Ala-una na ng hapon sa bahay ng mga Alcantara ay masayang gumagayak ang dalawang magkapatid para sa darating na lakad nila sa Manila Zoo. Ang isa ay busy sa pag make-up na kanina pang alas-dose nakatutok sakanyang salamin.
Samantalang si Faye ay inilabas ang lahat ng damit na meron sa kanyang closet. Lahat ng damit ni Faye ay desente at hindi revealing. Isa lang ang medyo revealing, ang kanyang off shoulder formal dress na hindi pa niya nagagamit. Kulay puti ito, at saktong-sakto sa maputi niyang kutis. Kitang-kita rin ang kurba ng kanyang katawan bunga ng kanyang diet at exercise.
"Kanina ka pa pili nang pili ng damit Faye anubayan di ka ba matatapos? Ginusot mo na lahat tamad ka naman magplantsa." sambit ni Mama Lisa habang naghihimay ng manok para sa kanilang paninda sa palengke. Hindi na rin napigilan ni Jennie na matawa.
"Pabayaan niyo na Ma, nagpapaganda, nagdadalaga na siguro." biro ni Jennie habang nagkikilay.
"Tsk. Paulit-ulit lang kasi mga damit ko kaya naghahanap lang ako ng iba." depensa naman ni Faye habang ibinabalik ang lahat ng damit sa closet. Ang naiwan lang ay ang puting damit na kanyang susuotin. Ngayon lang namili ng ganitong katagal si Faye sa damit. Kadalasan ay kung ano lang ang makita niya ay iyon ang susuotin niya.
"Im done! Bilisan mo naman ate excited nako makita mga bata." ani ni Jennie.
"Mga bata nga ba?" tanong ng kapatid niya.
"Syempre charot lang. Oh eh bakit ikaw?"
"Syempre para sa mga bata, yung utak mo talaga kung saan-saan nakakarating."
"Talaga lang ah, edi sakin na yung guy?" tanong ni Jennie.
"Oo magsama kayong walang galang!" padabog na sabi ni Faye habang ikinakabit ang kwintas na ginto sakanyang leeg.
"Ano ba yan Faye ang tanda-tanda mo na kelan mo ba kami bibigyan ng apo ng tatay mong lasenggo?" tanong ni Mama Lisa
"Ma, yung love kasi hindi yan minamadali okay. Na sa tamang panahon ang lahat. Kung ano will ni God edi ayon susundin ko." paliwanag niya kay Mama Lisa.
"Tamang panahon ka pang nalalaman diyan ni boyfriend nga wala ka, lahat na lang ng nanliligaw sayo pinapalayo mo."
"Ma, 25 pa lang ako okay? Kalma lang tayo darating tayo diyan baka mauna pa nga sakin ang isa diyan." sambit ni Faye habang nakairap ang mata sa direksyon ni Jennie.
"Oh bakit ako?"
"Nako Jennie, maglubay ka na nga sa gawain mo. Kung sino-sinong lalaki na lang nakikita ko sa bahay araw-araw." sermon ni Mama Lisa.
Beep! Beep! Beep!
Maya-maya pa ay may bumubusina ng sasakyan sa may labas. Malamang sa alamang ay yung mga bata na iyon.
"Bilisan niyo na. Kanina pa kayo paganda nang paganda diyan eh ang pangit niyo naman." sabi ni Mama Lisa.
"Eto na Ma, Jennie mauna ka na sa labas tatapusin ko lang tong make-up ko." agad namang lumabas si Jennie para salubungin ang mga bata.
Pagkalabas nito ng pintuan ay natulala ang dalawa, si Kuya Maki at si Ton. Sino ba namang hindi matutulala sa diyosa na nasa harapan nila. Nakasuot lang ito ng crop top at maikling shorts. Nilalamon na tayo ng liwanag kuya bulong ni Ton kay Kuya Maki.
"Magandang hapon Kuya ..."
"Maki na lang!" ani ni kuya maki habang nakipag shake hands sa malambot at makinis nitong kamay. Agad din pinuntahan ni Jennie ang direksyon ni Ton na nanginginig.
"Hello!" bati neto pero nakatulala lang si Ton sakanya kaya naman iniangat niya ang kanyang kamay at winagayway sa mata ni Ton.
"Ah hi po." mahinhing sabi ni Ton habang nakayuko.
