nakaraan...

"Kapag may Diary ka kasi pwede mong isulat yung mga bagay na nangyari sayo, masaya man o malungkot pa." napakunot nuo ako sa sinabi niya...

"Bakit isusulat mo pa yung malungkot na nangyari sayo? Eh di maalala mo yun kapag nabasa mo."

"Parte kase yun ng memories mo eh... Kahit pa malungkot yung nangyari atleast naranasan mo. Kahit papano dagdag sa experience mo yun." totoo... Parte na talaga ng nakaraan yun... Masamang experience nga lang... Tulad ng nangyari sa akin.. Nawala si Sheena...

"Alam mo, malalim ka din minsan." yun na lang ang nasabi ko sa kanya... Di ko din naman kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya yung talagang pakay ko...

"Teka..." kinuha niya yung Diary niya.

"Magsusulat ka ngayon? " kahit obvious tinanong ko pa din.

"Yes...."

Dear Diary,

Ito ang pangalawang araw na nakasama ko si Zachary... Ayy! Di ko pala nasulat kahapon kung paano kami nagkakilala, nagcollapse kasi ako kahapon at ngayong araw lang nagising.

Zachary Hernandez, 19 years old... College student... Bantay sa kabilang kwarto... At mabait siya.. Kasama ko siya ngayon. Ako ang binabantayan niya ngayon.

"Talagang isinama mo pa ko sa Diary mo ahh... Hahahaha! " nakakatuwa naman ang karakter niya... Kahit simpleng bagay talagang binibigyan niya ng halaga..

Nahinto siya pagsusulat.

"Wag mo ngang basahin! nakakainis toh." nakangiti pero may inis sa mukha niyang sabi...

Yung ngiti niya...

*Dug *Dug *Dug

Sa unang pagkakataon... Simula ng mawalay ang kaluluwa ko sa katawan ko, nakaramdam ako ng pagtibok ng puso... Pero saglit lang yun... Dala siguro ng paghanga ko sa magandang pananaw niya sa buhay... Napaka positibo naman kasi ni Miracle...

"Alam mo para maiba... Gawa ka ng Bucket list" suhestiyon ko sa kanya... Baka nga kasi kaya niya ko nakikita kasi malapit na siyang kunin ni Lord... Baka kailangan ko siyang tulungan na gawin muna yung mga bagay na di niya pa nagagawa... Diba? Ganun yung sa mga movies... Yung parang may babaunin kang magandang memories bago tuluyang mamatay or umakyat sa langit.

"Bakit list? "

"Oo... Bucket list... Yung mga bagay na gusto mong gawin bago ka mawala... Bago ka mamatay."

Nagtitigan lang kami...

"Hala! Grabi ka naman! Parang sinasabi mo naman na mamatay na ko."

"Hindi naman sa tinatanggalan kita ng pag-asa... At di ko rin intensyon na sabihin sayo ng direkta yun... Lahat naman kasi tayo, mamatay." Totoo naman eh... Ako nga handa na ko.... Wala naman na kasi akong babalikan pa. (Otor: Handa ka na nga ba Zach?)

"Eh kung baguhin natin yun... Yung Bakit list na sinasabi mo gawin natin sa ibang paraan. "

"Huh? Paanong ibang paraan?? "

"The Bakit list.... Listahan. Hindi listahan ng mga bagay na gusto nating gawin.. Kundi listhan ng mga Rason kung bakit masaya mabuhay." binaliktad niya ang notebook niya... at sa huling pahina siya nag-sulat.

RASON KUNG BAKIT MASAYA MABUHAY?

Kailangan ba ng rason?

Siguro?

Siguro kailangan yun ng mga taong nawawalan na nang PAG-ASA. tulad ko...

" The Bakit list... " sulat niya..

"Di naman ganyan ang spelling ng Bucketlist eh... Hahaha! " natawa ako kase literal na spelling na tagalog ang isinulat niya.

"Eh! Yan gusto ko.. Tutal Reasons naman ang ililista ko, kung gusto mo ikaw din gumawa ka ng iyo."

"Hayy bahala ka nga... "

*Knock *Knock

"Sis... 11pm na di ka pa rin natutulog... Tama na yang pagsusulat mo." nakasilip ang Ate niya sa may pintuan at di siguro napansin na may kausap si Miracle.

"Time to rest na... Kaya ikaw. Bumalik ka na dun sa kabila, baka hinahanap ka na nila. " Sana nga may naghahanap sa akin...

"Okay... Bye Mira... " Paalam ko sa kanya.

The Bakit list...

1. Masaya mabuhay dahil sa PAMILYA.

---mukhang sa simula pa lang hindi na sapat ang rason para mabuhay pa ko...

----------------------------------------

A/N:

Hindi ko masyadong papahabain ang istoryang ito...

Dahil... Marami pang istorya ang nakapilang tapusin ko 😂

----LNWP 😘👌

AteGin4117 ---Dedicated to sayo... Kase nainspire ako sa stories mong spiritual ang impact 😘👌 Sana mabasa mo din ito 😂🤘