Chereads / The Healing Angel / Chapter 16 - BIRTHDAY GIFT

Chapter 16 - BIRTHDAY GIFT

Napuno ng katahimikan ang buong kwarto. Si Raphael ay nakatayo pa rin sa kanyang kinalalagyan habang pinapagpag sa kanyang balikat ang basyo at pulbura kasama ang dugo na bahagyang umaagos. Dumaplis sakanya ang bala pero mabilis na naghilom ang sugat nito.

Nanlaki ang mata ng mga tao na nasa paligid, imposibleng maliit lang na galos ang matamo niya dahil isa sa pinakamalakas na uri ng baril ang ginamit, ang SMITH AND WESSON .500

"Kapag nga naman sineswerte ka. Ni minsan lang ako sumablay sa baril. Tanong lang, may sa-demonyo ka ba?" habang ikinasa ulit ng Drug Lord ang baril at itinutok kay Raphael.

Nagbuntong hininga si Raphael bago nagsalita. "Anghel siguro? Ikaw lang naman yata ang natatakot mamatay. Okay sige pagbibigyan kita, pwede mo nakong patayin." ibinuka niya ang kanyang katawan bilang pagsuko.

"Alam kong alam mo na ako na lang ang natitirang doctor na pwedeng gumamot sayo. Eh kung ayaw mo naman. Sabay na tayo?" nilapitan niya ang boss at mismong siya ang nagtutok ng baril sa kanyang ulo.

"Hmm maganda nga ang baril mo."

Sa takot ng boss na baka wala ng ibang makagamot sa kanya ay ibinaba niya ang baril na hawak niya. Tama ang doctor sa mga sinasabi niya, siya na lang ang natitirang pag-asa.

Utos na lang ng kanilang boss ang hinihintay para iputok ang sangkatutak na baril kay Raphael bagamat mas pinili nitong subukan ang kakayahan ng doctor.

"Sandali lang. Baba niyo na mga baril niyo. Papayag na ko dito sa isang kondisyon." sambit ng boss habang sinisindihan ulit ang tabako at umu-ubo-ubo."Sa oras na mamatay ako, patayin niyo silang lahat malinaw ba yon?" utos nito.

"Punyeta. Pati bata papatayin mo? Bakit hindi na lang ito oh! " hinawakan ni Raphael sa leeg si Kuya Maki at sabay na kinamusta si Ton-ton na hindi manlang natakot sa banta ng kamatayan.

"Aray gago!" sigaw ni Maki.

"Matagal ka naman ng nabuhay sa earth magpaubaya ka na haha.." bulong ni Raphael sa kanyang kuya. Sabagay, matanda na siya at wala namang pamilya, at kung sakaling mawala siya ay andyan naman ang dalawang kumag na binata para alagaan ang mga bata sa ampunan.

Nagbaba ng baril ang lahat ng mga gwardiya at umalis ang lahat. Ang natira na lang ay ang kanang kamay ng boss, si Martin, ang matalik niyang kaibigan.

"Simulan na natin The Healing Angel!" ani ng boss na bumalik na ulit sa pagkakahiga habang bumubuntong-hininga.

Mabilis na nagset-up ang The Healing Angel. Si Kuya Maki sa paglabas at pag-sanitize ng mga surgical tool. Si Ton-ton sa kanyang camera at computer para sa oras na makalimot si Raphael ay agaran niya itong ise-search para tulungan.

Samantalang si Raphael ay ineeksamina ang kalagayan ng pasyente.

"Handa ka na?" tanong ni Raphael sa pasyente na tumango lang bilang pagsang-ayon.

"Open surgery tayo Ton-ton, pahanap naman ng process of removing whole lung . Kuya Maki pashot ng anaesthesia sa pasyente " tanong nito kay Ton na mabilis na pinindot ang computer para isearch. Kahit paano ay natuto na rin si Ton ng ilang parts at terms ng medicine. Tahimik lang na nanonood si Martin at nagtataka, "bakit nagtatanong ang doctor na ito?" sa isip-isip niya.

"According to my research, pneumonectomy ang tawag dito. Tatanggalin mo ang whole lung kapag na sa central area ang cancer. At yung success rate na sa 50%" paliwanag ni Ton-ton.

Metikuloso ang bawat galaw ni Raphael. Mabilis ang mga kamay nito at magaan. Sa kalagitnaan ng operasyon ay nakalimot na naman si Raphael.

"Ano nga ulit yung? Ah naalala ko na." sambit nito habang tinatanggal niya ang isang part ng lungs.