"I'm Jennie. Ikaw?" tanong nito.
"Ton. Ah oo Ton." sambit nito.
"Hindi ka pa sure sa name mo ah?" ani ng dalaga habang nakangisi. Sabay nito ay ang paglabas ni Faye sakanyang formal looks, kung si Jennie ay may sexy style, ito naman ay simple but elegant ayon sa fashion evaluation ni Ton dahil mahilig din ito sa fashion.
"Ang danda ni Teacher Faye oh!" turo ni Macmac sa mga bata. Si Thea na hindi makakita ay iniangat niya sa bintana para makasilip. Nakangiti ang bata pero bakas sakanya ang lungkot dahil hindi nila kasama sa ngayon ang kanilang kuya Raphael. Susunod na lang daw ito dahil may sakit.
"Naghintay ba kayo ng matagal baby?" tanong nito sa mga bata.
"HINDIIIII POOOO!" sabay-sabay na sagot naman nila.
Binuksan na ni Kuya Maki ang pintuan ng kanilang sasakyan, pero saan nga ba uupo ang dalawang babae kung sa mga bata pa lang ay siksikan na ang mga ito sa likuran.
"Paano tayo magkakasya diyan kuya?" tanong ni Jennie.
"Jennie, kunin mo na lang yung kotse natin sa garahe, ayon na lang gamitin natin at palipatin yung dalawang bata para hindi sila siksikan."
"Ayaw!" sambit ni Thea.
"Thea, hindi na po tayo kakasya kasi--"
"Ah basta yaw ku!" pagpupumilit nito.
"Kung kasama pa pala si Raphael mas lalo tayong hindi kakasya." pabirong sabi ni Kuya Maki.
"Buti nga wala siya..." pabulong na sabi ni Faye.
"Maam ano po yon?" tanong ni Kuya Maki.
"Ah, ang sabi ko wala! hehe"
Nag-usap muna ang dalawang magkapatid bago nagdesisyon na sama-sama na lang sila sa iisang sasakyan.
"Sige kuya kakandungin na lang namin mga bata." ani ni Faye.
"Hala Maam, nakakahiya naman po kung--"
"Ayos lang kuya kesa umiyak pa tong mga bata mas malaking problema pa." paliwanag ni Faye habang kandong-kandong ang dalawang bata. Hindi na rin niya pinansin kung magugusot ang damit niya dahil mahalaga naman ang mga bata kesa rito.
Pinaandar na ni Kuya Maki ang sasakyan pero ayaw nitong umandar sa una at ikalawang start.
"Yung kotse ko na lang--" sabay nito ay ang pag-andar ng makina bago pa magsalita si Faye. Umandar na sila papuntang Manila Zoo.
"Yehey!" sigaw ng mga bata.
"Excited na ba kayo Thea, Vince, Carlo, Ana at Macmac!?" tanong ni teacher Faye.
"OPOOO!"
"Let's go!" sabay-sabay nilang sabi.
Habang na sa kalagitnaan sila ng byahe ay biglang tumirik ang sasakyan. Napakamot na lang si Kuya Maki sa ulo.
"Hay nako, kung pinahiram lang ni Raphael yung sasakyan niya di sana mangyayari to pambihira." sambit niya habang binubuksan ang bumper ng sasakyan na may usok pa.
"Malayo pa po ba tayo?" tanong ni Ana.
"Malapit na tayo bunso, nagkaroon lang ng problema pero eto na kaunti na lang magagawa yan ni Kuya." ani ni Faye sa bata na biglang nagbago ang mga mood dahil sa pangyayari.
Ilang sandali pa ay may tumatawag sa cellphone ni Ton. Nadetect din niya sakanyang laptop na ang gps location ni Raphael ay papunta sakanila.
"Hello Ton?"
"Hello Raphael, nasiraan kami rito, papunta ka na ba?" tanong nito.
"Oo papunta nako." at biglang binaba ni Raphael ang tawag at binilisan ang acceleration ng kanyang sasakyan.
"Anong sabi?" tanong ni Maki.
"Papunta na siya, eto oh malapit na sa mapa." ani ni Ton habang tinuturo sa kanyang screen ang location ni Raphael.
"Mabuti naman at pupunta siya!" sambit ni Jennie.
"Yehey pupunta si Kuya Raphael!" tuwang-tuwang ang mga bata sa narinig nila.