Chereads / The Healing Angel / Chapter 17 - GUSTO KO SANANG MAKITA YANG MUKHA MO

Chapter 17 - GUSTO KO SANANG MAKITA YANG MUKHA MO

Dalawang araw ang makalipas ay hindi pa rin kinakausap ni Faye si Matt sa kanilang school. Habang walang ginagawa sa weekends ay naisipan nila ng kapatid niya na si Jennie na magtungo na lang sa bahay-ampunan. Nag-vovolunteer sila rito isang beses sa isang buwan.

Isa na ngayong flight attendant sa kilalang airlines si Jennie. Malaki ang ipinagbago nito kumpara dati. Matangkad, maputi at napaka-ganda na ng dating maingay lang na bata.

"Jennie!" tawag ni Faye sa kanyang bunsong kapatid.

"Oh!?" padabog na tanong nito dahil malagkit na malagkit ang kanyang mata sa screen ng cellphone habang nag-oomegle. Sa sobrang pihikan kasi ni Jennie ay tinatayang umaabot lang naman sa sampung lalaki kada-linggo ang kanyang binabasted.

"Puro ka dating app, pinagtitripan mo lang naman lahat."

"Ate, hindi ko nga sila type ok?" paliwanag niya habang nagmamake-up.

"Okay. Malaki ka na, big girl ka na. Wag ka sa akin iiyak pag nasaktan ka ha!" sambit ni Faye habang pinipingot ang tenga ng kapatid.

"A-Aray ate! teka lng magbibihis na nga ako!"

"Good!"

Paglabas ng kanyang kwarto ay nakasuot lang ng maikling shorts at crop top si Jennie.

"Wow! Sana naghubad ka na lang." ani ni Faye.

"Tss. Mga bata lang naman andon walang makakakita nito. Kung may makakita man sana gwapo diba?" habang pinipikit-pikit ang kanyang mata.

"Tinulungan mo ba kagabi sa karinderya sila mama at papa?" tanong ng kanyang ate.

"Oo naman. Gamit ang aking napakagandang mukha, dinumog na naman ang ating karinderya!"

"Baliw. Puro manyakis lang naman ang kumakain satin sa tuwing andoon ka."

Si Mama Lisa at Tatay Ricardo ay busy ngayon sa kanilang carinderia. Ilang taon na rin ang nakalipas nang lumipat sila rito at naisipan nilang mag-negosyo para may libangan naman. Nakakainip din naman kasi sa Maynila kung wala kang ibang gagawin. Nagtatrabaho ang karamihan ng mga tao rito at bihira lang ang nakapirmi sa may bahay.

"Ma, Tay, mauuna na po kami!" paalam ni Jennie sa kanilang mga magulang na busy na busy sa pagserve sa kanilang mga customer.

"Kumain na ba kayo?" alok ni Mama Lisa

"Ma, I'm maintaining my body. No thanks." sabay yakap sa ina na nagluluto.

"Nako naman, napakaganda talaga ng bunso ko diba?" sigaw ni Tatay Ricardo habang ipinagmamalaki ang kanyang bunsong anak sa kanilang mga customer.

"Oo nga po, kasi kayo ayaw niyong paligawan sa akin!"

"Tama. Ilakad niyo naman ako sa anak niyo."

"Mga gago! Hindi ako ang mamimili ng mamahalin niya! Ikaw Kanor eh mas matanda ka pa saking baluga ka! mga gagong to sige magsikain na lang kayo diyan!" dahilan para mapuno ng tawanan ang karinderya.

"Ang tatay naman parang ewan!" singit ni Faye habang papasok sila sa kanilang kotse. "We're going na po, wag kayong magpapagod masyado bye!"

Mabilis na nakarating sa bahay-ampunan ang magkapatid.

"Ate look,may birthday party yata." turo ni Jennie sa gawing pagkain at sandamakmak na mga regalo.

"Woah! Hala nakakatuwa naman." dagdag ni Faye nang makita niya na naka-costume ang limang bata na sabay-sabay magbibirthday dahil sabay-sabay din silang nakuha. Hindi rin tukoy ang kanilang mga edad at magulang.

"Maam Faye, Maam Jennie hala tuloy po kayo dali matutuwa ang mga bata nito." yaya ni sister Fe sakanila patungo sa mga bata.

"Teacher Faye!" isang batang babae ang nagpabuhat kay Faye, mga apat na taong gulang na ito.

