Chereads / The Healing Angel / Chapter 14 - ASAL O BUHAY?

Chapter 14 - ASAL O BUHAY?

Sakay ang kanilang toyota innova ay dahan-dahang tinatahak nila Raphael ang loob ng Binondo, Manila. Makipot at masikip ang mga daanan dito dulot nga ng mga negosyanteng nagtitinda at mga gusali na nagtataasan.

Masarap ang mga paninda rito lalo na sa kanto ng Ongpin na kilala sa kanilang mga chinese food. Naisipan nilang bumaba at magpahinga habang nagpapalipas ng oras. Maaga kasi sila palagi dahil kahit kailan hindi nagpapahuli si Kuya Maki kapag pera ang usapan.

Sa isang restaurant ay bumalandra sakanila ang nag-uumapaw na mga pagkain. Hindi tuloy mapigilan ng kanilang leader na maglaway.

"Puta! Gusto ko yon lauriat!" ani ni Kuya Maki na sumisilip pa sa ibang menu kung meron bang beer. Hindi nga niya alam ang ibig sabihin ng lauriat, basta maganda pakinggan okay sakanya.

"Wala bang beer dito?" tanong ni Raphael na isa ring sugapa sa alak. Ni hindi nga siya tumingin sa menu at pagkain. "Order mo na lang ako kung ano ang sayo Ton." sambit nito habang sinisindihan ang sigarilyo na kanyang hawak-hawak.

"Hoy! Simula nang matuto kang manigarilyo mas malakas ka pa sakin ah." sabi ni Kuya Maki kay Raphael na binubuga na ang usok sakanyang gawi. Hindi naman niya tinuruan manigarilyo ang binata, o baka naman nakikita lang siya.

"Hmm. Wala ka ng pake don. Ikaw nga tong ginagawang umagahan, tanghalian ang alak at yosi." paliwanag niya.

"Nako! Nako! Ang sakit talaga ng ulo ko sayo! Magtino ka mamaya sa mission natin ha." sabay duro sa noo

"Tsk."

"Kuya Maki, yung pambayad natin ?" tanong ni Ton na umorder ng tatlong lauriat na binulungan naman agad ni Maki.

"Ano ka ba naman! Sayang naman yung card na ginawa mo, yung black card, basta yung hinahack mo, ayun ayun na lang!" bulong nito pero tumanggi agad si Ton sa balak ng kanyang kuya.

"Hindi ko pa natatry yon kung gumagana!"

"Oh edi chance mo na ngayon para gamitin!"

Nanginginig na iniabot ni Ton-ton ang black card na kanyang ginawa. Ang black card na ito ay nakakonekta sa bank account ng mga corrupt na politiko.

"Sir wait lang po." sambit ng cashier habang pinagmamasdan ang card. "Sir, sorry ibang card yata to, hindi kami tumatanggap-"

Inagaw ni Raphael ang card galing sa babae at ikinaskas ito. Wala na ring nagawa ang cashier dahil nagulat siya sa ginawa nito. Isa pa, sa gandang lalaki nito ay mukhang hindi niya pagdududahan.

"Oh gumana?" gulat na sabi ng cashier habang nakatingin sa kanyang amo.

"Oke, basta nakabayad oke yan" naka-thumbs up ito.

"Okay Sir pawait na lang po ng order niyo. Pasensya na kayo!" namumula ito habang nakayuko sa harapan ni Raphael

Umupo na ang tatlo at nakatingin sila kay Raphael na pagkatapos ng nangyari ay hindi manlang umiimik.

"Iba talaga pag pogi no?" tanong ni Maki kay Ton.

"Oo, lakas makaloko ni Raphael."

"Ts. Wala yon. May tiwala naman ako sa gawa mo." nakangiti niyang sabi habang pinaglalaruan sa kamay ang black card na inaagaw ni Kuya Maki.

"Aabusuhin mo lang to wag na lang." masungit na sabi ni Raphael.

Sa hindi kalayuan ay may lalaking puro tattoo sa katawan. Malaki ang katawan nito at may bitbit na baril.

"Na saan ang doctor?" tanong ng lalaki.