"Mabubuhay naman to sa tingin ko. Kelan ba sumablay tong bata ko." ani ni Kuya Maki na tiwalang-tiwala sa kakayahan ng kanyang alaga.

Matapos nga ang tatlong oras na operasyon ay matagumpay na natanggal ni Raphael ang part ng lungs na damaged at infected.

Dala ng pagod ay minabuti ng team na magpahinga muna saglit sa isang kwarto.

"Siguradong tiba-tiba tayo nito." sambit ni Kuya Maki na ninanamnam ang lambot ng kama sa may guest room.

"Mukha ka talagang pera." biro ni Raphael habang nililinis ang mga tool na kanyang ginamit. Hanggang ngayon ay magulo pa rin ang kanyang memorya. Sa kung ano ang purpose niya sa buhay at bakit ganon na lang ang galing niya sa panggagamot ay di niya alam.

*Tok! Tok!* "Buksan niyo ang pinto!" sigaw ng isang guard habang kinakatok ang room ng medical team.

"Wang! wang! wang!" pagbukas nila ng pinto ay rinig na rinig nila ang malakas na alarm.

"Anong nangyari?" tanong ni Maki.

"Si boss nanginginig hindi namin alam kung bakit dalian niyo!" paliwanag ng guard.

Tumambad nga sakanila ang naghihingalong boss kasama ang bestfriend nitong si Martin na umiiyak.

"Putangina! anong ginawa niyo sa kaibigan ko!?" malakas na mura ni Martin.

"Putangina mo rin tumahimik ka muna!" sabat naman ni Kuya Maki na asar na asar sa pagmumukha ni Martin, nabanggit na niya kanina na duda at wala siyang tiwala sa tao na ito.

Sa unang titig pa lang ay alam na ni Raphael ang problema. Napansin niya na may itinurok na karayom sa gawing ibaba ng kamay ng pasyente. Hindi rin siya magkakamali na secobarbital drugs ang ginamit dito, malaking amount ng secobarbital. Ang drug na ginagamit sa mercy killing o euthanasia.

Ilang segundo na lang ay mamamatay na ang pasyente. Wala nang magagawa si Raphael sa bagay na ito. Pero sinubukan niyang buhayin ang pasyente.

"Defibrillator! Charge 360!" utos nito. Pero bago pa man niya ibagsak ang charge ay biglang iminulat ng Drug Lord ang kanyang mata. Buhay ito at nagsasalita pa. "Impossible" maging si Raphael ay hindi makapaniwala, masyadong maaga kung magigising siya at kanina lang ay nag-aagaw buhay ito pero ngayon...

Dali-daling pumunta si Raphael kay Martin at sinuntok ito.

"Papatayin mo ang kaibigan mo dahil sa pera? Gago ka!" isa pang suntok na nagpadugo ng nguso at labi nito.

"Wa-wala akong kinalaman! Boss wag kang maniwala dito!" pilit niya habang pumipiglas sa kamay ng doctor.

Sa screen ng laptop ay inilabas ni Ton-ton ang cctv footage ng pagturok ng drugs ni Martin sakanyang boss na napanuod nila bago sila lumabas ng guest room.

"Itapon yan sa labas at wag nang pabalikin dito kahit kailan!" utos ng boss habang bumabagsak ang luha sa kanyang mga mata. Nalulungkot siya para sa kaibigan niya na nabulag sa pera.

Samantala, hindi niya alam kung paano pasasalamatan ang The Healing Angel.

"Handa akong ibigay ang lahat sainyo. Sabihin niyo lang ibibigay ko!" sambit ng boss.

Bitbit ang kanilang gamit ay lumabas na sila ng room habang naiwan si Raphael. Iniabot niya ang calling card ng ampunan na ikinagulat nito.

"Bigyan niyo sila ng magandang birthday party." nakangiting sabi ni Raphael habang sinusuot ang cap at mabilis na umalis.

"Sandali! Pambihira!" sa isip-isip ng boss dahil hindi niya akalain na mabuti ang kalooban ng mga taong yon. Tulong para sa mga bata sa ampunan lang, ito lang ang hiningi nila.

Sa labas ng mansion ay nagsisigawan ang dalawa.

"Wahhhh! Raphael sasakit na talaga ulo ko sayo!" ani ni Kuya Maki.

"Sana ikaw naningil diba?" pabirong sabi nito.

"Bat ginawa mong libre? Ni isang alak wala!?"

"Makakapag-birthday na mga bata." sambit ni Raphael na biglang nagpatahimik kay Kuya Maki at nagpangiti kay Ton-ton.

TAGUMPAY!