Spell BORED. Siyempre B-O-R-E-D, sinong tanga ang mag i-spell ng A-K-O? Sobrang boring naman talaga. Lalo na kung may isang teacher na salita ng salita sa unahan at walang pakielam na inaantok na ang estudyante niya. I'm not kidding. 1/4 ng students dito sa room, nakatungo na. Sino bang hindi aantukin na ang nile-lecture ay tapos na namin i-discuss last week pa? Naka-maternal leave kasi ang teacher namin sa Filipino subject at etong teacher sa unahan ang substitute. Nagtanong pa siya sa amin kanina kung ano na ang next topic namin. E di sinagot namin na El Filibusterismo. Nagulat pa siya at sabi niya yung last discussion muna daw ang ituturo niya. Kabwisit, ha. Ano bang akala niya sa amin, slow learner? Star section kami o mas magandang tawagin na section A tapos gagawin niya kaming tanga? Sinong niloloko niya? Iritang irita na ako sa kinauupuan ko dahil kahit hindi niya i-discuss ulit, mape-perfect ko pa ang quiz o exam na ibibigay niya. Sinipa ko ang upuan ng nasa harapan ko. Hindi man lumingon. Mas nilakasan ko ang pagsipa kaya napalingon na din.
"A-ano i-iyon, M-ms. Alyssa?"pabulong na tanong niya.
"Hoy, nerd. Maki-ride ka na lang sa gagawin ko kundi malilintikan ka"pabulong na sabi ko at pinanlakihan ko ng mata. Oo, si Nerd na inaaway kanina ni Ugly. Hindi naman talaga siya nakaupo sa unahan ko kaso hinila ko para madaling mautusan.
"H-ha?"
Di ko na lang siya pinansin at ginawa ko na ang plano ko. Naghikab ako at tumayo with matching wide arms open. "Grabeng nakakaantok. Mas nakakaantok pa sa mga classical music."
"May problema ba, Ms. Santibanez?"tanong agad ng Filipino substitute teacher. Impressive. Matandain siya sa pangalan.
"Ma'am, nakakaantok kayo magturo pati ang mukha ninyo. Mukhang nalipasan ng panahon."kaswal na sagot ko at nakita kong nainsulto siya. Parang hindi niya alam ang sasabihin niya kaya sumigaw na lang siya ng..
"Ms. Santibanez, go to the DETENTION ROOM!"
Napa-smirk na lang ako dahil bago pa lang siya sisigawan niya ako para pumunta ng detention room. Matawa tawa na lang ako sa loob loob ko. Hindi yata nakinig ng rules and regulations sa school. Pathetic. Hindi pa ako lalabas ng room dahil hindi pa tapos ang palabas ko.
"Nerd! Di ba nakakaantok naman talaga?"sabi ko habang nakatingin kay nerd na nakatalikod sa akin. Parang nanigas lang siya sa kinauupuan niya. Aba, ipapahamak pa yata ako ng isang ito. Sinipa ko ng malakas ang upuan niya kaya muntik na siyang mapasubsob at napilitan siyang tumayo.
"O-opo!"malakas na sagot niya. Here I am, smiling ear-to-ear. Ang mga kaklase ko naman na nakatungo kanina, mga napaangat ng ulo at sumagot ang ilan. Pati na din ang girlfriends ko except kay Carlence.
"Ma'am, nakakaantok nga. Alam na namin iyan."
"Ma'am, tignan ninyo si Carlence, napunta na sa wonderland ang panaginip"sabi ng isa at tinuro pa si Carlence. May ilang natawa pa.
Kung kanina, nakahanap pa ng sasabihin si substitute teacher, ngayon speechless na talaga siya. Pagkaisahan ba naman ng isang klase. Umalis siyang umiiyak na walang goodbye o bye class. Nag shrug ako. Wala, e. Hindi lahat ng nasa section A, masunurin. Basta pag plano ko, walang hindi umaayon. Isang Alyssa Aria Santibanez, hindi susundin? I can make their life like hell.
-
"Alia, kawawa naman si Ma'am substitute teacher."sabi ni Kriszha.
"Oo nga, nagtuturo naman siya ng ayos."sabi naman ni Ranne na naka-pout pa.
"Sinundan ninyo sana."sabi ko at inirapan sila. Nandito kami sa cafeteria at ang buong section A. Napaaga tuloy kami ng recess. After kasi ng Filipino subject namin, 2-hours recess na. Mga star section every year level ang may 2-hours recess. Ang section B at C, 1 hour lang. May special treatment kasi ang star section.
"Mali pa din iyon, Alia. Teacher pa din siya at ikaw pa nakaisip ng 'No to Bullying' na rule pero teacher ang binabangga mo."pangangaral naman ni Shana.
"Pero naki-ride din naman kayo sa palabas ko."ginaya ko ang tono niya at napa-roll eyes na lang.
