Chereads / The Healing Angel / Chapter 13 - THE HEALING ANGEL

Chapter 13 - THE HEALING ANGEL

Flash News

"Hatid sa inyo ng A Broadcasting System, ito ang Angel Flash News, balitang magdadala sa inyo ng maiinit na balita saan mang panig ng bansa. Ako ang inyong lingkod Angelo Lopez nagbabalita."

Insert background news music.

"Namangha ang mga tao sa lalaking ito, kuha sa video ang lalaking naka-itim na isinasagawa sa isang ama ang first aid kit habang inaatake ito ng kanyang sakit sa puso. Ayon sa mga nakasaksi, hindi nila sigurado kung lehitimong doctor ba ito o nagpapanggap lang dahil humingi raw ito umano ng suhol o bayad sa anak ng pasyente. Kasalukuyan ngayong maayos na namamahinga ang ama ng bata sa kanilang bahay at ayon sa mga doctor na nagsuri, malinis na malinis ang pagkaka-opera sa lalaki. Dagdag pa rito, iniimbatahan siya na maging doctor sa iba't-ibang hospital dahil matagal nang gumagawa ng pangalan ang misteryosong doctor na ito. Bagamat may mangilan-ngilan din namang dismayado at duda sa kakayahan ng doctor. Ani ng mga eksperto, magpakita ito dahil duda sila, malamang wala itong lisensya at isa lang doctor quack-quack. Muli, ako si Angelo Lopez nagbaba--" at biglang nilipat ng binatang gumagamit ng computer ang channel sa may basketball habang kumakain ng potato chips. Nasa edad labing anim ito at may katangkaran. Nakasuot din ito ng makapal na salamin dahil sa labo ng mata.

"Gago nanonood pa ako ng balita boy hinack mo na naman yung tv!" galit na sabi ng isang lalaki na nasa edad na apat na pu kasabay nang paglagok niya ng isang boteng red horse.

"Gabi na hindi pa umuuwi si Raphael tingnan mo nga sa labas kung saan-saan na naman nagpupunta yung doctor na yon." ani ni Maki na mas kilala sa tawag na Kuya Maki, gahaman sa pera at maraming nilolokong tao para buhayin ang limang bata na kanilang sinusoportahan sa bahay ampunan.

"Shh kuya Maki pwede bang wag kang maingay, may gps locator naman ako andito na nga siya eh." ani ni Ton-ton ang binatang hacker na galing din sa bahay ampunan pero mas piniling sumama kay Maki.

"Andiyan ka na pala Raphael..." bungad ni Kuya Maki.

"Hmmm" sagot nito.

"May raket tayo mamayang gabi---"

"Matutulog muna ko." pagtapos niyang ibaba ang mga gamit ay umakyat siya sa may double deck.

"Aba okay ka boy ah. Sikat ka na naman sa tv baka gusto mo kaming balatuhan?" pabirong sabi ni Kuya Maki habang niyuyugyog ang kama.

"Ano ba?! Mamaya na kasi, mamaya niyo na lang ako gisingin kapag aalis na tayo." ani ni Raphael habang binabalot ang mukha sa ulo para hindi makarinig ng ingay at makakita ng liwanag.

"Parang balato lang eh."

"Pabayaan mo na siyang matulog kuya, sasabak pa yan mamaya kailangan ng lakas." sagot ni Ton-ton habang pumipindot pa rin ng salitan sa tatlong keyboard.

"Sige na nga mamaya na lang. Oh ano may nahanap ka na bang impormasyon sa ooperahan ng mokong na yan ?" tanong ni Kuya Maki.

"Oo ako pa. Kilalang sikat na Drug Lord to Kuya, ayon pa sa nakalap ko napalilibutan daw ng body guards ang buong bahay nito." sabi ni Ton-ton habang nanlalaki ang mga mata.

"Anak ng! Hindi bale na sa kritikal naman yung pasyente diba?" paninigurado niya.