"I miss you bebe! Namiss namin kayo ni Ate Jennie niyo!" sambit ni Faye habang hinahalikan isa-isa ang limang bata na magbibirthday.

"Oo nga. Di namin alam na birthday niyo pala wala tuloy kaming regalo. Pero sa susunod na punta namin--"

"Ate Jennie, ako po malaking airplane."

"S-sakin po yung barbieeee dollll"

"Ako po, hihintay po na lumaki po para ligaw ko po kayo!" sambit ng batang lalaki na si Macmac na ikinatawa nila.

"Nako. Eh pano mo ko pagtatanggol niyan kapag boyfriend na kita eh ang liit-liit mo kaya. Magpalaki ka muna okay?" habang kinikiliti ang bata. "Opo ate jennie!"

"Oh siya dali na magsisimula na ang program." ani ni Sister Fe

Nagsimula na nga ang program ng mga bata. Sumayaw ng todo-todo, kumanta nang magiliw at mayroon ding mga clown na nag-perform sakanila. Sa gilid ay tahimik lang na nag-uusap sina Ton, Maki at Raphael. Masayang-masaya sila para sa mga bata.

"Tingnan mo si Macmac oh!" sambit ni Kuya Maki na hindi naman halata na siya ang nagpangalan sa bata.

"Ang bantot ng pangalan niya Kuya! bakit mo tinulad sa pangalan mo!" biro ni Ton.

"Gago! Hindi na importante yon, ang mahalaga buhay at kumakain ng maayos ang mga bata. Diba Rap?" tanong ni Maki kay Raphael na kasalukuyan na ngayong natutulog. Siniko siya ni Maki para magising.

"Hoy! Rap gising! yung anak mo na si Thea ayun oh may kasamang chix sumasayaw!" turo nito kay Jennie na kaedaran lang niya(22)

Hindi maitatangging maganda nga talaga si Jennie pero mas napukaw ng kanyang mata ang isa pang binibini na nagsasayaw rin kasama si Macmac.

"Yung na kay Macmac sakin yan ah! shet mukhang bente-singko pa lang!" sambit ni Kuya Maki habang kinikilig.

"Sayo na, sayo na. Baka pumatol sa panget yan?" banat ni Ton na agad naman sinundan ng tanong para kay Raphael.

"Doc, ano nakapili ka na ba sa dalawa? para malaman ko kung kanino sakin." pabirong sabi ni Ton. Pero hindi sumagot si Raphael bagkus lumabas lang ito para manigarilyo.

"Lalabas muna ko." paalam ni Raphael

"Tsk tsk! wala talagang hilig sa chix pero habulin ng chix. Sayang sayang.." pabulong na sabi ni Maki kay Ton-ton.

Kilala niya ang binibini na kasama ni Macmac. Isa itong teacher ng estudyante na ginamot niya ng walang bayad kaya naging matunog ang kanyang pangalan.

Sa laki nga naman ng mundo ay dito pa sila magtatagpo.

Ilang sandali pa ay natanaw ni Faye ang lalaki na nasa labas.

"Teka lang..." sa isip-isip niya, nagpaalam siya kay Jennie para magtungo sa gawi ng lalaki na naka-itim. Kung hindi siya nagkakamali, ito rin ang lalaking nanggamot sa tatay ng kanyang mag-aaral.

Mabilis niyang tinungo ang direksyon ng lalaki pero pagdating niya ay wala na ito. Nagtungo siya sa mga sulok-sulok pero wala siyang nakita. Kaya naman tinawag na niya ito.

"Alam ko nandito ka... Ikaw yung doctor na gumamot sa student ko... Maaari ba kitang makita ? Gusto ko lang sana magpasalamat--" biglang bumilis ang tibok ng puso ni Faye ng takpan ng lalaki ang kanyang bibig na ngayon ay nasa kanyang likuran. Pumipiglas siya pero wala itong saysay sa lakas ng binata.

"Anong kailangan mo sakin?"

"Bakit mo ko sinundan dito?"

At binuksan na ni Raphael ang bibig ni Teacher Faye para makapag-salita na ito. Hiningal din ito sa tagal ng pagkakatakip sa bibig.

"T-teka hindi ako makahinga... Salamat sayo sa pag-gamot sa tatay ng mag-aaral ko, may naalala lang akong tao, gusto ko sanang makita yang mukha mo..." hiling ng dalaga.