"She is tama. You make sabi na boring din si substitute teacher kanina."conyo na sabi ni Arlien.
Tinaasan ko siya ng kilay para sabihing nakakairita ang pagka conyo niya.
"I make alis na. Baka my boyfriend is looking for me na."sabi niya at iniwan kami.
"That girl's hobby.."nakatiim bagang na sabi ni Shana. Di ko alam pero may galit yata si Shana kay Arlien. Sabi kasi ni Shana, ayaw niya daw sa ugali at pagiging liberated ni Arlien. Arlien is no longer virgin kaya iba iba ang boyfriend.
"Hoy, Nerd!"baling ko na lang kay Nerd na tahimik na kumakain. Gagayahin niya pa yata si Carlence, hilahin ko dila niya e.
Tumingin naman siya sa akin na parang hinihintay ang sasabihin ko.
"Anong pangalan mo?"nakataas na kilay na tanong ko. Nakita kong parang hindi makapaniwala ang itsura ng girlfriends ko.
"Seryoso?"sabay sabay na sabi nila except kay Arlien na umalis at kay Carlence na no reaction.
"Magtatanong ba ako kung alam ko? Ang utak nasa ulo wala sa paa."sinamaan ko sila ng tingin.
"N-nerjine. Nerjine Velasco"kinakabahang sagot niya.
"Katunog din pala ng Nerd. Nerd pa rin itatawag ko sayo."balewala na sabi ko. Kumain na lang ako ng carbonara.
"Nerjine, ano bang nangyari at inaway ka kanina ni Claire?"narinig kong tanong ni Shana.
Naging interesado tuloy ako sa tanong ni Shana. Pag talaga si Ugly, mukhang gusto ko pang gumanti sa pangit na yun.
"Di ko naman siya binangga. Siya ang bumangga sa akin. Galit siya sa akin kasi akala niya inaagaw ko si Charles sa kanya."sagot ni Nerd.
Napataas ang kilay ko. Sinong Charles ang pumatol kay Ugly? Bibilhan ko ng makapal na grado ng salamin na iyon. O baka naman hindi malabo ang mata, baka bulag. Ipapa-laser ko ang mata nun.
"Sinong Charles? Si Charles Velasco?"tanong ni Kriszha. Tumango lang si Nerd.
"Hala. Boyfriend ni Ugly si Charles? Di ba patay na patay si Charles kay Alia?" Oa na sabi ni Ranne.
Seriously? Yung lalaking ilang beses kong binasted? Nang malaman kong may gusto sa akin iyon, nasabi ko na may taste sa babae ang isang iyon. Pero di ko akalain, bumaba na taste niya at pumatol kay Ugly. Kaparehas naming 4th year high school na pero nasa section B. Di naman siya bobo, may alam din pero kahit na. Gwapo daw dahil school hearthrob, leche sila. Malalabo ang mata.
"Magpinsan kayo?"si Shana ang nagtanong at tumango si Nerd.
Naalala ko na nasa bulsa ko pa pala yung ID ni Ugly kaya hinagis ko sa mesa namin.
"Shana, ikaw na bahala diyan sa ID ni Ugly. 1 week community service sa cr ng girls."nandidiring sabi ko. Si Shana kasi ang Vice President kaya siya gumagawa ng dapat ako ang gumagawa. Yun kasi ang usapan kaya napapayag nila akong maging President ng student council.
"Speaking of the devil..."sabi bigla ni Kriszha. Napatingin tuloy kami sa tinitignan niya. Kala ko pa naman si Ugly. Si Charles pala na palapit sa amin. Oh, baka aawayin ako dahil sa ginawa kong pagpapahiya sa pangit niyang girlfriend. Akalain ninyo yun, si Charles may lahing pedo, pumatol sa first year na si Ugly.
"HI Nerj!"nakangiting bati ni Charles kay Nerd. Ngumiti lang si Nerd. Ano 'yun, lumapit siya sa table namin para batiin lang si Nerd? Kapal ng mukha. Lumingon naman sa akin si Charles at parang biglang nahiya. Dapat lang mahiya siya dahil pagkatulad niyang unwanted person na lalapit sa akin, nagmumukha siyang hardinero ko.
"A-alyssa, pinapatawag ka ng guidance counselor."nakangiting sabi niya sa akin.
" 'Kay" Hindi umaalis si Charles at pinagmamasdan pa talaga ako. Nakakairita. Mukha ba akong specimen.
"Shoo! Pwede ka ng umalis."asar na sabi ko. Nakita ko na lang na napakamot siya sa batok niya. Paalis na siya ng bigla akong may naalala. May gusto pa rin sa akin ang lalaking ito? May girlfriend na nga. Sabagay di ko siya masisisi. Mukhang paa naman kasi si Ugly. Kaya tinawag ko ulit siya.