"Oo. Sinukuan na to ng mga doctor wala na raw pag-asa kaya surebaks ako na papayag to sa offer natin!" nakangiting sabi ni Ton-ton.

"Tsk, mukhang tiba-tiba na naman tayo hay nako mag bibirthday na yung limang bata...hintayin niyo lang kami nila kuya bibigyan namin kayo ng magandang bday." ani ni Kuya Maki na tinutukoy ang mga batang kanilang sinusuportahan sa bahay ampunan.

"Oo nga kuya, di sana nila madanas yung sinapit natin. Tsaka si Kuya Raphael nakakaawa rin simula nang matagpuan natin na palutang-lutang sa ilog noong bata pa lang ako hanggang ngayon di pa rin bumabalik ang memorya, ang natatandaan lang niya bukod sa pangalan niya ay yung panggagamot. Sa tingin mo kuya doctor kaya talaga yan? Pero hindi eh, ang bata pa ng gunggong na yan eh" sambit ni Ton habang inaalala ang panahon na nakita niya sa Ilog Pasig ang katawan ni Raphael na palutang-lutang.

"Tsk. Kahit ano pang pinagdaanan ng mokong na yan. Ke mas masama pa yan sakin dati o kung ano, pamilya na natin si Raphael ngayon. Hindi ka ba natutuwa? dahil sakanya di na tayo nagnanakaw. Ngayon kasi gumagatas na lang tayo sa mga mayayaman na yan." paliwanag ni Kuya Maki.

"Ayoko na ngang balikan yung dati nating gawain. Atleast ngayon medyo marangal dahil sa pagdating niya, nagagamit natin yung kakayahan niya. Problema nga lang tol hindi man lang natin matulungan na mabalik yung memorya niya."

"Pero di ka ba nagtataka?" tanong ni kuya Maki. "Hindi ako naniniwala sa mga angel angel na yan o kung ano man pero minsan nakita ko siyang may pakpak. Hala gago! Guni-guni lang to." sambit niya sabay tapik sa mukha para malimutan ang sinabi.

"Kaka-inom mo yan kuya." ani ni Ton-ton

"Hmmm. Siguro nga" sa isip-isip ni Maki habang hinahanda ang mga gamit nila sa pag opera mamaya.

Lumipas ang tatlong oras ay nagising na si Raphael na humihikab. Dumiretso ito sa refrigerator para kumuha ng malamig na tubig at makakain. Pero wala siyang pagkain na natagpuan dahil puro beer ang laman ng ref.

"Woah. Kabibili lang natin ng mga pagkain ubos na agad? At puro beer pati ang laman ngayon." tanong nito habang kumakamot ng ulo.

"Oh" hinagis naman ni Ton-ton ang kanyang potato chips.

"Oy ayos to!" sinalo ni Raphael ang pagkain at saka umapir kay Ton-ton.

"Nakahanda na ba mga gamit mo kuya? Hinugasan mo na ba yan? Hindi ka pa yata nag sanitize tskkk." tanong niya dahil madalas ay tinatamad maglinis ito si Raphael.

Si Ton-ton kasi ang nagrereasearch minsan ng mga parte ng katawan kapag nakalilimutan ni Raphael. Siya ang nagmimistulang guide ni Raphael sa paggawa ng operasyon. Hindi nga niya alam kung bakit naging succesful ang pag opera niya sa isang tatay gayong ito ang unang pagkakataon na mag oopera siya nang walang tulong.

"Oh yung mga gamit niyo? Nakahanda na ba kayo? Ton? lagi ka nga palang ready." tanong ni Kuya Maki.

"Oo naman ako pa." habang bitbit ang isang laptop at kanilang mga earpiece sakanilang bag.

"Si Rap lang naman ang madalas makalimot ng mga gagamitin niya, ano Raphael?"

"Tsssss" at muli nakasuot na naman ng itim na mga damit at gamit si Raphael palabas ng kanilang bahay. Handa na sila ang The Healing Angel.