"W-wait, grupo kami ha, ako nga pala ang leader ng The Healing Angel, Maki" banggit nito habang tinititigan siya ng pagdududa ng lalaki.

"Hindi ikaw ang kailangan ko." nakita niya si Raphael at itinuro ito. "Ikaw ba ang doctor? sumunod ka sakin." utos nito

"Kasama ko tong dalawa." sagot niya habang hinihithit ang sigarilyo sabay tapon sa may basurahan.

"Pero ikaw lang ang pinapapunta ng boss." paliwanag ng lalaki.

"Maghanap na lang kayo ng ibang doctor." aniya.

Bitbit ang kanyang mga gamit ay akmang lalabas na siya ng restaurant nang biglang tumawag ang amo ng lalaki.

"Hello boss, papuntahin ko na ba?" tanong nito.

"Oo, napakabobo mo talaga! gusto mo ba akong mamatay! papuntahin yan kahit may kasama!" gigil na gigil ang boses ng Drug Lord.

"Sabi sayo eh." bulong ni Raphael sa guard na kung di lang dahil sakanilang boss ay nabugbog na niya itong tatlong mokong.

Sakay ang puting van ay sinundan nila ang guard patungo sa kanilang destinasyon, ang malaking mansion ng isa sa kilalang Drug Lord sa Manila. Napakalaki ng bahay na ito at pinalilibutan ng mga tao sa paligid na may mga bitbit ng iba't-ibang uri ng baril.

"Putangin*!, hindi tayo pwedeng gumawa ng kalokohan dito mukhang tatanggap ka muna ng maraming bala bago makalabas." sambit ni Kuya Maki habang pinapasok ang security gate.

"Ikaw lang naman ang manloloko, damay mo pa kami." ani ni Raphael habang nakataas ang paa sa may upuan na akala mo ay isang boss.

"Aba naman, sige boss tatanggapin ko yan ayusin mo lang trabaho mo at mukhang kukubra tayo ng malaki-laki dito."

"Oo naman basta wag ka lang maingay ha? Maalat ka eh."

"Tama na yan andito na tayo mga kuya." pigil ni Ton-ton dahil sa wakas ay nakapasok na ang kanilang kotse sa loob ng mansion.

Pumasok sila sa pinto na parang kasing laki ng mga nakikita nila sa simbahan. Pagbukas ng mansion ay bumungad na naman ang sangdamukal na mga armadong lalaki sa lobby. Nakatayo lang ang mga ito at hindi gumagalaw.

"Gago hindi gumagalaw, patawanin mo kaya?" utos ni Ton-ton sa kanyang Kuya Maki.

"Ulol! Gusto mong mapulbos tayo dito?"

Sumakay sila sa may elevator at umakyat sa 5th floor, ang pinakahuling palapag. Pagbukas nito ay tumambad sakanila ang lalaki na mga nasa edad 30 nakahiga ito sakanyang kama habang hinihitit ang kanyang tobacco sabay ubo.

"Pambihira mamamatay talaga to ng maaga." bulong ni Kuya Maki kay Raphael na agad naman niyang sinenyasan na tumahimik. Ang masama pa ay narinig yata ito ng Drug Lord.

"May problema ka ba sa paghitit ko ng tabako?" tanong ng Drug Lord kay Maki na biglang naging pipi dahil sa kaba. Mabuti na lang sinalo siya ni Raphael.

"Ako may problema ko sayo, na sa baga ang sakit mo tapos ang kapal pa ng mukha mo na humitit niyan!" sigaw ni Raphael na agad napansin na habang humihithit ito ay kumakapit ito sa kanyang bibig na parang may iniinda.

"Maganda tono ng pananalita mo bata, di ko inexpect na sa ganyang edad ikaw na pala ang sinasabi nilang doctor, san mo natutunan yan? pero yung asal wala ka no?" ani ng Drug Lord.

"Tatanong ko lang naman kung mas mahalaga ba tong asal ko kesa diyan sa buhay mo?" tanong ni Raphael dahil nakatutok sakanila ang baril ng mga tauhan nito. "Well kung ayaw mo naman, madali akong kausap." palabas na sana siya ng pinto nang biglang

Bang!

Pumutok ang baril ng Drug Lord direkta sakanya.