"Charles."malambing na tawag ko sa kanya at ngumiti ako ng pinaka sweetest fake smile ko pagharap niya. No wonder, may gusto pa talaga siya sa akin. Iba na talaga pag maganda.
Ngumiti siya na parang hinihintay ang sasabihin ko. "Can you go with me tomorrow? May bibilhin sana ako kaso wala akong kasama, mga busy ang girlfriends ko. Tutal saturday naman, are you free?"
Nakita kong nagulat siya dahil ako pa talaga nag aya. Alam ko namang di siya tatanggi.
"Yeah. Sure."
"Thank you."sagot ko ng nakangiti.
"Susunduin ba kita sa inyo?"
"No need. Magkita na lang tayo sa mall. 9 am sharp."
"Okay. "sabi niya at umalis siyang nakangiti. Napa-evil grins ako ng pasikreto. Tinignan ko si Nerd.
"Nerd, sabihin mo kay Ugly pag nakita mo siya na pinapasabi ni Charles na may date sila bukas sa mall na magkikita na lang sila. Naintindihan mo?"takot na napatango na lang siya.
"Ano na naman ang pina-plano mo, Alia?"Shana.
"Hmm. Nothing. Makikipag date lang ako kay Charles."ngiting ngiti na sagot ko. Wala naman kasi akong pinaplano dahil come what may ang mangyayari bukas. Ini-imagine ko pa lang, mukhang masaya. Bitchfriend ko na agad si Ugly pag nagkataon.
"Sa ngiti pa lang ni Alia, kinakabahan na ako. Scary"si Kriszha na kinakabahan na.
"Kung ako si Ugly, magtatago na ako."naka-pout na sabi ni Ranne. Hay bwisit, napakaisip bata.
Tumayo na ako para pumunta sa guidance office. "Una na ako. Huwag na ninyo ako intayin"sabi ko at umalis na. Malamang kaya ako pinatawag ni Tita dahil sa nangyari sa substitute teacher na iyon.
-
Hindi na ako kumatok at pumasok na lang sa loob ng guidance office.
"I miss you, Tita Ayca!"bati ko kay Tita na busy sa harap ng laptop niya at niyakap ko siya.
"Magtigil ka, Alyssa Aria. Kakakita mo pa lang sa akin kahapon."sabi niya sa akin at tumingin. Kung di ko lang siya Tita talaga, maiirapan ko talaga siya. Pero favorite ako niyang pamangkin, kaya nga nagagawa ko ang gusto ko. Bukod sa siya ang may ari nitong Red Academy, siya rin ang guidance counselor. Sabi ng iba, nakakatakot daw si Tita kaya di mo gugustuhing mapunta sa guidance office.
"Nagsumbong na po ba yung substitute teacher?"tanong ko agad dahil alam kong iyon ang dahilan kaya niya ako pinatawag. Walang paligoy ligoy pa.
"Yes at ang mother ni Maria Claire, nagrereklamo dahil sa nangyari sa anak niya. Bakit ko daw hinahayaan na may bullying na nagaganap."
Nanulok ang taas ng labi ko. Ang lakas magboyfriend ni Ugly, isip bata pa pala. Sumbungera.
"Napanood mo na po ba sa cctv ang ginawang pag bully niya sa isang Nerd na kaklase ko?"tanong ko sa kanya. Aba, ayaw kong maging dehado. Di ko binully si Ugly dahil ginusto ko kundi dahil yun sa offense na ginawa niya.
"Of course and I send the copy of that footage video to her mother"napangiti ako sa sinabi ni Tita. Tita is really the best.
"How about kay substitute teacher? Ano pong sinumbong niya?"
"Nilait lait mo daw siya sa harapan ng kaklase mo."
Isa pang bwisit iyon. Nilait lait, meaning nilait ko siya ng paulit ulit? Ang kapal ng mukha. Isang beses ko lang siyang nilait at ang mga kaklase ko na ang nagtuloy.
"Ganun ba siya ka boring magturo?"tanong ni Tita at tumingin na sa akin.
"Yes she is. Nagtuturo siya ng naituro na sa amin. Imagine that, Tita. Di naman po kami slow learner para ulitin pa ang na-discuss sa amin. Ewan ko nga, bakit ninyo siya tinanggap dito sa school. Gusto dito ng students ng hindi tinuturo ng teachers ang buhay nila at hindi yung boring katulad ng substitute teacher na iyon."reklamo ko kay Tita. I know she will do something para mapalitan na ang substitute teacher na yun.
Nakita kong parang nag iisip si Tita. "Barahin mo na lang siya ng barahin para maisipan niyang mag resign. Di ko kasi siya basta pwedeng ipatalsik agad. Magiging unreasonable pag tinanggal ko siya."
Tumango tango na lang ako. "Anything else, Tita?"tanong ko baka may sasabihin pa siya.
"Wala na. You may go."tumayo na agad ako at lumabas ng guidance office. Sabi sa inyo. Ako ang batas. Ang reyna.